Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 11, 2011

Boys Dating Girls Chapter 1: Envelope

High School Arc

Chapter 1: Envelope


"Are you sure you want to enroll in this school?"
ang tanong ng Guidance Counselor sa akin.
"Yes, Ma'am." sagot ko.
"I guess so." sabi ng Guidance Counselor at tinanggal ang glasses niya.
"So, kung ganon, maaari mo nang puntahan ang registrar's office para isubmit ang mga requirements mo." sabi ng Guidance Counselor.
"Thank you, Ma'am." sabi ko.

At pagkatapos ng mala-job interview na dinaanan ko mula sa Guidance Counselor, bumaba na ako at agad pumunta ng Registrar's Office. Eto na naman ako, magsisimula na naman ulit, bakit ba kasi ako nagtransfer ng school?

"Form 137?" tanong ng Registrar.
"Heto po." sabi ko sabay bigay ng Form 137.
"Medical Certificate?" tanong ng Registrar.
"Heto po." sabi ko sabay bigay ng Medical Certificate.



...



...



...



Last requirements na sana...

"Dalawang one by one picture?" tanong ng registrar.
"Ah... teka lang po." sabi ko.

Hinalungkat ko naman ang laman ng brown envelope ko na halos mapunit na ito ngunit wala akong nakitang dalawang one by one id picture. Pambihira, saang lupalop ng Pilipinas ko ba yun nilagay? Nandito lang yun kahapon, marahil nahulog yun kanina habang naglalakad ako.

Natauhan naman ako nung makita ko ang naiinip na itsura ng registrar.

"Ah.. Mukhang naiwan po ko yata." sabi ko sabay ngisi.
"Okay, make sure you have that one mamaya ha?" tanong ng Registrar.
"Okey po." sagot ko at napabuntong-hininga naman ako.

Nakakapagod talaga. Kahit saang dako ng school na ako nagpupunta at pagdating ko ng Cashier's Office, nagtanong na agad ako.

"Magkano po ba ang enrollment fee?" tanong ko.
"Speak english." sabi ng cashier.

Ang arte naman. Para namang hindi pilipino. Mukha naman akong natauhan nang makita ko ang mga karatula na nakapaskil sa mga puno ng Acacia na may nakasulat na 'Speak English'.

Naks. Hindi pa nga ako certified student dito, pinag-eenglish na 'ko ng langyang cashier na 'to. Wala sa kultura ko ang magsalita ng English.

Teka, bakit parang big deal na sa 'kin 'to. Oh well, natauhan nalang ako nung nakita ko yung nanggagalaiting mukha ng Cashier dahil sa inip.

"Oh.. Sorry ma'am, I'm just wondering if how much is the enrollment fee." sabi ko nalang.
"The enrollment fee is absolutely P1,488 you can have a down payment if you want." sagot ng cashier.
"Okey, I'll go for down payment." sabi ko.
"So, how much is your down payment?" tanong ng cashier.
"P1000." sabi ko at kumuha naman ako ng isan-libo sa pitaka ko.

Ayon, namulubi na tuloy yung pitaka ko. Tanging pamasahe nalang ang natira.

Pagkatapos ng lahat, lumabas na ako ng St. John's University. Feel na feel ko ang kaginhawaan dahil sa wakas tapos na ang enrollment. Tumingala ako sa langit at nilanghap ang sariwang hangin habang nakawide open ang mga braso ko.

Eengk!

Ngunit napatigil ako dahil bigla kong naalala ang isang mahalagang bagay.

"What the?" sabi ko.

Nasira tuloy ang magandang moment ko. Oo nga pala, kailangan ko pang magsubmit ng one by one id picture. Pambihira naman.

Nagmadali na ako kasi mukhang uulan yata, wala pa naman akong dalang payong. Dahil sa pagmamadali ko, muntikan ko nang mabangga yung magandang babaeng nakasalubong ko.

Sa palagay ko, hindi yata matatawag na 'mutikan' yun, kasi nasagi ko 'yung balikat niya.

To make things worst, nahulog ang hawak niyang envelope. Pupulutin ko na nasa yung envelope ngunit tinapik niya ang kamay ko.

"No, thanks." sabi niya at pinulot mag-isa ang nahulog na envelope at mga pirasong papel.

Tulala lang ako habang tinitingnan siya na nagpupulot ng mga pirasong papel.

"Sorry miss, nagmamadali kasi ako e." sabi ko.
"Sa tingin mo, ikaw lang ang nagmamadali?" tanong niya at tinaasan niya ako ng kilay.
"E di sabihin nalang nating hindi ko sinasadya." sabi ko with hand gestures.
"Look, what you did to my envelope!" sabi niya at ipinakita sa akin ang envelope niyang may konting bahid ng putik.

Anak ng pusit? E sinliit lang naman pala ng limang piso yung nadumihan sa envelope niya.

"Sus, akala ko kung gano kalaki yung nadumihan, e sinliit lang naman pala ng limang piso. Tsaka, envelope lang yan, hindi naman yan kasali sa requirements." sabi ko sabay halakhak.

Bigla namang kumunot ang noo niya at nagbigay ng hindi kanais-nais na ekspresyon na lalong nagpaganda sa kanya.

"Sa tingin mo, ganon nalang yun?" tanong niya sabay taas ng kilay.

At para sa ikakapanatag ng loob niya, binigay ko nalang sa kanya ang envelope ko.

"Fine. Sayo na 'tong evelope ko."
sabi ko sabay bigay ng envelope ko sa kanya.

Tinaggap naman niya ng walang pag-aalinlangan at umalis na ng walang paalam. Teka, kailangan pa ba niyang magpaalam?

May biglang nag-appear na question mark sa mind screen ko. Nagtataka lang kasi ako, kung ano bang problema ng babaeng yun at bakit ba 'yun nagsusungit? Maiintindihan ko naman siguro kung may dalaw siya, marahil ganon nga. Hindi ko tuloy nagampanan ang papel ko bilang gentleman.

Nakafocus pa rin hanggang ngayon ang imagination ko sa babaeng iyon. Though she got all the qualities of a beautiful woman pero sa kabila nun ay meron naman siyang hindi kanais-nais na pag-uugali.

Sa wakas, tapos ko na ring masubmit yung one by one na id picture na nawala ko kanina at good to know na pauwi na ako.

Masaya kong tinahak ang daan patungo sa waiting shed, ngunit bigla nalang bumuhos ang napakalakas na ulan and to think na wala akong dalang payong.

Hindi nagtagal ay tuluyan na akong nabasa ng malakas na ulan. Giniginaw na ako at kailangan kong maghanap ng masisilungan.

Pambihira, pano ako makakauwi nito ngayon? Basang-basa na ako ng ulan.

Hindi ko alam kung sadyang malas ba talaga ako o parusa 'to ng Panginoon sa akin. Wala na 'kong naisip na ibang paraan kaya tinakbo ko nalang ang daan patungo sa waiting shed to think na masyadong malayo pa yun mula dito.

Napatigil ako dahil sa pagod. Hinahabol ko ngayon ang hininga ko habang nakayuko at hawak-hawak ang nangangatog kong mga tuhod. Hay, sana naman may dumating na blessing in disguise.

Nagulat nalang ako nang may marinig akong mga yapak sa ulan na nanggagaling sa likuran.

"Mukhang kailangan mo yata ng payong?" tanong ng isang babae na nasa likod ko.

Napalingon naman ako sa nagsasalita. Blessing in disguise? At laking gulat ko nalang na para bang nakakita ng baboy na nanganganak ng tuta kasi nakita ko lang naman yung babaeng nakabangga ko kanina.

At mas lalo kong ikinagulat nung magbigay siya ng isang ngiti sa akin, yung tipong mamamatay ka talaga.

"Ano namang silbi ng payong mo kung basa na rin lang naman ako?" tanong ko.
"Sa tingin mo hindi ka magkakasakit pag nanatili ka pa sa ulan?" tanong niya at inabot niya ang kamay niya sa akin.

Sabagay may point din naman siya pero is that a sign of concern? Baka naman nasapian lang siya ng mabait na espiritu o baka guni-guni ko lang 'to. Malay ko ba kung anong nangyari sa kanya. Kanina lang ang sungit-sungit niya, ibang-iba sa nakikita kong ugali niya ngayon.

Tinanggap ko naman ang kamay niya, ofcourse pano naman ako makakatanggi e giniginaw na ako. At hinatid naman niya ako sa waiting shed.

"Bakit mo nga pala ako tinulungan?" tanong ko.
"Hindi kita tinutulungan. Pinapakita ko lang sayo na I'm not that totally bad. Sige, mauna na 'ko." sabi niya at tuluyan na siyang umalis.

Ano daw? E kung hindi tulong yung tawag niya sa akin, e di ano? Naguguluhan na talaga ako.

Pagdating ko ng bahay, nagpunas na ako. Hindi pa rin naalis sa isipan ko yung nangyari kanina, nakalimutan ko nga palang itanong kung anong pangalan niya. Pambihira, sa danami-dami nga naman ng pagkakataon, nagawa ko pang makalimutan yun.

Mukhang may nakalimutan din yata ako. Oo nga pala, nakalimutan ko nga palang magpakilala. Akala ko kasi kilala niyo na ako :)

Ako nga pala si Sid Wilson de Guzman. Sid ang tawag sa akin ng dati kong mga kaibigan at kaklesa, bihira lang ang tumatawag sakin ng Wilson. Certified na sophomore student ng St. John's University.

I'm 15 years old. Oo, sophomore pa ako ngayong pasukan. Ang bata ko pa no, yet matured na kung mag-isip. This story will not only stick to my sophomore years, more chapters to come pa.

Nakatira kami dito sa Mandaluyong. Nasa middle-class ang pamumuhay namin, hindi ko masasabing mayaman kami o di kaya'y mahirap.

At siya nga pala, may dalawa akong nakakatandang kapatid. Ako lang ang lalaki at siyempre bunso. Medyo malayo ang age gap naming magkapatid, 15 years old ako, sila naman ay 22 at 25 years old. Can you see the difference? At dahil malayo ang agwat namin, siyempre may edad na sina Mama at Papa.

Nakita ko si Papa sa sala at si Mama kakapunta lang ng palengke kanina para bilhin ang mga sangkap para sa lulutuin niya ngayong gabi.

"Kamusta ang enrollment mo?" tanong ni Papa habang hawak-hawak ang isang tasa ng kape.
"Okey naman po, two weeks pa po ang aantayin ko bago magpasukan." sagot ko.
"Ano? Okey ba yung bagong school mo?" tanong ni Papa.
"Okey naman po, unlike sa dating school ko." sagot ko naman sabay diretso sa kwarto ko.

Bago pa ko makapasok nakita ko si Ate Nica na nakaupo sa sofa habang nakakatutok sa TV. Pinapanood kasi niya yung paborito niyang koreanovela tuwing hapon.

"O bakit ka nakatingin, balak mo ring manood?" tanong ng Ate ko.
At yun ang napakagandang bati niya sa akin, how sweet. Pambihira, gabing-gabi nagsusungit. Naiisip ko tuloy kung may masama ba akong nagawa sa kanya, araw-araw kasing nagsusungit e. At ano namang masama kung tumingin ako sa pinapanood niya?

"Wala no. Hindi naman ako nanonood ng mga exaggerated na palabas." sagot ko at binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa itaas ng study table at tiningnan kung may nagtext. At gaya ng inaasahan ko, may nagtext nga. Sino pa nga ba, e di yung mga makukulit kong mga kaklase sa dati kong school, nangungumusta at nagtatanong kung saan daw ako mag-aaral this year.

'SJU' lang yan ang nireply ko sa kanila, sa palagay ko'y maiintindihan naman nila yun, pwera nalang kung bobo talaga sila sa abbreviations.

Dahil sa wala akong magawa, hinanap ko ang iPod at siyempre ang amplifier ko. Ngunit amplifier lang nakita ko.

Nakagawian ko na kasing makinig ng mga maiingay na music tuwing gabi yung tipong mapapatakip ka talaga ng tenga dahil sa sabog na vocals, makapal na tunog ng rythm at bass guitar at mala-world war II na drums. At talagang inemphasize ko pa talaga.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Ate Joyce na nakaharap sa salamin, naglalagay ng whitening cream sa mukha.

"Ate, nakita mo yung iPod ko?" tanong ko.
"iPod mo? Nilagay ko lang diyan sa bintana ng kuwarto mo. Kung maghahanap ka kasi, 'wag mong gamitin ang bibig mo, gamitin mo mga mata mo." sagot niya.

Mataray din 'tong isang 'to, hindi ko alam kung saan nagmana ang mga kapatid ko. Hindi naman ganon si Mama.

Biglang nagbukas ang gate. Si Mama lang pala. Pinatay ko ang music at lumabas ako ng kwarto para pumunta ng kusina.

"Ma, tulungan na kita." sabi ko.
"Ah Sid, pakikuha naman nung mga seasonings sa cabinet." sabi niya sakin habang nilalabas ang mga pinamili niya.

Gaya ng inutos niya, kinuha ko naman at bumalik na sa kusina.

"Heto Ma." sabi ko sabay abot ng mga seasonings.

Tapos biglang lumapit si Ate Nica. Ano naman kaya ang balak ng isang 'to?

"Ah Ma, ano nga palang niluluto mo?" tanong niya.
"Yung paborito mong adobo." sagot ni Mama.
"Ma, sarapan mo ang pagluto ha at mag-ingat ka kay Sid baka lagyan niya ng lason yan." sabi ni Ate at tiningnan siya ng masama ni Mama.

Pambihira, inakusahan pa talaga ako na maglalagay ng lason.

"Sorry. Joke lang." bawi niya at tumakbo bigla sa kwarto niya.

Pagkatapos magluto ni Mama, kumain na kami. At si Ate Joyce ang nagyaya na maghugas ng mga plato. Akalain mo, marunong palang maghugas ng plato yun.

Naligo muna ako bago ako pumasok ng kuwarto at saka nagbihis.

Tiningnan ko ang wall clock, alas otso pa pala. Masyado pa yatang maaga para matulog. Bigla kong naalala yung wrist watch na natanggap ko noong nakaraang Christmas Party. Hindi ko pa nasusuot yun. Hindi ko naman kasi type ang magsuot ng relo. Kahit gaano pa yan kamahal at kahit gawa pa yan sa ginto.

Naniniwala kasing ako na walang exact na oras. That's my belief. Naalala ko kasi noon yung napagkasunduan namin na eksaktong 9PM dapat nasa meeting place na kami pero 11AM na dumating 'yung iba. Masyado naman yatang mababaw yung paniniwala ko.

Haaayy, humikab ako. Grabe, 'di ako makapaniwalang inantok na ko sa ganitong oras palang? Sabagay hindi ako nakatulog kanina kaya pinatay ko na ang ilaw at natulog na.

2 comments:

Klent said...

nc haha! :)) nakakatuwa ang story mo although hindi ko pa siya tapos basahin. :]

kilala mo ba ang authors na sina Bob Ong o Eros Atalia? baka makatulong sila sa paggawa mo ng mga stories m. Nonetheless, keep it up. ^^

Josh Sanz said...

oo, kilala ko cla pero hndi ako kasing galing nila.

Post a Comment