Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 11, 2011

Boys Dating Girls Chapter 7: New Enemy

Chapter 7: New Enemy


Malapit nang matapos ang bakasyon at pasukan na sa lunes. Sabado ngayon at wala akong magawa sa buhay ko. Nandito ako sa loob ng aking kwarto, nakahiga sa kama habang nagmumuni-muni. Kanina pa ako nag-iisip ng libangan ngunit hindi umiilaw yung light bulb sa ulo ko. Pundido siguro.

Sinubukan kong itext lahat ng pwedeng itext ko, pambihira wala man lang nagreply. Tinapon ko nalang sa basurahan yung cellphone ko. Kukunin ko rin naman yun mamaya.

Oo nga pala, hindi ko na naikwento sa inyo kung ano'ng nangyari noong junior years ko. Senior na kasi ako sa susunod na pasukan. Ongoing na fourth year student ng St. John's University.

Tutal, wala naman akong magawa sa buhay ngayon ay ikukwento ko nalang sa inyo ang nangyari noong first day of school ng junior years ko. Kaysa naman, magmukmok ako dito sa apat na sulok ng kwartong 'to, at di natin alam baka maya-maya'y makita niyo nalang akong nagpatiwakal na.

FLASHBACK

Nakasimangot akong pumasok ng classroom namin. Sino ba namang matutuwa kapag hindi mo na classmate 'yung mga kaibigan mong loko-loko at yung crush mo, na siyang inpirasyon mo tuwing pumapasok ka ng school.

May nakasulat sa blackboard na 'Welcome back to school, Juniors!' I don't think so na magiging welcome ako dito.

Nakakawalang gana naman yata. Napabuntong-hininga nalang ako habang binabasa ang mga nakapaskil na articles at jokes sa bulletin board ng classroom namin.

Hindi man lang ako natawa. I therefore conclude na mahirap talagang patawanin ang taong walang ganang pumasok ng school. Kahit papanoorin mo pa 'to ng mga pinakanakakatawang eksena sa palabas na Mr. Bean, ay hindi pa rin ito matatawa.

Pinuntahan ko si Anthony sa kabilang classroom. Buti pa ang loko, kaklase niya si Yna. Naiinggit tuloy ako sa kanya. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Langya talaga o. Bakit kaya di tayo magkaklase?" tanong ko.
"E bakit ako ang tinatanong mo? Yan din kasi ang tanong ko. Kung bakit di tayo magkaklase sa year na 'to." sabi ni Anthony.
"Pambihira, kawawa ka tuloy." sabi ko sabay ngisi.
"O, bakit ako pa ang naging kawawa. E mas kawawa ka kaya, wala ka man lang ni isang kakilala doon sa classroom niyo." sabi ni Anthony.
"Kawawa ka kasi, wala ka nang makokopyahan ng assignments simula ngayon. Di ba assignments lang ang habol mo sa akin? At yun din ang dahilan kung bakit nililibre mo 'ko noon tuwing break." sabi ko.
"Noon yun, pero iba na ngayon." sabi ni Anthony.
"Ano namang pinagkaiba, aber?" tanong ko.
"Kasi ngayon, may initiative na ako." sagot ni Anthony at pumalakpak ako.
"Kanino mo naman natutunan yung salitang initiative?" tanong ko.
"Aba, minamaliit mo yata ako ha. Gusto mong enumerate ko pa lahat ng natutunan ko last year." sabi ni Anthony.
"Sige nga, sabihin mo nga sa akin ang lahat ng natutunan mo last year." sabi ko.
"Wag na nga lang." sabi niya.
"O, bakit naman?" tanong ko.
"Naalala ko kasing hindi pala ako mayabang." sabi niya sabay ngiti.

Pambihira tong si Anthony o, kahit kailan wala talagang kwentang kausap.

"Siya nga pala, nasaan nga pala sina Jonathan at Jobert?" tanong ko.
"Ayon, nasa kabilang section. Magkasama ang dalawa." sagot ni Anthony.
"Nagkawatak-watak na nga talaga tayo." sabi ko.
"Sinabi mo pa." sabi ni Anthony.

"Hoy ikaw, diyan ka ba talaga nakaupo? Nandiyan kasi yung bag ko sa inuupan mo. Umalis ka nga uupo ako." sabi ng lalaking nakatayo sa likod ko.

Anak ng buwaya. Sino ba 'tong hinayupak na to? Ang yabang-yabang, kung umasta siya parang pagmamay-ari na niya yung buong school.

Sa una'y hindi muna ako tumayo. Gusto ko kasing asarin 'tong hinayupak na 'to.

"Hindi ka ba talaga aalis diyan?" tanong niya at bigla namang akong tumayo.

Tinulak ko naman yung upuan papalapit sa kanya.

"O ayan, sayo na 'yang upuan mo. Kainin mo ha. Siguraduhin mong walang kang ititira." sabi ko.

Muntik nang masunog ang buong classroom dahil sa naglalagablab na titigan naming dalawa. Pawang nanlilisik ang mga mata at bawat isa'y handang bumitaw ng isang suntok.

Napatingin nalang kami sa gurong nakatayo sa may pinto kaya natigil ang titigan namin. Makaalis na nga, ang sama-sama kasi ng ihip ng hangin dito sa loob ng classroom nina Anthony.





"Haaayyy."





"Haaayyy."





"Haaayyy."





Tatlong beses yata akong napahikab. Bored na bored na kasi ako. Sino ba namang hindi mabobored tuwing orientation. Idagdag mo pa ang gurong pabalik-balik sa kanyang mga binabanggit.

"Mr. de Guzman, are you listening? I think you're not." sabi ni Ms. Rivera.

Parang sinagot lang niya yung sarili niyang tanong.

"If you want to sleep, you are free to go outside. Don't dare to try my patience, or else we'll see each other at the discipline's office. Did you understand Mr. de Guzman." sabi ni Ms. Rivera.

"Yes, Ms. Rivera." sabi ko.

And poof, instant sikat na ako sa classroom namin. Maya-maya'y magiging issue na 'to sa diyaryo at aalokin ako ng The Buzz para sa isang interview. Magiging trending topic to sa Yahoo at iba pang social networking sites. Ayan, nagsisimula na naman akong maghallucinate. Lord, help me.

Break time...

Pupunta sana ako ng cafeteria, kasi namimiss ko na yung mga loko-loko kong kaibigan. Kaso may biglang tumawag sa akin.

"Hey, Sid."

Paglingon ko, si Michael lang pala. Yung lalaking expert sa Dragon at kung ano pang walang kwentang bagay, remember him?

"Ah, Michael ikaw pala. Bakit?" tanong ko.
"I just want to have a companion. Tara sa library?" alok niya.

Ano ba naman 'tong lalaking 'to. 'Di ba niya nakikitang papunta ako ng cafeteria?

"Ah, sige. Wala din naman kasi akong kasama." sagot ko.

Naku, mali yata yung nasabi ko. Sorry, pero di natin pwedeng bawiin. Pero teka, di ba sa cafeteria dapat ang destination ko? Pano na 'to?

"Friends?" tanong niya habang inaalok akong makipagshake hands sa kanya.
"Friends." sabi ko at tinanggap ko naman ang kamay niya.

At may nalalaman pa siyang pashakehands-shakehands bilang inauguration ng friendship namin. Naks naman.

"Teka, Michael. Ano pa bang alam mo tungkol sa Dragon?" tanong ko.
"Ang alam ko lang tungkol sa mga Dragons ay hindi sila totoo." sagot niya at nagulat ako.

Huwat? Parang bumaligtad yata ang mundo ko. Ang weird ng lalaking to.

"Yes, I mean what I say. Niloloko lang kita noon. Sa katunayan pa nga, bumilib ako sayo dahil hindi ka nagpapaniwala sa mga pinagsasabi ko." sabi ni Michael.
"Ah, so ibig mong sabihin ay Dragons don't really exist?" tanong ko.
"Yup." sagot niya.

Nung nasa may corridor na kami ng Computer Building, nakita ko sa bench area sina Anthony at Steven na kasama yung lalaking mayabang kanina na muntik ko nang makaengkwentro.


No.


Hindi.


At katabi pa nung mayabang na lalaki si Yna. Mukhang busy sila at tila may pinag-uusapan. Samantalang sina Steven at Anthony ay nakaharap sa ibang direksyon at may sariling business din.

Nakakainggit man ngunit tiniis ko nalang. Natauhan nalang ako nung biglang nagsalita si Michael.

"Type mo?" tanong ni Michael.
"Type ang saan?" tanong ko.
"Siyempre, si Yna. Alangan man na si Louie." sabi ni Michael.

So, Louie pala ang pangalan nung lalaking mayabang.

"Ako? May gusto kay Yna? Malabo yata." tanggi ko. In denial.
"E napansin ko kasing kanina mo pa tinititigan." sabi niya.
"Hindi. May bigla lang kasi akong naalala." tanggi ko ulit.
"Don't deny it, dude. Friends are sharing secrets, you know. So, tell me? May gusto ka ba sa kay Yna o wala?" tanong niya.

Nacorner na yata niya ako. Kumbaga sa boxing, kanina pa ako naknock-out. Okey, tutal wala na akong lusot, aaminin ko na sa kanya.

"Meron." sagot ko.
"Ayan, naman pala e. Don't worry I'll keep that secret. Tara na." sabi niya tapos inakbayan ako.

Pakiramdam ko, ibang iba si Michael sa lahat ng mga naging kaibigan ko. Hindi ko alam, kasi parang kabisado niya ako.

Sa loob ng library...

Nakita ko sina Grace at Daisy, na nag-usap sa isang table, remember them? O baka, need pa natin ng flashbacks? I think hindi na.

Lumapit ako sa kanila, bigla silang napahinto sa pag-uusap at napatingin sa akin. Si Michael nama'y tumungo sa may di kalayuang table. Ano'ng nangyari don? Aba, malay ko ba.

"Uy, classmate." sabi ni Daisy.
"Classmate? May classmate ba akong Daisy ang pangalan?" tanong ko.
"Oo, classmate tayo. Ano ba yan, di mo ba man lang ako nakita kanina?" tanong niya.
"Classmate? Ikaw? At? Ako? Tayo?" biro ko.
"Sinabi ngang oo eh. Hindi ka rin makulit no?" sabi niya at hinampas ang braso ko ng magazine.
"Hoy, Sid ikaw na ba yan?" tanong ni Grace habang titiningnan ang bawat sulok ng mukha ko.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko.
"Wala naman. Hindi lang kasi kita namukhaan." sagot ni Grace.
"Ah, akala ko sasabihin mo na gwapo ako." sabi ko.
"Ha? Langya. Hindi ka rin mayabang no?" sabi ni Grace.
"Mayabang kasi may maipagmamayabang naman." sabi ko at may biglang bumatok sa ulo ko.
"Sino yun?" tanong ko at natahimik sila.

Ngunit bigla nalang silang sumabog sa katatawa. Pambihira, pinagtawanan ba naman ako. Anong tingin nila sa akin, isang clown?

Biglang tumunog ang bell sa loob ng library, ibig sabihin nun ay 'Keep Silence'. Natuwa naman ako kasi naka-strike one ang dalawa.

Tumingin ako sa table kung saan nakaupo si Michael kanina, ngunit wala na siya don. May lahing ninja din pala yun. Natawa nalang ako sa sarili ko, dahil kung sino-sino nalang ang napapagkamalan kong may lahing ninja.

"Nga pala, bakit hindi niyo kasama sina Yna at Diane?" pabulong kong tinanong. Baka kasi magpagkamalan ng librarian na nag-iingay na naman kami.

"Bakit mo natanong? May gusto ka kay Yna no?" tanong ni Daisy.

Anak ng buwaya. Wala naman akong sinabi sa kanila na may gusto ako kay Yna. Bakit napunta kay Yna ang usapan. Nagtatanong lang naman ako.

"Wala lang." sagot ko.
"I don't think so na wala lang. Akala mo 'di namin napapansin ha? Kahit ganyan ka katahimik minsan sa classroom. We know that you like Yna. Isn't it?" sabi ni Grace.

Pati ba naman sila? Akala ko si Michael lang ang nakahalata non. Pambihira, ganon na ba talaga ako kahalata?

"At tsaka, remember the Aquaintance Party when we were sophomores?" sabi ni Daisy.
"Bakit? Anong meron don sa Aquaintance Party natin last year? Ah, Oo tama ka, boring nga yung Party last year. Akala ko pa naman masaya. Hindi na sana ako aattend kaso pinilit ako ng mga kaibigan ko. Para nga lang umaattend ng concert yung iba. Yung iba nama'y out of this world ang mga suot nila. Social talaga yung party na yun, biruin mo nag-invite pa sila ng mga banda galing sa iba't ibang panig ng ating bansa at mga magagaling na DJ. Magkano kaya ang talent fee ng mga yun. Hindi man lang--" sabi ko sabay hingal.
"Ano, tapos ka na?" tanong ni Daisy.
"Yup. Ah, mauna na 'ko. Kailangan ko pa kasing hanapin 'yung kasama kong ninja." sabi ko.
"Teka lang, hindi naman namin sinabing idescribe mo yung Party last year." sabi ni Daisy.

Patay. Alam ko na kung anong ibig nilang sabihin.

"Ano? Gusto niyong i-enumerate ko yung mga contestant sa talent portion?" tanong ko.
"No. We just want to tell you na
we saw you dancing with Yna that night at with matching sweet music pa." sagot ni Daisy.
"Oo, nga. Nakakakilig nga kayong dalawa at may binulong ka pa nga sa kanya. We're wondering until now about what you whisper to her." sabi ni Grace at kinurot yung tagiliran ko.
"Sana naman hindi niyo mamisinterpret kasi binulong ko lang naman sa kanya na maganda siya sa gabing yun." sabi ko.
"If a guy gives a complement to a girl, it means that he likes the girl!" sabi ni Daisy.
"Ganun ba yun? Bahala nga kayo sa buhay niyo, basta para sa akin that dance is meaningless. Just to kill boredom and it's not a big deal to me and to Yna." sabi ko at umalis na.

END OF FLASHBACK

0 comments:

Post a Comment