Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, May 31, 2011

Boys Dating Girls Chapter 17: I Punch The Pervert

Chapter 17: I Punch The Pervert


"Ano, may nahanap ka na bang vocalist?" tanong ko kay Chester.
"Actually, napag-isip-isip ko kanina na hindi na natin kailangang maghanap ng vocalist." sagot niya.
"Wag mong sabihing instrumental lang yung tutugtugin natin?" tanong ko.
"Hindi no. Bakit naman ako mag-iisip ng ganon?" sagot ni Chester.
"E kung ganon, sino nga ang vocalist natin?" tanong ko ulit.
"Ikaw." sagot ni Chester.

Nabigla ako dun sa sagot ni Chester. Vocalist? Ako? Ibig sabihin pagsasabayin ko ang pagtugtog ng rhythm guitar at vocals? Pambihira, ang hirap kaya nun. Sabihin niyo ngang kalokohan lang 'to.

"Ako? As in ako!?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Oo, ikaw. Bakit, ayaw mo?" tanong ni Jonathan.
"Magandang oppurtunity 'to, Sid. Maaari kang mapromote at kunin ng ibang banda bilang vocalist nila." sabi ni Michael.
"Tama si Michael. At hindi lang yun, dagdag pogi points na rin." sabi ni Chester sabay siko sa braso ko.

Dapat nga pala akong mag-ingat sa mga mabulaklak nilang dila. Wag basta-bastang maniwala sa pinagsasabi nila!

"I'm not after of promotion. I'm after of pogi points." sabi ko at nagtawanan kami.

At tuluyan na akong bumigay sa alok nila, tutal dagdag pogi points naman.

"Teka, ano nga palang nakain niyo at naisipan niyong gawin akong vocalist?" tanong ko.
"Tinatanong pa ba kung anong nakain namin? Pero sa totoo lang, kaya ka namin napili dahil kabisado mo kasi yung lyrics ng tutugtugin natin." sabi ni Chester.

Kabisado? Wala naman akong ibang kabisadong kanta maliban sa *ahem*? Ah so, yun pala ang tutugtugin namin.

"Nakaisip na ba kayo ng ipapangalan natin sa banda?" tanong ni Michael.
"Ano kaya kung Ganja?" sabi ni Jonathan at binatukan naming tatlo.
"Sira. Adik ka talaga. Baka pagkamalan nila tayong gumagamit nun." sabi ko kay Jonathan.
"Tama si Sid. Mas maganda siguro kung Lovethirst nalang." sabi ni Michael.
"Lovethirst, pangalan pa ba yun ng banda? Mas maganda pa ring pakinggan ang Devil Corpse." sabi ni Chester.

Lovethirst at Devil Corpse, parehong baduy. Pagtatawanan lang kami ng mga tao kapag ganon ang pangalan ng banda namin.

"Pambihira, wala ba kayong magandang maisip? Puro naman baduy yung sinasuggest niyo. Sigurado akong pagtatawan lang tayo ng mga tao dahil sa pangalan ng banda natin." sabi ko.
"Tingnan mo nga naman kung sino ang nagsasalita." sabi ni Jonathan.
"Ibahin niyo ko. Mas maganda 'tong naisip ko." sabi ko sabay cross arms.

Tumingin silang tatlo sa akin na mukhang naghihintay ng sagot, malamang interesado talaga sila sa naisip ko.

"Ano naman yung maganda mong naisip?" sabay nilang tinanong.
"I Punch The Pervert." sagot ko at nagtawanan sila.

As for now, pababayaan ko muna silang tumawa. Wala na akong pakialam kung mamatay pa sila diyan kakatawa.

"Akala ko kung ano na yung pinagmamayabang mo. Yun lang pala." sabi ni Michael na halos mabaliw na sa katatawa.
"Langya ka, Sid. Ang galing mong magjoke." sabi ni Jonathan na halos mamatay na sa katatawa.

Napakababaw naman ng pag-iisip nila. Di ba nila nagets yung naisip ko? Sabagay, mga retarded nga naman.

"Hep hep. Iiexplain ko lang kung bakit yun yung naisip ko." sabi ko at di pa rin sila tumigil sa katatawa.

Naubos na ang pasensya kaya ang ginawa ko'y inapakan ko yung mga paa nila. Napatalon naman sila ng di oras habang hawak-hawak ang kanilang paa at ngayon ako naman ang halos mabaliw sa katatawa.

Tumigil naman kami sa kalokohan namin at sinabihan ko silang makinig sa akin.

"Di ba sabi niyo tutugtog din sina Louie?" tanong ko.
"Oo. So, ano namang kinalaman ni Louie?" tanong ni Michael.
"Hindi niyo ba nagets?" tanong ko sa kanila.
"Any clue?" tanong ni Jonathan.
"Louie equals pervert. Remember?" sagot ko.
"Ah okey, nagets na namin!" sabi ni Chester.
"Ayos din ang trip mo ah." sabi ni Michael.

Pagkatapos ay naghigh-five kaming apat at nagtawanan. Hay, salamat sa Diyos at nagets na rin nila sa wakas.

Pagdating ko ng bahay, dumiretso agad ako sa kuwarto ko. Cellphone ang una kong nakita kaya yun ang una kong kinuha. Tiningnan ko ang phonebook at nagdial ng number. Guess who?

"Hi, Mae." sabi ko.
"Hello, Kurt." sagot ni Mae.
"How's the school?" tanong ko.
"May napakalaking revelation akong nalaman kanina." sagot niya.
"Sounds interesting. Ano naman yun?" tanong ko.
"I know who you really are!" sagot niya.

Nagulat ako dun sa sagot niya. I know who you really are? In tagalog, alam na niya kung sino talaga ako? Oh my.

"How did you know it?" tanong ko.
"Can't you answer that with yourself?" tanong niya.
"I don't know. Pano nga ba tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Sus, kunwari ka pa." sabi niya.
"Seriously, I don't know talaga." sabi ko.

Naguguluhan na talaga ako. Sa totoo lang, wala talaga akong kaalam-alam na nameet ko na siya o di kaya'y nakilala.

"Saan nga pala tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Actually, we were classmates." sagot niya.
"Classmates? Sorry, pero wala talaga akong maalala." sabi ko.
"You called me with my screen name. Remember?" tanong niya.
"Wala talaga akong maalala e." sagot ko.
"Naku, kunwari ka pa." sabi niya.
"If you really know me, what is my full name?" tanong ko.
"I'll keep that as a secret nalang. Tutal, hindi mo naman inaamin na nagkakilala na tayo." sagot niya.

I'm totally confused at tila mababaliw na ako dahil sa mga pinagsasabi ni Mae.

Biglang naputol ang linya at may nareceive akong text message na mukhang galing sa kanya.

From:
Mae
+639150688***

Of all the friends
I've ever met.
Your the one
I won't forget.
And if I die
before you do
I'll go to heaven
and wait for you.

Kinabukasan.

Naisipan naming tumambay muna sa may bench area. Malamig at tahimik kasi dito, may konting ingay pero hindi gaya ng sa classroom na halos makabasag eardrums na.

"San nga pala ang venue natin bukas?" tanong ni Michael kay Chester.
"May nahanap na akong music studio, malapit lang sa amin. Magkita nalang tayo sa may plaza." sagot ni Chester.
"Anong oras naman yan?" tanong ko.
"Siguro mga 1PM." sagot ni Chester.
"Pano kung may mahuli o di sumipot sa atin?" tanong ni Jonathan.
"E di, hindi natin isasali. Maghahanap tayo ng iba." sagot ni Chester.
"Usapan yan ha." sabi ni Michael.
"Sige ba." sabi ni Jonathan.

Kinalabit ko si Michael at nginuso yung grupo nina Grace na papalapit dito sa amin.

"Uy Michael, si Grace oh." sabi ni Jonathan sabay siko kay Michael.
"Uy Jonathan, si Diane oh." sabi ni Michael sabay siko ng mas malakas kay Jonathan.
"Tumigil na nga kayo. Pag di na talaga ako nakatiis sa inyo, uupakan ko na talaga kayo!" sabi ko.
"Sige nga." hamon sa akin ni Michael.
"Wag muna ngayon. Ayoko kasing mapahiya ka kay Grace." sabi ko.
"Ang sabihin mo hindi mo kaya." sabi ni Michael.

Next thing I know, nasa harapan na namin sina Grace.

"Hi, Guys." sabi ni Grace sabay wave sa amin.
"Hi, Grace." sabi ni Michael at ngumiti.
"Pwede ba kaming maupo?" tanong ni Diane.
"Abay sinong nagsabing hindi pwede? Uupukan ko pag may magsabi nun." sabi ni Jonathan.
"Hindi kayo pwedeng umupo!" sabi ko at tiningnan ako ng masama ni Jonathan.

Bigla niya akong binatukan ng wala sa oras. Pambihira, akala ko ba'y uupakan niya ako.

"Akala ko ba'y uupakan mo ko?" tanong ko sabay himas ng ulo.
"Ayoko kasing mapahiya ka kay Jennie." sagot niya.

At bigla silang nagtawanan, samantalang kami ni Jennie ay wala lang. Pambihira, may nakakatawa ba?

"Uy, Chester. Magsalita ka naman. Mapapanis yang laway mo." sabi ni Michael.
"By the way guys, invited nga pala kayo sa birthday ko this Saturday. Punta kayo ha." sabi ni Grace sabay bigay ng mga maliliit na invitation cards.
"Sure. Basta ikaw." sabi ni Michael.

Pasipsip din 'tong isang 'to. Maupakan nga mamaya nang matauhan sa mga pinagsasabi niya.

"Naku, baka bukas magulat nalang kami kasi magkaholding hands na kayo." sabi ni Daisy at tinukso namin sila.
"Malayong mangyari yan. Hindi naman marunong manligaw yang si Michael e." sabi ni Jonathan.
"Hindi rin naman ako kasing tanga mo na magtatago sa likod ng babae kapag may aso at magtatapon ng fishball sauce sa kanyang uniporme." sabi ni Michael.

Nanliit tuloy si Jonathan pagkatapos malantad ang naging palpak niyang date noon kay Diane.

"Naku ayos lang yan, Jonathan. Hindi naman yun big deal para kay Diane. Di ba Diane?" sabi ni Jennie sabay tap sa likod ni Jonathan.
"Hindi nga big deal para kay Diane. Pero kay Jonathan, big deal yun." at last nagsalita na rin si Chester.
"Pwede ba tigilan niyo na ako. Si Michael nalang ang pag-usapan niyo." sabi ni Jonathan at nagkunwaring umiiyak.

Hay, pambihira. Sana hindi nalang nila binuksan yung topic na yun. Kawawa tuloy si Jonathan.

"Siya nga pala Grace. Invited ba ang buong class sa birthday mo?" tanong ni Diane.

Mukhang iniiba yata niya ang usapan, for the sake of Jonathan. Aba, mukhang nagdududa na talaga ako sa kanila.

"Afford ko ba yun? Siyempre, mga friends ko lang ang invited." sagot ni Grace.
"Friends? You mean friend mo lang si Michael?" tanong ni Daisy.

Napansin kong kumunot ang noo ni Jennie sa tanong na yun. Mukhang nagdududa na talaga ako, ano ba talagang meron kina Jennie at Michael?

"As for now, friends lang kami." sagot ni Grace.
"I don't think so." sabi ni Diane.
"Bakit naman?" tanong ni Grace.
"As we can see, parang ---"

Ngunit hindi na natuloy niya yung sinasabi niya kasi biglang tinakpan ni Grace yung bibig ni Diane. Tiningnan ko si Michael at nakita ko sa mukha niya ang pagtataka.

"Uy Grace, share mo daw kay Michael yung secrets niyo ni Diane." sabi ni Chester at binatukan siya ni Michael.
"May sinabi ba akong ganon?" tanong ni Michael.
"Basta, don't forget tomorrow ha?" tanong ni Grace.
"Teka Grace, may inuman ba sa inyo bukas?" tanong ni Jonathan pagkatapos mahimasmasan.
"Merong ibat-ibang beverages and liquors sa bar namin." sagot ni Grace.
"Diane, tingnan mo. Maglalasing daw bukas si Jonathan, pigilan mo!" sabi ni Jennie habang sinisiko si Diane.
"Wag kang maniwala diyan kay Jennie, Diane." sabi ko at biglang lumanding ang kamay ni Jennie sa ulo ko.
"Kasali ka ba sa usapan namin?" tanong niya.
"Aba, kung umasta ka parang ikaw yung kinakausap ko." sabi ko sabay himas sa ulo ko.

Hindi na ako magtataka bukas kung ba't may malaking bukol ako sa ulo.

"Wag na kayong mag-away. Kayo lang din naman ang magkakatuluyan sa huli." epal ni Daisy.
"Look who's talking?" sabi ni Jennie sabay tingin ng masama kay Daisy.
"What I mean is wag na kayong mag-away para sa ikagaganda ng samahan natin." bawi ni Daisy with matching hand gestures.
"At kailan ka pa naging concern?" tanong ni Diane.
"Ngayon lang." sagot ni Daisy.

Mga pilosopo nga naman o. Bagay sa kanila ang course na law. At least man lang, mapakinabangan yung pagkapilosopo nila.

"Alam niyo, kanina ko pa gustong umalis. Tinitiis ko lang." sabi ni Jennie sabay roll ng kanyang eyes sakin.

Natawa nalang ako. Kakaiba pala ang feeling kapag ikaw lang mag-isa yung tumatawa at tinitingnan ka ng mga kasama mo.

"May sinabi ba kaming manatili ka pa dito. You're free to let go." sabi ko at ginaya ang pagroll eyes niya.

"Shsh." sabi ni Chester habang iniispread ang kanyang braso.

Tiningnan namin sina Michael at Grace na mukhang may sariling mundo na yata, abalang-abala sa isa't-asa at mukhang nagkakaigihan na yata.

"Alam mo, nakakatawa ka talaga." narinig naming sinabi ni Grace habang tumatawa at hinahampas ang braso ni Michael.

"Uuuuy." tukso namin sa kanila.

Ayan, naputol tuloy yung moment nila. Para tuloy kaming mga kontrabida. Bigla naman silang napatingin sa amin. Si Michael nama'y nagkibit-balikat lang.

0 comments:

Post a Comment