Subscribe:

Pages

sunset

Monday, August 29, 2011

Boys Dating Girls Chapter 20: Some Kind Of Trouble

Chapter 20: Some Kind Of Trouble


"Dare." lakas loob niyang sinagot.

Wala naman akong maisip na magandang trip kay Elaine. Tinanong ko sina Michael pero umiling lang sila. Himala at wala silang naisip na kalokohan.

"Ganito nalang. Magballet dancing ka." sabi ni Jennie.
"Huh, e hindi naman ako marunong magballet." sabi ni Elaine.
"E di gayahin mo nalang yung mga nakikita mong nagbaballet." sabi ni Diane.

Tumayo naman si Elaine at gaya ng sinabi ni Jennie nagballet dancing nga siya sa harap namin. Nakakatawa yung itsura niya, para namang hindi ballet dancing yung ginagawa niya.

"Ballet dancing ba yun?" tanong ko at bigla akong binatukan ni Elaine.
"Sira. Di ba sinabi ko ngang hindi ako marunong." sagot niya.

Ang pangatlong ikot naman ay tumama kay...

Tantananantanan.

Sa akin? Siyet, bakit ako pa?

Ayoko yatang mabawasan ang dignity ko, remember I'm a dignified person. Lord, help me.

Kinilabutan naman ako sa mga malademonyong ngiti nina Jonathan. Sana naman hindi sila makaisip ng kalokohan na ipapagawa sa akin.

Nag-isip naman ako ng isasagot ko. Kung dare ang pipiliin ko, para ko na ring pinili na magpakamatay. At kung truth naman ay? Ano nga bang mangyayari kapag yun ang sinagot ko?

"Truth." sagot ko.

Iniiwasan ko lang yung mga kalokohan nina Michael. Tsaka, wala naman silang makukuhang sekreto sa akin. Pag tinanong nila ako kung sino ang crush ko, ang isasagot ko lang ay si Angel Locsin. Ganon lang kasimple.

Napatunganga naman sila, marahil ay walang maisip na tanong. Akala niyo ha.

"Eto nalang. Sino ang pinakamaganda sa aming lima ngayon?" tanong ni Daisy.

Anak ng talangka. Akalain mo, nakaisip pa siya ng ganong klaseng tanong.

Tiningnan ko naman ang bawat isa sa kanila. Binusisi kong mabuti ang bawat sulok ng mukha nila. Pero kunwari lang naman 'to, kasi pag diretso kong sinagot yung tanong baka magduda pa sila sa akin. Ang talino ko rin no?

"Si Jennie." lakas loob kong sinagot sabay ngiti ng nakakaloko.

Naghiyawan naman sila na marahil ay kinikilig sa amin. Ofcourse, I mean what I said. Totoo namang maganda talaga si Jennie ngayon. Pero hanggang dun lang yun, it doesn't mean na may gusto na ako sa kanya.

Pambihira, ngiti naman diyan. Ayaw siguro niyang sinasabihan siya ng maganda, mas gusto siguro niyang sabihan siya ng pangit.

Ang pang-apat naman na ikot ay tumama kay...

Jennie? At nakita ko namang nagulat siya. Sana naman hindi ako kasali sa mga balak nilang ipagawa kay Jennie.

Nakakatindig balahibo talaga ang mga malademonyong ngiti nina Jonathan. Sa palagay ko, tuluyan na yata silang nasapian ng demonyo.

"Dare." lakas loob na sinagot ni Jennie.

Naman o, bakit dare pa. Jennie, hindi ka ba nag-iisip? Malamang, hindi.

Bago pa man makapagsalita ng kalokohan si Jonathan ay tinakpan ko na agad ang bibig niya. Buti naman at napansin ko agad yun. Madaya na kung madaya, wag lang mapahiya.

"Ikiss mo si Sid sa cheek." sabi ni Diane.

At sabay kaming nagulat ni Jennie. Mas malala pa yata siguro 'to sa mga kalokohan nina Jonathan.

Pambihira talaga o, at bakit ako pa ang kailangan niyang ikiss? Ayokong maiskandalo sa school bukas dahil lang dito tapos magugulat nalang ako dahil nasa headlines na ng newspaper ang pangalan ko.

Naghiyawan naman sila at panay ang banggit nila sa salitang 'kiss'.

"No way. Ano siya sinuswerte?" sabi ni Jennie at nagulat ako.

Nakakainsulto naman yung sinabi niya. But for the sake of our dignity, papayag muna ako na alipustahin niya ngayon.

"Ayoko talaga. Please, nakikiusap ako. I don't want to kiss that guy." tanggi ni Jennie.
"You can have a choice rather, pwede ka namang pumili sa kanilang apat." sabi ni Diane.
"No way!" sigaw ni Jennie.

Tiningnan ko naman sina Michael at parang nainsulto din sila sa inasta ni Jennie.

"Sige na Jen, pagkakataon mo na 'to." sabi ni Diane.
"Oo nga. Sabihin nalang natin na friendly kiss lang 'to." sabi ni Daisy at umiling si Jennie.

So, okey lang naman pala kasi friendly kiss lang naman. Para sa ikakapanatag at ikakatahimik ng loob nila, ikiss mo na ako tutal friendly kiss lang naman :) Kiss me na! Haha, ang sama ko talaga.

But don't get me wrong. It doesn't mean na pumapayag na ako na ikiss ako ni Jennie sa pisngi. Sa totoo lang, hindi ko na talaga masikmura yung hiyawan nila.

"So, it seems na you don't want this dare. So, kung ayaw mo ito nalang. Okey ba sa inyo guys?" sabi ni Elaine sabay bigay ng isang bote ng beer kay Jennie.
"Ano namang gagawin ko dito?" tanong ni Jennie.
"Ano pa ba e di uubusin mo." sabi ni Daisy.

Napabuntong-hininga naman ako. Mabuti naman at pinalitan ni Elaine yung ipapagawa nila kay Jennie.

"Ano ka ba naman Sid? Ba't ka pumayag na palitan nila yung ipapagawa kay Jennie." bulong ni Chester.
"Oo nga naman. Sayang yung kiss ni Jennie." bulong ni Michael.
"Hindi mo ba naiisip na once in a lifetime lang yun." bulong naman ni Jonathan.

Nagmistula tuloy silang mga bad conscience na umaaligid sa tenga ko. Kulang nalang tubuan sila ng mga sungay at buntot.

Nasaksihan naman namin kung pano tunggain ni Jennie ang isang bote ng beer. Akala ko hindi niya kaya.

Kasabay ng pagtayo ni Elaine ang pagkaubos ng beer na ininom ni Jennie.

"Guys, it's getting late na. I need to go home. Thanks for this Party, I enjoyed a lot." sabi ni Elaine habang nakatingin sa kanyang relo.

Ilang sandali ay umalis na rin siya. Sumunod si Jonathan at tsaka si Daisy. Ngayon, ang natira nalang dito ay kami nalang nina Grace, Michael, Diane, Chester at Jennie.

"Excuse me guys, I need to go to the CR muna." sabi ni Jennie.
"Samahan na kita." sabi ni Grace at tumungo na sila sa loob mismo ng bahay.
"Be right back ha. I'm not sure kasi if this three are harmless." sabi ni Diane at nagthumbs-up naman si Grace.

At ang natira nalang ngayon dito sa table ay kami nalang nina Michael, Chester, Diane at Ako.

"Ang harsh mo naman magsalita. We didn't came from a criminal family." sabi ko kay Diane.
"Nagbibiro lang ako. Kilala ko naman talaga kayong tatlo e so no need to complain about that." sabi niya.
"What about Jonathan?" tanong ni Michael.
"Jonathan? Were friends. No more no less." sagot niya.

Ilang sandali lang ay biglang dumating si Grace na parang hinahabol ang hininga niya. Meron bang hindi kaayaayang nangyari?

"Guys, I need help. It regards with Jennie." sabi ni Grace at napatayo agad ako.
"Where is she?" tanong ko.
"Nasa sala siya ngayon." sagot ni Grace.

Pagdating namin ng sala, nakita ko si Jennie na mahimbig yatang natutulog. Pambihira, akala ko naman kung ano na ang nangyari sa kanya.

"E natutulog lang naman pala siya. Ano namang maitutulong ko? O wag mong sabihin na binabangungot siya?" tanong ko.
"Hindi, ang sama mo naman. What I mean is pwede mo ba siyang dalhin sa guestroom?" tanong ni Grace at tumango naman ako bilang sagot.

At gaya ng sinabi ni Grace, binuhat ko siya patungong guestroom. Pakiramdam ko parang medyo bumigat siya kumpara kanina, ewan ko feeling ko lang naman. Sa palagay ko'y dahil yun sa mga ininom niya.

Paglapag ko sa kanya sa kama ay bigla siyang...

Siyet.

Bigla siyang sumuka sa damit ko. Pambihira talaga o, ayan kasi ang daming nainom kanina.

"Oh my God. Sid, okey ka lang ba? Dito ka lang ha, kukuha lang ako ng damit." sabi ni Grace.
"No, hindi na." sabi ko.
"Sigurado ka?" tanong ni Grace.
"Oo, sigurado ako. Tsaka, uuwi na rin lang naman ako mga 30 minutes after." sagot ko.
"Okey, thanks na rin at hindi yung bedsheet ang nasukahan niya." sabi niya.

At least naman, nasalba ko yung mamahaling bedsheet ng kama kahit papano.

"Ah Sid, pwede bang bantayan mo muna si Jennie? Kailangan ko pa kasing asikasuhin yung mga kalat sa labas, tutulungan ko lang si Ate." sabi ni Grace.
"Sure." sabi ko.
"Sigurado kang okey lang sa'yo?" tanong niya.
"Yup." sagot ko.

Pagkatapos ay umalis na si Grace at naiwan kaming dalawa ni Jennie dito sa guestroom.

Nakakainggit naman 'tong si Jennie. Ang sarap-sarap kasi ng tulog niya ngayon tapos sinukahan pa niya 'tong bagong bili kong damit, pambihira talaga.

Oo nga pala, sinukahan niya pala 'tong damit ko. Bakit suot-suot ko pa pala 'to hanggang ngayon? Nakakadiri naman.

Kaya ang ginawa ko ay hinubad ko ang damit ko at itinapon sa may sofa. Naku naman, kailangan pa bang bantayan 'tong si Jennie? E, natutulog lang naman 'to.

Lagot ka talaga sa akin Jennie pag nasa school na tayo. Ipapamukha ko na naman sayo na may kasalanan ka sa akin. Palagi nalang kasi ako ang napagdidiskitahan mo tuwing nasa school tayo.

Ang ginaw naman, pambihira. Pano naman hindi magiging maginaw e naka-on ang aircon at tsaka wala akong pang-itaas na damit.

Umupo nalang ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko. Apat na beses kong tinext si Mae ngunit hindi man lang siya nagreply. Tulog na siguro siya, sabagay gabing-gabi na rin e, kahit ako nga eh nakakaramdam na rin ng antok.

Narinig kong tumunog ang cellphone ni Jennie. Marahil ay si Louie na naman yung nagtext sa kanya. Pero bakit naman magtitext si Louie sa kanya kung tuluyan na nga silang nagbreak? Sa madaling salita, hindi pa rin nadadala si Louie dun sa library incident. Hindi ko alam, feeling ko lang naman na si Louie yung nagtext.

Nacucurious ako kaya kinuha ko naman ang cellphone niya para matingnan kung sino ang nagtext ngunit sa kasamaang palad biglang nagbattery empty ang cellphone niya. Pambihira naman o.

Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako at pagkalipas ng ilang minuto, nagising agad ako dahil sa ginaw. Pambihira, nakakabitin naman yung tulog ko.

Tiningnan ko ang tulog na tulog na si Jennie at minasdan ang mabait at maamo niyang mukha na nakaharap sa akin. Mabait naman talaga ang tao kapag tulog e. May tao bang bayolente kapag natutulog.

Laking gulat ko nalang nang bigla siyang nagising at nakatingin sa akin na may halong gulat at pagtataka.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at ang dalawa niyang kamay nakalagay sa kanyang mga pisngi. Can you imagine her face?

Napatakip naman ako ng tenga nung bigla siyang sumigaw ng pagkalakas-lakas na halos yumanig na ang lupa.

"Aaaah. Anong balak mong gawin sa akin?" sigaw niya.

Imagine that? Naririnig ko pa rin yung mga pinagsasabi niya kahit nakatakip na yung dalawa kong tenga.

Siyet. To make things worst, wala nga pala akong pang-itaas na damit. Pambihira, ayokong mabinyagan bilang rappist!

Tumakbo siya patungong pintuan ngunit bago pa man niya mahawakan ang door knob, nahawakan ko na ang braso niya. Isipin na niya kung anong gusto niyang isipin sa akin. Ang sa akin lang ay kahit makapagpaliwanag lang ako sa kanya.

"Jennie, I can explain this. Please listen." sabi ko.
"You don't have to. Let me go!" sabi niya habang pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa braso niya.
"Jennie, please lis---"










Pak!










"Get lost, pervert!" sabi niya.

Tiniis ko nalang yung sakit ng kaliwa kong pisngi. At kahit ganon man ang nangyari, hindi ko pa rin binitawan ang braso niya.

"Jennie, listen! You ---"










Pak!










At hindi niya rin pinalampas ang kanang pisngi ko. Halos umikot ng 360 degrees ang ulo ko dahil sa tindi ng sampal niya. Sa palagay ko'y buong lakas na niya ang ginamit dun.

Nabitawan ko naman ang braso niya at lumabas na siya ng kuwarto. Padabog pa nga niyang sinarado ang pintuan.

Naku naman o, panibagong problema na naman. Sana naman pinakinggan niya yung paliwanag ko. Pambihira talaga o, kung alam ko lang na ito pala ang magiging kahahantungan ng lahat e di sana'y hindi ko nalang siya tinulungan na buhatin patungong guestroom.

0 comments:

Post a Comment