Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 11, 2011

Boys Dating Girls Chapter 5: Time With Friends

Chapter 5: Time With Friends


"Uy, mga dude may chika ako sa inyo." sabi ni Anthony na nag-acting na parang bakla.
"Umalis ka nga dito, baka mahawa kami sayo." sabi ni Jonathan.
"Teka nga, ano ba 'yung chika mo Anthony?" tanong ko.
"Si Jonathan may gusto kay Diane!" sigaw ni Anthony at binatukan siya ni Jonathan ng napakalakas.
"Aray naman." sabi ni Anthony sabay hawak sa kanyang ulo.
"Langya. Sinabi ko bang sabihin mo sa kanila? Pambihira ka talaga Anthony." sabi ni Jonathan at binatukan uli si Anthony.
"Sorry na nga." sabi ni Anthony.
"Halatang guilty si Jonathan o." sabi ko.
"Oo na, oo na. May gusto na. Alam ko namang wala na akong lusot sa inyo. Kayo pa? E, ang galing galing niyo sa pambabara. Pero ito'ng tandaan niyo, hindi dapat 'to malaman ni Diane. Kundi lagot kayo." banta ni Jonathan.
"Bakit kami? Baka si Anthony ang malalagot diyan." sabi ni Jobert.
"At bakit naging ako?" sabat ni Anthony.
"Siyempre, ikaw lang naman ang may bibig ng bakla dito eh." sabi ko.
"Kayo naman, obvious na nga na nagpapanggap lang ako eh. Di na kayo mabiro. Nagmukha tuloy kayong killjoy." sabi ni Anthony.
"Killjoy na kung killjoy, wag lang maging bakla." sabi ni Jonathan at nagtawanan kami.
"Haha, sinabi niyo pa." sabi ni Jobert.
"Sige, pagpatuloy niyo lang yan para mabatukan ko kayo. Nangangati na kasi yung kamay ko." sabi ni Anthony.
"Uy, mga dude may chika ako sa inyo." sabi ni Jonathan na ginagaya ang acting ni Anthony kanina. Siraulo.
"Hay naku, Jonathan. Nainlab ka lang, nagkaganyan ka na. Akala ko ba, hindi ka magpapahawa kay Anthony." sabi ni Jobert.
"At isa pa 'tong si Jobert." sabi ni Jonathan.
"Loko ka. Eh wala naman akong binanggit na pangalan." sabi ni Jobert.
"Wala nga, eh si Diane naman talaga 'yung ibig mong sabihin." sabi ni Jonathan.
"Hep. Awat na. Baka magkasabunutan pa kayo." sabi ko.
"Tang ina, wag mo nga kaming itulad kay Anthony." sabi ni Jonathan at tumayo bigla si Anthony.
"Ano ba talagang gusto mo, Jonathan, huh?" tanong ni Anthony at kinuwelyuhan si Jonathan.

Akala ko naman seryoso siya sa gagawin niya, nagbibiro lang pala.

"Ako? Gusto ko ng softdrinks at chicken sandwich." sabi ni Jonathan at ngumisi.

Inakbayan naman siya ng lokong Anthony.

"Tara, libre kita." sabi ni Anthony.
"Hoy teka, ang daya niyo naman." sabi ni Jobert at hinabol sina Jonathan.
"Hay, ewan ko sa inyo." sabi ko.

"Teka Anthony, bakit kendi lang? akala ko ba'y ililibre mo 'ko?" tanong ni Jonathan.
"Sorry, nashort kasi. Uy, Sid pautang naman." sabi ni Anthony with matching puppy face.

Muntik ko nang mabuga 'yung iniinom kong pepsi sa mukha ni Anthony. Kanina lang grabe kung makaalok kay Jonathan na treat daw niya tapos ngayon mangungutang lang pala.

"Heto, limang piso bumili ka ng kausap mo." sabi ko at tinanggap naman ng loko 'yung limang piso. Gago talaga.
"Para saan to?" tanong niya.
"Ano pa nga ba, e di pambili ng kausap mo." sagot ko.
"O, ayan. Bibilhin kita. Ngayon, pwede na ba kitang makausap?" tanong ni Anthony sabay balik ng limang piso.
"Nag-uusap na nga tayo eh." sabi ko.

Ang sarap pala ng feeling kapag namimilosopo ka ng tao. Itry ko din kaya sa aso namin. Baliw.

"Yung seryoso." sabi ni Anthony.
"Okey, total binili mo na ako. Ano ngayon ang gusto mong sabihin sakin?" tanong ko. Haha, sobrang nonsense talaga yung pinag-uusapan namin.
"Pwede bang mangutang." sabi niya with matching puppy face.

Sa hinaba-haba ng usapan namin sa pangungutang lang pala mapupunta. Nakakaimpluwensya talaga 'tong mga to. Pati sa pagiging nonsense nadamay ako.

Nagpaalam sila para bumili ng snacks at ako nalang ang natira sa table. Maganda ang ihip ng hangin kaya feeling ko nasa gitna ako ng karagatan. Pinatong ko sa lamesa ang mga paa ko at nilagay ko ang mga kamay ko sa likod ng ulo ko. Wala namang sumitang Personnel o CAT sa akin.

Ang sarap talaga ng feeling kapag mag-isa ka, para akong kumakain ng rebisco, 'Ang sarap ng feeling mo'. Walang gumugulo sayong mga tarantadong kaibigan at malaya ka sa kung anong gusto mong gawin. Sana hindi na bumalik yung mga lokong yun.

"Hi, Sid."

At sino naman yun?

Napatingin ako sa likod ko at biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko. Napangiti ako dahil nakita ko na naman siya.

Dali-dali ko namang binaba ang mga paa ko na nakapatong sa lamesa. Minus pogi points yun.

Ngumiti naman ako bilang sagot sa kanyang 'hi'. Nakita kong kasama ni Yna sina Diane at Grace. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na masarap mag-isa, mas masarap pa rin kapag may kasama ka lalo na kung si Yna.

"Mukhang nag-iisa ka yata?" tanong ni Diane.

Hindi ba obvious? Hindi na 'ko magtataka, bagay talaga sina Diane at Jonathan.

"Pwede bang maupo?" tanong ni Yna.
"Ah, of course. Sino namang may sabi na bawal kayong maupo." sabi ko. Pandagdag pogi points.

At ayun, naupo naman sina Yna. Kulang nalang tumayo ako para hilain yung upuan para kay Yna. Naks naman.

"Kumusta na nga pala ang Ate mo?" tanong ni Yna.

Bakit niya naman natanong yun? May kakilala ba siya sa isa sa mga Ate ko. Nakakapagtaka.

"Sinong Ate ko ang tinutukoy mo?" tanong ko.
"Si Ate Nica." sagot niya.
"Ah, okey naman siya. Bakit mo nga pala natanong?" tanong ko.
"Kakabreak lang kasi nila ni Kuya kahapon." sagot ni Yna.

Huwat? Di ko alam yun ah? Ano namang malay ko don kay Ate Nica. Wala naman siyang sinasabi sa akin na may boyfriend na siya. Ang hirap talaga pag may kapatid kang masungit.

"Ngayon ko lang yun nalaman ah? Ano nga bang dahilan kung ba't nagbreak sila?" tanong ko.
"Sa totoo lang, Kuya ko ang nakipagbreak. Dati na kasing playboy yun. Halos tatlong taon na siyang ganyan, hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon. Kung maaari lang sana pakisabi sa Ate mo na pagpasensyahan na niya si Kuya at naging biktima pa siya." sabi ni Yna.

At sa sinabi niyang iyon, naiisip ko na tuloy kung anong itsura ng Kuya niya. Kabisado ko na kasi ang hitsura ng mga playboy.

"Ah, sure." sabi ko.
"So, thanks in advance." sabi niya.
"Walang anuman." sabi ko.
"What group ka nga pala in English?" tanong ni Yna.
"Group? Saan don?" tanong ko.
"Yung Stage Play. Ikaw Sid ha, nagkakamemory gap ka na." sabi ni Yna.

What? Memory gap?

"Ay oo nga pala." sabi ko.
"Tapos nakalimutan mo pa yung tanong ko." sabi ni Yna.
"Ano nga pala yung tanong mo?" tanong ko sabay kamot ng ulo ko. Minus pogi points.
"What group ka in English? Remember?" sabi ni Yna.
"Group three nga pala. Sorry, marami kasi akong iniisip ngayon." sabi ko.
"Iniisip mo ba yung Ate mo?" tanong ni Yna. Bakit ko naman iisipin yun?
"Hindi naman." sagot ko.
"So, groupmates pala tayo. Alam mo ba kung ano'ng ipi-play natin?" tanong ni Yna.
"Sabi nila, Romeo and Juliet daw. Nakakahiya kaya." sabi ko.
"Huh? Ba't naman? Okey nga yun kaysa don sa ibang group." sabi ni Yna.
"Okey lang sana kung yung role ko ay Papa ni Romeo o di kaya'y ni Juliet. Basta 'wag lang nila akong gawing Romeo. Mas lalo na kung gagawin nila akong Juliet." sabi ko at nagtawanan sila. Dagdag pogi points.
"Bakit naman?" tanong ni Yna.
"Ang hirap kaya magmemorize ng linya ni Romeo." sagot ko.
"Oh, I see." sabi ni Yna.

Nakakasira talaga ng image yung 'memory gap' ko kanina. Baka maging trade mark ko na talaga to. At minus pogi points yun kay Yna.

"Ahem, pwede bang makisali? Mukhang kayong dalawa lang kasi ang nag-eenjoy. Haler, can't you see the two of us?" tanong ni Diane.
"Tumahimik ka nga Diane. Kung makapagsalita ka parang may kinalaman ka sa pinag-uusapan nila." sabi ni Grace.
"Para sa kaalaman, Group three din kaya ako sa Stage Play." sabi ni Diane.

Pauwi na kami ngayon at si Jonathan lang ang kasama ko. Nauna na kasing umuwi sina Anthony at Jobert. Nakita kong seryoso ang mukha ni Jonathan ngayon. Ibang-iba kung ikukumpara mo kanina na kasama pa namin si Anthony at Jobert.

"Ah Jonathan, kailan nga pala yung huli niyong pag-uusap ni Diane?" tanong ko at parang nagulat si Jonathan dahil sa tanong ko.
"Kahapon yata." sagot ni Jonathan.
"Ano namang pinag-usapan niyo?" tanong ko.
"Tungkol lang naman sa Mathematics. Bakit mo nga pala natanong?" tanong ni Jonathan.
"Wala lang. Naisip ko kasi na tutal alam na namin na may gusto ka na kay Diane. Ba't di natin gawan ng paraan o yung first move ika nga?" tanong ko at nakita kong parang napapaisip din si Jonathan dahil sa sinabi ko.
"At ano naman yun?" tanong ni Jonathan.
"Can you see what I see?" tanong ko.
"Yun bang natutulog na guard." sabi niya.
"Hindi yan." sabi ko.
"Nakakatawa ang itsura. Tingnan mo o." sabi niya at natawa kami.
"Ano ka ba? Sinabing hindi nga yan." sabi ko.
"Yun bang lalaking natapilok sa may basketball court?" tanong niya.
"Ano ka ba naman, Jonathan? Ang hina mo talaga. Tingnan mo nga doon sa bench area." sabi ko.
"Saan diyan?" tanong niya. Hindi na ako nakatiis at binatukan ko na siya.
"Oo, nakita ko na." sabi niya sabay himas sa ulo niya.
"Anong nakita mo?" tanong ko.
"Si Diane, mag-isa sa bench area." sagot niya.
"Ayan naman pala eh." sabi ko.
"So, anong gagawin ko?" tanong niya.
"Relax. Calm down. Take a deep breath. Wag kang kabahan. Steady ka lang." sagot ko.

Parang magkasing-kahulugan lang yata ang lahat ng sinabi ko.

"But before that..." sabi ko.
"Ano?" tanong ni Jonathan.
"Make the sign of the cross." sagot ko.
"Tss.." sabi niya.

Pinuntahan nga niya si Diane. Grabe, ang lakas ng self-confidence ng mokong.

Pinagmasdan ko lang sila mula dito sa corridor ng Computer Building at nakita kong mukhang masaya ang silang dalawa.

Pagkalipas ng ilang minuto nakita kong tumayo si Jonathan. Binitbit niya ang bag ni Diane at pagkatapos ay lumabas sila ng school.

Tang ina, parang naging isang iglap lang ang lahat. Napamura ako don ah. Hindi ko lubos maisip na ganon ang magiging resulta pagkatapos. Hanep, ang galing mo Jonathan!






"Yna..."






"Yna..."






"Yna..."






"Yna..."






Nagising nalang ako dahil may biglang yumugyog sa akin. Naalimpungatan ako at nakita ko si Ate Joyce na nakatayo sa gilid ng study table ko kaya medyo nagulat ako.

"Sinong Yna!?" tanong niya.
"Ate naman, bakit ka ba nanggugulat? Hindi mo ba nakikita na nagrereview ako?" palusot ko.
"May nagrereview bang natutulog? Tapos kung sino-sino pa yung binabanggit mo." sabi niya.

Naku, patay tayo diyan.

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko.
"Ah, so wala ka palang balak na maghapunan?" sabi niya sabay lagay niya ng mga kamay niya sa kanyang bewang at nagtaas ng kilay.
"May sinabi ba akong wala!?" sabi ko at tumayo na.

Pagkatapos naming kumain, tinext ko agad si Jonathan. Langya talaga o, nireplyan ba naman ako ng nonsense. Parang ewan lang. Ganyan pala ang epekto ni Diane kay Jonathan.

Kinuha ko ang iPod ko at nagpatugtog ng mga Grunge na music.

"I'm so happy, 'cause today I found my friends, there in my head. I'm so ugly, that's okey 'cause so are you broke our mirrors...." kanta ko.

Kinuha ko uli ang aking cellphone. Napatingin ako sa inbox at tiningnan muli ang naligaw na message na natanggap ko noon.

From:
+639150688***

When the night comes,
Look at the sky.
If you see a falling star,
Don't wonder why,
Just make a wish.
Trust me, it will come true,
'Cause I did it
And I found you!



Sino kaya to?

0 comments:

Post a Comment