Subscribe:

Pages

sunset

Monday, June 6, 2011

Boys Dating Girls Chapter 18: Sid's Concern

Chapter 18: Sid's Concern


Pumasok na kami ng music studio at namangha ako dahil sa nakita ko. Iba't-ibang klaseng electric guitars lang naman ang nakita ko. Grabe, di ko afford ang mga to. Nakakasilaw masyado ang mga presyo.

Iilan lamang dito ang nakilala ko. Isang Fender Stratocaster, Gibson Explorer, Dean ML at Gibson Flying V.

Medyo type ko yung Gibson Flying V, hindi lang dahil sa hugis nito kundi dahil kadalasan ko itong nakikita sa mga live concerts ng mga rock bands. Kaya yun yung kinuha ko at sinaksak sa amplifier.

"Akala ko ba ikaw ang rhythm guitarist namin?" tanong ni Chester.
"Sinong nagsabing hindi?" tanong ko.
"Mali kasi yung guitar na napili mo." sagot ni Chester at binigay niya sa akin yung Gibson explorer.

Okey alam ko na ngayon kung anong pinagkaiba ng lead at rhythm guitar. Pasensya na kung medyo wala akong alam sa mundo.

Ilang sandali ang nakalipas, natapos na rin kami sa aming practice. Aaminin ko, medyo nabitin ako sa practice namin kasi medyo sumisimplang pa yung boses ko. Di ko maabot masyado yung tamang nota. Alam niyo namang hindi ako nabiyayaan ng golden voice.

"Bukas may practice ulit tayo. The same venue at the same time." sabi ni Chester.
"Ano nga palang masasabi mo sa performance namin?" tanong ni Michael.
"Yung drums ni Jonathan, sobrang okey para sa akin. Yung sayo naman, medyo okey na rin. Ewan ko lang kay Sid." sabi ni Chester.

Tiningnan ko si Jonathan at todo ngiti ang loko. Feeling ko tuloy magiging sagabal ako sa kanila. Sana naman, paggising ko bukas biglang mag-iba yung boses ko.

"Nandito na 'ko." sabi ko pagpasok ko ng bahay.

Dumiretso na ako ng kuwarto ko dahil feeling ko'y may mahalaga akong pupuntahan mamaya.

Naalala ko naman yung cute na invitation card na nakahimlay sa drawer ng study table ko.

Ayon sa invitation card, 5PM pa magsisimula ang birthday party. Teka, anong oras na ba ngayon? Tiningnan ko ang wall clock at nagulat ako dahil 4:30 PM na pala.

Nagdouble time na ako kasi alam kong malayo pa ang bahay nina Grace mula dito sa amin. How I wish na may sports car kami para ilang sigundo lang biyahe.

Nagbihis na agad ako, kung anong damit nalang ang hinablot ko, tutal wala naman akong pupormahan dun.

Nilapitan ko si Papa na nasa sala. Mukha yatang kailangan ko siyang isturbohin.

"Pa, pwede ko ba magamit ang kotse?" tanong ko with matching puppy face.
"Saan ka ba pupunta?" tanong ni Papa sabay buga ng usok.
"Invited kasi ako sa birthday party ng classmate ko." sagot ko.
"Malayo ba yun?" tanong ni Papa.
"Malapit lang naman po." sagot ko.
"Eh malapit lang naman pala eh." sabi ni Papa.
"Pa naman. Ayokong magcommute, malalate ako kapag ganon." sabi ko.
"Sige, ipapahiram ko sayo yung kotse basta mag-ingat ka." sabi ni Papa.
"Salamat pa. Saan nga pala yung susi?" tanong ko.
"Kunin mo lang sa drawer ng table ko." sagot ni Papa.

At gaya ng sinabi niya, kinuha ko nga yung susi ng kotse sa drawer ng table niya.

Nakarating na rin ako sa wakas sa bahay nina Grace. Inakala ko tuloy na nasa London ako ngayon, sobrang laki kasi ng bahay nila. Aakalain mo sa una na palasyo ito ni Queen Elizabeth.

Pinarada ko ang kotse sa harap ng bahay at bumaba na ako. Sinalubong naman ako ni Michael. Kung di lang sana nakaformal dress 'tong mokong na 'to ay kanina ko pa siya napagkamalang security guard.

"Uy, rich kid. Nagsama pa ng kotse." sabi ni Michael.
"Hindi naman sa akin yan. Sa Papa ko yan." sabi ko.

Napansin kong mukhang bihis na bihis ang loko. Malamang, birthday kasi ni Grace.

"At kailan ka pa natutong pumorma?" tanong ko kay Michael sabay tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa.
"Siyempre, alam mo na." sabi ni Michael.

Pumasok na kami ni Michael sa loob. Una kong nakita ang malawak nilang swimming pool.
Grabe, ang sarap magnight swimming kaso wala akong dalang extra na mga damit.

Nakita kong medyo marami na rin ang mga taong nandito ngayon. Halos may nakaupo na sa bawat table. Isa rin sa mga napansin ko ngayon ay kadalasan sa mga nandito ngayon ay kaedad lang namin.

Nakatawag pansin din sa akin yung reggae band na tumutugtog sa may entablado. Favorite ko din kasi ang mga reggae songs, beside sa mga rock songs.

Meron ding ibat-ibang kulay na mga ilaw na hindi mapakali at galaw ng galaw. Mukhang masyado ko na yatang naemphasize sa inyo ang itsura ng party.

Pinuntahan naman namin ni Michael ang table kung saan nakaupo sina Diane, Daisy at Elaine? Marahil invited din siguro siya.

Napansin kong may mga bakanteng upuan pa sa table na 'to. Wala pa sina Jonathan, Chester at Jennie. Samantalang busy naman sa pag-eentertain ng mga bisita si Grace.

"Hi, girls." sabi ko at kumaway naman sila.

Umupo ako sa tabi ni Elaine. Napansin ko kasi na lalo siyang gumanda ngayon. Hindi ko alam pero feeling ko napakaganda niya ngayon. Iba kasi ang itsura niya kapag school days.

But don't get me wrong, hanggang dun lang yun. No more no less. It doesn't mean na may gusto na ako sa kanya.

"You look beautiful tonight." bulong ko kay Elaine at parang nakiliti siya dun.
"Ikaw rin naman." sabi niya at nanlaki ang mga mata ko.
"Me!? beautiful!?" tanong ko at natawa siya sa naging itsura ko.
"No, I mean you look handsome tonight." sabi niya habang tumatawa.

Akala ko mga lalaki lang ang mahilig mambola. Pero anong malay natin, baka nagsasabi nga ng totoo yung mga mata niya.

"Hey, what's your business all about?" epal ni Daisy habang umiinom ng drinks.
"Ah, serious matters." sagot ko.

Kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig ko. Naalala ko kasi yung meeting noon sa Auditorium.

"Serious matters? You mean, you two are...?" sabi ni Daisy.
"No, it's not. What Sid means is that were talking about our studies." sabi ni Elaine.
"Oh c'mon. Nasa party tayo ngayon, we're not anymore in the school." sabi ni Daisy.
"Oo nga naman. Ba't di niyo nalang kaya aminin na kayo na. Kahit ideny niyo pa, mahahalata pa rin namin." sabi ni Michael at binatukan namin ni Elaine.
"Huh, look who's talking." sabi ni Elaine.

Ilang sandali ay dumating na rin ang mga tarantado kong kaibigan. Sino pa ba, e di sina Chester at Jonathan. Nakiupo na rin si Grace sa table namin at ngayo'y halos kumpleto na kami.

"Sorry kung nalate ako. Inutusan pa kasi ako ng kapatid ko na pakainin yung mga alaga naming baboy." palusot ni Jonathan.
"Inutusan din ako na magpalit ng diapers ng pamangkin ko." palusot ni Chester.

Di ko alam kung nagsasabi ba talaga sila ng totoo. Ang alam ko lang ay malikhain sila pagdating sa mga kasinungalingan at kalokohan.

"Alam mo Grace. Kakaiba ang concept ng birthday party mo. Bakit mo naman naisipan ang ganitong concept?" tanong ni Elaine.
"Si Ate ang nakaisip nito. Para daw hindi masyadong boring ang dating." sagot ni Grace.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan at kwentuhan, nang may biglang lumapit sa table namin na isang maganda at matangkad na babae na halos kamukha ni Grace, malamang kapatid niya.

"Hi guys. So, kayo pala yung mga kaibigan ni Grace. Nice to meet you all. I'm Charmaine pala, sister ni Grace. Enjoy niyo lang ang Party." sabi ni Charmaine tapos umalis na siya at lumipat naman ng ibang table.

"Magkapatid talaga kayo." sabi ni Michael.
"Halata naman." sabi ni Grace.
"What I mean is magkamukha talaga kayo at pareho kayong maganda. Pero mas maganda ka pa rin ng konti sa kanya." sabi ni Michael.
"Alam mo Grace. Binobola ka lang ni Michael. Kaya wag kang masyadong magpapaniwala diyan." sabi ni Jonathan.
"No. Totoo yung mga sinasabi ko. Wag niyo nalang pansinin yang si Jonathan nagpapaepal lang yan kay Diane." sabi ni Michael.
"Dais, totoo bang mas maganda si Grace kaysa sa Ate niya?" tanong ni Jonathan kay Daisy.
"Mas maganda yung Ate niya ng konti." sabi ni Daisy.
"Kitams, binobola ka lang niyan Grace." sabi ni Jonathan at nagtawanan ang lahat.

Malay ba natin kung nagsasabi ba talaga ng totoo si Daisy. O baka naman scripted lang naman yung sinabi niya.

"Where's Jennie nga pala?" tanong ni Elaine.

Pagkatapos ng tanong na iyon, nagkaroon ng malaking katahimikan sa table namin. Nagtaka naman ako kasi once in a blue lang nangyayari ang ganitong katahimikan.

"Bakit? May masama bang nangyari kay Jennie?" tanong ni Elaine.
"Wala naman. Pero as I remember, natext ko na siya kanina. Pero hindi naman siya nagrereply." sagot ni Grace.
"Tinawagan niyo na ba siya?" tanong ni Jonathan.
"Oo, kaso hindi naman niya sinasagot." sagot ni Grace.
"Can I fetch her in their house?" sabi ko at napatingin silang lahat sa akin.

Gulat na gulat talaga yung mga itsura nila, parang nakakita ng kabayong may apat na buntot.

"Ha? Pakiulit nga nung sinabi mo?" tanong ni Chester.
"At kailan ka pa naging concern kay Jennie?" tanong naman ni Michael.
"Oo nga naman. Akala ko ba magkaaway kayo nun?" tanong naman ni Chester.

Hay, ayan na naman kayo. Pinapares niyo na naman ako kay Jennie. Ewan ko nga sa inyo.

Ngayon ay nasa tapat na ako ng bahay nina Jennie. Bumaba na ako matapos kong iparada yung kotse. Ewan ko talaga kung bakit naisip kong sunduin siya. Feeling ko kasi responsibility ko na siya kapag nawawala siya.

Hay, buwisit. Di ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Bakit nga ba ako nag-aalala kay Jennie, e matanda na yun at may sarili nang pag-iisip.

Di ko alam, pero parang may unknown force na tumutulak sa akin na gawin ang lahat ng 'to.

Sumandal nalang ako sa bumper ng kotse habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Ang drama tuloy ng dating ko.

Pambihira, ano ba naman 'tong ginagawa ko? Hihintayin ko nalang ba dito sa labas si Jennie? Pano kung di lumabas yun? Ayoko namang gayahin si juan tamad na maghihintay nalang na mahulog yung bayabas.

Pipindutin ko na sana ang doorbell kaso nangibabaw yung takot ko. Pano na kaya kung parents niya yung magbukas ng gate? Anong sasabihin ko?

Ayan. Pipindutin ko na. Pero ano yun?

Napaatras ako nang konti nung nakita ko ang isang babaeng nakatalikod na nakaupo sa swing sa di kalayuan. Ito na ba ang sinasabi nilang multo? Wag naman sana.

Relax, Sid. Si Jennie lang yan. Teka, si Jennie? Bakit siya nandiyan? Malapitan nga.

Dahan-dahan akong umupo sa katabing swing nang hindi niya namamalayan.

"Ang baduy naman nitong drama mo." sabi ko at halos mapatalon siya sa gulat nang makita ako.
"Ay! Akala ko may multo." sabi niya at napabuntong hininga.

Pambihira, Ako? Multo? E, siya pa nga yung napagkamalan kong multo kanina.

"Bakit ka nandito?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.
"May kulang kasi sa party e. Kaya pinuntahan kita dito." sagot ko.

At sa wakas ay tiningnan na rin niya ako.

"Yun lang?" tanong niya.
"Ano nga pa bang iniexpect mo?" tanong ko.
"Akala ko kasi na naparito ka para guluhin ang buhay ko ngayon." sagot niya.

Ano namang mapapala ko pag ginulo ko ang buhay niya?

"Hindi ka ba natatakot na mag-isa dito?" tanong ko.
"Hindi naman. Saka lang ako natakot nung dumating ka." sagot niya.

Pambihira, kinilabutan tuloy ako dun sa sagot niya. Mukha ba akong nakakatakot?

"O, ano pang tinutunganga mo diyan, magbihis ka na?" utos ko.
"Pwede ba, wag mo nga akong utusan na parang alipin mo lang. At sinabi ko bang pumapayag na ako na sumama sayo?" tanong niya.
"Wala ka rin namang choice e. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa akin." sagot ko.
"Fine. For the sake of your concern." sabi niya at tumungo na sa kanilang bahay.
"Bilisan mo. Maghihintay lang ako dito sa labas." sabi ko.
"Wag mo nga akong madaliin. Can't you see na napilitan lang ako." sabi niya at nagroll eyes.

Sasama rin naman pala sa huli. Hay, Jennie. Kahit kailan pakipot ka talaga.

2 comments:

bloggingpuyat said...

napakalawak ng imagination mo at nakagawa ka ng novel. kudos :)

Unknown said...

Gawa gawa lang ba to? galing pag ka sulat parekoy.. Anyway, I would suggest, if mag post ka ulit try to cute it, sa posting my mga tools dun sa taas ng writing page- hanapin mo yung parang lagari na sign. Then tansyahin mo san mo gusto ang makita muna ng readers mo before clicking the continue reading.. Mas okay yun.. Di mag sawa ang readers mo.

Post a Comment