Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 11, 2011

Boys Dating Girls Chapter 8: Text Message

Chapter 8: Text Message


Balik na ulit tayo sa kasalukuyan. Nakahiga pa rin ako sa aking kama kaya naisipan kong bumaba at lumabas ng bahay. Kinuha ko ang medyo kinakalawang kong bisekleta na matagal ko nang hindi nagagamit.

Napadpad ako sa may park. Napahinto ako at dahan dahang itinumba ang bisekleta sa may damuhan.

Umupo ako habang pinagmamasdan ang napakagandang paglubog ng araw. Ngayon lang ulit ako nakakakita ng ganito sa buong buhay ko. Parang ang babaw naman yata ng kaligayahan ko ngayon.

Naalala ko tuloy si Yna at yung nangyari noong Intramurals namin. Parang hudyat na yata 'to ng pagtatapos ng lahat. Masakit talaga pag sinampal ka ng katotohanan. Dahil hindi mo talaga lubusang maisip na wala ka ng magagawa para mabago pa ito.

FLASHBACK

Wala akong sinalihang anumang Sports Events ngayong Intramurals. Wala kasi akong pinaprioritize na sport. Marunong naman akong magbasketball, pero hindi naman ako ganon kagaling para maging representative ng year level namin.

Lalo na sa football o di kaya'y baseball. Siguro pwede si Michael, pero ako? Hindi ako nababagay sa sport na yan. At kung chess naman ang pag-uusapan, may konting maibubuga rin naman ako kahit papano.

Siguro ang tanging maicocontribute ko lang ay ang pagchicheer sa mga athletes namin.

Sa unang araw ng Intramurals, nanguna ang Seniors at pumapangalawa kaming mga Juniors. Ngayon ay pangalawang araw na kaya dapat galingan pa namin ng husto, I mean galingan pa nila ng husto.

Pagkatapos kong manood ng laban sa tennis ng Sophomores versus Juniors ay umuwi na ako. Ang bilis ng oras at di ko namalayan na tanghali na pala.

Napahinto nalang ako nung nakita ko sina Louie at Yna na nasa harap ng simbahan. Ano naman bang ginagawa nila diyan? Wag mong sabihing, nag-away na naman sila?

Pinagmasdan ko sila habang nagtatago ako sa likod ng malaking puno ng Acacia. Dito ko ulit masusubukan ang galing ko bilang ninja ng St. John's University.

Medyo nairita ako sa pinaggagawa ni Louie kay Yna. Hawak-hawak niya ang magkabilang braso ni Yna. Hindi lang yun, sinisigawan din ni Louie si Yna na halos umulan na ng laway sa kalangitan.

Nakita ko nalang na nangingilid na yung luha ni Yna. Naawa tuloy ako sa kanya.

"Tama na, Louie. Nasasaktan na ako." narinig kong sinabi ni Yna.
"Wala na akong pakialam kung nasasaktan ka dahil mas lalo akong nasasaktan dahil hindi ka naniniwala sa akin." sigaw ni Louie. Makasarili.

Ang drama naman nila. Para tuloy akong nanonood ng telenobela sa TV tuwing gabi. Malay natin, baka madiscover sila at gawing artista ng ABS-CBN o GMA.

"Sinabing wala nga akong gusto don, can't you understand, Yna?" sigaw ulit ni Louie.

So, third party pala ang dahilan ng pag-aaway nila. Parang showbiz lang. Tsk. Wish ko lang magbreak sila pagkatapos nito.

"Louie, pakiusap tama na. Wala tayo sa lugar para mag-away." pakiusap ni Yna.
"Kung ganon, let's finish this in the locker room." sabi ni Louie at kinaladkad niya si Yna.

Anong ibig sabihin ni Louie? Tatapusin na niya ang relasyon nila o tatapusin na niya ang problema nila.

Bigla akong lumabas mula sa aking pinagtataguan at hinarang silang dalawa.

Tantananantantan.

Nagmistula tuloy akong baduy na superhero na kadalasang napapanood natin sa TV. Kulang nalang ay banggitin ko ang 'Ako ang superherong hindi di-numero, kundi di-letra, ang sagot sa inyong mga problema'.

Pero sa ganitong circumstances, hindi dapat ako nagbibiro. Let's be serious.

"At sino ka naman? Ang lakas din ng loob mo ha?" tanong ni Louie.
"Ako lang naman si Sid Wilson de Guzman." sagot ko, pagkatapos ay nagcross arms ako. Cool.
"Sid, nice meeting you, pero wala na kong panahon para diyan sa kalokohan mo." sabi niya at nilagpasan nila ako.

Pero bago pa man nila ako malagpasan ng tuluyan ay tinulak ko ng bahagya ang kaliwang balikat ni Louie.

Nakita kong nagpupumiglas si Yna, kaya hindi masyadong nakaporma ang loko.

"Ano bang problema mo ha?" tanong ni Louie na kunot na ang noo.
"Wala naman akong problema. Pero ikaw, may problema ka yata sa utak. Hindi mo ba naiisip na ang babae ay nirerespeto, hindi sinisigawan at kinakaladkad. Masyado ka pang immatured para pumasok sa mga ganitong bagay. Marami ka pang dapat matutunan. Sa totoo lang, di bagay sayo ang may kasa-kasamang girlfriend, mas bagay na kasama mo yung mga batang naglalaro sa play---" ngunit bago ko pa matapos ang litanya ko ay nasuntok na niya ako sa mukha.

"Louie, ano ka ba?" narinig kong sinigaw ni Yna habang nakaluhod ako sa lupa at hawak-hawak ang namamaga kong bibig.

Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko namalayan ang paparating na suntok ni Louie. Pana'y kasi ang pangaral ko sa kanya. Grabe, asintado talaga ang mukha ko dahilan ng pagdugo ng ilong at pamamaga ng labi ko.

Tumayo ako at pinunasan ang dugo sa ilong ko. Susuntukin ko na sana siya, kaso may biglang sinabi ang gago.

"Wala kang kinalaman dito dahil girlfriend ko siya. Naiintindihan mo ba?" sigaw ni Louie at tumalikod na sila.

Bago pa sila makalayo ng tuluyan ay narinig kong nagsalita si Yna.

"Sorry, Sid." sabi niya.

Ang tanga ko. Bakit ko ba hinayaang suntukin ako ng walang hiyang yun samantalang hindi man lang ako nakaganti. Pambihira, nadala lang talaga ako don sa huling sinabi ni Louie.

Hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko. Iniisip ko pa rin kasi kung paano naging sila? At bakit si Louie pa?

Bigla nalang dumating si Michael. Panira ng drama moment ko.

"Dude, tara na. Malay natin, mag break-up sila pagkatapos ng pag-uusap nila." sabi ni Michael.
"Nakita mo ba lahat?" tanong ko.
"Oo. Pero hinayaan lang kita sa gagawin mo sa kanila. Sino ba naman ako para pigilan ka sa mga gagawin at desisyon mo?" sabi ni Michael.
"Tama ka. Pero mas maganda pa rin kung nakisali ka na rin sa eksena para maging batman and robin ang dating." sabi ko at nagtawanan kami.
"Ang bilis mo ding makarecover no?" sabi ni Michael.
"Hindi naman. Chinicheer-up ko lang yung sarili ko." sabi ko.
"Tara na. Kailangan pang magamot yang sugat mo sa clinic." sabi ni Michael at bumalik na kami ng SJU.

Pagpasok namin, may announcement kaming narinig.

"To all Junior Baseball Players, please procede to the Baseball Field right now."

"Mukhang tama lang ang dating natin ah. Pano Sid, mauna na ko. Ikaw na ang bahala sa sarili mo, alam mo naman siguro kung nasaan ang clinic." sigaw si Michael habang papalayo.
"Sige, goodluck. Bring home the bacon." sigaw ko.

Pagpasok ko ng clinic, hindi ko nakita ang school nurse sa loob, at instead ang nakita ko ay si Elaine Gonzales, yung vice president ng Student Body Organization.

"Excuse me, nandito ba ang school nurse?" tanong ko.
"Nasa basketball court siya ngayon. May nainjured daw kasi don kaya napasugod siya. By the way, anong maitutulong ko?" sabi ni Elaine.
"Wala, napadaan lang naman ako." sabi ko.
"Wait, namamaga yung bibig mo? Napano ka?" tanong niya.
"Ah eto, na ano... ah wala to." sagot ko.
"Nakipagsuntukan ka no? Kanino?" tanong niya.
"Suntukan? Hindi no. Basta, na ano lang to." sagot ko.
"So, sino ang may gawa niyan?" tanong niya.
"Teka, ba't andami mong tanong. Pulis ka ba. Tsaka, sinabi ko bang nakipagsuntukan ako?" sabi ko.
"Pulis lang ba ang may karapatang magtanong? At tsaka may karapatan akong magtanong, kasi nga vice president ako ng Student Body Organization, remember?" sabi niya.
"Para ka kasing pulis kung makatanong." sabi ko.
"For your information, I'm a soon-to-be nurse and not a future police woman." sabi niya.
"I don't need your information." sabi ko.
"I'm just expanding your knowledge." sabi niya.
"Ayoko nang makipagkulitan pa sa'yo kaya gamutin mo na nga 'to." sabi ko.
"Akala ko ba napadaan ka lang dito?" tanong niya.
"Actually, ipapagamot ko talaga 'to." sagot ko.
"So, It's true na nakipagsuntukan ka. I can report you to the dean of descipline if neccesary. I know na nakipagsuntukan ka pero you're in denial." sabi niya.
"It's not anymore neccesary, so you can't report me at sinabing hindi ako nakipagsuntukan. Matatawag mo pa bang suntukan kapag ako lang ang nabugbog at hindi man lang ako nakaganti. Para sa kaalaman mo, matatawag mo 'tong suntukan kapag there is the exchange of punches between the two rivals. Akala ko pa naman matalino ka." sabi ko.
"So be it. Panalo ka na." sabi niya habang kinukuha ang first aid kit.

Ginamot niya naman yung medyo nasugat na nasa may labi ko.

"Aray, dahan-dahan naman. Nalalasahan ko na yung alcohol." sabi ko.
"Sorry." sabi niya.

Pagkatapos ay nilagyan niya ng band-aid.

"Ayan, tapos na." sabi niya.
"Okey, salamat." sabi ko.
"By the way, ano nga palang lasa?" tanong niya.
"Ng ano?" tanong ko.
"Duh? E di ng alcohol?" sabi niya sabay tawa.
"Tss..." sabi ko bilang sagot at nahiga nalang ako sa bakanteng kama na nandoon.
"Sino nga pala yung sumuntok sa 'yo?" tanong niya.
"Secret, it's a big deal for me pag sinabi ko." sagot ko.
"Teka, bakit ka pa ba nandito?" tanong niya.
"Ano namang gagawin ko labas?" tanong ko.
"Bakit mo sinagot ng tanong ang tanong ko?" tanong niya.
"E, sinagot mo din naman ng tanong yung tanong na sinagot ko kanina sa tanong mo ah." sabi ko.
"Huwat?" tanong niya at nakita kong napataas siya ng kilay.
"Nevermind. Nakakaantok kang kausap." sabi ko.
"Lumabas ka nga dito, ayoko ng may kasama." sabi niya.
"Inaantok ako. Gusto kong matulog." sabi ko.
"At kailan pa naging tulugan ang clinic?" tanong niya at napabangon naman ako.
"At kailan pa hindi tinutulugan ang kama?" tanong ko.
"Ayan ka na naman. You're answering my question with another question." sabi niya.
"Pang counter-attack ko lang yun. Lugi kasi ako pag ako nalang palagi ang sumasagot sa walang humpay mong mga tanong." sabi ko.
"Sige ka, pag hindi ka pa lumabas dito, isusumbong na talaga kita sa dean of discipline." banta niya.
"I'm not scared. Kahit magsumbong ka pa sa principal o kaya sa presidente ng pilipinas." sabi ko.
"Sige, hahayaan muna kitang matulog diyan dahil pag gising mo nasa office ka na ng dean of discipline at maggo-goodbye ka na dito.." sabi niya.
"Whatever." sabi ko.

END OF FLASHBACK

Balik na ulit tayo sa kasalukuyan. Nasa park pa rin ako at napapansin kong mag-gagabi na. Wala na ang napakagandang paglubog ng araw.

Tatayo na sana ako kaso may biglang nagtext. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung sino ang nagtext.

From:
+639150688***

Why do we close our eyes
When we sleep,
When we dream,
When we kiss?
This is because
The most precious thing in the world is unseen.

Gud aftie!
Tpos n ang mgndang sunset...
^_^

Siya na naman? Pangalawang beses na niya na text 'to sa akin at hindi man lang nagpapakilala.

At may isa pang nagtext, binasa ko naman.

From:
Ate Nica
+6391688263***

Sid, umuwi ka na kundi lagot ka sa amin.

Hay, panira ng araw 'tong text ni Ate Nica. Makauwi na nga, nagugutom na kasi ako.

"Nandito na ako!" sabi ko.

Nakita ko silang lahat na nasa dining table na at mukhang ako nalang yung hinihintay nila.

Umupo na ako at sinimulan na ni Ate Joyce yung dasal.

"How's the date?" tanong ni Ate Joyce habang kumakain.
"Anong date?" tanong ko.
"Date with Yna." sagot niya at nanlaki ang mga mata ko.
"No. para sa kaalaman mo, wala akong dinidate ngayon. Nagpahangin lang ako kanina." sabi ko.
"Who's Yna? Yna Ocampo?" tanong ni Ate Nica. At isa pa 'to.
"Oo, di ba sister siya ng ex mo?" tanong ko.
"Yes. Bakit?" sabi ni Ate Nica.
"Pinapasabi pala niya na pagpasensyahan mo na daw yung Kuya niya." sabi ko.
"The hell I care." sabi niya.

0 comments:

Post a Comment