Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 11, 2011

Boys Dating Girls Chapter 6: Handkercheif

Chapter 6: Handkerchief


Nasa mall ako ngayon at namimili ng mga magagandang damit para sa gaganapin na Aquaintance Party mamaya, mga bandang 5PM.

Medyo natagalan kami sa pagpili kasi maraming magandang mapagpipilian. At si Jonathan nama'y panay ang tingin sa mga sapatos na nakadisplay sa may di kalayuan.

"Checkered? Luma na yan." sabi ni Jobert sa akin.
"Aba, may sinabi ba akong bibilhin ko 'to." sabi ko.
"Eto, try mo." sabi ni Anthony at binigay niya sa akin yung kulay pink na polo shirt.
"Ikaw Anthony ha, nakakahalata na talaga ako sayo. At dinadamay mo pa ako sa mga kabadingan mo." sabi ko.
"Ano ka ba, Sid? Hindi kabadingan ang tawag nito. Hindi mo ba alam na noon ang pink ay panlalaki at ang blue nama'y pambabae. Ngunit may isang babae noon na nagsuot ng kulay pink na damit at nagustuhan ito ng karamihan, hanggang sa naging pink na talaga ang kulay ng mga damit ng kababaihan at blue naman sa mga lalaki." sabi ni Anthony.

Ang haba ng explanation. Iisa lang naman pala ang gusto niyang iparating.

"Noon yun. Iba na ngayon." sabi ko.
"Kung 'di mo to kukunin, ako ang kukuha nito?." sabi ni Anthony.
"Edi sayo nayan. Kainin mo para hindi na yan makuha ng iba." sabi ko at kinagat naman ng gago yung damit.

Pambihira, pag sinabi ko bang kainin niya yung tae ni Jonathan ay susunod din kaya siya? Hinawakan ko naman ang dalawa niyang braso para pigilan. Baka maiskandalo pa kami dito.

"Saka mo na kainin yan kapag nabili mo na." sabi ko.

Umuwi na ako ng bahay pagkatapos kong mamili ng damit sa mall. Pagpasok ko ng gate, may nakita akong nakaparadang kotse sa harap ng bahay. Siguro, may bisita sa loob. Pumasok naman ako ng bahay.

"Nandito na ako." sabi ko.

Laking gulat ko nalang nang wala akong nakitang bisita sa loob. Tiningnan ko ang bawat sulok ng sala ngunit wala akong nakitang ibang tao. Napansin kong nakangiti sa akin si Papa at nagmano ako. Ano bang meron at bakit halos abot tenga na ang ngiti ni Papa.

Iniwan ko ang mga pinamili ko sa sofa at tumakbo patungong kusina, si Mama lang ang nakita ko at nagluluto siya ng ulam. Amoy na amoy ko ang adobo kaya biglang kumalam ang tiyan ko.

Tiningnan ko ang CR at wala akong nakitang tao. Tumakbo ako sa kwarto ni Ate Joyce at wala akong nakitang tao sa loob. Binuksan ko ang kanyang closet, cabinet, drawer at tiningnan na din ang ilalim ng kama ngunit wala akong nakitang tao.

Mistulang easter egg hunting ang ginagawa ko ngayon. Para nga akong baliw sa ginagawa ko ngayon.

Sunod na destination ko ay ang kuwarto ni Ate Nica, at nakita ko siyang natutulog sa kama niya. Nagtip-toe ako pagpasok ko. Ngayon ko na magagamit ang pagiging ninja ko. Tiningnan ko ang ilalim ng kama niya at ang closet niya at pambihira, wala akong nakitang ibang tao.

Nagulat nalang ako nung bigla siyang nagsalita habang nakapikit ang mata.

"Bakit ka nandito? Ano'ng kailangan mo? Lumabas ka nga." sabi niya at lumabas naman ako.

Akalain mo, may lahing ninja din pala 'tong Ate ko. Biruin mo, nakita niya pa rin akong pumasok ng kuwarto niya kahit natutulog siya. Naku, delikado 'to.

Palaisipan sa akin ngayon kung kanino yung sasakyang nakaparada sa harap ng bahay namin. Suko na'ko kaya pinuntahan ko si Papa sa sala.

"Pa, kanino ba yung kotse na nakaparada sa labas?" tanong ko at ngumiti lang si Papa.

Langya, hindi man lang ako sinagot. Kahit tango lang. Pambihira.

"Eh Pa, kailan ka pa pala naging car napper, akala ko ba---"
"Hahaha."

At nagawa pa akong tawanan. Di bale, malalaman ko rin kung kanino yung sasakyan pag kinulit ko pa 'to.

Pagsapit ng 5PM ay pumunta na ako ng SJU. Pagpasok ko, una kong nakita ang mga disco lights. Medyo konti pa ang mga tao sa loob.

Pambihira, akala ko ba'y magiging formal ang party na 'to, kaya nga nakaformal dress ako ngayon. Stripes na polo shirt plus jeans plus adidas na sapatos.

Ganito ba ang formal na party, ang ingay-ingay at halos kita na ang kaluluwa ng mga babaeng nandito ngayon dahil sa iksi ng mga suot nila.

At kahit saan ka mapalingon ay may makikita kang disco lights at disco balls, pati mga puno hindi pinalagpas. Labag na yata sa batas yan, pwede na yang isumbong sa DENR. Biro lang.

Hinanap ko sina Anthony ngunit hindi ko sila nakita, ni anino man lang nila. At pano ko naman makikita ang anino nila kung mismo sila ay hindi ko makita? Langya talaga, naisip ko tuloy na baka hindi sumipot yung mga hinayupak na yun.

Biglang huminto ang music at napatingin ako sa stage. Biglang bumukas ang mga lights na may iba't ibang kulay at itinutok sa stage. Nakita ko ang drumset at mga guitars. May lumabas namang limang lalaki mula sa backstage at kumaway-kaway.

Naghiyawan naman ang mga tao at napansin kong dumoble ang bilang ng mga nandito ngayon.

Teka, sino ba 'tong mga 'to na nakaharang sa harap ko. Di ko tuloy makita yung mga magpeperform. Malapitan nga.

"Ah, excuse--"

Bigla namang humarap yung tatlong lalaking nakatalikod. Laking gulat ko nalang dahil sina Anthony pala yun.

"Whoa! Sid, akala namin hindi ka na sumipot." sabi ni Jonathan.

At ako pa 'tong napagkamalan nilang hindi sumipot.

"Kanina ko pa nga kayo hinahanap eh. S'an ba kayo kanina?" sabi ko.
"Nasa cafeteria kami kanina. Di ba sabi mo don ang meet-up natin?" tanong ni Jonathan at napahawak ako sa noo ko.
"O, anong problema?" tanong ni Jobert.
"Guys, may short term memory gap na yata ako." sagot ko.
"Akala ko naman masakit ang ulo mo." sabi ni Jobert.

Ilang sandali ay nakita namin ang grupo nina Grace at may kasama silang isang unknown girl. Teka, nasan nga ba si Yna? Bakit di nila kasama?

"Uy si Diane oh. Jonathan, lapitan mo naman." sabi ni Anthony.
"Tss... ayoko nga. Baka mapahiya lang ulit ako." sabi ni Jonathan.

Hindi niyo pa nga pala natatanong kung ano ba talaga ang totoong nangyari noon kina Jonathan at Diane.

FLASHBACK

Nasa loob kami ng cafeteria. Kaming dalawa lang ni Jonathan ang nasa table kaya pagkakataon ko na upang tanungin siya tungkol sa kung anong nangyari sa kanila ni Diane.

"Ano ba talagang nangyari? Kayo na ba?" tanong ko kay Jonathan at bigla siyang napasimangot.
"Hindi nga eh. Napahiya nga ako." sagot niya at umusog ako ng konti papalapit sa kanya.
"Bakit?" pabulong kong tinanong sa kanya.
"Una, habang naglalakad kami sa daan ay may biglang tumahol na aso. Nabigla ako kaya napatago ako sa likod niya. Nakakahiya talaga, tapos..." sabi niya.
"Tapos ano?" tanong ko.
"Sumunod yung inalok ko siyang kumain ng kwek-kwek. Tinanong ko kung kumakain ba siya non, sabi niya ay hindi daw. Pinilit ko siya at bumili ako ng dalawa. Ngunit, habang naglalagay ako ng sauce ay biglang natapon yun sa uniform niya." sabi ni Jonathan at natawa nalang ako.

END OF FLASHBACK

Hanggang ngayon natatawa pa rin ako tuwing naaalala ko yung mga sinabi ni Jonathan, pero mas naaawa ako sa kanya.

Napahinto kami sa pag-uusap dahil sa narinig naming tumugtog na ang banda.

"You know you're everything to me and I could never see,
The two of us apart
And you know I give myself to you and no matter what you do,
I promise you my heart

I've built my world around you and I want you to know,
I need you like I've never needed anyone before"

Napalingon ako sa paligid ko at nakita kong wala na sina Anthony. S'an ba nagpupunta yung mga yun.

Hinanap ko sila at kung saan-saan na ako lumusot. Dumadami na kasi ang mga tao.

Ngunit sa kasamaang palad, may nabunggo akong isang babae.

"Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya." sabi ko.
"You again?" sabi niya habang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.

At dito ko naalala na siya pala yung babaeng nabangga ko noon at yung nagligtas sa akin mula sa napakalakas na ulan.

FLASHBACK

Nagmadali na ako kasi mukhang uulan yata, wala pa naman akong dalang payong. Dahil sa pagmamadali ko, muntikan ko nang mabangga yung magandang babaeng naglalakad.

Sa palagay ko, hindi yata matatawag na 'mutikan' yun, kasi nasagi ko 'yung balikat niya.

To make things worst, nahulog ang hawak niyang envelope. Pupulutin ko na nasa yung envelope ngunit tinapik niya ang kamay ko.

"No, thanks." sabi niya at pinulot mag-isa ang nahulog na envelope at mga pirasong papel.

Tulala lang ako habang tinitingnan siya na nagpupulot ng mga pirasong papel.

"Sorry miss, nagmamadali kasi ako e." sabi ko.
"Sa tingin mo, ikaw lang ang nagmamadali?" tanong niya at tinaasan niya ako ng kilay.
"E di sabihin nalang nating hindi ko sinasadya." sabi ko with hand gestures.
"Look, what you did to my envelope!" sabi niya at ipinakita sa akin ang envelope niyang may konting bahid ng putik.

Anak ng pusit? E sinliit lang naman pala ng limang piso yung nadumihan sa envelope niya.

"Sus, akala ko kung gano kalaki, e sinliit lang naman pala ng limang piso. Tsaka, envelope lang yan, hindi naman yan kasali sa requirements." sabi ko.

Bigla namang kumunot ang noo niya at nagbigay ng hindi kanais-nais na ekspresyon na lalong nagpaganda sa kanya.

"Sa tingin mo, ganon nalang yun?" tanong niya sabay taas ng kilay.

At para sa ikakapanatag ng loob niya, binigay ko nalang sa kanya ang envelope ko.

"Fine. Sayo na 'tong evelope ko."
sabi ko sabay bigay ng envelope ko sa kanya.

END OF FLASHBACK

O, ayan. Naalala niyo na?

"Second time mo na to, you better watch out pag nangyari pa 'to ulit." sabi niya at inirapan ako.
"Sorry na nga e." sabi ko.
"Sorry? Sa tingin mo ganon nalang yun?" tanong niya sabay taas ng kilay.

Inirapan niya ako tapos umalis na. Wow, ang ganda ng mood ah. Naiwan naman akong tulala na nakatayo.

"Teka, Miss." sabi ko pero nakalayo na siya.

Pinulot ko nalang yung panyo na naglaglag niya. Inamoy ko muna at saka nilagay sa bulsa ko. In fairness, mabango siya. Di bale, isusuli ko din naman sa kanya yun pag nakita ko siya ulit.

Tumugtog ng panibagong kanta ang banda na nasa stage at medyo napakanta ako kasi medyo pamilyar yung kanta.

"This is the last time,
That I'm ever gonna come here tonight,
This is the last time - I will fall,
Into a place that fails us all - inside,
And I can see the pain in you,
And I can see the love in you,
But fighting all the demons will take time,
It will take time.

The angels they burn inside for us
And are we ever,
Are we ever gonna learn to fly,
The devils they burn inside of us,
And are we ever gonna come back down,
Come around
I'm always gonna worry about the things that could make us cold."

Nagsimula ng umilaw yung mga disco lights, angkop naman siya sa kanta. Nakita ko namang may sumasayaw sa gitna kasama ang mga partners nila, at kung 'di sumasayaw ay nagyayakapan. Ang sweet naman, nakakainggit tingnan.

May nakita akong babaeng nakatalikod. Siya na yata yan, yung babaeng nabunggo ko kanina.

"Ah, miss yung panyo---"

Bigla namang humarap yung babaeng nakatalikod.

"O Sid, ikaw pala. Ano nga pala yung sinabi mo?" tanong ni Yna.
"Ah, hindi. Ah... itatanong ko lang sana kung how's the night?" tanong ko.
"Okey naman. I'm enjoying." sagot niya.

Enjoying? I don't think so.


Silence.



"Ah.." sabi ko.

"Hmmn?" tanong niya.



Silence.



"Ah.. Eh.." sabi ko.

"Hmmn?" tanong niya.


Silence.


"Yna. Can I dance with you?" tanong ko ng may pag-aalinlangan.
"Yes. Why not?" sagot niya at ngumiti siya sa akin.

Kinuha ko yung kamay niya bilang sign ng pagiging gentleman at pumunta na kami sa dancefloor.

Nakahawak siya sa balikat ko samantalang nakahawak naman ako sa bewang niya. Ano ba to? Mala-JS Prom na yata ang Aquaintance Party na 'to.

"You look beautiful tonight." sabi ko with matching smile. What a complement. Naks naman.

"Thank you." sabi niya.

I hope this dance will last forever. Ang ganda sa pakiramdam, hindi ko lubos maisip na nakasayaw ko ngayon si Yna. Parang panaginip lang.

"Ah, Yna." sabi ko.
"Hmmn?" tanong niya.
"Can you pinch my cheek?" tanong ko.
"Why?" tanong niya.
"Para malaman ko kung panaginip lang ba 'to o hindi." sagot ko.

Then she really pinched my left cheek at don ko nalaman na totoo pala ang lahat.

0 comments:

Post a Comment