Subscribe:

Pages

sunset

Monday, August 29, 2011

Boys Dating Girls Chapter 22: Library Challenge

Chapter 22: Library Challenge


"Gumawa ka nga ng paraan para makalabas tayo dito. Kanina pa kasi ako naiirita sa pagmumukha mo." sabi ni Jennie.
"Heto na nga oh, tinetext ko na sina Michael. Masyado kang excited." sabi ko.

Ilang sandali ay nakalabas na rin kami sa wakas ng jail booth sa tulong nina Michael. Nakacostume pa nga sila nung dumating sila para irescue kami, pinagtinginan tuloy sila ng mga usyoserong tao.

"Pano Sid, kailangan pa naming bumalik sa horror house. Umalis kasi kami dun ng walang pahintulot. Lagot kami kay Jasmin." sabi ni Michael sabay ngisi at naiwan kami ni Jennie dito sa harap ng jail booth.

Pupunta na rin sana ako ng horror house kaso may dalawang pulis na naman ang humarang sa akin. Hindi lang yata sa akin, pati na rin kay Jennie.

Na naman? Pambihirang buhay 'to o. Kakalabas pa nga lang namin, aarestuhin na ulit kami.

"Inaaresto namin kayo. Ilahad niyo sa amin ang inyong mga kamay." sabi ng isa.
"Hoy, para sa kaalaman niyo. Tapos na ang parusa namin!" sabi ni Jennie habang tinuturo niya ang dalawang pulis kuno.
"Trabaho lang naman 'tong ginagawa namin." sabi ng pangalawa at naglabas siya ng isang posas.

Mukhang alam ko na yata kung anong gagawin nila sa amin kaya napatakbo ako ng 'di oras kaso nahawakan ako sa braso ng isang pulis. Galing ah, nadaig niya ang mga ninja stants ko.

"Kapag nagtangka kang tumakas madodoble ang kaparusahan mo." banta ng isa at tuluyan na nila kaming pinosasan.

Pambihira, ang hirap naman nito. Can you imagine, nakaposas yung kaliwa kong kamay sa kanang kamay niya.

"So, ang gagawin niyo'y lilibutin niyo ng dalawang beses ang buong campus habang nakaposas kayo. Sa oras na malaman namin na hindi kayo sumunod sa mga sinabi namin, madodoble ang parusa niyo." sabi ng pangalawang pulis.

Ano!? Tama ba yung narinig ko? Dalawang beses? Tarantado kayo Michael, alam kong kayo ang may gawa nito. Lagot kayo sa akin mamaya.

"Buwisit naman o, sino ba ang may pakana nito?" tanong ni Jennie habang nagdadabog.
"Sino pa nga ba, e di yung mga tarantado kong kaibigan." sagot ko.
"Nagmana talaga sila sayo no? Ika nga, birds with the same feather, flocks together." sabi niya na halatang nang-iinsulto.
"Hindi naman nakakapagtaka e. Nagmana din kasi ako sayo." sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko at hinampas niya ako sa braso.

Ang daya naman. Siya na nga 'tong nang-insulto, siya pa yung maiirita sa huli.

"Bilisan mo nga ng konti ang paglalakad mo. Tingnan mo, daig pa kita o." sabi niya at binibilisan ko nga yung paglalakad ko.
"Sinabi ko bang tumakbo ka?" tanong niya sabay kurot sa tagiliran ko.

Ito na ang kinatatakutan ko. Nagsisimula na kasi ang tinginan ng mga estudyante sa amin dito sa may corridor. Para tuloy kaming naglalakad sa redcarpet habang pinapanood ng mga fans namin.

"Ano ka ba? Keep your distance naman. Look, all of them are looking at us." sabi ni Jennie.
"Pambihira, iniisip mo pa rin ba hanggang ngayon na pervert ako?" pabulong kong tinanong sa kanya.
"Hindi mo ba narinig yung inutos ko? Keep your distance. Remember, your my servant?" sabi niya sabay taas ng kilay.

Ganon na talaga kababa ang tingin niya sa akin at para sa ikakapanatag ng loob niya, dumistanya nga ako ng konti sa kanya gaya ng sinabi niya kahit na nakaposas pa rin kami.

At nung dumaan kami sa harap ng classroom namin na ngayon ay horror house, marami ang nagbulong-bulungan at siyempre marami din ang nagtaasan ng kilay. Ang showbizz talaga ng dating namin. Hindi na ko magtataka kung ba't nasa headlines na ng newspaper ang pangalan ko bukas.

"Love team of the year!" sigaw ng isang unknown female specie na nasa likod namin.
"Bagay kayong dalawa!" sigaw ng isang unknown male specie sa may gilid namin.

Bigla nalang akong siniko ni Jennie sa hindi ko alam na dahilan.

"Kinikilabutan ako dun sa mga pinagsasabi nila. Nakakapanindig balahibo." pabulong na sinabi ni Jennie.

Pambihira, ako naman yung kinilabutan dun sa sinabi ni Jennie sa akin.

"Uy si Sid at tsaka si Jennie o nakaposas. Ang sweet naman." sabi ni Benjie.

At isa pa 'tong hinayupak na 'to. Binatukan nga namin para matauhan. Matauhan? E kahit ano pang gawin mo diyan, hindi yan matatauhan.

"Kayo naman o. Hindi na mabiro." sabi niya sabay himas sa ulo niya.

Nakasalubong din namin si Louie na kasama sina Steven at Anthony. At guess what his reaction? Obviously, nagalit siya. Medyo kumunot yung noo nung nakita niya kami at yung itsura niya mukhang lalamon ng tao. Sa madaling salita, nagseselos siya.

"Teka, Jennie. Bakit ka nga pala nakulong kanina sa jail booth? Hindi naman stripes yung suot mo ah?" tanong ko.
"Hindi lang naman yun ang hinuhuli nila. Hinuhuli din kasi nila yung mga nagsusuot ng pink na sandals. Nakakabuwisit nga e. Alam mo ba yung pakiramdam na gusto mong pumatay ng tao?" sabi niya at napatingin ako sa mga paa niya.
"Hinubad mo nalang sana." sabi ko.
"Sira. Huhubarin? Ano nang susuotin ko? E ikaw, bakit di mo hinubad yung t-shirt mo?" tanong niya.
"Ayoko kasing magkandarapa sa akin yung mga girls dito." sabi ko sabay wink ng left eye ko.

Bigla akong napatalon dahil kinurot niya ako sa tagiliran at tsaka sa braso.

Pambihira kurot, hampas, sampal, batok, suntok, siko at ano pa? Kung anu-ano nalang yata ang natatanggap ko sa kanya. Kumbaga, dahan-dahan niya akong pinapatay.

"Kahit kailan ang galing-galing mo talaga pagdating sa pagyayabang no?" sabi niya sabay roll eyes.

Ilang sandali ay natapos na rin ang paglilibot namin sa buong school ng dalawang beses at pinakawalan na rin kami sa wakas ng mga pulis kuno. Naging alerto na nga ako, baka kasi may bigla na namang sumulpot na mga pulis sa harap ko.

Aaminin ko, nag-enjoy ako kahit na ang dami kong natanggap na mga kurot galing kay Jennie. Ewan ko ba, naiimmune na yata ako sa mga kurot niya.

"Hi Sid, welcome to our booth!" sabi ni Elaine sabay ngiti habang naka wide open ang kanyang mga braso.
"Library? Booth?" tanong ko habang tinuturo ang pintuan ng library.

Ang galing ah? Ano naman kayang meron sa loob? Can you think of any games about books? O baka naman yung babatuhin mo ng sankatutak na libro yung tao na nasa harapan at kapag natamaan mo may premyo ka.

Marahil hindi, at bakit naman sila makakaisip ng ganong trip? Grabe naman yata yung iniisip ko.

"Ano bang meron sa loob?" tanong ko.
"May parang maze sa loob na may iba't-ibang checkpoints. Every checkpoints ay may mga challenge na ipapagawa sayo." sagot ni Elaine.
"Ang galing ah pero ano namang mapapala ko diyan?" tanong ko.
"Kung sakaling maacomplish mo ang lahat, magiging alipin mo ang isa sa mga members ng club namin." sagot niya sabay ngiti.

Alipin? Magandang prize nga yan, kaysa naman sa mga pocketbooks o di kaya'y coloring materials. Masubukan nga. Five pesos lang naman ang mababawas sa pera ko.

"Good luck, Sid." sabi niya at pumasok na ako sa loob.

"You will be given one minute to think of an answer. Here's the first question, an airplane crashed in the middle of the sea, where did they buried the survivors?" tanong ni Tim.

Laking gulat nalang ni Tim nung bigla akong tumawa na halos marinig na sa buong library. Anong klaseng tanong ba naman yan? Akala ko naman aabutin ako ng ilang linggo para makapag-isip ng sagot, yun pala eh sigundo lang.

"Pano naman nila ililibing yung mga survivors e buhay ang mga yun." sagot ko pagkatapos kong mahimasmasan.

Medyo malayo na din ang narating ko, hindi ko lubos maisip na nasa checkpoint number 7 na ako ngayon, pano kasi napakasisiw lang nung mga challenge nila. Bakas talaga sa mga mukha nila ang matinding kaba, baka kasi sila yung mapili ko bilang alipin kung sakaling matapos ko lahat ng challeges.

"Your seventh challenge is you need to find Olso in the map." sabi ni Eliza sabay bigay ng world map sa akin.

At dahil sa matalino ako sa Geography, hindi naman sa pagmamayabang, pero naging sisiw lang sa akin yung challenge. Ano nga yun? Oslo capital ng Norway na matatagpuan sa Northern Europe? Tama!

"For one minute, your ninth challenge is you need to find the red card in this shelf. That red card contains a question for your next challenge." sabi ni Myka.

Medyo nashock ako dun. One minute? Tapos sangkatutak na libro ang nasa harap mo? Okey lang din naman, at last nakaisip na rin sila ng mas mahirap na challenge. Yung pagpapawisan ka talaga.

"5 seconds left." sabi ni Myka.

Pambihira, ang bilis naman yata ng one minute niya. Saang aklat ba kasi nila tinago yung red card? Magpakita ka na please.

At sa hindi ako alam na dahilan, may biglang nahulog na red card sa librong Tom Sawyer na hawak-hawak ko ngayon.

"Your time is over! Sorry, but you cannot procede to the next checkpoint." sabi ni Myka.
"Teka, nahanap ko na o!" sabi ko sabay taas ng red card na hawak ko.
"Sorry, pero hindi ka umabot sa oras." sabi ni Myka.
"Hindi. Nahanap ko 'to bago natapos yung time." sabi ko.

Pambihira, acceptable naman dapat yun. Ang bilis din naman kasi nung one minute niya.

"Ah Myka, nahanap nga niya yung red card before the time. I saw it." sabi ni Elaine na nasa likod namin.

Napabuntong hininga naman si Myka, pagkatapos ay tumingin sa akin. Halatang namang hindi niya gusto na makaprocede ako sa next challenge. Sino ba naman ang may gusto na maging alipin?

"Okey, so you can procede to the last challenge." malamyang sinabi ni Myka.

Muntikan na yun ha. Tiningnan ko si Elaine at nagwink lang siya sa akin. Nagtataka lang ako, bakit niya ako kinampihan? Gusto ba niyang magpaalipin akin? Anong malay natin, baka ganon nga.

"You will be given one minute to answer, your tenth challenge is to answer the question in that red card. Time starts now." sabi ni Elaine.

Nagmistulang slow motion ang pagbukas ko ng red card. Ano kaya yung nakapaloob na question dito?

Question: One of the greatest invention of a human that can pass through walls. (For 1 Minute)

Invention ng tao kung saan pwede kang lumusot sa pader? Ano yun? May naimbento bang ganon ang tao?

"10 seconds left." sabi ni Elaine.

Teka lang, ano bang isasagot ko dito? Ano bang mga bagay na may kinalaman sa pader? Bintana? Pintura? Family picture? Kurtina? Pintuan?

Pintuan? Tama, pintuan nga. Ang galing ko talaga kahit papano. Biruin mo, kahit hindi pamilyar sa akin yung tanong nagawa ko pa ring sagutan ito.

"Now, for your last challenge. May kinalaman din sa pintuan." sabi ni Elaine at may ipinakita siyang tatlong susi sa akin.

Aanhin ko naman kaya ang mga susing iyan?

"Nakikita mo ba 'tong pintuan na nasa likod ko? Ngayon, kailangan mong pumili ng isang angkop na susi dito sa tatlong susi na hawak ko ngayon. Bibigyan kita ng 20 seconds to decide. Time starts now." sabi ni Elaine.

15 seconds na ang lumipas at patuloy lang ako sa paghimas ng baba ko. Pero sa tingin ko, yung huling susi ang angkop na susi para dun sa pintuan.

"So, itong huling susi ang napili mo." sabi niya at binigay sa akin ang huling susi.

Mistulang slow motion yung pagpihit ko ng susi at sa kagandahang palad, bumukas ang pintuan na hindi ko naman inakala at tumambad sa akin ang isang nakakasilaw na ilaw at bumaba mula sa taas si San Pedro. Ayan, nahahallucinate na naman ako.

Pero ang totoo niyan ay pagbukas ko ng pinto, nakalabas lang ako ng library, there was no supernatural phenomenon happened.

"Congrats, ikaw ang pinakaunang nakaaccomplish ng maze namin." sabi ni Elaine at may binigay siyang papel sa akin.

Ano 'to? Listahan ng mga utang? Ay hindi, listahan pala ng mga club members nila. Ang dami pala nila, pero iilan lang ang nandito ngayon.

"Ano? Nakapili ka na ba ng magiging alipin mo? You can choose any of them, as long as member siya ng club at nasa listahan yung pangalan niya." sabi ni Elaine pagkatapos kong matingnan ang listahan ng mga members nila.

Nagsilapit naman sa amin yung mga members nila na nandito ngayon. Bakas na bakas sa mga mukha nila ang matinding kaba. Si Tim, grabe kung pagpawisan. Si Eliza nama'y nagsign of the cross. As if naman sila yung pipiliin ko.

At ang napili ko ay si...

Boys Dating Girls Chapter 21: Clown

Chapter 21: Clown


Lunes na at ito ang unang araw ng foundation week namin. Yung school namin nagmukha nang perya. Bawat section at club kasi ay may inihandang booth, hindi ko naman alam kung para saan talaga ang mga 'to.

At ang naging booth ng section namin ay horror house. Oo, horror house. Yan kasi ang naisip ng mga walang hiya kong classmates.

Hindi naman ako pumayag na gawin nila akong panakot sa mga customers, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa hindi talaga bagay sa akin yung pinapagawa nila. Itong mukhang 'to gagawing lang panakot? No way!

Dahil sa ayokong magpanggap na isang nakakasindak na nilalang, minabuti ko nalang na tumulong sa pagset-up ng classroom namin, at least may contribution ako kaysa naman wala.

At ngayon nasa cafeteria ako kasama ang mga walang hiya kong katropa. Nagpatawag kasi ako ng urgent meeting sa kanila kanina. Urgent meeting talaga ha.

“Our agenda is all about our band name. Sa palagay ko we need to change our band name. Baduy kasi pakinggan.” sabi ko habang kinakain ko ang sandwich ko.
"I object! Di ba napagkasunduan na natin yun? At ano namang naging baduy dun?” tanong ni Chester.
“Para kasing nakakadiri pakinggan. Wala na kong paki sa kung anuman ang ipapalit natin basta ang importante mabago natin ang band name.” sagot ko habang pinupunit into small pieces ang table napkin ng sandwich.
“Nakakadiri!? Haha, e kamakailan lang taas noo mo pa ngang sinabi sa amin na yun na ang magiging band name natin.” sabi ni Jonathan.
“Ah basta, pangalanan niyo na ng kahit ano ang banda natin kahit Lovethirst, Devil Corpse o Ganja pa yan, wag lang yung I Punch The Pervert. Ano, hindi pa ba kayo masaya?” sabi ko.

Bigla nalang tinakpan ni Chester ng table napkin ang mukha ko at nagtawanan silang lahat. Kawawang Sid, ginawang clown. Pambihira, mas bagay pala akong maging clown.

"Hoy gumising ka! Nakaregister na kaya yung pangalan ng banda natin. Pano mo naman papalitan yun?" tanong ni Chester.

At nagising naman ako, not literally pero para akong nalaglag sa upuan ko. Teka, hindi na pala pwedeng palitan? Pano na 'to?

Sa mga oras na 'to, parang gusto ko nang pumatay ng tao kaya bigla ko namang sinakal si Chester. Pero yung hindi masyadong mahigpit. Ayoko yatang makulong sa salang pagpatay.

"Anong sinabi mo? Hindi na pwede?" tanong ko at biglang may bumatok sa akin kaya nabitawan ko yung leeg ni Chester.
"Ano ka ba? Relax ka lang Sid." sabi ni Michael at inabutan niya ako ng softdrinks.
"Ganito kasi yan, hindi na talaga pwedeng palitan yung band name natin kahit sugurin mo pa yung management staff except nalang kung magbaback-out tayo." paliwanag ni Jonathan.
"Tsaka, alam mo bang pag pinatay mo ko para mo naring pinatay ang pag-asa ang Pilipinas." sabi ni Chester pagkatapos niyang mahimasmasan.

Ano siya? Soon-to-be-president na magpapabago ng takbo ng ekonomiya ng Pilipinas? Bilib din ako sa pangarap niya ah.

"Teka lang, I need some clarifications kung bakit gusto mong palitan ang band name natin." sabi ni Jonathan sabay inom ng softdrinks.
"Because I want change!" sabi ko habang nakawide open ang mga braso ko.

At bigla naman akong sinakal ni Jonathan na halos malagutan na ako ng hininga.

"Pambihira, sagutin mo nga ako ng maayos." sabi ni Jonathan.
"Relax ka lang Jonathan. Pero bago ko muna sabihin sa inyo ang dahilan kung bakit gusto kong palitan ang band name natin, may ikikuwento muna ako sa inyo." sabi ko habang hinahabol ang hininga ko.

Alam niyo ba kung ano yung kinuwento ko sa kanila? Yung malicious guestroom incident lang naman na nangyari noong sabado sa bahay nina Grace. Akala niyo siguro ikukuwento ko sa kanila yung tungkol kay pagong at matsing no?

"Get lost, pervert!" sabi ni Jonathan sabay sampal sa pisngi ko.

Pambihira, sa kabila ng pagdadalamhati ko, nagawa pa niyang gayahin si Jennie para lang insultuhin ako.

Pinagtawanan naman nila ako. At tuluyan na talaga akong naging clown. Pambihira, akala ko pa naman makikipagsimpatiya sila sa akin. Anong klaseng kaibigan kayo!

"Yan ba ang naging dahilan kung ba't gusto mong palitan ang band name natin?" tanong ni Chester.
"Halata naman. Bakit ko naman ikikuwento sa inyo yun kung hindi naman connected sa usapan natin." sabi ko.
"Ang pinakamasaklap lang talaga sa nangyari sayo ay yung pinakamalan ka niyang rappist." sabi ni Michael.

I haven't heard Jennie called me a rappist. Okey lang siguro kung pervert, pero rappist? No way!

"Alam niyo ba yung pakiramdam na gusto mong pumatay ng tao? Ako na nga ang tumulong sa kanya, ako pa ang naging kulelat." sabi ko sabay hagis ng straw sa trash bin.
"If that's the case, napakasimpleng solution lang ang para diyan." sabi ni Jonathan sabay cross arms.
"Ikaw? Makakaisip ng solusyon?" tanong ko habang tinuturo si Jonathan.
"Ipaliwanag mo lang sa kanya ang lahat. Solve ang problem mo." sabi ni Jonathan.
"Ganon nga sana yung mangyayari kaso bigla niya akong sinampal na halos ikamatay ko na!" sabi ko sabay punit into small pieces sa mga table napkin ng sandwich nila.

Bigla nalang akong sinakal ni Michael. Hindi ko alam kung ba't naging trending ngayon ang pananakal.

"Mag-isip ka nga, pwede ka namang magpaliwanag sa kanya ngayon." sabi ni Michael.
"Pwede nga pero baka sampalin lang niya ulit ako." sabi ko.
"Hindi mo pa nga nasusubukan. At kung inosente ka nga dun sa ginawa mo, hindi ka mag-aalinlangan na lapitan siya ngayon upang magpaliwanag." sabi ni Michael.
"Ayoko nga. Mas gugustuhin ko pang magpabugbog sa inyo kaysa magpasampal sa kanya." sabi ko.
"You mean na mas malakas pa yung sampal ni Jennie kaysa sa mga suntok namin?" tanong ni Jonathan.
"Oo." sagot ko.
"O baka gusto mo lang ng sample?" tanong ni Jonathan sabay taas ng kanyang kamao.
"No need. Hindi lang rin naman ako masasaktan sa suntok mo." sagot ko sabay ngisi.

Bigla naman kaming inawat ni Chester. Salamat naman at inawat niya kami, kundi baka mapatay ko pa 'tong si Jonathan ng wala sa oras.

"Hoy kayong dalawa, mamaya niyo na muna asikasuhin yan." sabi ni Chester.
"Alam mo, Sid. Hindi ko nakikita sayo yung poot at galit kay Jennie. At imbes na magalit ka, mukha masaya ka pa yata ngayon." sabi ni Michael.
"Tama ka, Michael. Hindi ako galit, I'm very angry lang." sabi ko sabay sarado ng dalawa kong kamao.

Nakita ko naman sa mga mukha nila ang pagtataka. Sino bang hindi magtataka dun sa sinabi ko.

"Parehas lang naman yun." sabi ni Jonathan.
"Ewan ko nga sayo, Sid. Kung gusto mong tulungan ka namin diyan sa problema mo, magseryoso ka muna." sabi ni Michael.

Seryoso na nga eh. Ano ba ang salitang seryoso para sa kanya?

"O, ayan seryoso na." sabi ko.
"Bitawan mo muna yang hawak mo." sabi ni Michael at binitawan ko naman yung hawak kong table napkin.
"Alam ko na. Ano kaya kung kina Grace ka nalang magpaliwanag?" tanong ni Chester.
"Ano namang magagawa ni Grace dito sa problema ni Sid?" tanong ni Jonathan.
"Ano bang alam mo kina Grace at Jennie? Di ba magkaibigan? Common sense naman." sabi ni Chester.

May punto din si Chester. Akala ko hindi siya marunong mag-isip. Hay, kahit kailan ang galing ko talaga pagdating sa pangmamaliit.

"Tama si Chester. Mas mabuti nga siguro kung sina Grace ang pagsasabihan ko." sabi ko.
"Ang problema ay kung okey lang ba kay Michael?" tanong ni Jonathan sabay tingin kay Michael.
"Anong klaseng tanong ba naman yan. Siyempre, okey lang sa kin no." sabi ni Michael.
"Yoohoo. Tapos na rin ang problema ni Sid!" sabi ni Chester.

At sinaboy niya sa akin yung mga pinunit kong table napkin kanina at nagmistulang umuulan ng mga confete. Ano ako? Jackpot winner?

Bumalik na kami sa aming classroom na ngayon ay ginawang horror house. Akalain mo, pinipilahan na ng marami ang horror house namin. Ang galing kasi ng mga nagset-up lalo na yung Sid ang pangalan.

"Hoy, kayong apat!" sigaw ni Jasmin, yung nagmamanage ng horror house namin ngayon.
"Kami?" tanong ko.
"E di sino pa nga ba?" tanong niya at lumapit naman kami.
"Ano yun?" tanong ko.
"Kailangan namin ng tatlong magpapalit dun sa tatlong multo kanina." sabi niya.
"Tatlo lang pala e. Sige, mauna na ako. Goodluck sa inyong tatlo." sabi ko sabay ngisi.

Aalis na sana ako kaso biglang hinila ni Michael ang damit ko.

"At saan ka pupunta?" tanong ni Michael.
"Jasmin, di ba tapos na ako kanina sa pagset-up ng classroom?" tanong ko.
"Oo, tapos na si Sid kaya kayong tatlo nalang." sagot ni Jasmin.
"See?" sabi ko at pinakawalan na ako ni Michael.

Nakita ko naman sina Grace sa may marriage booth at hindi nila kasama si Jennie, pagkakataon nga naman oh.

Lalapitan ko na sana sila kaso may biglang humarang sa akin na dalawang pulis. Oo, pulis nga. Nakauniporme pa nga sila. Teka, anong ginagawa nila dito?

Teka, bakit parang nakita ko na dito sa SJU yung mga mukha nila? Tama, taga dito nga sila pero bakit nakasuot sila ng uniporme ng pulis? Malay ko ba.

"We are from the jail booth department. We are arresting you because you are wearing a poloshirt with stripes" sabi ng isa.

Teka, bakit di ko alam na hinuhuli pala nila yung mga nagsusuot ng stripe poloshirt? Oo nga pala, nasa cafeteria pala kami kanina, kaya siguro hindi ko narinig. O baka naman dahil sa mga bungangerang announcers ng dedication booth kanina? Whatever.

Pinapasok naman nila ako sa isang classroom. Pambihira to o, papano ko hahanapan ng paraan yung problema ko kay Jennie kung nakakulong ako dito ngayon. To make things worst, walang kaalam alam sina Michael na nandito ako ngayon. Buti pa yung iba dito napiyansahan na.

Teka, si Jennie ba yung nakaupo dun malapit sa may bintana? Tama, si Jennie nga. Pagkakataon nga naman o pero bakit siya nandito? Hindi naman stripes yung suot niya. Malapitan nga para magkalinawan kami.

"Jennie?" sabi ko at umupo ako sa tabi niya.

Pambihira, hindi man lang siya umimik o kaya'y lumingon sa akin. Para namang hindi Jennie yung pangalan niya.

"Jennie, alam kong galit ka sa akin pero mas galit ako sa iyo." sabi ko at nakuha ko rin sa wakas ang atensyon niya.
"Pwede ba, wag mo ngang dagdagan yung problema ko. At please lang, keep your distance kung ayaw mong masampal ulit kita." sabi niya at kumunot ang noo niya.

Lumayo naman ako ng konti gaya ng sinabi niya. Sino ba namang hindi lalayo kung alam mong kasing sakit ng palo ng baseball bat yung sampal niya?

"Hay, nasayang tuloy yung bagong damit ko na sinukhan mo lang. Nagsisi nga ako kung bakit kita dinala sa guestroom. Okey lang naman na hayaan kitang matulog dun sa sofa. Ayan kasi ang daming ininom, tapos ako pa tuloy 'tong may kasalanan ngayon. Muntikan pa nga akong magkastiff-neck dun sa 180 degrees na sampal mo." sabi ko sabay buntong-hininga.

Humarap siya sa akin at biglang tumawa ng napakalakas. Biruin mo, harap harapan niya akong tinawanan. Hindi ba niya nakikita na marami ang nakatingin sa kanya at pawang mga nakasuot ng stripe na damit?

At ngayo'y certified na clown na talaga ako, ang dami ko nang napatawa ngayon. Pwede ko na sigurong palitan si Mr. Bean sa kanyang palabas.

"Kawawa ka naman pala. Pero hindi ako naniniwala sayo unless you will have some evidences. At kung gusto mong patawarin kita, make a choice muna." sabi niya.

Pambihira, siya nga dapat 'tong humihingi ng tawad, pero anong nangyari? Ako itong humihingi ng tawad.

Pambihira talaga! at may nalalaman pa siyang choice. Ano yun, choice between life and death?

"What choice?" tanong ko na may halong gulat.
"Pumili ka, gagawin kitang alipin o gagawin kitang servant?" tanong niya sabay tawa ng nakakaloko.

Boys Dating Girls Chapter 20: Some Kind Of Trouble

Chapter 20: Some Kind Of Trouble


"Dare." lakas loob niyang sinagot.

Wala naman akong maisip na magandang trip kay Elaine. Tinanong ko sina Michael pero umiling lang sila. Himala at wala silang naisip na kalokohan.

"Ganito nalang. Magballet dancing ka." sabi ni Jennie.
"Huh, e hindi naman ako marunong magballet." sabi ni Elaine.
"E di gayahin mo nalang yung mga nakikita mong nagbaballet." sabi ni Diane.

Tumayo naman si Elaine at gaya ng sinabi ni Jennie nagballet dancing nga siya sa harap namin. Nakakatawa yung itsura niya, para namang hindi ballet dancing yung ginagawa niya.

"Ballet dancing ba yun?" tanong ko at bigla akong binatukan ni Elaine.
"Sira. Di ba sinabi ko ngang hindi ako marunong." sagot niya.

Ang pangatlong ikot naman ay tumama kay...

Tantananantanan.

Sa akin? Siyet, bakit ako pa?

Ayoko yatang mabawasan ang dignity ko, remember I'm a dignified person. Lord, help me.

Kinilabutan naman ako sa mga malademonyong ngiti nina Jonathan. Sana naman hindi sila makaisip ng kalokohan na ipapagawa sa akin.

Nag-isip naman ako ng isasagot ko. Kung dare ang pipiliin ko, para ko na ring pinili na magpakamatay. At kung truth naman ay? Ano nga bang mangyayari kapag yun ang sinagot ko?

"Truth." sagot ko.

Iniiwasan ko lang yung mga kalokohan nina Michael. Tsaka, wala naman silang makukuhang sekreto sa akin. Pag tinanong nila ako kung sino ang crush ko, ang isasagot ko lang ay si Angel Locsin. Ganon lang kasimple.

Napatunganga naman sila, marahil ay walang maisip na tanong. Akala niyo ha.

"Eto nalang. Sino ang pinakamaganda sa aming lima ngayon?" tanong ni Daisy.

Anak ng talangka. Akalain mo, nakaisip pa siya ng ganong klaseng tanong.

Tiningnan ko naman ang bawat isa sa kanila. Binusisi kong mabuti ang bawat sulok ng mukha nila. Pero kunwari lang naman 'to, kasi pag diretso kong sinagot yung tanong baka magduda pa sila sa akin. Ang talino ko rin no?

"Si Jennie." lakas loob kong sinagot sabay ngiti ng nakakaloko.

Naghiyawan naman sila na marahil ay kinikilig sa amin. Ofcourse, I mean what I said. Totoo namang maganda talaga si Jennie ngayon. Pero hanggang dun lang yun, it doesn't mean na may gusto na ako sa kanya.

Pambihira, ngiti naman diyan. Ayaw siguro niyang sinasabihan siya ng maganda, mas gusto siguro niyang sabihan siya ng pangit.

Ang pang-apat naman na ikot ay tumama kay...

Jennie? At nakita ko namang nagulat siya. Sana naman hindi ako kasali sa mga balak nilang ipagawa kay Jennie.

Nakakatindig balahibo talaga ang mga malademonyong ngiti nina Jonathan. Sa palagay ko, tuluyan na yata silang nasapian ng demonyo.

"Dare." lakas loob na sinagot ni Jennie.

Naman o, bakit dare pa. Jennie, hindi ka ba nag-iisip? Malamang, hindi.

Bago pa man makapagsalita ng kalokohan si Jonathan ay tinakpan ko na agad ang bibig niya. Buti naman at napansin ko agad yun. Madaya na kung madaya, wag lang mapahiya.

"Ikiss mo si Sid sa cheek." sabi ni Diane.

At sabay kaming nagulat ni Jennie. Mas malala pa yata siguro 'to sa mga kalokohan nina Jonathan.

Pambihira talaga o, at bakit ako pa ang kailangan niyang ikiss? Ayokong maiskandalo sa school bukas dahil lang dito tapos magugulat nalang ako dahil nasa headlines na ng newspaper ang pangalan ko.

Naghiyawan naman sila at panay ang banggit nila sa salitang 'kiss'.

"No way. Ano siya sinuswerte?" sabi ni Jennie at nagulat ako.

Nakakainsulto naman yung sinabi niya. But for the sake of our dignity, papayag muna ako na alipustahin niya ngayon.

"Ayoko talaga. Please, nakikiusap ako. I don't want to kiss that guy." tanggi ni Jennie.
"You can have a choice rather, pwede ka namang pumili sa kanilang apat." sabi ni Diane.
"No way!" sigaw ni Jennie.

Tiningnan ko naman sina Michael at parang nainsulto din sila sa inasta ni Jennie.

"Sige na Jen, pagkakataon mo na 'to." sabi ni Diane.
"Oo nga. Sabihin nalang natin na friendly kiss lang 'to." sabi ni Daisy at umiling si Jennie.

So, okey lang naman pala kasi friendly kiss lang naman. Para sa ikakapanatag at ikakatahimik ng loob nila, ikiss mo na ako tutal friendly kiss lang naman :) Kiss me na! Haha, ang sama ko talaga.

But don't get me wrong. It doesn't mean na pumapayag na ako na ikiss ako ni Jennie sa pisngi. Sa totoo lang, hindi ko na talaga masikmura yung hiyawan nila.

"So, it seems na you don't want this dare. So, kung ayaw mo ito nalang. Okey ba sa inyo guys?" sabi ni Elaine sabay bigay ng isang bote ng beer kay Jennie.
"Ano namang gagawin ko dito?" tanong ni Jennie.
"Ano pa ba e di uubusin mo." sabi ni Daisy.

Napabuntong-hininga naman ako. Mabuti naman at pinalitan ni Elaine yung ipapagawa nila kay Jennie.

"Ano ka ba naman Sid? Ba't ka pumayag na palitan nila yung ipapagawa kay Jennie." bulong ni Chester.
"Oo nga naman. Sayang yung kiss ni Jennie." bulong ni Michael.
"Hindi mo ba naiisip na once in a lifetime lang yun." bulong naman ni Jonathan.

Nagmistula tuloy silang mga bad conscience na umaaligid sa tenga ko. Kulang nalang tubuan sila ng mga sungay at buntot.

Nasaksihan naman namin kung pano tunggain ni Jennie ang isang bote ng beer. Akala ko hindi niya kaya.

Kasabay ng pagtayo ni Elaine ang pagkaubos ng beer na ininom ni Jennie.

"Guys, it's getting late na. I need to go home. Thanks for this Party, I enjoyed a lot." sabi ni Elaine habang nakatingin sa kanyang relo.

Ilang sandali ay umalis na rin siya. Sumunod si Jonathan at tsaka si Daisy. Ngayon, ang natira nalang dito ay kami nalang nina Grace, Michael, Diane, Chester at Jennie.

"Excuse me guys, I need to go to the CR muna." sabi ni Jennie.
"Samahan na kita." sabi ni Grace at tumungo na sila sa loob mismo ng bahay.
"Be right back ha. I'm not sure kasi if this three are harmless." sabi ni Diane at nagthumbs-up naman si Grace.

At ang natira nalang ngayon dito sa table ay kami nalang nina Michael, Chester, Diane at Ako.

"Ang harsh mo naman magsalita. We didn't came from a criminal family." sabi ko kay Diane.
"Nagbibiro lang ako. Kilala ko naman talaga kayong tatlo e so no need to complain about that." sabi niya.
"What about Jonathan?" tanong ni Michael.
"Jonathan? Were friends. No more no less." sagot niya.

Ilang sandali lang ay biglang dumating si Grace na parang hinahabol ang hininga niya. Meron bang hindi kaayaayang nangyari?

"Guys, I need help. It regards with Jennie." sabi ni Grace at napatayo agad ako.
"Where is she?" tanong ko.
"Nasa sala siya ngayon." sagot ni Grace.

Pagdating namin ng sala, nakita ko si Jennie na mahimbig yatang natutulog. Pambihira, akala ko naman kung ano na ang nangyari sa kanya.

"E natutulog lang naman pala siya. Ano namang maitutulong ko? O wag mong sabihin na binabangungot siya?" tanong ko.
"Hindi, ang sama mo naman. What I mean is pwede mo ba siyang dalhin sa guestroom?" tanong ni Grace at tumango naman ako bilang sagot.

At gaya ng sinabi ni Grace, binuhat ko siya patungong guestroom. Pakiramdam ko parang medyo bumigat siya kumpara kanina, ewan ko feeling ko lang naman. Sa palagay ko'y dahil yun sa mga ininom niya.

Paglapag ko sa kanya sa kama ay bigla siyang...

Siyet.

Bigla siyang sumuka sa damit ko. Pambihira talaga o, ayan kasi ang daming nainom kanina.

"Oh my God. Sid, okey ka lang ba? Dito ka lang ha, kukuha lang ako ng damit." sabi ni Grace.
"No, hindi na." sabi ko.
"Sigurado ka?" tanong ni Grace.
"Oo, sigurado ako. Tsaka, uuwi na rin lang naman ako mga 30 minutes after." sagot ko.
"Okey, thanks na rin at hindi yung bedsheet ang nasukahan niya." sabi niya.

At least naman, nasalba ko yung mamahaling bedsheet ng kama kahit papano.

"Ah Sid, pwede bang bantayan mo muna si Jennie? Kailangan ko pa kasing asikasuhin yung mga kalat sa labas, tutulungan ko lang si Ate." sabi ni Grace.
"Sure." sabi ko.
"Sigurado kang okey lang sa'yo?" tanong niya.
"Yup." sagot ko.

Pagkatapos ay umalis na si Grace at naiwan kaming dalawa ni Jennie dito sa guestroom.

Nakakainggit naman 'tong si Jennie. Ang sarap-sarap kasi ng tulog niya ngayon tapos sinukahan pa niya 'tong bagong bili kong damit, pambihira talaga.

Oo nga pala, sinukahan niya pala 'tong damit ko. Bakit suot-suot ko pa pala 'to hanggang ngayon? Nakakadiri naman.

Kaya ang ginawa ko ay hinubad ko ang damit ko at itinapon sa may sofa. Naku naman, kailangan pa bang bantayan 'tong si Jennie? E, natutulog lang naman 'to.

Lagot ka talaga sa akin Jennie pag nasa school na tayo. Ipapamukha ko na naman sayo na may kasalanan ka sa akin. Palagi nalang kasi ako ang napagdidiskitahan mo tuwing nasa school tayo.

Ang ginaw naman, pambihira. Pano naman hindi magiging maginaw e naka-on ang aircon at tsaka wala akong pang-itaas na damit.

Umupo nalang ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko. Apat na beses kong tinext si Mae ngunit hindi man lang siya nagreply. Tulog na siguro siya, sabagay gabing-gabi na rin e, kahit ako nga eh nakakaramdam na rin ng antok.

Narinig kong tumunog ang cellphone ni Jennie. Marahil ay si Louie na naman yung nagtext sa kanya. Pero bakit naman magtitext si Louie sa kanya kung tuluyan na nga silang nagbreak? Sa madaling salita, hindi pa rin nadadala si Louie dun sa library incident. Hindi ko alam, feeling ko lang naman na si Louie yung nagtext.

Nacucurious ako kaya kinuha ko naman ang cellphone niya para matingnan kung sino ang nagtext ngunit sa kasamaang palad biglang nagbattery empty ang cellphone niya. Pambihira naman o.

Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako at pagkalipas ng ilang minuto, nagising agad ako dahil sa ginaw. Pambihira, nakakabitin naman yung tulog ko.

Tiningnan ko ang tulog na tulog na si Jennie at minasdan ang mabait at maamo niyang mukha na nakaharap sa akin. Mabait naman talaga ang tao kapag tulog e. May tao bang bayolente kapag natutulog.

Laking gulat ko nalang nang bigla siyang nagising at nakatingin sa akin na may halong gulat at pagtataka.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at ang dalawa niyang kamay nakalagay sa kanyang mga pisngi. Can you imagine her face?

Napatakip naman ako ng tenga nung bigla siyang sumigaw ng pagkalakas-lakas na halos yumanig na ang lupa.

"Aaaah. Anong balak mong gawin sa akin?" sigaw niya.

Imagine that? Naririnig ko pa rin yung mga pinagsasabi niya kahit nakatakip na yung dalawa kong tenga.

Siyet. To make things worst, wala nga pala akong pang-itaas na damit. Pambihira, ayokong mabinyagan bilang rappist!

Tumakbo siya patungong pintuan ngunit bago pa man niya mahawakan ang door knob, nahawakan ko na ang braso niya. Isipin na niya kung anong gusto niyang isipin sa akin. Ang sa akin lang ay kahit makapagpaliwanag lang ako sa kanya.

"Jennie, I can explain this. Please listen." sabi ko.
"You don't have to. Let me go!" sabi niya habang pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa braso niya.
"Jennie, please lis---"










Pak!










"Get lost, pervert!" sabi niya.

Tiniis ko nalang yung sakit ng kaliwa kong pisngi. At kahit ganon man ang nangyari, hindi ko pa rin binitawan ang braso niya.

"Jennie, listen! You ---"










Pak!










At hindi niya rin pinalampas ang kanang pisngi ko. Halos umikot ng 360 degrees ang ulo ko dahil sa tindi ng sampal niya. Sa palagay ko'y buong lakas na niya ang ginamit dun.

Nabitawan ko naman ang braso niya at lumabas na siya ng kuwarto. Padabog pa nga niyang sinarado ang pintuan.

Naku naman o, panibagong problema na naman. Sana naman pinakinggan niya yung paliwanag ko. Pambihira talaga o, kung alam ko lang na ito pala ang magiging kahahantungan ng lahat e di sana'y hindi ko nalang siya tinulungan na buhatin patungong guestroom.