Subscribe:

Pages

sunset

Monday, May 16, 2011

Boys Dating Girls Chapter 12: In The Locker Room

Chapter 12: In The Locker Room


"Jennie, wait." halos pasigaw kong sinabi.

Lumingon naman siya sa akin na nakakunot ang noo. Ayan na naman siya, pabago-bago ng mood. Kanina, medyo okey pa yung mood niya kaso ngayon mukhang lumala na yata.

"Ano na naman ba!?" tanong niya.
"Totoo ba yung sinabi mo kanina na tayo na?" tanong ko.

Nakita kong gulat na gulat siya dahil sa tinanong ko sa kanya. Sino ba namang hindi magugulat dun?

Gusto ko nga sana siyang pagtawanan kaso baka lalo pa siyang magalit sa akin.

"Ha!? May sinabi ba akong ganon!? Ang kapal din ng mukha mo no!?" sabi niya.
"Relax. Patapusin mo muna ako." sabi ko at medyo kumalma naman siya.
"Ano yun!? Bilis. Nagmamadali ako ngayon." sabi niya.
"Totoo ba yung sinabi mo kanina na tayo na ang magkapartner sa physics?" tanong ko sabay ngisi.
"In your dreams. Wala akong balak na makipagpartner sa'yo, hindi lang sa physics, kundi sa lahat ng bagay." sagot niya.

Aray. Ang sakit naman niyang magsalita. Sagad sa buto talaga. Mas masakit pa yata yun sa mga batok niya sa akin.

"Pero, sinabi mo kanina na..." sabi ko.
"Wag ka ngang mangarap. Sinabi ko lang yun para maniwala si Elaine sa kasinungalingan mo." sabi niya.
"Pero wala pa akong partner..." sabi ko.
"Ano ba!? Tanggapin mo nalang kasi na wala talagang gustong makipagpartner sa'yo." sabi niya at napayuko ako ng ulo. Drama.

Biglang may umilaw na light bulb sa ulo ko. Ngumiti ako at tinaas kong muli ang ulo ko.

"Sorry, pero wala akong balak na tanggapin yun." sabi ko sabay ngiti na nakalabas ang mga ngipin.
"E di bahala ka sa buhay mo. The hell I care." sabi niya.
"E di pumunta ka sa impyerno." sabi ko.
"Mas mabuti nang sa impyerno kaysa sa langit na kasama ka naman." sabi niya sabay alis.

Naiwan nalang akong nakatayo dito sa may corridor na mistulang tagabantay ng monumento ni Rizal sa Luneta. Pambihira, saan na ako pupulot ngayon ng pwedeng makapartner sa pesteng physics na 'to? Teka, kailan pa nga ba naging insekto ang physics?

"Sid." sabi ng isang unknown male specie sa likod ko.

Paglingon ko'y nakita ko si Chester, isa sa mga classmates ko na buhay pa hanggang ngayon, Joke. Alam kong hindi magandang biro yun. Pero teka, ano naman kaya ang problema ng isang 'to?

"Bakit?" tanong ko.
"Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo ni Jennie." sagot ni Chester.

E, ano naman kung narinig niya? Alam ko naman na may dalawa siyang tenga, kaya hindi na niya dapat ipaalala pa sa akin na narinig niya ang pinag-usapan namin ni Jennie.

"Kung ayaw ni Jennie na makapartner ka sa Physics, pwedeng ako nalang ang maging partner mo kung okey lang sayo?" sabi ni Chester.

Ano 'to? Blessing in disguise? Hindi pa nga ako nakakapagdasal na sana'y makahanap na ako ng partner sa physics, tapos dumating na agad.

"Aba, siyempre okey lang." sabi ko.
"So, hahatiin nalang natin mamaya ang mga laboratory procedures." sabi niya.
"Sige, ikaw ang bahala." sabi ko.
"Pupunta ka din ba ng cafeteria?" tanong niya.
"Oo." sagot ko. Halata naman.
"Sabay na tayo." sabi niya at naglakad na kami.

Pagdating namin ng cafeteria, pumwesto kami agad sa favorite table namin.

"Chester, bakit di mo kasama sina Jerry?" tanong ni Michael.
"Paano ako sasama dun? E may mga ibang kasama na yun." sagot ni Chester.
"Ano ka ba naman, Michael. Para mo tuloy tinataboy si Chester." sabi ni Jonathan.
"Tinataboy na ba yun? Nagtatanong lang naman ako." sabi ni Michael.
"Tumahimik na nga kayo, baka magkasabunutan pa kayong dalawa diyan." sabi ko.
"Sid, saan na nga ba yung mga kasama mo dati? Sina Anthony at Jobert?" tanong ni Chester.
"Ah, yun ba? Inilibing ko na sila ng buhay kahapon. Hindi, joke lang. Si Anthony kasi kasama niya sina Steven at Louie. Si Jobert naman, hindi ko na alam kung saang lupalop ng Pilipinas yun nag-aaral ngayon." sagot ko.
"Ah, ganon ba." sabi niya.

Dismissal na sana, kaso bago pa ako makalabas ng classroom, bumulagta sa akin ang isang hindi kanais-nais na announcement na nakasulat in bold letters sa pisara namin.

"To all fourth year students, procede to the Auditorium right after the last period. We will have a meeting regarding serious matters. Thank you.
Noted by: Elaine Gonzales, SBO President."

Akala ko pa naman makakauwi ako ng maaga sa bahay ngayon. Marami nga talagang namamatay sa maling akala, pero heto ako buhay pa?

At gaya ng nakasaad sa announcement, pumunta akong mag-isa sa Auditorium. Nakucurious kasi ako don sa 'Serious Matters' na nakasaad sa announcement.

Nakita ko sa loob ang lahat ng mga fourth year students at akalain mo, may nireserve pa na upuan sina Michael para sa akin.

Nakita ko sa harapan si Elaine at may hawak-hawak na microphone.

"Ngayong malapit na ang Intramurals at Foundation Week. Kailangan nating pumili ng mga estudyante para maging kalahok sa mga gaganaping sports events." sabi niya.
"May plano na po ba kayo para sa booth natin?" tanong ni Lester.
"By section ang booth at hindi by year level, so kanya kanyang decide na yan ng every sections." sagot ni Elaine.

Natapos na rin ang pagpili sa mga estudyanteng magiging kalahok sa mga sports events sa Intramurals. Ngunit sa kasamaang palad, wala man lang nagtangkang magnominate sa akin.

"So, this will be our new set of Athletes. Wish them luck so that they can bring home the bacon." sabi ni Elaine.
"Ms. President, how about the Acquaintance Party? Do you have any plan?" tanong ni Lester.
"Oh, thanks for reminding me. By the way, we'll have a nomination for our Mr. and Ms. Campus Personality. This event is by year level so we'll have one representative from boys and one from girls. So, what we'll have first, the boys or the girls? " sabi ni Elaine.
"Ms. President, it's better to have boys first." sabi ni Jasmin.

At kahit maraming nagreact, napagdesisyunan ni Elaine na unahin ang boys.

Ngunit sa kasamaang palad, napabilang ako sa mga nominees. Malas talaga. O baka naman, naligaw lang ang pangalan ko sa mga nominees. Teka, may iba pa bang Sid Wilson de Guzman dito sa SJU? Ako lang naman diba?

"I object!" sigaw ko.

Mukhang hindi yata narinig ni Elaine yung sinigaw ko. At mukhang napahiya pa yata ako dahil sa ginawa ko. Naman o.

84 votes ang nakuha ni Louie. Grabe ah, pwede na siyang tumakbo bilang tanod sa kabilang baranggay.

Bigla nalang naghiyawan ang mga estudyante dito sa Auditorium. Nakakabasag eardrums. At dito ko lang nalaman na ako na pala ang binoboto ng mga tao dito. Langya.

83 votes ang nakuha ko. Pano nangyari yun? Ganon na ba talaga ako kasikat sa SJU ngayon. Note, fourth year students pa lang 'to.

Maraming nadismaya sa pagkatalo ko pero mas marami ang nagdiwang sa pagkahalal ni Louie bilang representative ng Mr. Campus Personality namin. Tuwang-tuwa din naman ako kasi hindi ako ang nanalo.

"Grabe, close na close ang botohan. Akalain mo, nakaswerte ang Louieng yun at nakalamang pa ng isa." sabi ni Chester.
"Sayang talaga. Tsk, tsk." sabi ni Jonathan.

"Nomination for Ms. Personality is now open. Oh, yes Loraine, do you have any nominee?" sabi ni Elaine.

"I nominate myself." lakas loob na sinabi ni Loraine.
"Owww..." kantyaw ng isang grupo ng kababaihan sa may likod namin.
"Shut up." sabi niya.

Kabilang din si Jennie sa mga naging nominees. Hindi na rin nakakapagtaka.

Nakakuha ng 78 votes si Loraine. Di ko akalain na makakakuha yun ng mataas na votes, siya kasi yung tinaguriang bad girl ng SJU, kasama ang mga alagad niya.

Samantalang nakakuha si Jennie ng 78 votes din. Pero teka, mukhang hindi pa yata ako nakakaboto.

"Any other votes for Jennie?" tanong ni Elaine.

Mistulang slow motion ang pagtaas ng aking kaliwang kamay. At ito ang naging hudyat ng pagkapanalo ni Jennie sa nomination.

Nakita ko si Loraine na nakatingin sa akin ng masama at parang handang lumunok ng tao. Kulang nalang lumabas ang mga usok sa ilong at tenga niya. At bigla nalang siyang tumayo.

"No!" sigaw niya at nagwalk-out.

Sinundan naman siya ng mga tapat niyang alagad.

Pagkatapos ng walk-out scene na iyon, pinagtinginan ako ng mga estudyanteng nandon. Nagkibit-balikat nalang ako. Ito na ang kinatatakutan ko.

"Lagot ka, Sid." sabi ni Michael.
"Anong lagot? E malay ko ba kung anong nangyari dun." sabi ko.
"Kahit anong gawin mo, ikaw pa rin ang may kasalanan kung ba't nagwalk-out yun." sabi ni Michael.
"Kasalanan ba ang bumoto?" tanong ko.
"Malay ko ba." sagot ni Michael.

At ako pa talaga ang may kasalanan. Kasalanan ba yung ginawa ko?

"So, we have now the representative for fourth year level for the Mr. and Ms. Campus Personality, Mr. Mark Louie Suarez and Ms. Jennie Robles." sabi ni Elaine at nagpalakpakan ang lahat.

Pagkatapos ng meeting, naglakad na ako patungo sa locker room para sana kunin ang physics book ko. Medyo madilim na at nagsiuwan na halos lahat ng mga estudyante sa SJU.

Nakita kong nakatayo sa harap ng locker room si Chester. Wala bang balak umuwi 'tong isang 'to?

"Chester, anong problema?" tanong ko.
"Balak ko sanang kunin yung physics book ko kaso lang nakalock yung locker room pero may narinig naman akong nag-uusap sa loob." sagot ni Chester.

Medyo kinilabutan ako don sa sinabi ni Chester. Hindi ako naniniwala sa mga multo pero kinatatakutan ko naman ito. Pambihira.

"Anong pinag-uusapan nila?" bulong ko kay Chester.
"Hindi ko alam. Subukan mong pakinggan." sagot niya.

Lakas loob akong naglakad papalapit sa pinto ng locker room at idinikit ko ang mga tenga ko dito.

"I will find a way para hindi makaattend ng Party si Jennie."

"Magagawa mo ba talaga yan?"

"Kilala mo naman ako diba? I'm the daughter of the powerful politician here in this city. So, what I want is what I get."

"At bakit ba talagang gusto mong sumali diyan sa Campus Personality na yan?"

"I'm not after of the competition. I'm after of Louie. I want Louie, therefore, I will find a way to get him and that is to eliminate Jennie in the Party."

"Kung yan ang plano mo, susuportahan ka nalang namin."

"Pero Loraine, hindi mo ba naiisip na baka malaman ng lahat na ikaw ang may kagagawan?"

At dito ko lang nalaman na sina Loraine pala ang nasa loob kasama ang kanyang mga alagad. Nakita ko si Chester sa tabi ko na nakikinig din.

"Huh, let's see lang kung malalaman pa nila to."

"Ano ba kasing gagawin mo?"

"Hindi ko na sasabihin sa inyo dahil malalaman niyo din 'to bukas."

Bigla akong kinalabit ni Chester dahilan ng pagkagulat ko.

"Tara na, Sid. Bukas nalang natin kunin yung physics book natin." bulong ni Chester.

Sabay na kaming umuwi ni Chester. Hindi ko kasi alam kung saang lupalop ng mundo nagpunta sina Michael at Jonathan, pero hinala ko'y nakauwi na sila.

"Anong balak mo bukas, Sid?" tanong ni Chester.
"Sasagutan lahat ng laboratory procedure sa physics." sagot ko.
"Sasagutan? Di ba Aquaintance Party na bukas? At tsaka hindi yun ang tinutukoy ko, yung kay Jennie." sabi ni Chester.
"Ah yun ba? I will find a way para mapigilan si Loraine." sabi ko.
"Is that a sign of concern?" tanong ni Chester.
"Sabihin nalang natin na concern in the competition, but not in Jennie. Kasi pag wala si Jennie, ibig sabihin wala tayong magiging representative for Ms. Personality." sagot ko.
"You're in denial." sabi ni Chester.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo." sabi ko.
"Ayusin mo kasi yung pagsisinungaling mo. Dapat kasi sinabi mo nalang na concern ka kay Jennie." sabi niya.

Pambihira, baka naman psychic school 'tong napasukan ko? Halos lahat nalang kasi ng mga kakilala ko dito ay parang may psychic ability. I don't know kung totoo o feeling ko lang.

0 comments:

Post a Comment