Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 11, 2011

Boys Dating Girls Chapter 3: Classmates

Chapter 3: Classmates


"I'm Miss Patricia Fuentes, Ms. Tricia nalang itawag niyo. I will be your mentor in Biology for the whole School Year, and we will be meeting Five times a week." sabi ni Ms. Tricia.

May subject orientation kami ngayon. Teacher pala namin siya sa Biology, siya 'yung tinutukoy kong sexy na nakasabay ko sa jeepney kahapon.

Napansin ko lang na kadalasan sa mga guro dito sa SJU ay nasa katamtaman pa ang edad.
Private School kaya, so it means mga fresh graduates ang kadalasan sa mga guro dito.

Pagkatapos ng orientation, nag election of officers kami, isa na namang walang kwentang bagay na pinagkakaabalahan pa rin tuwing bagong pasok. Lagi nalang may election of officers tuwig bagong pasok, hindi naman nagagampanan ng maayos 'yung mga posisyon nila.

Sa awa ng Diyos, wala akong nakuhang posisyon. Binantaan ko kasi 'yung mga classmate ko na baka manghiram sila ng mukha ng kanilang aso pag ninominate nila ako. Nagpauto naman kaya natakot.

Ayaw ko naman talaga kasi ng mga ganito. 'Yun bang nagsiserbisyo ka pero wala ka namang matatanggap na mabuting binipisyo.

Nagpalakpakan kami matapos mahalal bilang presidente ng classroom na 'to si Elaine Gonzales. Malamang matalino, kasi may suot na glasses.

Marami akong nakilala sa araw na 'to. Isa na d'on, si Allan na hindi nakikinig sa guro at walang inatupag kundi matulog. Hindi na nakakapagtaka kung ba't basa ang ibabaw ng armchair niya, puno na kasi ng laway. Si Benjie naman, 'yung pilosopo, pag tinanong mo walang matinong sinasagot, walang ginawa kundi magpapansin.

Break na, nagsilabasan na ang mga kaklase ko para makipagsiksikan sa cafeteria. Hindi na ko pumunta ng cafeteria, aksaya lang ng oras. Pupunta nalang ako ng Library.

Nakasalubong ko si Benjie sa corridor at bigla akong inakbayan.

"Sid, may sasabihin sana ako sayo." sabi niya.
"Ano 'yun?" tanong ko.
"Nakalimutan ko eh. Sige una na ko." sagot niya.

Siya na siguro ang pinaka-'nonsense' na nakilala ko sa buong buhay ko.

Pumasok na ko ng library. Pinuntahan ko yung log book.
Kinuha ang... Ang ballpen ko!?


Nasan na yon?

Nakalagay lang 'yun sa bulsa ng polo ko kanina.

At dahil sa matalino ako nalaman ko kaagad na si Benjie ang may salarin sa pagkawala ng pinakamamahal kong ballpen.

Nilagpasan ko nalang ang log book. Swerte, at hindi nakatingin ang librarian. Hindi lang pala ako matalino, may pagkaninja din pala.

Napansin ko lang na medyo matao ang library. Parang ginagawa lang nilang tambayan tuwing recess.

May nakita akong pocket book na nakalagay sa ibabaw ng isang table. Kinuha ko naman at binasa.

"No piece of normal-size paper can be folded in half more than 7 times"

"Blueberry juice boosts memory"

"The elephant is the only animal with 4 knees"

"The cigarette lighter was invented before the match"

"Charlie Chaplin once won third prize in a Charlie Chaplin look- alike contest"

Nong una hindi ako naniwala na mas unang naimbento ang lighter kaysa posporo, pero sa huli'y naniwala naman ako kasi nabasa ko yung title ng pocket book, 'FACTS and Trivia'.

Hindi na'ko nag-atubili pa at hiniram ko na agad ang libro.

Bumalik na'ko agad sa classroom kasi natapos na 'yung break.

Walang guro sa period na 'to. Napansin kong naghahabulan 'yung iba. Yung iba nama'y nagbabatuhan ng papel.

Nagulat nalang ako dahil may biglang tumama na papel sa likod ng ulo ko. Tumingin ako sa likuran habang nanlilisik ang mata.

Nakita ko si Yna, nagpapacute?

Langya, nagpepeace sign pala. Kumalma naman ako at bumalik sa normal 'yung blood pressure ko.

"Sorry, hehe. Si Benjie dapat ang babatuhin ko eh." sabi niya at tinuro si Benjie na nasa harapan ko tapos biglang tumakbo.

Loko yon ha, kumuha ako ng papel, nakatalikod ang loko kaya binato ko agad. Pag hindi na 'ko nakatiis, makakatikim talaga 'yun sa'kin. Tandaan niyo, itaga niyo pa yan sa bato.

Pagkatapos, nginitian ko si Yna. Nginitian niya rin ako.

Lalo siyang gumaganda kapag ngumingiti siya.

Dumating na 'yung adviser namin at nagbago kami ng seatplan. Nasa may dulo ako ng pangalawang row at si Yna nama'y nasa kabilang dulo.

Napapagitnaan ako ng dalawang babae at feeling ko nasa Jupiter ako habang sila nama'y nasa Mars, I mean parang naaout of place ako kasi hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila. Mga bagay bagay lang naman tungkol sa babae at kung ano pang walang kwentang bagay.

Natahimik din sila sa wakas at laking pasalamat ko iyon sa Poong Maykapal.

Napansin kong nakatingin sa akin 'yung babae na nasa kanan ko. Daisy yata 'yung pangalan non.

"Hi Sid, pwede ko bang makopya ang requirements sa Biology?" tanong niya.

Binuksan ko ang bag ko at binigay ang notebook ko sa kanya.

"Thank you" sabi niya.

Nakita ko si Anthony sa likuran. Halatang komportable siya sa inuupuan niya, kasi enjoy na enjoy siya sa pakikipag-usap sa mga katabi niya.

Pagkatapos ng boring na subject orientation, dinismiss na agad kami ng adviser namin.

"Sid" narinig ko si Anthony.

May dalawang lalaki siyang kasama. Kung 'di ako nagkakamali, si Jobert 'yung medyo mataba at si Jonathan 'yung matangkad.

"Uuwi ka na?" tanong niya.
"Oo." sagot ko.
"Mamaya na muna. Medyo maaga pa naman o. Movie marathon muna tayo kina Jonathan, tsaka kung gusto mo, maglalaro na din tayo ng basketball." sabi niya at ipinakita ang relo niya.
"Okey, pero hanggang 7PM lang ako ha." sabi ko at tumango naman siya.

Palabas na kami ng SJU at nasa may gate na kami nang may bigla akong naalalang mahalagang bagay.

"Di ba may take home task tayo sa Biology?" tanong ko sa kanila.
Hindi pa nga regular class, may take home task na. Tsk.

"Oo." sagot nila.
"Dala niyo ba ang aklat niyo?" tanong ko.
"Oo." sagot nila.
"Teka lang, kunin ko lang sa locker ko yong akin. Hintayin niyo ko dito, segundo lang to." sabi ko sabay takbo.

Kung makapagsalita naman ako, parang ako si 'The Flash'. Segundo lang kasi 'yung sinabi ko.

Nasa room na ako at una kong nakita si Yna na mag isa, at parang may hinahanap yata.

"Yna, may hinahanap ka?" tanong ko ng walang pag-aalinlangan.

Ano ka ba, Sid. Hindi ba obvious na may hinahanap nga ang tao.

Humarap si Yna sa akin. Nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala.
"'Yung isang hikaw ko kasi nawawala. Regalo pa naman 'yun ng mama ko nong last birthday ko." sabi niya.

Hindi na 'ko nakatanggi pa at nagsimula ng maghanap ng nawawalang hikaw.

Ilang sandali lang, may nakita akong kumikinang. Nakumpirma kong hikaw nga 'yun. Akmang kukunin ko na sana, pero naunahan ako ni Yna kaya ang nangyari ay nahawakan ko 'yung kamay niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko at nagkatitigan kami ng ilang segundo. Natauhan naman kami at kinalas ko ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya. Cheesy.

Nabasag ang katahimikan nang bigla siyang nagpasalamat. Ngumiti lang ako bilang sagot.

Kinuha ko na ang aklat sa locker ko at ipinasok sa bag. Nakita ko namang palabas na si Yna kaya hinabol ko at hinarang ang dinadaanan niya.

"Yna" sabi ko.

Kinakabahan na ako, gusto ko sanang sabihin sa kanya na gusto ko siya pero kinakabahan ako.

"Ano yon?" tanong niya.
"May gusto sana akong sabihin sayo." sabi ko.

Natamihik kami sandali. Napansin kong naiinip na siya dahil ang tagal kong hindi nagsalita. Nararamdaman ko ang nagbabadyang hangin at nanlalamig ang mga kamay ko. Kulang nalang, magyelo ang mga 'to.






Napalunok ako ng laway, limang beses.





"Yna, kung alam mo lang sana na..." ayan na ako.

Kung alam mo lang sana na gusto kita.

"Na ano?" tanong niya at ngumiti.

Sinabing 'wag kang ngumiti nadadagdagan ang kaba ko.

"Na...























...na naimbento ang lighter bago pa man ang posporo." sabi ko.















...at mismong ako ay nagulat sa mga sinabi ko. Hindi lang basta nagulat, 'yung mas malala pa sa salitang 'nagulat'. Pakiramdam ko para akong sinapian ng espiritu ni Benjie, wag naman sana.

Nakakahiya kaya 'yung ginawa ko. Nasa dulo na ng dila ko 'yung katagang 'gusto kita' pero iba ang nasabi ko.

Narinig ko ang munting tawa ni Yna kaya tumakbo nalang ako patungong gate bitbit ang kahihiyang nagawa ko.

Naku, langya talaga. Nakakahiya, sana lamunin na ako ng putik. Pinapairal ko na naman ang katangahan ko. Epekto lang 'to ng sobrang pagbabasa ng Facts and Trivia.


Oo nga pala...


Siyet...


Naghihintay pala sina Anthony.


Naku, sinabi ko pa naman sa kanila na segundo lang 'to.

Nakita kong wala ng tao sa gate.
"Wala na sila, nauna na siguro. Hay, ang tanga ko." sabi ko sa sarili ko.
"Sila ba ang hinahanap mo?" biglang sulpot ng security guard habang tinuturo ang tatlong lalaki sa may bench area.

May lahing kabute ba 'yung security guard dito. Basta-basta nalang sumusulpot.

"Oo nga po, sila 'yun. Salamat po." sabi ko.

Nakita nila ako kaya lumapit sila sa akin.

"Sorry mga pre, may emergency kasi eh. Napasugod ako ng banyo." pagsisinungaling ko.
"Okey lang, maaga pa naman." sabi ni Jobert. Naniwala naman.

Nakita ko si Yna papalapit na sa kinatatayuan namin kaya niyaya ko na silang pumunta na kina Jonathan.


"O, ba't parang nagmamadali ka yata?" tanong ni Anthony.
"Nakita niya kasi si Yna." hirit ni Jonathan.

Psychic ba tong si Jonathan. Pano niya nalaman? Nakita nila kaya?

"Hindi kaya. Kasi... kasi excited lang ako." tanggi ko na may hand gesture pa.

Napatigil sila at nagtinginan. Tapos bigla silang nagtawanan. Langya, I don't know if what's wrong with them. Do they have any mental illness? I think so. Naks, english yan dude.

Nakarating na kami sa bahay nina Jonathan at halatang mayaman kasi may basketball court sa loob na iisa lang naman ang ring.

Nanood kami ng Green Hornet habang kumakain ng pizza. In fairness, maganda ang movie at wala akong masabing discrimination. Madalas ko kasing dinidiscrimate 'yung palabas kapag hindi umangkop sa panlasa ko. At pagkatapos naming manood ay nagyaya si Jonathan na magbasketball.

Kami ni Jobert laban kina Anthony at Jonathan. Natapos ang laro sa score na 20-14. Talo kami. Hayop talaga 'tong mga 'to. Ni hindi man lang pinagpawisan. Samantalang ako, pawis na pawis.

Mga trenta minutos bago mag-7PM ay nakauwi na agad ako ng bahay.

Nakaligo na ako at nakapaghapunan na. Nakita kong nanonood ng TV si Papa sa sala habang nagyoyosi. Sina Ate naman, wala pa ring pinagbago. Pumasok na ako ng kwarto at ginawa ko ang daily routine ko.

Muntik ko na ngang makalimutan ang take home task namin sa Biology. Buti naalala ko pa kahit tinutubuan na ako ng mga puting buhok.

Kailangan namin idistinguish ang raw egg sa hard-boiled egg, at dapat using scientific method daw. Siguro kailangan ko ng kontakin si Einstein. Para kasing napupundi 'yung utak ko sa tuwing nakakarinig ako ng scientific method.

Di nagtagal, nakapagformulate na din ako ng intelligent guess, without the help of Einstein. At next ay experimentation. And last but not the least, CONCLUSION.

Sa wakas, tapos na rin. Nag-inat muna ako ng katawan bago humiga at pagkatapos ay natulog na.

0 comments:

Post a Comment