Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 11, 2011

Boys Dating Girls Chapter 9: First Time

Chapter 9: First Time


Sabado na, hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko. Tutal wala naman akong magawa sa buhay ko ngayon, ay pupunta nalang ako ng SJU para magpa-enroll. Napansin ko namang nagbago na yung facade ng SJU. From color green, naging color blue.

"Good afternoon, Chief." bati ko sa security guard ng SJU.
"Good afternoon din. Magpapaenroll ka?" tanong ng security guard.
"Oho." sabi ko.

Papunta na sana ako ng Registrar's Office para isubmit ang mga requirements ko, ngunit napansin kong nawawala ang bolpen ko kaya kinapa ko ang bawat bulsa ng jeans ko.

Habang naglalakad ay kinakapa ko ang bawat bulsa ng jeans ko. Bigla akong napahinto dahil




May nabangga akong..




Isang babae.




Mukhang kilala ko kung sino ang babaeng 'to, tama siya yung nabangga ko noong Aquaintance Party at nalaglag pa nga niya yung panyo niya non. Hanggang ngayon, nasa akin pa rin yung panyong yun.

"Sorry, Miss" sabi ko na pilit kong tinatago yung mukha ko.

"You're annoying na! Nananadya ka na ba talaga? Pangatlong beses na 'to. I'm wondering if you're a stupid or you're just too clumsy." sabi niya.

Ang harsh naman niya. Pwede na sana yung 'clumsy' kaso parang hindi na yata appropriate yung word na 'stupid' para sa akin. At kung makapagsalita siya, parang napakalaki na ng kasalanan ko sa kanya. Kung kagalit niya yung kapitbahay niya kagabi, e wag niya sana ibunton sa akin ang galit niya.

Nakita kong may envelope at iba't-iba pang piraso ng papel na nasa ground. Pupulutin ko sana kaso...

Pak!

Tinapik niya ng napakalakas ang kamay ko, at kinuha niyang mag-isa ang mga nalaglag.

Sinubukan ko ulit na kunin ang mga papel pero...

Pak!

Tinapik niya ulit ng napakalakas ang kamay ko.

"I don't need your stupid help." sabi niya.

Pagkatapos niyang magpulot ay tumayo na siya, tumayo rin ako.

"Excuse me nga.." sabi niya sabay alis.

Muntikan pa nga niya akong mabangga sa balikat at buti nalang nakaiwas ako.

Ang lamig-lamig ng panahon, pero ang init-init ng ulo ng babaeng yun? Bakit kaya ganon yun? Halos mamula na nga yung kamay ko dahil sa tapik niya, biruin mo tapik lang yun ha. Baka nature na nga niya ang magsungit.

---

"Uy, palaka. Pasakay naman sa likod mo. Hindi kasi ako pwedeng lumusong sa ilog." sabi ng alakdan.
"Sige, basta wag mo akong tusukin ng buntot mo." sabi ni palaka.

Sumakay naman si alakdan sa likod ni palaka at nung nakarating na sila sa kabila ay biglang tinusok ni alakdan si palaka sa kanyang likod.

"Aray, di ba may pinag-usapan tayo?" tanong ni palaka.
"Oo, sorry. Nature na talaga namin yun." sagot ni alakdan.

---

Nakahiga lang ako sa kwarto ko ngayon habang nakalagay sa likod ng ulo ko yung dalawa kong kamay. Yung tipong parang may malalim na iniisip.

Bigla nalang may umilaw na light bulb sa ulo ko at agad kong kinuha ang cellphone ko. Mukhang alam niyo na yata kung anong gagawin ko?

Dinial ko yung number nung unidentified sender na nagtext sa 'kin ng dalawang beses na hindi man lang nagpapakilala.

"Hi." sabi ng babaeng nasa kabilang linya.

Naunahan pa niya akong magsalita. Parang expected na yata niya yung tawag na yun.

"Who's this?" tanong ko.
"Ah, is this Mark?" tanong ng nasa kabilang linya.

Pambihira, hindi man lang niya sinagot ang tanong ko.

"Sorry, but this is not Mark." sabi ko.

Sino naman kaya yung Mark na yun. So, ibig sabihin nagkamali lang pala siya ng pagsend ng mga messages niya. Siguro crush niya yung Mark na yun.

"Oh sorry, I thought that this is Mark. You can end up the line now." sabi niya.
"Wait, can I get to know you first before I'll end up this line?" lakas loob kong tinanong.
"Maybe we can get to know each other nalang in chat." sagot niya.
"It's up for you. Can I have now your E-mail or Chat ID?" tanong ko.
"Sure." sagot niya.

---

Metal Head Guy: Hi, guess who?
Sweet Mystery: Ikaw yung nakausap ko sa phone kanina? Tama ba?
Metal Head Guy: Yup, ako nga. What's your name nga pala?
Sweet Mystery: Mae nalang ang itawag mo sa 'kin.
Metal Head Guy: Real name mo ba yan?
Sweet Mystery: Just my screen name. Saka ko na sasabihin yung real name ko if we meet-up na.
Metal Head Guy: So, may balak ka palang makipagmeet-up?
Sweet Mystery: Just in case at kung neccesary na talaga. By the way, what's your name nga pala?
Metal Head Guy: Kurt.
Sweet Mystery: Real name mo ba yan?
Metal Head Guy: No. The same as yours.
Sweet Mystery: Ah, okey. Quits na tayo. Sorry nga pala sa mga wrong send messages ko.
Metal Head Guy: Okey lang, nakakainspire nga eh. Thanks a lot.
Sweet Mystery: Ah, akala ko nabother kita.
Metal Head Guy: Hindi naman. Can I ask a question?
Sweet Mystery: Sure.
Metal Head Guy: Who's Mark nga pala? Just being curious.
Sweet Mystery: He's my ex-boyfriend.
Metal Head Guy: Oh, sorry for that question.
Sweet Mystery: No, it's okey.
Metal Head Guy: Can I ask one more?
Sweet Mystery: Yeah, sure.
Metal Head Guy: When did you break-up?
Sweet Mystery: Last year.
Metal Head Guy: Does it hurt until now?
Sweet Mystery: A little bit.
Metal Head Guy: What was the reason nga pala why you break-up with Mark?
Sweet Mystery: Because of my cousin.
Metal Head Guy: Ah, sorry for being curious.
Sweet Mystery: No. There's nothing wrong with it. In fact, being curious is a great advantage, every scientists have it.
Metal Head Guy: Why do you say that it's a great advantage?
Sweet Mystery: Simply because curiousity is one of the attitudes of a scientist. I learn that in my first year.
Metal Head Guy: You mean that there is a possibility for me to become a scientist?
Sweet Mystery: Yes.
Metal Head Guy: Oh, that sounds funny. I don't have yet the other attitudes of a scientist.
Sweet Mystery: You have it already.
Metal Head Guy: I don't think so. By the way, what year are you?
Sweet Mystery: Third year, ikaw?
Metal Head Guy: Fourth year.
Sweet Mystery: Congrats, college ka na pala ngayong pasukan.
Metal Head Guy: No, I mean on going fourth year pa ako.
Sweet Mystery: Sinabi mo nalang sana na third year ka pa.
Metal Head Guy: I'm just looking forward kasi.
Sweet Mystery: It seems that you have a good self-esteem ha. You're always looking forward.
Metal Head Guy: Let's just say na inspired lang ako.
Sweet Mystery: Who inspires you naman?
Metal Head Guy: No, other than my family.
Sweet Mystery: But who inspires you most?
Metal Head Guy: Special someone yata.
Sweet Mystery: Sino naman yun? Girlfriend mo?
Metal Head Guy: No, I don't have a girlfriend yet. Ever since my first birthday.
Sweet Mystery: Or is it the girl whom you are courting?
Metal Head Guy: I don't have that, too.
Sweet Mystery: Baka naman natotorpe ka.
Metal Head Guy: Hindi naman. Actually, I'm not yet ready for a relationship.
Sweet Mystery: Is there any hindrance?
Metal Head Guy: Meron, pero mukhang maliit lang na bagay.
Sweet Mystery: Bakit di mo subukang manligaw?
Metal Head Guy: I don't think if she's the right girl.
Sweet Mystery: If you doubt her, try to ask yourself if she's the right one. Then, you can have your descision.
Metal Head Guy: Thanks.
Sweet Mystery: It seems that we've gone deeper in our conversation.
Metal Head Guy: Sinabi mo pa.
Sweet Mystery: Sige, out na muna ako.
Metal Head Guy: Thanks for the time. You've killed my boredom.
Sweet Mystery: You're welcome. Next time ulit. Bye.

---

Oops, nasobrahan yata ako ng tulog. Mukhang malalate na ako. First day of school pa naman sana. Hindi magandang simula 'to. Nasanay na kasi ako nung bakasyon na late na kung gumising.

Pambihira, wala pa naman sana akong record na tardiness sa school. Ever since kinder pa ako. Nagdouble time ako para kahit papano mapaaga ng konti.

At hindi man lang naging effective ang pagdodouble time ko kasi late pa rin ako.

Siyet naman. Dasal ko nalang, hindi si Ms. Rivera ang magiging guro namin. Mahilig kasing mangtrip yun ng mga late comers.

Nagdouble time ulit ako. Tinakbo ko ang napakahabang corridor. Ngunit may nakita akong babaeng naglalakad at muntikan ko na itong mabangga.

At imbes na mabangga ko siya, nadulas ako at natumba sa sahig ng corridor. Narinig ko namang tumawa yung babae. Buti nalang, kaming dalawa lang ang nandito.

Huwat? Anong ibig sabihin nito? Na kaming dalawa lang ang tanging nalate sa araw na 'to?

Inabot ng babae ang kamay niya at tinanggap ko naman ito. Nakatayo na ako ngunit muntikan na akong madulas ulit dahil sa namumukhaan ko yung babae.

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ako ng laway apat na beses dahil sa kilalang-kilala ko ang mukha niya.

"Akala ko babanggain mo naman ako ulit." sabi niya at ngumiti sa akin.

Saka ko lang napagtanto na napakaganda pala niya.

"Sinadya ko talaga yun, para lang hindi kita mabangga." sabi ko. Naks, cheesy.
"Mauna na ako. I don't have time na. Remember, we both have our class." sabi niya at naglakad na siya palayo.

Hinabol ko siya hanggang sa nagkasabay kami sa paglalakad.

"Hey. Mukhang good mood ka yata." sabi ko.
"Leave me alone, please. Lalo lang akong malalate pag kinausap pa kita." sabi niya.

Ang bilis naman yatang magbago ng mood niya.

"Sorry nga pala sa pagkakabangga ko sayo noon." sabi ko.
"The hell I care. Tumabi ka nga." sabi niya.
"Teka lang, 'wag kang magmadali. Look, we're already late, magdahan-dahan nalang tayo sa paglalakad." sabi ko.
"Alam mo ba? First time ko pang malate. Kaya wag mo nang palalain pa ang sitwasyon." sabi niya.
"Good to hear na first time mo pa palang malate kasi first time ko din 'to." sabi ko.
"So what?" sabi niya.
"Let's enjoy this." sabi ko at napataas ang kanyang kilay.
"What do you mean?" tanong niya.
"Tara sa cafeteria. Treat ko." sabi ko sabay hila sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya at tumungo kami sa cafeteria. Buti naman at kami lang ang nandoon.

"Ano na namang kalokohan to? Ni hindi pa nga kita kilala eh. Baka ano pang gawin mo sa 'kin." sabi niya.
"Don't worry. I'm harmless, kumbaga sa aso, ay tapos nang mainjectionan ng anti-rabies. Tsaka, wala pa naman akong record sa Dean of Discipline o di kaya'y sa NBI." sabi ko sabay kagat sa aking Roasted Beef Sandwich.


Silence.


"Hindi nga pala ako nakapag-almusal kanina. Nagmamadali kasi ako. At alam ko ring hindi ka pa nakakapag-almusal." sabi ko sabay inom ng aking Iced Tea.
"Sus. Nanghula ka pa." sabi niya.
"I know na kadalasan sa mga estudyanteng nalalate sa school ay hindi pa nakakapag-almusal." sabi ko.


Silence.


"Ako nga pala si Sid." sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya para makipagshake hands. Kay Michael ko 'to natutunan.

Ngunit hindi niya tinanggap kaya binawi ko nalang ang kamay ko.

"Jennie." sabi niya at bigla siyang tumayo.
"Wait. Saan ka pupunta?" tanong ko.
"I need to go. It's already nine in the morning." sagot niya at lumabas na ng cafeteria.

Tumayo naman ako upang habulin siya.

"Teka lang. Saan ka pupunta? Dito yung daan patungo sa room natin." sabi ko at napalingon naman siya sa akin.
"Natin?" tanong niya.
"Yes at ako na'ng bahala sa lahat. I have a very concrete reason why we're late." sagot ko.

And poof... Hindi ko akalain na si Ms. Rivera nga talaga ang maghahandle sa amin. Nakita namin siya sa loob ng classroom na nagdidiscuss. Napahinto siya sa pagdidiscuss dahil nakita niya kaming nakatayo sa may pintuan. Kumunot ang noo niya at biglang lumapit sa amin.

"Mr. de Guzman and Ms. Robles, why are you both late? My God, It's already nine in the morning, you are supposed to be here before eight." sabi ni Ms. Rivera.

Patay. Galit na siya.

0 comments:

Post a Comment