Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 11, 2011

Boys Dating Girls Chapter 2: Sophomore

Chapter 2: Sophomore


Two weeks later...

Nagising na ko mula sa napakahimbing kong pagkakatulog. Pero hindi ibig sabihin na two weeks akong natulog ha. Naalimpungatan ako dahil narinig ko ang tunog ng cellphone ko.


May tumatawag?


Sino naman kaya?


At sa ganitong oras pa?


Sinagot ko. Boses ng babae ang narinig ko sa kabila.

"Hello, sino 'to?" tanong ko.
"Sid, si Tita Vina mo to. Nakuha ko nga pala ang number mo sa Papa mo." sagot ni Tita.
"Ah, nag abala pa kayong tumawag. Hindi po ba mahal ang bayad diyan sa ibang bansa?" tanong ko.
"Hindi naman basta masipag kang magtrabaho. Uy, kumusta? Nakapag enroll ka na?" tanong niya.

'Yun siguro ang sadya niya kaya napatawag siya, tatanungin lang naman ako kung nakapag-enroll na ba ako.

Speaking of enrollment, Naku ngayon na pala magsisimula ang unang araw ng pasukan. Nakita ko ang wall clock at kumalma naman ako, 5:40 AM pa pala.

"Opo, nakapag enroll na po. Sa katunayan, may pasok na po kami ngayon." sagot ko.
"Ah sorry, mukhang naabala yata kita, sige ibababa ko na to ha?." tanong niya.
"Teka lang ho. May 2 minutes pa." sabi ko.
"Ah ganun ba. By the way, pakisabi nalang sa Papa mo na ifully paid na ang lahat ng bayarin. Napadala ko na kasi ang pera para sa School Fees mo." sabi ni Tita.
"Ah Tita, hindi na dapat kayo nag-abala para diyan. Affordable naman po 'yung school. Tsaka, paid na po ako." sabi ko at may halong pagsisinungaling pa.
"Sigurado ka? Napadala ko na kasi 'yung pera. Di bale, that will serve nalang as your allowance." sabi ni Tita.

Hindi ko alam kung anong ipis ang nalunok ng Tita ko at naisipan niyang bayaran ang mga tuition fees ko. Para tuloy akong naging instant scholar. Pero aaminin ko, nasiyahan ako dun sa sinabi ni Tita na magiging allowance ko nalang daw 'yung pambayad sana sa fees.

"Salamat po, Tita." sabi ko ng walang pag-aalinlangan.
"Ay walang anuman. Hanggat wala pang asawa at anak ang Tita mo, ipapadala ko lahat ng kung anong gusto mo." sabi niya.
"Ay, baka maging spoiled po ako sa inyo. Di bale, maghahanap naman ako ng ideal guy para sa inyo." biro ko at narinig ko siyang tumawa.
"Mukhang lumagpas na yata tayo ng 2 minutes. Sige, baba ko na to." sabi niya.
"Sige, ingat po kayo diyan." sabi ko at ibinaba na niya ang phone.

Bumaba na ako ng kwarto at nakita ko si Mama na naghahanda ng agahan. Si Papa naman, nag-aayos ng kanyang necktie. At si Ate Nica, na halatang bagong gising.

"Good morning Ma, Pa." bati ko.
"Pano alis na ko, Ma. Sid, goodluck!" sabi ni Papa sabay alis, napangiti naman ako.
"Sid, maligo ka na para makapag almusal ka na." sabi ni Mama.

Bumaba na ako at pumunta sa dining area at sinubo ang isang hotdog at kumuha ng tinapay.

"Si Ate Joyce, Ma?" tanong ko habang may laman pa ang bibig ko.
"Nauna na." sagot ni mama.

Nga pala, si Ate Joyce, nagtatrabaho bilang call center agent. Si Ate Nica, tambay lang muna, palibhasa tamad 'yun eh, hindi nga nakapasa ng bar exam last year, kelangan pa niya ulitin this year.

Dumiretso na ako ng banyo. Pagkatapos ay nag almusal na'ko. Naku naman, 6:25 AM na, malayo pa ang SJU mula dito. Agad naman akong tumakbo sa kwarto ko at nag bihis. Civilian ang attire ko, first day of school kaya. Bumaba nako, kinuha ko ang bag at nakita ko si Ate Nica.

"Ate pakicharge yong cp ko ha. Thanks." sabi ko.

Hindi na siya nakareklamo kasi lumabas nako ng bahay. Siguro maiintindihan naman ni mama kung bakit hindi ako nakapagpaalam sa kanya.

Naglakad ako patungong highway, at may nakita akong lalakeng nakasandal sa may tindahan. Mga kaedad ko lang siguro yun, pero nagyoyosi na? May hikaw sa tenga at labi at grabe kung makalagay ng Gel sa buhok ang mokong ah, 'yung tipong hindi tutumba kahit daanan man ng ipo-ipo.

Naiisip ko tuloy kung mga kabataan pa rin ba ang pag-asa ng bayan? O di kaya'y niloloko lang tayo ni Rizal?

Napunta naman ako sa isang waiting shed, at may nakatabi akong isang babae. Mukhang aattend 'to ng bonggang party dahil sa suot niya, halos kita na kasi ang buong kaluluwa niya.

Umiwas lang ako ng tingin, baka masampal pa ako. Nagkataon na sabay kaming pumara ng jeep. Nauna siyang sumakay, tinakpan niya 'yung ibabang bahagi ng kanyang likuran habang umaakyat ng jeep.

Nagtataka pa rin ako, bakit ba nagsusuot ng maiiksing damit ang karamihan sa mga babae ngayon, pero tinatakpan naman nila 'yung mga bahaging medyo nalalantad. Halimbawa, 'yung kanina lang. Kung gusto nila na hindi 'yun makita ng iba e 'wag na silang magsuot ng ganon kaiksing damit.

Kalahating oras ang naging biyahe. Nabadtrip lang ako kasi puro walang kwenta ang pinapatugtog na music sa jeep.

Pagkatapos ng kalahating oras, nakarating na ko ng school. Napansin kong lahat sila ay papunta na ng Quadrangle, para siguro sa Morning Assembly.

Sa palagay ko, mukhang ako nalang yata ang papunta palang ng classroom. Ay mali pa pala, merong isa, at isa, at isa pa. Marami pala kaming muntikan ng mahuli.

Binilisan ko na ang lakad ko papunta sa building ng sophomore. Habang naglalakad, may nakita akong pamilyar na mukha. Si Steven, classmate ko sa dati naming school, nagtransfer din?

"Sid, nagtransfer ka din pala. Akala ko ako lang yung naiirita sa principal dun sa dating school natin. Yung room mo nga pala, second to the last ng building na yun." sabi ni Steven at sumibat na.

Hindi naman yung principal ng dating school namin ang dahilan kung ba't nagtransfer ako.

Tapos may isa pa akong nakasalubong, pamilyar din ang mukha. Si Anthony, classmate ko dati sa Elementary. Medyo matagal na kaya hindi ko na masyadong namukhaan.

"Hey Sid, classmate tayo. Yung bag ko nga pala, may tatak na Adidas, at may bakanteng upuan sa tapat nun. Kung gusto mo, dun ka na maupo. Sige una na 'ko sa Quadrangle." sabi ni Anthony.

Ayon ang building ng Second Year, at nakita ko agad ang second to the last na classroom. Walang tao, may nakita akong papel sa pintuan, nandon nga ang pangalan ko. Pero hindi ko classmate si Steven. Nakita ko yong bag na Adidas, katabi non yong bakanteng upuan at doon ko pinuwesto ang bag ko, sabay takbo palabas.

Nakita ko naman ang pulutong ng mga nakahanay na estudyante sa Quadrangle. Hindi ko alam kung saan ako hahanay. Napatingin nalang ako sa kaliwa at kanan. Napagpasyahan kong d'on nalang ako hahanay sa may dulo, mukha namang sophomores yung mga nandoon.

May biglang dumaan mula sa likod ko. Nag iwan siya ng mahalimuyak na amoy.

Drool.

Nagulat nalang ako na parang nakakita ng mga biik na dumedede sa aso.

Siya yung teacher, este adviser namin?

Di ba siya yong sexy na nakasabay ko sa jeep kanina na halos kita na ang kaluluwa dahil sa napakaiksing damit?

Akala ko estudyante yun? Pero, inakala 'ko nong una na aattend 'yun ng party.

Tinitigan ko siya ng mga ilang segundo. Nagulat nalang ako dahil biglang tumulo ang laway ko at hindi ko namalayan na bumabaha na pala ng laway ang school namin, biglang nagkagulo at inatake sa puso ang Principal. Ayan, naghahallucinate na naman ako.

Dahil dun, hindi ko namalayan na nagsisimula na pala yung litanya este morning prayer pala.



Nagtataka lang ako...


Nasan si Anthony?


"Sid"

May narinig akong mahinang boses at napalingon ako sa kaliwa ko. Speaking of Anthony, si Anthony nasa kabilang hanay, nako mali pala, hindi ko pala section 'tong hanay na 'to, sana mapatawad ako ng Panginoon dahil sa nagawa kong kamalian. Lumipat naman ako at tumayo sa likod ni Anthony.

"Junior 'yung hanay na 'yun!" sabi ni Anthony.
"Late kasi akong dumating eh. Hindi ko alam saan hahanay." sabi ko.
"Naku naman, sana hinanap mo nalang ako." sabi ni Anthony.

Pagkatapos ng lahat, pumasok na kami sa kanya kanya naming classroom.

Iba 'yung adviser namin. Babae pa rin, nakasalamin at medyo nasa katamtaman ang edad at mukha. Hindi pa kami pinaupo kasi magdadasal pa daw.
Pagkatapos ng dasal, just like the old times, isa isa kaming nagpakilala. Sinimulan ng adviser namin tapos spontaneous na.

Sinulat niya 'yung pangalan niya sa board para malaman ng buong sangkatauhan kung gaano kaganda ang kanyang pangalan.

"Just call me Ms. Dizon" sabi niya.

Malapit na ako, ano ba 'to? Pambihira, bakit ba kinakabahan ako? E simpleng pagpapakilala lang naman ang gagawin ko. Wala namang masama kung ilalantad ko 'yung pangalan at edad ko. Ayan na.

"I'm... Sid... Wilson de Guzman, just call me Sid. I'm sixteen years of age." sabi ko.
"Are you a transferee?" tanong ni Ms. Dizon.
"Yes." sagot ko.
"From where?" tanong ni Ms. Dizon.
"From North Garden High School." sagot ko at naupo naman.

At napa-'wow' nalang ako nung nagpakilala 'yung babaeng cute na nakaupo sa may likuran.

Medyo singkit 'yung mga mata niya, at may buhok na hanggang shoulders. With matching cute lips, in short maganda. Nalove at first sight yata ako, malamang anak siya ng artista.

"I'm Yna Ocampo from Makati, I'm fifteen years old. Turning sixteen this year." sabi niya.

Maghapon kaming nakaupo at nakikinig sa adviser namin, halos malaglag na nga ako sa aking inuupuan dahil sa sobrang bored at wala namang kabuhay-buhay kung magdiscuss ng policies si Ms. Dizon. Wala na siyang ibang ginawa kundi magsalita ng magsalita. Orientation lang kasi ang pinag-usapan namin.

Matapos ang napakahabang dikusyon tungkol sa mga policies, requirements at iba pa, dinismiss na kami ng aming pinakamamahal na adviser.

Sabay na kaming umuwi ni Anthony, siya lang kasi ang tanging kakilala ko sa classroom namin. Dala namin ang mabibigat, at sangkatutak na libro. Nag-usap lang kami tungkol sa mga walang kwentang bagay.

"Ang bigat bigat na ng bag ko." sabi ni Anthony.
"Tama lang naman yan para pumayat ka." sabi ko.
"Sana nga." sabi niya tapos napabuntong hininga.
"Sa tingin mo Sid. Sino mas maganda, si Lyn o si Yna?" tanong niya.
"Ha? Sinong Lyn?" tanong ko.
"Yong chicks sa kabilang section na kamukha ni Yna" sagot ni Anthony.
"Baka kapatid o kambal niya yon?" tanong ko ulit.
"Hindi eh, magkaiba ang apelyido nila. Hindi mo ba nakita kaninang recess?" tanong niya at umiling lang ako.

At sa bahay, naabutan ko si Papa na nasa terrace. Nagyoyosi na naman. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Si Mama nama'y nagdidilig ng halaman. Lumapit ako at nagmano din sa kanya.

"Nakauwi ka na pala anak. Ano? Kumusta ang unang araw?" tanong ni mama.
"Okey lang po. Orientation lang naman." sagot ko.
"Pumasok ka na sa loob. Mukhang mabigat yata yung bag mo." sabi niya.

Hindi naman 'mabigat'. Sobrang bigat nga.

"Ma, sa susunod, si Ate Nica nalang utusan mo para magdilig ng halaman. Para mahaba din ang ipapahinga niyo." sabi ko at pumasok na ko sa loob.
"Naku, okey lang no." narinig kong sinabi ni mama.

Wala si Ate Nica sa sala. Si Ate Joyce lang, kumakain ng piatos habang nakamighty bond ang mga mata sa TV. Dumukot ako ng isa sa piatos niya sabay takbo ng kwarto ko.

Nakita ko siya na parang nagulat. Ganun naman talaga yun, kapag nawala yung atensyon niya sa TV.

Pagkapasok ko sa kwarto, kinuha ko yung battery ng cellphone ko na nasa kama at isinaksak sa cellphone.

"Akala ko hindi niya chinarge. Maaasahan rin pala 'yun." sabi ko sa sarili.

Matapos magbihis, nag hapunan na kami. At gaya ng daily routine ko, nakinig muna ako ng music at saka natulog.

Pagkatapos ng kalahating oras, medyo naalimpungatan ako at narinig kong nagbukas ng bahagya ang pinto. Binuka ko ng konti ang kaliwa kong mata at nakita ko si Ate Joyce.

"Sweet dreams." sabi niya at sinara na ang pinto.

0 comments:

Post a Comment