Subscribe:

Pages

sunset

Sunday, May 29, 2011

Boys Dating Girls Chapter 16: Michael Equals Kurt?

Chapter 16: Michael Equals Kurt?


"Heto, linisin mo lahat ng cubicles. Ako na'ng bahala sa iba." sabi ni Louie sabay bato ng basahan sa akin.

Pambihira, bakit cubicles pa? Sa dinami-dami ng pwedeng linasan dito sa banyo ay cubicles pa? Naku, amoy palang mapapaayaw ka na talaga, yung tipong mapapatakip ka talaga ng ilong.

"Pambihira, bakit ako pa? Ikaw nalang kaya." sabi ko sabay bato pabalik ng basahan sa kanya.
"Di ba ikaw naman ang may kasalanan kung ba't humantong tayo dito?" tanong ni Louie sabay bato ulit ng basahan sa akin.
"At ako pa ang may kasalanan? Inutusan lang naman ako ni Ms. Rivera na hanapin si Jennie." sagot ko sabay tapon ng basahan sa trash bin.
"E, sino ba ang unang nanuntok? Di ba ikaw?" tanong niya.
"Oo ako. Masyado mo na kasing binabastos si Jennie." sagot ko.
"Ano bang pakialam mo dun? Presidente ka ba ng Gabriela?" tanong niya.

At nagawa pang magbiro ng hinayupak na 'to sa kabila ng pagtatalo namin.

"E ano bang tawag mo dun sa ginawa mo kay Jennie? Huwag mong sabihing nilalambing mo lang siya. E kitang-kita ko yung ginawa mo, binabastos mo na siya!" sabi ko.
"At sino ka naman para pakialaman ako sa gagawin ko sa girlfriend ko?" tanong niya.

Napaisip tuloy ako ng isasagot dun sa tanong na yun. Kaso may grupo ng mga lalaki na biglang pumasok sa CR.

Nalaman kong sina Michael, Jonathan at Chester lang pala. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa, at pagkatapos ay si Louie naman. Teka, anong nangyari sa kanila?

"O, anong nangyari sa inyo? Bakit para kayong nakakita ng baboy na nanganganak ng tuta?" tanong ko.
"Wala. Nagtataka lang kami kung anong ginagawa niyong dalawa dito?" tanong ni Chester.
"Tsaka, narinig namin kanina sa labas yung sigawan niyo. May nangyari ba?" tanong ni Jonathan.

Hindi naman nila kailangang ipaalam sa akin na narinig nila yung sigawan namin. Alam ko namang may tenga sila. Ano ba? Konting common sense naman.

"Teka, sino ba kayo?" tanong ni Louie na nakakunot ang noo.
"Kami? mga kaibigan lang naman kami ni Sid." sagot ni Michael.
"Ah, kaya pala. Ika nga, birds with the same feather flocks together." sabi ni Louie sabay cross arms.

Mukhang nang-iinsulto 'tong isang 'to ah. Ang lakas din ng loob niya, hindi ba niya nakikitang apat kami samantalang mag-isa lang siya? Kapag nagkataon, tatadyakan ko na talaga yung leeg niya. Sabagay, hindi rin naman siya makakasigaw kapag hihingi siya ng tulong kasi pinapaligiran namin siya.

Lunch time.

Kasama ko ngayon ang tropa kong sina Michael, Jonathan at Chester dito sa cafeteria. Kinukulit nila ako kaya napilitan kong ikuwento sa kanila ang lahat ng nangyari kahapon, kabilang na dito yung paghatol sa amin ni panot ng suspension.

"Grabe na talaga ang tama sayo ni Jennie. Biruin mo, nang dahil lang dun ay nagawa mong suntukin yung boyfriend niya." sabi ni Jonathan sabay palakpak.
"Nice one, Sid. Bilib na ako sayo. Sid saves Jennie's day!" sabi ni Michael sabay palakpak din.
"At talagang mas pinili mo pang masuspended kesa mabastos si Jennie." sabi ni Chester at nakipalakpak na rin.

Pambihira talaga 'tong mga 'to o. Kung alam ko lang na tutuksuin lang din naman nila ako, ay hindi ko na sana kinuwento sa kanila ang lahat. Tutal kaibigan ko naman sila, e pagbibigyan ko nalang.

"Siya nga pala Sid, available ka ba this Saturday?" tanong ni Chester.
"Oo. Bakit mo nga pala natanong?" tanong ko.
"Ayos! So, kompleto na tayo." sabi ni Chester at nakipaghigh-five kina Jonathan at Michael.

Inalok niya rin ako na makipaghigh-five sa kanya kaso di ko tinaggap. Nagbigay lang ako ng 'what-do-you-mean' na look sa kanya.

"Teka, pwede bang makishare diyan sa kasiyahan niyo? Ano bang meron this Saturday? 'Wag niyong sabihin mag-aouting tayo sa Tagaytay o di kaka'y magtotour tayo sa underground river ng Palawan?" tanong ko.
"Hindi. Magrerehearsal tayo para sa banda natin." sagot ni Chester.
"Ha? Banda? May banda tayo?" tanong ko.
"Yan nga sana ang plano namin. Hinihintay pa kasi namin yung desisyon mo." sabi ni Michael.
"Para saan nga pala yan?" tanong ko.
"For this coming foundation week ng school natin." sagot ni Jonathan.
"So, ano payag ka na?" tanong ni Chester.
"Sige ba. Pero ano nga pala ang instrument ko?" tanong ko.
"Ganito kasi yan. Ako ang magiging lead guitarist, si Michael naman ang magiging bassist, si Jonathan ang drummer at ikaw ang rhythm guitarist. Okey lang ba sayo?" sabi ni Chester.
"Okey lang sakin, kahit simulan pa natin mamaya ang rehearsal." sabi ko.
"Masyado ka yatang excited, wala pa nga tayong napiling kanta e." sabi ni Jonathan.
"Chester, may naisip ka na ba kung sino ang magiging vocalist natin?" tanong ni Michael.
"Yan nga ang problema natin e." sagot ni Chester.
"Akala ko ba'y kumpleto na tayo?" tanong ko.
"What I mean is kumpleto na ang mga tutugtog ng mga instruments." sagot ni Chester.
"So, sino ang balak mong vocalist?" tanong ni Jonathan.
"Wala pa sa ngayon, pero sisiguraduhin kong may vocalist na tayo right before our rehearsal." sagot ni Chester.
"Teka, ano nga pala yung instrument ni Jonathan?" tanong ko.
"Drums." sagot ni Chester.
"Si Jonathan, tumutugtog ng drums? Naku, mapapaback-out ako niyan." biro ko.
"Huh, anong akala mo sa akin? Hindi marunong?" tanong ni Jonathan.
"Ah, akala ko kasi ikaw yung tagatambol dun sa mga katutubong sayaw." sabi ko.
"Sira. Ako kaya yung featured drummer ng Siakol tuwing concert nila." sabi ni Jonathan.
"Ang sabihin mo, ikaw yung tagpunas ng pawis ng drummer ng Siakol." sabi ni Michael.
"Pero ikaw naman yung tagpunas ng sahig ng stadium nila." sabi ni Jonathan.
"Tama na nga yan. Baka magkasabunutan pa kayo." sabi ko sabay awat sa kanila.
"Pero alam niyo mga dude, balita ko tutugtog din daw sina Louie." sabi ni Michael.
"Balita ba yan o tsismis mo lang?" tanong ni Jonathan.

Mukha yatang magkakainitan talaga 'tong dalawang 'to. Kailangan na talagang ipaghiwalay ang mga 'to, mga five meters away ang agwat para iwas bangayan.

"Hay, nag-away na naman ang mga retarded." sabi ko at biglang napatingin yung dalawa sa akin.
"Nag-aaway ba kami? Naglalambingan lang naman kami." biro ni Jonathan sabay haplos sa braso ni Michael.
"About nga pala dun sa sinabi kanina ni Michael na tutugtog din sina Louie. Good to hear that because that will serve as a challenge for Sid. Basta, wag niyong kalimutan this Saturday ha." sabi ni Chester.
"Saan ang venue natin at anong oras?" tanong ko.
"I'll think of that. Maybe mamaya ko pa sasabihin sa inyo pag dismissal na. And about dun sa kanta, we'll have a votation nalang right after our classes." sagot ni Chester.

Himala at tumunog yung cellphone ko, ibig sabihin ay may nagtext. Once in a blue moon lang tumutunog 'tong cellphone na 'to, siyempre nakasilent mode palagi, pero ngayon nakalimutan kong iset sa silent mode.

Tiningnan ko kung sino ang nagtext, si Mae pala. Remember Sweet Mystery also known as Mae? Akalain mo, namiss daw niya ako. Naisip ko tuloy na what if magkagusto si Mae sa akin, not to mention myself. Hindi kasi malayong mangyari ang ganun, kasi mahigit isang buwan na rin kaming nagchachat, nagtitext at nagtatawagan.

Natauhan at nahimasmasan ako nung may biglang sumiko sa braso ko. Panira ng imagination.

"Who's that, dude?" tanong ni Michael.

I need to think for an answer, kundi buking ako. Pero what's the big deal kung mabuking nila ako? Ah, big deal nga pala talaga kasi look what had happen nung kinuwento ko sa kanila yung tungkol sa heroic act na ginawa ko kay Jennie, di ba tinukso nila ako?

"Nagtext lang yung ate ko." sagot ko.
"I don't think na ate mo nga talaga yung nagtext sayo." sabi ni Michael.

At umiral na naman yung pagiging psychic niya.

"I agree with Michael. Bihira lang kasi kitang makita na humahawak ng cellphone." sabi ni Jonathan.

At isa pa 'to. Akala ko ba'y magkaaway sila ni Michael? Pambihira, double team na ang ginagawa nila sa akin.

Napansin kong biglang nawala si Chester sa kanyang kinauupunan. San na nagpunta yung lokong yun?

At pooof, may biglang humablot ng cellphone ko. Pambihira, pati ba sa school ay may snatcher din? Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Chester na hawak-hawak yung cellphone ko.

Aagawin ko na sana kaso binigay niya kay Jonathan. Nilapitan ko naman si Jonathan at tinago niya sa likod niya yung cellphone ko. Pambihira 'tong mga 'to o, may araw rin kayo!

"Who's Mae, dude?" tanong ni Michael na nasa likod ko na.

Napalingon ako sa kanya at what the? Panong napunta sa kanya yung cellphone ko? Di ba tinago ni Jonathan yun sa likod niya? Pambihira, anong klaseng mga tao ba 'tong mga kaibigan ko?

"Relax ka lang Sid. We can listen if you are willing to tell us the story. Trust us, walang ibang makakaalam nito except us." sabi ni Chester at naupo ulit kaming lahat.

Kinuwento ko naman sa kanila ang lahat at gaya ng sinabi ni Chester nakinig nga sila sa kuwento ko.

Dismissal na, pero hindi mukhang dismissal ang makikita mo ngayon sa loob ng classroom namin. Marami pa kasi ang nanatili sa classroom para kopyahin ang mga walang katapusang notes na nakatala sa blackboard. Salamat na rin at half day lang yung suspension namin ni Louie.

"Michael, kumusta na nga pala yung pinagawa ko sayo para sa group task natin?" narinig kong tinanong ni Grace kay Michael.
"Heto, tinapos ko na lahat. Kasama na din diyan yung pinaresearch sa atin ni Ms. Escalante as a group." sagot ni Michael.
"Wow, ang sipag mo ah. So magkano ang icocontribute namin?" tanong ni Grace.
"Wag na." sabi ni Michael.
"Naku, nakakahiya naman sayo. Mukha kasing malaki yung nagastos mo dun." sabi ni Grace.
"Hindi mo na kailangan magbayad. Yung ibang members nalang." sabi ni Michael.
"Huh? Bakit naman?" tanong ni Grace.
"Nilibre na kasi kita eh." sabi ni Michael at ngumiti.

Napamura ako dun ah. Hayop ka Michael, sa tingin mo maniniwala sayo yang si Grace? Tiningnan ko si Grace at nakita ko siyang nakangiti kay Michael. Anak ng? Akala ko ba'y hindi madaling maloko 'tong si Grace?

"Naku, ikaw talaga. Sige, salamat ha." sabi ni Grace sabay tap sa likod ni Michael.
"Walang anuman, basta ikaw." sagot ni Michael.

Sa palagay ko, unti-unti nang nagkakaigihan 'tong dalawang 'to na nasa harapan ko. Eto din kasing si Michael masyadong over-confident at kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig.

Ayan, natapos ko na rin sa wakas ang lahat ng mga dapat kopyahin. Napansin kong nakatingin sa akin si Elaine. Tiningnan ko din siya, pero umiwas ng tingin. What was that for?

Nakita ko ang tropa ko na nakatayo sa may pintuan. Malamang hinihintay ako kaya minadali ko na ang pagligpit ng mga gamit ko.

"Mae." sigaw ni Michael.

At lantaran pa talaga niyang sinagaw yun sa buong madla. Hindi naman ako nagpahalata na ako yung tinatawag nila. Pambihira, akala ko ba hindi na nila ako tutuksuin? Nakita ko namang siniko ni Chester si Michael. Mukhang si Michael lang yung hindi nakaintindi sa pinagkasunduan namin.

Nakita kong nagliligpit din ng kanyang gamit si Jennie. At napansin kong panay ang titig niya kay Michael. Ano bang meron kay Michael?

Naglakad na kami sa corridor at pinag-usapan ang tungkol sa band namin. Napag-usapan din namin ang napiling kanta na tutugtugin namin at iba pang mahalagang bagay tungkol sa banda.

"Excuse me, Michael." bigla naming narinig mula sa likod namin.

Nakita namin si Jennie na hawak-hawak ang bag niya at malamang pauwi na din.

"Bakit, Jen?" tanong ni Michael.
"I-i-ikaw ba si ---" ngunit di na niya natuloy yung sinabi niya dahil bigla siyang hinablot nina Daisy. Hinablot talaga.

"Tara na Jen. Sorry guys, bukas na kayo manligaw kay Jennie." sabi ni Daisy at umalis na sila.

Tiningnan naman namin si Michael at nagkibit balikat lang siya.

0 comments:

Post a Comment