Subscribe:

Pages

sunset

Thursday, May 12, 2011

Boys Dating Girls Chapter 10: Picture

Chapter 10: Picture


"Ms. Rivera, please excuse us. We have our reasons, we write it here." lakas loob kong sinabi tapos binigay ko ang handbook ko sa kanya.

Nakita ko si Jennie at parang nagulat siya sa ginawa ko. Ngayon, makikita mo ang sinasabi ko, Jennie.

Binuklat ni Ms. Rivera ang handbook at binasa ang excuse letter na nakasulat don. At sa kagandahang palad ay tinanggap niya ito.

Gusto niyong malaman kung ano yung sinulat kong reason? Hindi ko sasabihin sa inyo, baka gayahin niyo pa ang sinulat 'ko.

"See?" sabi ko kay Jennie ngunit inirapan niya lang ako.
"As if I care?" sabi niya.

Pero nakikita ko pa rin sa mukha niya ang pagkagulat na may halong pagtataka. Ngayon, bilib ka na?

"You two will sit at the vacant seats at the back." sabi ni Ms. Rivera.

At gaya ng sinabi niya, naupo nga kami don ng walang pag-aalinlangan, baka kasi pag nagreklamo pa kami'y maiskandalo pa kami dito.

Ngayon ay napapagitnaan ako ng dalawang babae, sa kanan ko ay si Jennie at sa kaliwa ko nama'y si?

Tiningnan ko kung sino yung katabi ko sa kaliwa, nagulat nalang ako na para bang nakakita ng unggoy na nangingitlog.

"Hey, miss me?" tanong ni Elaine sabay wink ng kanyang left eye.
"O, akala ko kung sino. Ikaw lang pala." sabi ko.
"Bakit parang nagulat ka? Nakakatakot ba ako?" tanong niya.

Oo, nakakatakot ka. Daig mo pa yung mga characters sa mga horror movies na bigla nalang sumusulpot.

"Hindi naman. Noong last Intramurals pa kasi kita huling nakita. Hindi ko kasi inaasahan na makikita ulit kita sa buong buhay ko." sabi ko.
"Ows, ang drama mo." sabi ni Elaine.
"Drama ba yun?" tanong ko.
"Oo. By the way, binoto mo ba ako nung nakaraang Election ng Student Body Organization?" tanong niya.

Talagang politic minded 'tong si Elaine. Masyadong kasi niyang pinaprioritize yang mga ganyang bagay. Hula ko, tatakbo 'to bilang presidente ng Pilipinas, 20
years from now.

"I don't know. What did you run nga pala?" tanong ko.
"President. What can you expect pa ba?" sagot niya.
"Mukhang naboto nga kita." sabi ko.
"Wow thanks. Alam mo ba kung ano'ng naging resulta?" tanong niya.
"Hindi ko alam, tsaka I'm not interested." sagot ko.
"Eto naman o, masyadong killjoy." sabi niya.
"O sige na nga, interested na ako. So, ano'ng naging resulta? Natalo ka ba?" tanong ko at bigla siyang sumimangot.

Bigla kong napagtanto na may tinatagong kagandahan din pala 'tong si Elaine. At least, kahit nakasimangot siya, lumulutang pa rin yung ganda niya.

"Bakit? Yun ba ang iniexpect mo after the election?" tanong niya.
"Hindi. Nag-eexpect pa nga ako na manalo ka. Ikaw kaya ang manok ko pagdating sa mga ganyang bagay." sabi ko at napangiti naman siya.
"What? Tao ako, hindi po ako manok." sabi niya.
"So, ano nga pala ang naging resulta? Pinapahaba mo pa yung usapan." tanong ko.
"What can you expect pa ba? E di, panalo." sagot niya.
"Uy, nililipad ng malakas na hangin yung mga papel ko." sabi ko at bigla niya akong binatukan.
"Sira. Alam ko kung sino ang tinutukoy mo." sabi niya.

Napatingin si Elaine kay Jennie at kumaway. Ako nama'y nagsusulat ng walang katapusang notes.

"Hi Jen." sabi ni Elaine.
"Hi Laine." sabi ni Jennie at kumaway din.
"Kumusta na nga pala kayo ni Louie?" tanong ni Elaine.
"Yun ba? E matagal na kaming nagbreak non e." sabi ni Jennie.
"Ah, so kailan pa?" tanong ni Elaine.
"Last year." sagot ni Jennie.
"So ano nga palang nangyari?" tanong ni Elaine.
"Noong mga huling araw kasi bago pa kami nagbreak, napansin kong nakaigihan na sina Yna at Louie, kaya I decided to break-up with him. Ikaw Laine, kumusta ang love life mo?" sabi ni Jennie.
"Ganon pa rin. No boyfriend since birth, buti ka pa nga." sabi ni Elaine.
"Naku, nagsisisi nga ako kung ba't nagkaboyfriend ako non." sabi ni Jennie.
"Bakit naman? Maganda nga yun e, at least may karanasan ka na sa mga ganyang bagay." sabi ni Elaine.

Itong mga 'to o. Di ko maintindihan kung ano'ng pinag-uusapan.

"Basta, parang feeling ko naging worst yung pamumuhay ko after nung break-up namin ni Louie." sabi ni Jennie.
"Hay, love life nga naman. Buti pa si Sid, walang pinoproblema." sabi ni Elaine.

Nagulat ako don dahil bigla akong nadawit sa usapan nila.

"Narinig ko yun." sabi ko habang kinokopya ko yung mga nakasulat sa blackboard.
"Obvious naman na narinig mo." sabi ni Elaine.

Pagkatapos ng period ni Ms. Rivera ay pumasok na si Ms. Tanseco, yung dating guro ng mga freshmens. Na hindi ko pa na meet since sophomore.

"Welcome back to school. This will be my first time to handle fourth year students. So, I hope you're not all hard-headed here." sabi ni Ms. Tanseco tapos tiningnan niya kami isa-isa.

Anong akala niya sa amin, gawa sa diamond ang ulo. Iilan lang naman dito ang matitigas ang ulo, maliban sakin.

Nagulat ako nung tumingin siya sa akin. Diniin niya ang tingin niya sa akin sabay taas ng kilay at hawak sa glasses niya.

Kinabahan tuloy ako, kasi kung makatingin siya sa akin ay parang may utang akong napakalaki sa kanya.

Pambihira, hindi ako makagalaw. Nacorner yata ako ng mga nanlilisik niyang mata. Anong bang problema nito? At ako pa ang unang napagtripan niya sa school year na 'to?

"What's your name Mr. Handsome guy?" tanong ni Ms. Tanseco.
"Me?" tanong ko sabay turo sa aking sarili.
"Yes, you." sabi niya sabay turo sa akin.
"Ahm.. Sid Wilson de Guzman." sagot ko.
"Oh, you are supposed to stand up and tell everybody your precious name." sabi niya.

At may nalalaman pa siyang 'mr. handsome' ah, di bale totoo naman. Tumayo naman ako at inintroduce ang aking sarili.

Sinulyapan ko si Jennie, at nakita kong palihim siyang tumatawa. Nakakatawa ba ang sinabi ko? Ang babaw naman ng kaligayahan ng isang 'to.

Pagkaupo ko'y tinitigan ko siya. Wala lang.

"Bakit?" tanong niya.
"May dumi ka sa mukha o." sabi ko sabay tawa.
"My God.. Nasan na ba yung mirror ko?" sabi niya at natawa na talaga ako sa inasta niya.

Pagkatapos niyang tumingin sa wallet size niyang salamin ay napatingin agad siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Sira ka talaga." sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko.
"Aray." sabi ko at diniin pa niya ang pagkurot.

Tumatawa siya habang kinukurot ang tagiliran ko, mukhang malapit na yatang mabaliw ang isang 'to.

"Uy, tigilan mo nga yan. Nakakasakit ka na. Hindi na nakakatawa." sabi ko at lalo lang siyang tumawa.

Tiningnan ko si Elaine, at pati siya'y natawa na din, isa pa 'to.

Lunch break na, habang nililigpit ko ang gamit ko ay tiningnan ko si Jennie ng palihim, napansin kong parang may sinusulat pa yata siya. Masipag din pala 'to, kahit papano.

Akmang tatayo na sana ako sa upuan ko nang may biglang nahulog na mga pictures mula sa notebook ni Jennie.

Napansin ni Jennie iyon at agad niyang kinuha ang mga pictures maliban sa isa na nakuha ko.

Natawa nalang ako dahil nakita ko sa picture ang isang batang Jennie na mukhang nasa unang baitang palang ng elementarya. Hindi ko akalain na ganon pala siya kacute noon.

"Ang cute mo pala noon." sabi ko habang tinitingnan yung picture niya.
"Uy, akin na yan." sabi niya habang pilit inaabot yung picture.

Tumayo ako at tumakbo palabas ng classroom. Napadpad ako sa cafeteria at nakita ko don sina Michael at Jonathan.

Magkakilala na pa ang dalawang yun? Hindi halata ha. Nilapitan ko naman sila.

"Uy, saan kayo pupunta?" tanong ko.
"Malamang maglalunch. Ikaw?" sabi ni Jonathan.
"Ano pa ba e di sasabay sa inyo." sagot ko at tiningnan si Michael.

Umupo naman kami sa may bakanteng table ng cafeteria.

"Bakit nga pala kayo magkasama? Magkakilala kayo?" tanong ko at nagtinginan silang dalawa.
"Aba, ano'ng akala mo sa amin? Hindi magkakilala? Naging classmate kaya kami noong first year. Di ba Jonathan?" sabi ni Michael at tumango naman si Jonathan.
"Naaalala mo pa ba yung binato kita ng itlog don sa Science Laboratory. Galit na galit ka pa nga nun." sabi ni Jonathan at nagtawanan silang dalawa.
"Langya. Akala ko nakalimutan mo na yun." sabi ni Michael.

Habang nag-uusap silang dalawa tungkol sa mga sweet childhood memories nila ay nakita ko si Jennie na nasa labas ng cafeteria. Tumayo naman ako para puntahan si Jennie. Alam niyo na siguro ang gagawin ko?

"Uy, dude. Saan ka pupunta?" tanong ni Michael.
"Saglit lang." sagot ko.

Nilapitan ko naman si Jennie at ipinakita sa kanya yung picture na hawak ko.

Goal for the day: Inisin si Jennie.

"Eto ba ang hinahanap mo?" tanong ko.
"Uy, akin na yan." sabi niya pero itanaas ko agad ang kamay ko.

Pilit niyang inaabot yung picture at ako nama'y tawa lang ng tawa dahil sa itsura niya.

Halos mapunit na nga yung uniporme ko dahil sa higpit ng kapit niya don.

Umatras ako para mas lalo siyang mahirapan sa pag-abot ng picture. Hanggang sa napasandal ako sa pader.

Napansin kong masyado na siyang naging close sa akin at hindi na ako pwedeng umatras pa dahil nakasandal na ako sa pader.

Halos yakap-yakap na nga niya ako sa puntong iyon. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko sa 'di ko alam na dahilan.

Tinanggal niya ang kamay niya na nakakapit sa balikat ko. Nagkatitigan kami ng ilang sandali at dahil dito'y mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Natauhan ako at lumayo ng konti sa kanya. Natawa nalang ako dahil sa ekspresyon ng mukha niya, once in a blue moon ko lang kasing nakikita yung ganyang Jennie.

Lumapit siya ulit sa akin habang nakakunot ang noo.

"Akin na nga yan." sabi niya kaya tinaas ko ulit ang kamay ko.
"Kulang ka kasi sa height." sabi ko sabay tawa at mas lalong kumunot ang noo niya.
"Nagsalita ang matangkad." sabi niya.
"E ikaw nga 'tong hanggang leeg ko lang." sabi ko.
"Akin na nga yan. Nabubuwisit na 'ko sa'yo." sabi niya.

Sige, mabuwisit ka. Gusto kong makita yung itsura mo na nabubuwisit, nang mapagtawanan ko.

Ngunit may biglang humablot sa picture na hawak-hawak ko. Sinong hinayupak yun?

Lumingon ako sa likod ko, at nakita ko si Louie na hawak-hawak yung picture.

Binigay niya iyon kay Jennie at gulat na gulat siya dahil sa ginawa ni Louie. Pati ako'y nagulat din. Panira ng araw 'tong hinayupak na to.

"Thanks Mar-- Louie." sabi ni Jennie at pagkatapos ay yumuko siya.

Anong drama na naman 'to? Malipat nga sa ibang channel. Masyado pang maaga para manood ng drama.

Nagulat ako dahil biglang lumingon sa akin si Louie na nakakunot ang noo. Ano namang problema ng isang 'to, siya pa 'tong nangingialam, siya pa 'tong galit.

"Anong problema mo, tol?" tanong ni Louie.

Aba, anong klaseng tanong yan?

Laking gulat ko nalang nung bigla siyang lumapit sa akin. Nakita ko na papalapit na yung kamao niya kaya inunahan ko na.

At poof... Natamaan ko siya sa mukha. Natuto na ako noong Intramurals. Akala mo ha.

Nilapitan agad siya ni Jennie. Concern?

"Sid, umalis ka na please. Nanggugulo ka lang." pasigaw na sinabi ni Jennie.

Tumalikod naman ako at bumalik na sa cafeteria. Feeling ko tuloy ay guilty ako don sa ginawa ko.

Kinakabahan ako, hindi dahil sa takot akong mapunta sa Disciplines Office, kinakabahan ako sa hindi ko alam na rason.

Naguguluhan na talaga ako. Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Iniisip ko na baka galit sa akin si Jennie. Hindi ko naman kasi inaasahan na darating yung Louie na yun para mang-agaw ng eksena.

Hay, panibagong problema na naman.

0 comments:

Post a Comment