Subscribe:

Pages

sunset

Monday, August 29, 2011

Boys Dating Girls Chapter 22: Library Challenge

Chapter 22: Library Challenge


"Gumawa ka nga ng paraan para makalabas tayo dito. Kanina pa kasi ako naiirita sa pagmumukha mo." sabi ni Jennie.
"Heto na nga oh, tinetext ko na sina Michael. Masyado kang excited." sabi ko.

Ilang sandali ay nakalabas na rin kami sa wakas ng jail booth sa tulong nina Michael. Nakacostume pa nga sila nung dumating sila para irescue kami, pinagtinginan tuloy sila ng mga usyoserong tao.

"Pano Sid, kailangan pa naming bumalik sa horror house. Umalis kasi kami dun ng walang pahintulot. Lagot kami kay Jasmin." sabi ni Michael sabay ngisi at naiwan kami ni Jennie dito sa harap ng jail booth.

Pupunta na rin sana ako ng horror house kaso may dalawang pulis na naman ang humarang sa akin. Hindi lang yata sa akin, pati na rin kay Jennie.

Na naman? Pambihirang buhay 'to o. Kakalabas pa nga lang namin, aarestuhin na ulit kami.

"Inaaresto namin kayo. Ilahad niyo sa amin ang inyong mga kamay." sabi ng isa.
"Hoy, para sa kaalaman niyo. Tapos na ang parusa namin!" sabi ni Jennie habang tinuturo niya ang dalawang pulis kuno.
"Trabaho lang naman 'tong ginagawa namin." sabi ng pangalawa at naglabas siya ng isang posas.

Mukhang alam ko na yata kung anong gagawin nila sa amin kaya napatakbo ako ng 'di oras kaso nahawakan ako sa braso ng isang pulis. Galing ah, nadaig niya ang mga ninja stants ko.

"Kapag nagtangka kang tumakas madodoble ang kaparusahan mo." banta ng isa at tuluyan na nila kaming pinosasan.

Pambihira, ang hirap naman nito. Can you imagine, nakaposas yung kaliwa kong kamay sa kanang kamay niya.

"So, ang gagawin niyo'y lilibutin niyo ng dalawang beses ang buong campus habang nakaposas kayo. Sa oras na malaman namin na hindi kayo sumunod sa mga sinabi namin, madodoble ang parusa niyo." sabi ng pangalawang pulis.

Ano!? Tama ba yung narinig ko? Dalawang beses? Tarantado kayo Michael, alam kong kayo ang may gawa nito. Lagot kayo sa akin mamaya.

"Buwisit naman o, sino ba ang may pakana nito?" tanong ni Jennie habang nagdadabog.
"Sino pa nga ba, e di yung mga tarantado kong kaibigan." sagot ko.
"Nagmana talaga sila sayo no? Ika nga, birds with the same feather, flocks together." sabi niya na halatang nang-iinsulto.
"Hindi naman nakakapagtaka e. Nagmana din kasi ako sayo." sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko at hinampas niya ako sa braso.

Ang daya naman. Siya na nga 'tong nang-insulto, siya pa yung maiirita sa huli.

"Bilisan mo nga ng konti ang paglalakad mo. Tingnan mo, daig pa kita o." sabi niya at binibilisan ko nga yung paglalakad ko.
"Sinabi ko bang tumakbo ka?" tanong niya sabay kurot sa tagiliran ko.

Ito na ang kinatatakutan ko. Nagsisimula na kasi ang tinginan ng mga estudyante sa amin dito sa may corridor. Para tuloy kaming naglalakad sa redcarpet habang pinapanood ng mga fans namin.

"Ano ka ba? Keep your distance naman. Look, all of them are looking at us." sabi ni Jennie.
"Pambihira, iniisip mo pa rin ba hanggang ngayon na pervert ako?" pabulong kong tinanong sa kanya.
"Hindi mo ba narinig yung inutos ko? Keep your distance. Remember, your my servant?" sabi niya sabay taas ng kilay.

Ganon na talaga kababa ang tingin niya sa akin at para sa ikakapanatag ng loob niya, dumistanya nga ako ng konti sa kanya gaya ng sinabi niya kahit na nakaposas pa rin kami.

At nung dumaan kami sa harap ng classroom namin na ngayon ay horror house, marami ang nagbulong-bulungan at siyempre marami din ang nagtaasan ng kilay. Ang showbizz talaga ng dating namin. Hindi na ko magtataka kung ba't nasa headlines na ng newspaper ang pangalan ko bukas.

"Love team of the year!" sigaw ng isang unknown female specie na nasa likod namin.
"Bagay kayong dalawa!" sigaw ng isang unknown male specie sa may gilid namin.

Bigla nalang akong siniko ni Jennie sa hindi ko alam na dahilan.

"Kinikilabutan ako dun sa mga pinagsasabi nila. Nakakapanindig balahibo." pabulong na sinabi ni Jennie.

Pambihira, ako naman yung kinilabutan dun sa sinabi ni Jennie sa akin.

"Uy si Sid at tsaka si Jennie o nakaposas. Ang sweet naman." sabi ni Benjie.

At isa pa 'tong hinayupak na 'to. Binatukan nga namin para matauhan. Matauhan? E kahit ano pang gawin mo diyan, hindi yan matatauhan.

"Kayo naman o. Hindi na mabiro." sabi niya sabay himas sa ulo niya.

Nakasalubong din namin si Louie na kasama sina Steven at Anthony. At guess what his reaction? Obviously, nagalit siya. Medyo kumunot yung noo nung nakita niya kami at yung itsura niya mukhang lalamon ng tao. Sa madaling salita, nagseselos siya.

"Teka, Jennie. Bakit ka nga pala nakulong kanina sa jail booth? Hindi naman stripes yung suot mo ah?" tanong ko.
"Hindi lang naman yun ang hinuhuli nila. Hinuhuli din kasi nila yung mga nagsusuot ng pink na sandals. Nakakabuwisit nga e. Alam mo ba yung pakiramdam na gusto mong pumatay ng tao?" sabi niya at napatingin ako sa mga paa niya.
"Hinubad mo nalang sana." sabi ko.
"Sira. Huhubarin? Ano nang susuotin ko? E ikaw, bakit di mo hinubad yung t-shirt mo?" tanong niya.
"Ayoko kasing magkandarapa sa akin yung mga girls dito." sabi ko sabay wink ng left eye ko.

Bigla akong napatalon dahil kinurot niya ako sa tagiliran at tsaka sa braso.

Pambihira kurot, hampas, sampal, batok, suntok, siko at ano pa? Kung anu-ano nalang yata ang natatanggap ko sa kanya. Kumbaga, dahan-dahan niya akong pinapatay.

"Kahit kailan ang galing-galing mo talaga pagdating sa pagyayabang no?" sabi niya sabay roll eyes.

Ilang sandali ay natapos na rin ang paglilibot namin sa buong school ng dalawang beses at pinakawalan na rin kami sa wakas ng mga pulis kuno. Naging alerto na nga ako, baka kasi may bigla na namang sumulpot na mga pulis sa harap ko.

Aaminin ko, nag-enjoy ako kahit na ang dami kong natanggap na mga kurot galing kay Jennie. Ewan ko ba, naiimmune na yata ako sa mga kurot niya.

"Hi Sid, welcome to our booth!" sabi ni Elaine sabay ngiti habang naka wide open ang kanyang mga braso.
"Library? Booth?" tanong ko habang tinuturo ang pintuan ng library.

Ang galing ah? Ano naman kayang meron sa loob? Can you think of any games about books? O baka naman yung babatuhin mo ng sankatutak na libro yung tao na nasa harapan at kapag natamaan mo may premyo ka.

Marahil hindi, at bakit naman sila makakaisip ng ganong trip? Grabe naman yata yung iniisip ko.

"Ano bang meron sa loob?" tanong ko.
"May parang maze sa loob na may iba't-ibang checkpoints. Every checkpoints ay may mga challenge na ipapagawa sayo." sagot ni Elaine.
"Ang galing ah pero ano namang mapapala ko diyan?" tanong ko.
"Kung sakaling maacomplish mo ang lahat, magiging alipin mo ang isa sa mga members ng club namin." sagot niya sabay ngiti.

Alipin? Magandang prize nga yan, kaysa naman sa mga pocketbooks o di kaya'y coloring materials. Masubukan nga. Five pesos lang naman ang mababawas sa pera ko.

"Good luck, Sid." sabi niya at pumasok na ako sa loob.

"You will be given one minute to think of an answer. Here's the first question, an airplane crashed in the middle of the sea, where did they buried the survivors?" tanong ni Tim.

Laking gulat nalang ni Tim nung bigla akong tumawa na halos marinig na sa buong library. Anong klaseng tanong ba naman yan? Akala ko naman aabutin ako ng ilang linggo para makapag-isip ng sagot, yun pala eh sigundo lang.

"Pano naman nila ililibing yung mga survivors e buhay ang mga yun." sagot ko pagkatapos kong mahimasmasan.

Medyo malayo na din ang narating ko, hindi ko lubos maisip na nasa checkpoint number 7 na ako ngayon, pano kasi napakasisiw lang nung mga challenge nila. Bakas talaga sa mga mukha nila ang matinding kaba, baka kasi sila yung mapili ko bilang alipin kung sakaling matapos ko lahat ng challeges.

"Your seventh challenge is you need to find Olso in the map." sabi ni Eliza sabay bigay ng world map sa akin.

At dahil sa matalino ako sa Geography, hindi naman sa pagmamayabang, pero naging sisiw lang sa akin yung challenge. Ano nga yun? Oslo capital ng Norway na matatagpuan sa Northern Europe? Tama!

"For one minute, your ninth challenge is you need to find the red card in this shelf. That red card contains a question for your next challenge." sabi ni Myka.

Medyo nashock ako dun. One minute? Tapos sangkatutak na libro ang nasa harap mo? Okey lang din naman, at last nakaisip na rin sila ng mas mahirap na challenge. Yung pagpapawisan ka talaga.

"5 seconds left." sabi ni Myka.

Pambihira, ang bilis naman yata ng one minute niya. Saang aklat ba kasi nila tinago yung red card? Magpakita ka na please.

At sa hindi ako alam na dahilan, may biglang nahulog na red card sa librong Tom Sawyer na hawak-hawak ko ngayon.

"Your time is over! Sorry, but you cannot procede to the next checkpoint." sabi ni Myka.
"Teka, nahanap ko na o!" sabi ko sabay taas ng red card na hawak ko.
"Sorry, pero hindi ka umabot sa oras." sabi ni Myka.
"Hindi. Nahanap ko 'to bago natapos yung time." sabi ko.

Pambihira, acceptable naman dapat yun. Ang bilis din naman kasi nung one minute niya.

"Ah Myka, nahanap nga niya yung red card before the time. I saw it." sabi ni Elaine na nasa likod namin.

Napabuntong hininga naman si Myka, pagkatapos ay tumingin sa akin. Halatang namang hindi niya gusto na makaprocede ako sa next challenge. Sino ba naman ang may gusto na maging alipin?

"Okey, so you can procede to the last challenge." malamyang sinabi ni Myka.

Muntikan na yun ha. Tiningnan ko si Elaine at nagwink lang siya sa akin. Nagtataka lang ako, bakit niya ako kinampihan? Gusto ba niyang magpaalipin akin? Anong malay natin, baka ganon nga.

"You will be given one minute to answer, your tenth challenge is to answer the question in that red card. Time starts now." sabi ni Elaine.

Nagmistulang slow motion ang pagbukas ko ng red card. Ano kaya yung nakapaloob na question dito?

Question: One of the greatest invention of a human that can pass through walls. (For 1 Minute)

Invention ng tao kung saan pwede kang lumusot sa pader? Ano yun? May naimbento bang ganon ang tao?

"10 seconds left." sabi ni Elaine.

Teka lang, ano bang isasagot ko dito? Ano bang mga bagay na may kinalaman sa pader? Bintana? Pintura? Family picture? Kurtina? Pintuan?

Pintuan? Tama, pintuan nga. Ang galing ko talaga kahit papano. Biruin mo, kahit hindi pamilyar sa akin yung tanong nagawa ko pa ring sagutan ito.

"Now, for your last challenge. May kinalaman din sa pintuan." sabi ni Elaine at may ipinakita siyang tatlong susi sa akin.

Aanhin ko naman kaya ang mga susing iyan?

"Nakikita mo ba 'tong pintuan na nasa likod ko? Ngayon, kailangan mong pumili ng isang angkop na susi dito sa tatlong susi na hawak ko ngayon. Bibigyan kita ng 20 seconds to decide. Time starts now." sabi ni Elaine.

15 seconds na ang lumipas at patuloy lang ako sa paghimas ng baba ko. Pero sa tingin ko, yung huling susi ang angkop na susi para dun sa pintuan.

"So, itong huling susi ang napili mo." sabi niya at binigay sa akin ang huling susi.

Mistulang slow motion yung pagpihit ko ng susi at sa kagandahang palad, bumukas ang pintuan na hindi ko naman inakala at tumambad sa akin ang isang nakakasilaw na ilaw at bumaba mula sa taas si San Pedro. Ayan, nahahallucinate na naman ako.

Pero ang totoo niyan ay pagbukas ko ng pinto, nakalabas lang ako ng library, there was no supernatural phenomenon happened.

"Congrats, ikaw ang pinakaunang nakaaccomplish ng maze namin." sabi ni Elaine at may binigay siyang papel sa akin.

Ano 'to? Listahan ng mga utang? Ay hindi, listahan pala ng mga club members nila. Ang dami pala nila, pero iilan lang ang nandito ngayon.

"Ano? Nakapili ka na ba ng magiging alipin mo? You can choose any of them, as long as member siya ng club at nasa listahan yung pangalan niya." sabi ni Elaine pagkatapos kong matingnan ang listahan ng mga members nila.

Nagsilapit naman sa amin yung mga members nila na nandito ngayon. Bakas na bakas sa mga mukha nila ang matinding kaba. Si Tim, grabe kung pagpawisan. Si Eliza nama'y nagsign of the cross. As if naman sila yung pipiliin ko.

At ang napili ko ay si...

Boys Dating Girls Chapter 21: Clown

Chapter 21: Clown


Lunes na at ito ang unang araw ng foundation week namin. Yung school namin nagmukha nang perya. Bawat section at club kasi ay may inihandang booth, hindi ko naman alam kung para saan talaga ang mga 'to.

At ang naging booth ng section namin ay horror house. Oo, horror house. Yan kasi ang naisip ng mga walang hiya kong classmates.

Hindi naman ako pumayag na gawin nila akong panakot sa mga customers, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa hindi talaga bagay sa akin yung pinapagawa nila. Itong mukhang 'to gagawing lang panakot? No way!

Dahil sa ayokong magpanggap na isang nakakasindak na nilalang, minabuti ko nalang na tumulong sa pagset-up ng classroom namin, at least may contribution ako kaysa naman wala.

At ngayon nasa cafeteria ako kasama ang mga walang hiya kong katropa. Nagpatawag kasi ako ng urgent meeting sa kanila kanina. Urgent meeting talaga ha.

“Our agenda is all about our band name. Sa palagay ko we need to change our band name. Baduy kasi pakinggan.” sabi ko habang kinakain ko ang sandwich ko.
"I object! Di ba napagkasunduan na natin yun? At ano namang naging baduy dun?” tanong ni Chester.
“Para kasing nakakadiri pakinggan. Wala na kong paki sa kung anuman ang ipapalit natin basta ang importante mabago natin ang band name.” sagot ko habang pinupunit into small pieces ang table napkin ng sandwich.
“Nakakadiri!? Haha, e kamakailan lang taas noo mo pa ngang sinabi sa amin na yun na ang magiging band name natin.” sabi ni Jonathan.
“Ah basta, pangalanan niyo na ng kahit ano ang banda natin kahit Lovethirst, Devil Corpse o Ganja pa yan, wag lang yung I Punch The Pervert. Ano, hindi pa ba kayo masaya?” sabi ko.

Bigla nalang tinakpan ni Chester ng table napkin ang mukha ko at nagtawanan silang lahat. Kawawang Sid, ginawang clown. Pambihira, mas bagay pala akong maging clown.

"Hoy gumising ka! Nakaregister na kaya yung pangalan ng banda natin. Pano mo naman papalitan yun?" tanong ni Chester.

At nagising naman ako, not literally pero para akong nalaglag sa upuan ko. Teka, hindi na pala pwedeng palitan? Pano na 'to?

Sa mga oras na 'to, parang gusto ko nang pumatay ng tao kaya bigla ko namang sinakal si Chester. Pero yung hindi masyadong mahigpit. Ayoko yatang makulong sa salang pagpatay.

"Anong sinabi mo? Hindi na pwede?" tanong ko at biglang may bumatok sa akin kaya nabitawan ko yung leeg ni Chester.
"Ano ka ba? Relax ka lang Sid." sabi ni Michael at inabutan niya ako ng softdrinks.
"Ganito kasi yan, hindi na talaga pwedeng palitan yung band name natin kahit sugurin mo pa yung management staff except nalang kung magbaback-out tayo." paliwanag ni Jonathan.
"Tsaka, alam mo bang pag pinatay mo ko para mo naring pinatay ang pag-asa ang Pilipinas." sabi ni Chester pagkatapos niyang mahimasmasan.

Ano siya? Soon-to-be-president na magpapabago ng takbo ng ekonomiya ng Pilipinas? Bilib din ako sa pangarap niya ah.

"Teka lang, I need some clarifications kung bakit gusto mong palitan ang band name natin." sabi ni Jonathan sabay inom ng softdrinks.
"Because I want change!" sabi ko habang nakawide open ang mga braso ko.

At bigla naman akong sinakal ni Jonathan na halos malagutan na ako ng hininga.

"Pambihira, sagutin mo nga ako ng maayos." sabi ni Jonathan.
"Relax ka lang Jonathan. Pero bago ko muna sabihin sa inyo ang dahilan kung bakit gusto kong palitan ang band name natin, may ikikuwento muna ako sa inyo." sabi ko habang hinahabol ang hininga ko.

Alam niyo ba kung ano yung kinuwento ko sa kanila? Yung malicious guestroom incident lang naman na nangyari noong sabado sa bahay nina Grace. Akala niyo siguro ikukuwento ko sa kanila yung tungkol kay pagong at matsing no?

"Get lost, pervert!" sabi ni Jonathan sabay sampal sa pisngi ko.

Pambihira, sa kabila ng pagdadalamhati ko, nagawa pa niyang gayahin si Jennie para lang insultuhin ako.

Pinagtawanan naman nila ako. At tuluyan na talaga akong naging clown. Pambihira, akala ko pa naman makikipagsimpatiya sila sa akin. Anong klaseng kaibigan kayo!

"Yan ba ang naging dahilan kung ba't gusto mong palitan ang band name natin?" tanong ni Chester.
"Halata naman. Bakit ko naman ikikuwento sa inyo yun kung hindi naman connected sa usapan natin." sabi ko.
"Ang pinakamasaklap lang talaga sa nangyari sayo ay yung pinakamalan ka niyang rappist." sabi ni Michael.

I haven't heard Jennie called me a rappist. Okey lang siguro kung pervert, pero rappist? No way!

"Alam niyo ba yung pakiramdam na gusto mong pumatay ng tao? Ako na nga ang tumulong sa kanya, ako pa ang naging kulelat." sabi ko sabay hagis ng straw sa trash bin.
"If that's the case, napakasimpleng solution lang ang para diyan." sabi ni Jonathan sabay cross arms.
"Ikaw? Makakaisip ng solusyon?" tanong ko habang tinuturo si Jonathan.
"Ipaliwanag mo lang sa kanya ang lahat. Solve ang problem mo." sabi ni Jonathan.
"Ganon nga sana yung mangyayari kaso bigla niya akong sinampal na halos ikamatay ko na!" sabi ko sabay punit into small pieces sa mga table napkin ng sandwich nila.

Bigla nalang akong sinakal ni Michael. Hindi ko alam kung ba't naging trending ngayon ang pananakal.

"Mag-isip ka nga, pwede ka namang magpaliwanag sa kanya ngayon." sabi ni Michael.
"Pwede nga pero baka sampalin lang niya ulit ako." sabi ko.
"Hindi mo pa nga nasusubukan. At kung inosente ka nga dun sa ginawa mo, hindi ka mag-aalinlangan na lapitan siya ngayon upang magpaliwanag." sabi ni Michael.
"Ayoko nga. Mas gugustuhin ko pang magpabugbog sa inyo kaysa magpasampal sa kanya." sabi ko.
"You mean na mas malakas pa yung sampal ni Jennie kaysa sa mga suntok namin?" tanong ni Jonathan.
"Oo." sagot ko.
"O baka gusto mo lang ng sample?" tanong ni Jonathan sabay taas ng kanyang kamao.
"No need. Hindi lang rin naman ako masasaktan sa suntok mo." sagot ko sabay ngisi.

Bigla naman kaming inawat ni Chester. Salamat naman at inawat niya kami, kundi baka mapatay ko pa 'tong si Jonathan ng wala sa oras.

"Hoy kayong dalawa, mamaya niyo na muna asikasuhin yan." sabi ni Chester.
"Alam mo, Sid. Hindi ko nakikita sayo yung poot at galit kay Jennie. At imbes na magalit ka, mukha masaya ka pa yata ngayon." sabi ni Michael.
"Tama ka, Michael. Hindi ako galit, I'm very angry lang." sabi ko sabay sarado ng dalawa kong kamao.

Nakita ko naman sa mga mukha nila ang pagtataka. Sino bang hindi magtataka dun sa sinabi ko.

"Parehas lang naman yun." sabi ni Jonathan.
"Ewan ko nga sayo, Sid. Kung gusto mong tulungan ka namin diyan sa problema mo, magseryoso ka muna." sabi ni Michael.

Seryoso na nga eh. Ano ba ang salitang seryoso para sa kanya?

"O, ayan seryoso na." sabi ko.
"Bitawan mo muna yang hawak mo." sabi ni Michael at binitawan ko naman yung hawak kong table napkin.
"Alam ko na. Ano kaya kung kina Grace ka nalang magpaliwanag?" tanong ni Chester.
"Ano namang magagawa ni Grace dito sa problema ni Sid?" tanong ni Jonathan.
"Ano bang alam mo kina Grace at Jennie? Di ba magkaibigan? Common sense naman." sabi ni Chester.

May punto din si Chester. Akala ko hindi siya marunong mag-isip. Hay, kahit kailan ang galing ko talaga pagdating sa pangmamaliit.

"Tama si Chester. Mas mabuti nga siguro kung sina Grace ang pagsasabihan ko." sabi ko.
"Ang problema ay kung okey lang ba kay Michael?" tanong ni Jonathan sabay tingin kay Michael.
"Anong klaseng tanong ba naman yan. Siyempre, okey lang sa kin no." sabi ni Michael.
"Yoohoo. Tapos na rin ang problema ni Sid!" sabi ni Chester.

At sinaboy niya sa akin yung mga pinunit kong table napkin kanina at nagmistulang umuulan ng mga confete. Ano ako? Jackpot winner?

Bumalik na kami sa aming classroom na ngayon ay ginawang horror house. Akalain mo, pinipilahan na ng marami ang horror house namin. Ang galing kasi ng mga nagset-up lalo na yung Sid ang pangalan.

"Hoy, kayong apat!" sigaw ni Jasmin, yung nagmamanage ng horror house namin ngayon.
"Kami?" tanong ko.
"E di sino pa nga ba?" tanong niya at lumapit naman kami.
"Ano yun?" tanong ko.
"Kailangan namin ng tatlong magpapalit dun sa tatlong multo kanina." sabi niya.
"Tatlo lang pala e. Sige, mauna na ako. Goodluck sa inyong tatlo." sabi ko sabay ngisi.

Aalis na sana ako kaso biglang hinila ni Michael ang damit ko.

"At saan ka pupunta?" tanong ni Michael.
"Jasmin, di ba tapos na ako kanina sa pagset-up ng classroom?" tanong ko.
"Oo, tapos na si Sid kaya kayong tatlo nalang." sagot ni Jasmin.
"See?" sabi ko at pinakawalan na ako ni Michael.

Nakita ko naman sina Grace sa may marriage booth at hindi nila kasama si Jennie, pagkakataon nga naman oh.

Lalapitan ko na sana sila kaso may biglang humarang sa akin na dalawang pulis. Oo, pulis nga. Nakauniporme pa nga sila. Teka, anong ginagawa nila dito?

Teka, bakit parang nakita ko na dito sa SJU yung mga mukha nila? Tama, taga dito nga sila pero bakit nakasuot sila ng uniporme ng pulis? Malay ko ba.

"We are from the jail booth department. We are arresting you because you are wearing a poloshirt with stripes" sabi ng isa.

Teka, bakit di ko alam na hinuhuli pala nila yung mga nagsusuot ng stripe poloshirt? Oo nga pala, nasa cafeteria pala kami kanina, kaya siguro hindi ko narinig. O baka naman dahil sa mga bungangerang announcers ng dedication booth kanina? Whatever.

Pinapasok naman nila ako sa isang classroom. Pambihira to o, papano ko hahanapan ng paraan yung problema ko kay Jennie kung nakakulong ako dito ngayon. To make things worst, walang kaalam alam sina Michael na nandito ako ngayon. Buti pa yung iba dito napiyansahan na.

Teka, si Jennie ba yung nakaupo dun malapit sa may bintana? Tama, si Jennie nga. Pagkakataon nga naman o pero bakit siya nandito? Hindi naman stripes yung suot niya. Malapitan nga para magkalinawan kami.

"Jennie?" sabi ko at umupo ako sa tabi niya.

Pambihira, hindi man lang siya umimik o kaya'y lumingon sa akin. Para namang hindi Jennie yung pangalan niya.

"Jennie, alam kong galit ka sa akin pero mas galit ako sa iyo." sabi ko at nakuha ko rin sa wakas ang atensyon niya.
"Pwede ba, wag mo ngang dagdagan yung problema ko. At please lang, keep your distance kung ayaw mong masampal ulit kita." sabi niya at kumunot ang noo niya.

Lumayo naman ako ng konti gaya ng sinabi niya. Sino ba namang hindi lalayo kung alam mong kasing sakit ng palo ng baseball bat yung sampal niya?

"Hay, nasayang tuloy yung bagong damit ko na sinukhan mo lang. Nagsisi nga ako kung bakit kita dinala sa guestroom. Okey lang naman na hayaan kitang matulog dun sa sofa. Ayan kasi ang daming ininom, tapos ako pa tuloy 'tong may kasalanan ngayon. Muntikan pa nga akong magkastiff-neck dun sa 180 degrees na sampal mo." sabi ko sabay buntong-hininga.

Humarap siya sa akin at biglang tumawa ng napakalakas. Biruin mo, harap harapan niya akong tinawanan. Hindi ba niya nakikita na marami ang nakatingin sa kanya at pawang mga nakasuot ng stripe na damit?

At ngayo'y certified na clown na talaga ako, ang dami ko nang napatawa ngayon. Pwede ko na sigurong palitan si Mr. Bean sa kanyang palabas.

"Kawawa ka naman pala. Pero hindi ako naniniwala sayo unless you will have some evidences. At kung gusto mong patawarin kita, make a choice muna." sabi niya.

Pambihira, siya nga dapat 'tong humihingi ng tawad, pero anong nangyari? Ako itong humihingi ng tawad.

Pambihira talaga! at may nalalaman pa siyang choice. Ano yun, choice between life and death?

"What choice?" tanong ko na may halong gulat.
"Pumili ka, gagawin kitang alipin o gagawin kitang servant?" tanong niya sabay tawa ng nakakaloko.

Boys Dating Girls Chapter 20: Some Kind Of Trouble

Chapter 20: Some Kind Of Trouble


"Dare." lakas loob niyang sinagot.

Wala naman akong maisip na magandang trip kay Elaine. Tinanong ko sina Michael pero umiling lang sila. Himala at wala silang naisip na kalokohan.

"Ganito nalang. Magballet dancing ka." sabi ni Jennie.
"Huh, e hindi naman ako marunong magballet." sabi ni Elaine.
"E di gayahin mo nalang yung mga nakikita mong nagbaballet." sabi ni Diane.

Tumayo naman si Elaine at gaya ng sinabi ni Jennie nagballet dancing nga siya sa harap namin. Nakakatawa yung itsura niya, para namang hindi ballet dancing yung ginagawa niya.

"Ballet dancing ba yun?" tanong ko at bigla akong binatukan ni Elaine.
"Sira. Di ba sinabi ko ngang hindi ako marunong." sagot niya.

Ang pangatlong ikot naman ay tumama kay...

Tantananantanan.

Sa akin? Siyet, bakit ako pa?

Ayoko yatang mabawasan ang dignity ko, remember I'm a dignified person. Lord, help me.

Kinilabutan naman ako sa mga malademonyong ngiti nina Jonathan. Sana naman hindi sila makaisip ng kalokohan na ipapagawa sa akin.

Nag-isip naman ako ng isasagot ko. Kung dare ang pipiliin ko, para ko na ring pinili na magpakamatay. At kung truth naman ay? Ano nga bang mangyayari kapag yun ang sinagot ko?

"Truth." sagot ko.

Iniiwasan ko lang yung mga kalokohan nina Michael. Tsaka, wala naman silang makukuhang sekreto sa akin. Pag tinanong nila ako kung sino ang crush ko, ang isasagot ko lang ay si Angel Locsin. Ganon lang kasimple.

Napatunganga naman sila, marahil ay walang maisip na tanong. Akala niyo ha.

"Eto nalang. Sino ang pinakamaganda sa aming lima ngayon?" tanong ni Daisy.

Anak ng talangka. Akalain mo, nakaisip pa siya ng ganong klaseng tanong.

Tiningnan ko naman ang bawat isa sa kanila. Binusisi kong mabuti ang bawat sulok ng mukha nila. Pero kunwari lang naman 'to, kasi pag diretso kong sinagot yung tanong baka magduda pa sila sa akin. Ang talino ko rin no?

"Si Jennie." lakas loob kong sinagot sabay ngiti ng nakakaloko.

Naghiyawan naman sila na marahil ay kinikilig sa amin. Ofcourse, I mean what I said. Totoo namang maganda talaga si Jennie ngayon. Pero hanggang dun lang yun, it doesn't mean na may gusto na ako sa kanya.

Pambihira, ngiti naman diyan. Ayaw siguro niyang sinasabihan siya ng maganda, mas gusto siguro niyang sabihan siya ng pangit.

Ang pang-apat naman na ikot ay tumama kay...

Jennie? At nakita ko namang nagulat siya. Sana naman hindi ako kasali sa mga balak nilang ipagawa kay Jennie.

Nakakatindig balahibo talaga ang mga malademonyong ngiti nina Jonathan. Sa palagay ko, tuluyan na yata silang nasapian ng demonyo.

"Dare." lakas loob na sinagot ni Jennie.

Naman o, bakit dare pa. Jennie, hindi ka ba nag-iisip? Malamang, hindi.

Bago pa man makapagsalita ng kalokohan si Jonathan ay tinakpan ko na agad ang bibig niya. Buti naman at napansin ko agad yun. Madaya na kung madaya, wag lang mapahiya.

"Ikiss mo si Sid sa cheek." sabi ni Diane.

At sabay kaming nagulat ni Jennie. Mas malala pa yata siguro 'to sa mga kalokohan nina Jonathan.

Pambihira talaga o, at bakit ako pa ang kailangan niyang ikiss? Ayokong maiskandalo sa school bukas dahil lang dito tapos magugulat nalang ako dahil nasa headlines na ng newspaper ang pangalan ko.

Naghiyawan naman sila at panay ang banggit nila sa salitang 'kiss'.

"No way. Ano siya sinuswerte?" sabi ni Jennie at nagulat ako.

Nakakainsulto naman yung sinabi niya. But for the sake of our dignity, papayag muna ako na alipustahin niya ngayon.

"Ayoko talaga. Please, nakikiusap ako. I don't want to kiss that guy." tanggi ni Jennie.
"You can have a choice rather, pwede ka namang pumili sa kanilang apat." sabi ni Diane.
"No way!" sigaw ni Jennie.

Tiningnan ko naman sina Michael at parang nainsulto din sila sa inasta ni Jennie.

"Sige na Jen, pagkakataon mo na 'to." sabi ni Diane.
"Oo nga. Sabihin nalang natin na friendly kiss lang 'to." sabi ni Daisy at umiling si Jennie.

So, okey lang naman pala kasi friendly kiss lang naman. Para sa ikakapanatag at ikakatahimik ng loob nila, ikiss mo na ako tutal friendly kiss lang naman :) Kiss me na! Haha, ang sama ko talaga.

But don't get me wrong. It doesn't mean na pumapayag na ako na ikiss ako ni Jennie sa pisngi. Sa totoo lang, hindi ko na talaga masikmura yung hiyawan nila.

"So, it seems na you don't want this dare. So, kung ayaw mo ito nalang. Okey ba sa inyo guys?" sabi ni Elaine sabay bigay ng isang bote ng beer kay Jennie.
"Ano namang gagawin ko dito?" tanong ni Jennie.
"Ano pa ba e di uubusin mo." sabi ni Daisy.

Napabuntong-hininga naman ako. Mabuti naman at pinalitan ni Elaine yung ipapagawa nila kay Jennie.

"Ano ka ba naman Sid? Ba't ka pumayag na palitan nila yung ipapagawa kay Jennie." bulong ni Chester.
"Oo nga naman. Sayang yung kiss ni Jennie." bulong ni Michael.
"Hindi mo ba naiisip na once in a lifetime lang yun." bulong naman ni Jonathan.

Nagmistula tuloy silang mga bad conscience na umaaligid sa tenga ko. Kulang nalang tubuan sila ng mga sungay at buntot.

Nasaksihan naman namin kung pano tunggain ni Jennie ang isang bote ng beer. Akala ko hindi niya kaya.

Kasabay ng pagtayo ni Elaine ang pagkaubos ng beer na ininom ni Jennie.

"Guys, it's getting late na. I need to go home. Thanks for this Party, I enjoyed a lot." sabi ni Elaine habang nakatingin sa kanyang relo.

Ilang sandali ay umalis na rin siya. Sumunod si Jonathan at tsaka si Daisy. Ngayon, ang natira nalang dito ay kami nalang nina Grace, Michael, Diane, Chester at Jennie.

"Excuse me guys, I need to go to the CR muna." sabi ni Jennie.
"Samahan na kita." sabi ni Grace at tumungo na sila sa loob mismo ng bahay.
"Be right back ha. I'm not sure kasi if this three are harmless." sabi ni Diane at nagthumbs-up naman si Grace.

At ang natira nalang ngayon dito sa table ay kami nalang nina Michael, Chester, Diane at Ako.

"Ang harsh mo naman magsalita. We didn't came from a criminal family." sabi ko kay Diane.
"Nagbibiro lang ako. Kilala ko naman talaga kayong tatlo e so no need to complain about that." sabi niya.
"What about Jonathan?" tanong ni Michael.
"Jonathan? Were friends. No more no less." sagot niya.

Ilang sandali lang ay biglang dumating si Grace na parang hinahabol ang hininga niya. Meron bang hindi kaayaayang nangyari?

"Guys, I need help. It regards with Jennie." sabi ni Grace at napatayo agad ako.
"Where is she?" tanong ko.
"Nasa sala siya ngayon." sagot ni Grace.

Pagdating namin ng sala, nakita ko si Jennie na mahimbig yatang natutulog. Pambihira, akala ko naman kung ano na ang nangyari sa kanya.

"E natutulog lang naman pala siya. Ano namang maitutulong ko? O wag mong sabihin na binabangungot siya?" tanong ko.
"Hindi, ang sama mo naman. What I mean is pwede mo ba siyang dalhin sa guestroom?" tanong ni Grace at tumango naman ako bilang sagot.

At gaya ng sinabi ni Grace, binuhat ko siya patungong guestroom. Pakiramdam ko parang medyo bumigat siya kumpara kanina, ewan ko feeling ko lang naman. Sa palagay ko'y dahil yun sa mga ininom niya.

Paglapag ko sa kanya sa kama ay bigla siyang...

Siyet.

Bigla siyang sumuka sa damit ko. Pambihira talaga o, ayan kasi ang daming nainom kanina.

"Oh my God. Sid, okey ka lang ba? Dito ka lang ha, kukuha lang ako ng damit." sabi ni Grace.
"No, hindi na." sabi ko.
"Sigurado ka?" tanong ni Grace.
"Oo, sigurado ako. Tsaka, uuwi na rin lang naman ako mga 30 minutes after." sagot ko.
"Okey, thanks na rin at hindi yung bedsheet ang nasukahan niya." sabi niya.

At least naman, nasalba ko yung mamahaling bedsheet ng kama kahit papano.

"Ah Sid, pwede bang bantayan mo muna si Jennie? Kailangan ko pa kasing asikasuhin yung mga kalat sa labas, tutulungan ko lang si Ate." sabi ni Grace.
"Sure." sabi ko.
"Sigurado kang okey lang sa'yo?" tanong niya.
"Yup." sagot ko.

Pagkatapos ay umalis na si Grace at naiwan kaming dalawa ni Jennie dito sa guestroom.

Nakakainggit naman 'tong si Jennie. Ang sarap-sarap kasi ng tulog niya ngayon tapos sinukahan pa niya 'tong bagong bili kong damit, pambihira talaga.

Oo nga pala, sinukahan niya pala 'tong damit ko. Bakit suot-suot ko pa pala 'to hanggang ngayon? Nakakadiri naman.

Kaya ang ginawa ko ay hinubad ko ang damit ko at itinapon sa may sofa. Naku naman, kailangan pa bang bantayan 'tong si Jennie? E, natutulog lang naman 'to.

Lagot ka talaga sa akin Jennie pag nasa school na tayo. Ipapamukha ko na naman sayo na may kasalanan ka sa akin. Palagi nalang kasi ako ang napagdidiskitahan mo tuwing nasa school tayo.

Ang ginaw naman, pambihira. Pano naman hindi magiging maginaw e naka-on ang aircon at tsaka wala akong pang-itaas na damit.

Umupo nalang ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko. Apat na beses kong tinext si Mae ngunit hindi man lang siya nagreply. Tulog na siguro siya, sabagay gabing-gabi na rin e, kahit ako nga eh nakakaramdam na rin ng antok.

Narinig kong tumunog ang cellphone ni Jennie. Marahil ay si Louie na naman yung nagtext sa kanya. Pero bakit naman magtitext si Louie sa kanya kung tuluyan na nga silang nagbreak? Sa madaling salita, hindi pa rin nadadala si Louie dun sa library incident. Hindi ko alam, feeling ko lang naman na si Louie yung nagtext.

Nacucurious ako kaya kinuha ko naman ang cellphone niya para matingnan kung sino ang nagtext ngunit sa kasamaang palad biglang nagbattery empty ang cellphone niya. Pambihira naman o.

Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako at pagkalipas ng ilang minuto, nagising agad ako dahil sa ginaw. Pambihira, nakakabitin naman yung tulog ko.

Tiningnan ko ang tulog na tulog na si Jennie at minasdan ang mabait at maamo niyang mukha na nakaharap sa akin. Mabait naman talaga ang tao kapag tulog e. May tao bang bayolente kapag natutulog.

Laking gulat ko nalang nang bigla siyang nagising at nakatingin sa akin na may halong gulat at pagtataka.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at ang dalawa niyang kamay nakalagay sa kanyang mga pisngi. Can you imagine her face?

Napatakip naman ako ng tenga nung bigla siyang sumigaw ng pagkalakas-lakas na halos yumanig na ang lupa.

"Aaaah. Anong balak mong gawin sa akin?" sigaw niya.

Imagine that? Naririnig ko pa rin yung mga pinagsasabi niya kahit nakatakip na yung dalawa kong tenga.

Siyet. To make things worst, wala nga pala akong pang-itaas na damit. Pambihira, ayokong mabinyagan bilang rappist!

Tumakbo siya patungong pintuan ngunit bago pa man niya mahawakan ang door knob, nahawakan ko na ang braso niya. Isipin na niya kung anong gusto niyang isipin sa akin. Ang sa akin lang ay kahit makapagpaliwanag lang ako sa kanya.

"Jennie, I can explain this. Please listen." sabi ko.
"You don't have to. Let me go!" sabi niya habang pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa braso niya.
"Jennie, please lis---"










Pak!










"Get lost, pervert!" sabi niya.

Tiniis ko nalang yung sakit ng kaliwa kong pisngi. At kahit ganon man ang nangyari, hindi ko pa rin binitawan ang braso niya.

"Jennie, listen! You ---"










Pak!










At hindi niya rin pinalampas ang kanang pisngi ko. Halos umikot ng 360 degrees ang ulo ko dahil sa tindi ng sampal niya. Sa palagay ko'y buong lakas na niya ang ginamit dun.

Nabitawan ko naman ang braso niya at lumabas na siya ng kuwarto. Padabog pa nga niyang sinarado ang pintuan.

Naku naman o, panibagong problema na naman. Sana naman pinakinggan niya yung paliwanag ko. Pambihira talaga o, kung alam ko lang na ito pala ang magiging kahahantungan ng lahat e di sana'y hindi ko nalang siya tinulungan na buhatin patungong guestroom.

Friday, June 10, 2011

Boys Dating Girls Chapter 19: Truth Or Dare

Chapter 19: Truth Or Dare


Ilang sandali lang ay nakita ko na siyang lumabas ng kanilang bahay. Hindi ko alam, pero parang namangha ako sa itsura niya ngayon kahit na simple lang yung suot niya. Sa madaling salita, hindi basta-basta ang kagandahan niya ngayon, pwede na siyang ihanay sa mga beauty queens. Or should I say na namamalikmata lang ako ngayon?

"You look beautiful tonight." sabi ko at ngumiti ng nakakaloko.

Wow, ang haba ng hair ni ate.

"Ganon ba? No, thanks. I don't need your complement." sabi niya.

Pambihira, at imbes na magpasalamat siya, sinungitan pa niya ako. Is that her way of saying thank you?

"Let's go?" tanong ko habang tinatap yung bumper ng kotse.
"Hindi na, magtataxi nalang ako." tanggi niya.

Hay, mga dalagang filipina nga naman o, masyadong pakipot. Siguro pag di ko 'to sinundo ngayon ay hindi 'to attend ng party, halata namang wala siyang balak pumunta.

Akala mo wala akong pangcounter attack sa style mong pakipot ha.

"I don't think so na may dadaan pang taxi dito. I'll wish you luck nalang. Sige, see ya sa party." sabi ko at tuluyan nang pumasok sa kotse.

Akala siguro niya ay pipilitin ko siyang sumakay sa kotse. Anong akala niya sa akin, uto-uto?

Minaneho ko na ang kotse pero tinigil ko ito sa harap niya at binuksan ang wind shield. Tinaasan niya ako ng kilay sabay cross arms.

"If ever na lamukin ka dito dahil sa kahihintay ng taxi, don't hesitate to call or text me." sabi ko at agad nang pinaandar ang kotse.

Pambihira, akala ko pa naman hahabulin niya ang kotse at kakatukin yung bintana ko para sabihing 'wag mo 'kong iwan, ngunit naalala kong sa palabas lang pala nangyayari ang ganun.

Tiningnan ko ang side mirror at nakita kong nanatili pa rin siya sa kinatatayuan niya, malamang naghihintay ng taxi.

At tuluyan na akong nakalayo. Ilang sandali, pinarada ko yung kotse sa gilid ng daan dahil bigla kong naalala ang isang mahalagang bagay. Oo nga pala, pano niya ako kokontakin kung hindi niya alam yung number ko?

Nag-u-turn ako upang balikan si Jennie, wala na akong pakialam kung labag man sa batas trapiko 'tong ginagawa ko. Naisip ko kasi na kawawa naman kung pababayaan ko lang siya dun na pagpiyestahan ng mga lamok. Naks naman, concern ha.

At anak ng tipaklong, hindi pa rin siya natinag sa kinatatayuan niya at malamang naghihintay pa rin ng taxi.

Tumigil ako sa tapat niya at binuksan muli ang wind sheild. At gaya kanina, tinaasan niya ulit ako ng kilay.

"O, bakit ka pa bumalik?" tanong niya.

At naunahan pa niya akong magsalita.

"Bumili lang ako ng mosquito repelant." biro ko at nilahad naman niya yung kamay niya.
"Malalagot ka talaga pag wala kang binigay na mosquito repelant sa akin." banta niya.

Bigla akong bumaba ng kotse at nilapitan siya, mga three inches nalang siguro ang distansya ko sa kanya o baka naman mali yung estimation ko kasi masyado nang malapit ang three inches.

Nakita kong nagulat talaga siya dahil sa ginawa ko. Atras naman siya ng atras haggang sa napasandal siya sa pader. Kumbaga dead end na.

She pushed me on my chest ngunit hindi ako natinag, medyo nag-exert kasi ako ng force dun. Expected ko na kasi na itutulak niya ako. May future vision yata ako.

"Don't dare to rape me or else matitikman mo ang bangis ng angkan namin." sabi niya habang pinupush yung didbid ko.

Kinilabutan tuloy ako dun sa sinabi niya. Wala kaya sa lahi namin ang rappist.

Next thing I did was hinawakan ko yung likod at back ng kanyang knees at pagkatapos ay binuhat ko siya patungong kotse.

Panay ang suntok niya sa dibdib ko habang buhat-buhat ko siya. Kung makasuntok naman siya ay parang kinakalabit lang niya yung dibdib ko.

Nilapag ko siya sa front seat at pagkatapos ay tiningnan niya ako ng masama. Sa madaling salita, galit na galit siya sa akin ngayon.

"Hey Jennie, wala ka bang mas malakas na suntok?" tanong ko at isang malakas na suntok ang biglang tumama sa tagiliran ko.

Napahawak agad ako sa tagiliran ko. Hindi ko akalain na ganon kalakas yung totoo niyang suntok. Nagsisi nga ako kung ba't ko siya biniro ng ganun. Ayan tuloy, nakatikim ng isang magandang regalo mula sa kanya.

Tawa lang ako ng tawa sa loob ng kotse kahit na may iniinda pang sakit sa tagiliran. Nakakatawa kasi yung itsura niya kapag umaapaw na siya sa galit.

Bigla niyang kinurot ang braso ko dahilan ng pagkaputol ng kaligayahan ko. Langya.

"Wag mong hintayin na maubos ang pasensya ko sayo." banta niya at nabaling agad ang atensyon ko sa pagmamaneho.

At sa hindi ko alam na dahilan, bigla niya akong kinurot sa braso. Ano na naman bang problema niya? Hindi ba niya nakikitang nagmamaneho ako? Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Aray. Para saan yun?" tanong ko.
"Para dun sa ginawa mo sa akin kanina." sabi niya at kinurot uli ako.

Naku naman. Hanggang ngayon, big deal pa rin sa kanya yun? Kasalanan naman niya yun. Bakit pa kasi nagpapakipot?

Dahil sa kakulitan niya, muntikan ko nang masagasaan yung mamahaling asong tumatawid sa daan. Teka, nasan ba ang mangyari ng asong yan?

"Tumigil ka nga diyan. Dahil sa kakulitan mo, muntikan ko nang masagasaan yung asong tumatawid." sabi ko at kinurot niya ulit ang braso ko.

Pambihira, nakakarami na siya ah. Di ko naman alam kung ba't naging trending ang pangungurot ngayon?

Bigla naman siyang napahinto sa pangungulit niya sa akin marahil ay dahil sa kanta na tumutugtog ngayon sa loob ng kotse. This is one of my awkward moments. Hindi ko gusto ang atmosphere ngayon dito sa loob ng kotse, yun bang kayong dalawa lang tapos may sweet na background music. Wag naman sana mangyari yung iniisip ko.

Drinking for eleven,
That's just what I do,
When I'm not with you,
And my heart goes to bed.

End of the bar,
That's just where I'll be,
Don't try and come find me,
'Cause I'm already dead.

[Drinking For Eleven by Mad Caddies]

Ngunit bigla niyang pinatay ang music. Buti naman at pinatay niya kundi baka ako pa ang mahimatay dito. Hindi ko na talaga kasi gusto ang nangyayari ngayon dito sa loob ng kotse. Napaka-awkward na talaga. I can smell something fishy.

Ilang sandali ay nakarating na rin kami sa wakas sa bahay nina Grace. Napabuntong-hininga ako at pinarada ang kotse sa tapat ng gate nina Grace.

Balak ko sanang magpakagentleman kaso naunahan niya ako sa pagbukas ng pintuan ng kotse.

Teka, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Wala akong balak na pagsilbihan siya no. Ano siya sinuswerte?

Umagaw sa pansin namin si Michael na nakatayo sa may entablado kasama ang banda. Ano namang gagawin niya? Wag mong sabihing kakanta siya? Malamang kakanta nga, may hawak kasing microphone e.

"Ah, good evening to all. I'm here to make the night more romantic, but not only that because my main intention of being here is to serenade our birthday girl." sabi ni Michael at pinalakpakan naman siya ng mga tao.

Napasulyap ako kay Grace at nakita kong maluha-luha na yung mga mata niya. Tears of joy? Ang drama naman.

Nagpalakpakan ulit ang lahat at nagsimula na ang kanta. Unang bumirit ang acoustic guitar saka si Michael.

You, do you remember me?
Like I remember you?
Do you spend your life
Going back in your mind to that time?

'Cause I, I walk the streets alone
I hate being on my own
And everyone can see that I really fell
And I'm going through hell
Thinking about you with somebody else

Somebody wants you
Somebody needs you
Somebody dreams about you every single night

Somebody can't breathe
Without you, it's lonely
Somebody hopes that one day you will see
That somebody's me
That somebody's me

Yeah How, how could we go wrong?
It was so good and now it's gone
And I pray at night that our paths soon will cross
And what we had isn't lost
'Cause you're always right here in my thoughts

Somebody wants you
Somebody needs you
Somebody dreams about you every single night

Somebody can't breathe
Without you, it's lonely
Somebody hopes that one day you will see
That somebody's me
That somebody's me

Oh, yeah You'll always be in my life
Even if I'm not in your life
'Cause you're in my memory

You, when you remember me
And before you set me free
Oh, listen please

Somebody wants you
Somebody needs you
Somebody dreams about you every single night

Somebody can't breathe
Without you, it's lonely
Somebody hopes that one day you will see
That somebody's me
That somebody's me
Somebody's me
Somebody's me
Somebody's me

[Somebody's Me by Enrique Iglesias]

"Thank you." sabi ni Michael at nagbow.

In fairness, may boses din naman siya. Bakit 'di nalang siya ang ginawa naming vocalist? Pambihira, mas pinili pa talaga nila yung hindi nabiyayaan ng magandang boses.

Biglang lumapit si Michael kay Grace kasabay ng hiyawan ng mga tao at may binigay siyang maliit na box kay Grace. Ano 'to, proposal? Malamang hindi. O baka naman, sasagutin na ni Grace si Michael? Malamang hindi rin, hindi pa nga nanliligaw si Michael sa kanya. Grabe naman ako kung makapag-isip.

Hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa ni Michael. Akala ko kasi wala sa bokabularyo niya ang mga ganitong bagay. Tsaka, ngayon ko lang nalaman na tumataas pala yung confidence level mu tuwing naiinlove ka.

Panay ang ngiti ng loko pagkatapos niyang ibigay kay Grace yung regalo niya. Para ngang nakatama ng jackpot sa lotto.

Lumingon ako sa tabi ko, ngunit wala na si Jennie. Sa'n ba nagpunta ang babaeng yun? Malamang umalis, ano pa nga ba? Tiningnan ko ang buong paligid, ngunit hindi ko siya nakita.

Teka, bakit ko nga ba siya hinahanap? Pambihira, bahala nga siya sa buhay niya. Kinacareer ko na yata ang pagbabantay sa kanya. Makaalis na nga lang.

"Cheers." sabi ng lahat at tinungga namin ang mga baso namin.

Nandito pa rin ako ngayon sa bahay nina Grace kasama sina Michael, Jonathan, Chester, Daisy, Grace, Diane, Jennie at siyempre si Elaine.

Pinayagan kami ng Ate ni Grace na mag-inuman kasi wala naman dito ang mga magulang nila.

"Spin the bottle tayo, ano?" tanong ni Daisy at tumango naman kami.

Ang unang ikot ay tumama kay Chester at tinanong namin siya kung truth or dare.

"Dare." lakas loob niyang sinabi.

Napansin kong may binulong si Michael kay Jonathan pagkatapos ay nagtawanan sila. Ano kaya yun? Kung ano man yun, siguradong kalokohan na naman yun.

"Tumalon ka sa swimming pool!" sigaw ni Michael.

Sinasabi ko na nga ba. Kalokohan na naman yung naisip nila.

"Wala bang mas mahirap diyan." sabi ni Chester at pumunta naman siya sa may gilid ng swimming pool.

Hinintay namin siyang tumalon ngunit imbes na tumalon nanatili lang siyang nakatayo dun sa gilid ng swimming pool. Akala ko ba sisiw lang sa kanya yun?

Biglang naman siyang tinulak ni Jonathan at nahulog siya sa swimming pool na walang kaalam-alam na tinulak pala siya ni Jonathan.

Tawa kami ng tawa. Halos madinig na nga sa buong subdivision yung tawanan namin. Nakakatawa kasi yung itsura niya Chester. Pwede na maging entry sa mga funniest videos.

Ang pangalawang ikot naman ay tumama kay...

Elaine at tinanong namin siya kung truth or dare. Nag-isip naman siya ng kung anong isasagot niya at pagkatapos ng ilang sandali, nagsalita na rin siya sa wakas.

Alam niyo ba kung ano yung sinagot niya? Malalaman natin sa susunod na kabanata.

Monday, June 6, 2011

Boys Dating Girls Chapter 18: Sid's Concern

Chapter 18: Sid's Concern


Pumasok na kami ng music studio at namangha ako dahil sa nakita ko. Iba't-ibang klaseng electric guitars lang naman ang nakita ko. Grabe, di ko afford ang mga to. Nakakasilaw masyado ang mga presyo.

Iilan lamang dito ang nakilala ko. Isang Fender Stratocaster, Gibson Explorer, Dean ML at Gibson Flying V.

Medyo type ko yung Gibson Flying V, hindi lang dahil sa hugis nito kundi dahil kadalasan ko itong nakikita sa mga live concerts ng mga rock bands. Kaya yun yung kinuha ko at sinaksak sa amplifier.

"Akala ko ba ikaw ang rhythm guitarist namin?" tanong ni Chester.
"Sinong nagsabing hindi?" tanong ko.
"Mali kasi yung guitar na napili mo." sagot ni Chester at binigay niya sa akin yung Gibson explorer.

Okey alam ko na ngayon kung anong pinagkaiba ng lead at rhythm guitar. Pasensya na kung medyo wala akong alam sa mundo.

Ilang sandali ang nakalipas, natapos na rin kami sa aming practice. Aaminin ko, medyo nabitin ako sa practice namin kasi medyo sumisimplang pa yung boses ko. Di ko maabot masyado yung tamang nota. Alam niyo namang hindi ako nabiyayaan ng golden voice.

"Bukas may practice ulit tayo. The same venue at the same time." sabi ni Chester.
"Ano nga palang masasabi mo sa performance namin?" tanong ni Michael.
"Yung drums ni Jonathan, sobrang okey para sa akin. Yung sayo naman, medyo okey na rin. Ewan ko lang kay Sid." sabi ni Chester.

Tiningnan ko si Jonathan at todo ngiti ang loko. Feeling ko tuloy magiging sagabal ako sa kanila. Sana naman, paggising ko bukas biglang mag-iba yung boses ko.

"Nandito na 'ko." sabi ko pagpasok ko ng bahay.

Dumiretso na ako ng kuwarto ko dahil feeling ko'y may mahalaga akong pupuntahan mamaya.

Naalala ko naman yung cute na invitation card na nakahimlay sa drawer ng study table ko.

Ayon sa invitation card, 5PM pa magsisimula ang birthday party. Teka, anong oras na ba ngayon? Tiningnan ko ang wall clock at nagulat ako dahil 4:30 PM na pala.

Nagdouble time na ako kasi alam kong malayo pa ang bahay nina Grace mula dito sa amin. How I wish na may sports car kami para ilang sigundo lang biyahe.

Nagbihis na agad ako, kung anong damit nalang ang hinablot ko, tutal wala naman akong pupormahan dun.

Nilapitan ko si Papa na nasa sala. Mukha yatang kailangan ko siyang isturbohin.

"Pa, pwede ko ba magamit ang kotse?" tanong ko with matching puppy face.
"Saan ka ba pupunta?" tanong ni Papa sabay buga ng usok.
"Invited kasi ako sa birthday party ng classmate ko." sagot ko.
"Malayo ba yun?" tanong ni Papa.
"Malapit lang naman po." sagot ko.
"Eh malapit lang naman pala eh." sabi ni Papa.
"Pa naman. Ayokong magcommute, malalate ako kapag ganon." sabi ko.
"Sige, ipapahiram ko sayo yung kotse basta mag-ingat ka." sabi ni Papa.
"Salamat pa. Saan nga pala yung susi?" tanong ko.
"Kunin mo lang sa drawer ng table ko." sagot ni Papa.

At gaya ng sinabi niya, kinuha ko nga yung susi ng kotse sa drawer ng table niya.

Nakarating na rin ako sa wakas sa bahay nina Grace. Inakala ko tuloy na nasa London ako ngayon, sobrang laki kasi ng bahay nila. Aakalain mo sa una na palasyo ito ni Queen Elizabeth.

Pinarada ko ang kotse sa harap ng bahay at bumaba na ako. Sinalubong naman ako ni Michael. Kung di lang sana nakaformal dress 'tong mokong na 'to ay kanina ko pa siya napagkamalang security guard.

"Uy, rich kid. Nagsama pa ng kotse." sabi ni Michael.
"Hindi naman sa akin yan. Sa Papa ko yan." sabi ko.

Napansin kong mukhang bihis na bihis ang loko. Malamang, birthday kasi ni Grace.

"At kailan ka pa natutong pumorma?" tanong ko kay Michael sabay tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa.
"Siyempre, alam mo na." sabi ni Michael.

Pumasok na kami ni Michael sa loob. Una kong nakita ang malawak nilang swimming pool.
Grabe, ang sarap magnight swimming kaso wala akong dalang extra na mga damit.

Nakita kong medyo marami na rin ang mga taong nandito ngayon. Halos may nakaupo na sa bawat table. Isa rin sa mga napansin ko ngayon ay kadalasan sa mga nandito ngayon ay kaedad lang namin.

Nakatawag pansin din sa akin yung reggae band na tumutugtog sa may entablado. Favorite ko din kasi ang mga reggae songs, beside sa mga rock songs.

Meron ding ibat-ibang kulay na mga ilaw na hindi mapakali at galaw ng galaw. Mukhang masyado ko na yatang naemphasize sa inyo ang itsura ng party.

Pinuntahan naman namin ni Michael ang table kung saan nakaupo sina Diane, Daisy at Elaine? Marahil invited din siguro siya.

Napansin kong may mga bakanteng upuan pa sa table na 'to. Wala pa sina Jonathan, Chester at Jennie. Samantalang busy naman sa pag-eentertain ng mga bisita si Grace.

"Hi, girls." sabi ko at kumaway naman sila.

Umupo ako sa tabi ni Elaine. Napansin ko kasi na lalo siyang gumanda ngayon. Hindi ko alam pero feeling ko napakaganda niya ngayon. Iba kasi ang itsura niya kapag school days.

But don't get me wrong, hanggang dun lang yun. No more no less. It doesn't mean na may gusto na ako sa kanya.

"You look beautiful tonight." bulong ko kay Elaine at parang nakiliti siya dun.
"Ikaw rin naman." sabi niya at nanlaki ang mga mata ko.
"Me!? beautiful!?" tanong ko at natawa siya sa naging itsura ko.
"No, I mean you look handsome tonight." sabi niya habang tumatawa.

Akala ko mga lalaki lang ang mahilig mambola. Pero anong malay natin, baka nagsasabi nga ng totoo yung mga mata niya.

"Hey, what's your business all about?" epal ni Daisy habang umiinom ng drinks.
"Ah, serious matters." sagot ko.

Kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig ko. Naalala ko kasi yung meeting noon sa Auditorium.

"Serious matters? You mean, you two are...?" sabi ni Daisy.
"No, it's not. What Sid means is that were talking about our studies." sabi ni Elaine.
"Oh c'mon. Nasa party tayo ngayon, we're not anymore in the school." sabi ni Daisy.
"Oo nga naman. Ba't di niyo nalang kaya aminin na kayo na. Kahit ideny niyo pa, mahahalata pa rin namin." sabi ni Michael at binatukan namin ni Elaine.
"Huh, look who's talking." sabi ni Elaine.

Ilang sandali ay dumating na rin ang mga tarantado kong kaibigan. Sino pa ba, e di sina Chester at Jonathan. Nakiupo na rin si Grace sa table namin at ngayo'y halos kumpleto na kami.

"Sorry kung nalate ako. Inutusan pa kasi ako ng kapatid ko na pakainin yung mga alaga naming baboy." palusot ni Jonathan.
"Inutusan din ako na magpalit ng diapers ng pamangkin ko." palusot ni Chester.

Di ko alam kung nagsasabi ba talaga sila ng totoo. Ang alam ko lang ay malikhain sila pagdating sa mga kasinungalingan at kalokohan.

"Alam mo Grace. Kakaiba ang concept ng birthday party mo. Bakit mo naman naisipan ang ganitong concept?" tanong ni Elaine.
"Si Ate ang nakaisip nito. Para daw hindi masyadong boring ang dating." sagot ni Grace.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan at kwentuhan, nang may biglang lumapit sa table namin na isang maganda at matangkad na babae na halos kamukha ni Grace, malamang kapatid niya.

"Hi guys. So, kayo pala yung mga kaibigan ni Grace. Nice to meet you all. I'm Charmaine pala, sister ni Grace. Enjoy niyo lang ang Party." sabi ni Charmaine tapos umalis na siya at lumipat naman ng ibang table.

"Magkapatid talaga kayo." sabi ni Michael.
"Halata naman." sabi ni Grace.
"What I mean is magkamukha talaga kayo at pareho kayong maganda. Pero mas maganda ka pa rin ng konti sa kanya." sabi ni Michael.
"Alam mo Grace. Binobola ka lang ni Michael. Kaya wag kang masyadong magpapaniwala diyan." sabi ni Jonathan.
"No. Totoo yung mga sinasabi ko. Wag niyo nalang pansinin yang si Jonathan nagpapaepal lang yan kay Diane." sabi ni Michael.
"Dais, totoo bang mas maganda si Grace kaysa sa Ate niya?" tanong ni Jonathan kay Daisy.
"Mas maganda yung Ate niya ng konti." sabi ni Daisy.
"Kitams, binobola ka lang niyan Grace." sabi ni Jonathan at nagtawanan ang lahat.

Malay ba natin kung nagsasabi ba talaga ng totoo si Daisy. O baka naman scripted lang naman yung sinabi niya.

"Where's Jennie nga pala?" tanong ni Elaine.

Pagkatapos ng tanong na iyon, nagkaroon ng malaking katahimikan sa table namin. Nagtaka naman ako kasi once in a blue lang nangyayari ang ganitong katahimikan.

"Bakit? May masama bang nangyari kay Jennie?" tanong ni Elaine.
"Wala naman. Pero as I remember, natext ko na siya kanina. Pero hindi naman siya nagrereply." sagot ni Grace.
"Tinawagan niyo na ba siya?" tanong ni Jonathan.
"Oo, kaso hindi naman niya sinasagot." sagot ni Grace.
"Can I fetch her in their house?" sabi ko at napatingin silang lahat sa akin.

Gulat na gulat talaga yung mga itsura nila, parang nakakita ng kabayong may apat na buntot.

"Ha? Pakiulit nga nung sinabi mo?" tanong ni Chester.
"At kailan ka pa naging concern kay Jennie?" tanong naman ni Michael.
"Oo nga naman. Akala ko ba magkaaway kayo nun?" tanong naman ni Chester.

Hay, ayan na naman kayo. Pinapares niyo na naman ako kay Jennie. Ewan ko nga sa inyo.

Ngayon ay nasa tapat na ako ng bahay nina Jennie. Bumaba na ako matapos kong iparada yung kotse. Ewan ko talaga kung bakit naisip kong sunduin siya. Feeling ko kasi responsibility ko na siya kapag nawawala siya.

Hay, buwisit. Di ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Bakit nga ba ako nag-aalala kay Jennie, e matanda na yun at may sarili nang pag-iisip.

Di ko alam, pero parang may unknown force na tumutulak sa akin na gawin ang lahat ng 'to.

Sumandal nalang ako sa bumper ng kotse habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Ang drama tuloy ng dating ko.

Pambihira, ano ba naman 'tong ginagawa ko? Hihintayin ko nalang ba dito sa labas si Jennie? Pano kung di lumabas yun? Ayoko namang gayahin si juan tamad na maghihintay nalang na mahulog yung bayabas.

Pipindutin ko na sana ang doorbell kaso nangibabaw yung takot ko. Pano na kaya kung parents niya yung magbukas ng gate? Anong sasabihin ko?

Ayan. Pipindutin ko na. Pero ano yun?

Napaatras ako nang konti nung nakita ko ang isang babaeng nakatalikod na nakaupo sa swing sa di kalayuan. Ito na ba ang sinasabi nilang multo? Wag naman sana.

Relax, Sid. Si Jennie lang yan. Teka, si Jennie? Bakit siya nandiyan? Malapitan nga.

Dahan-dahan akong umupo sa katabing swing nang hindi niya namamalayan.

"Ang baduy naman nitong drama mo." sabi ko at halos mapatalon siya sa gulat nang makita ako.
"Ay! Akala ko may multo." sabi niya at napabuntong hininga.

Pambihira, Ako? Multo? E, siya pa nga yung napagkamalan kong multo kanina.

"Bakit ka nandito?" tanong niya nang hindi tumitingin sa akin.
"May kulang kasi sa party e. Kaya pinuntahan kita dito." sagot ko.

At sa wakas ay tiningnan na rin niya ako.

"Yun lang?" tanong niya.
"Ano nga pa bang iniexpect mo?" tanong ko.
"Akala ko kasi na naparito ka para guluhin ang buhay ko ngayon." sagot niya.

Ano namang mapapala ko pag ginulo ko ang buhay niya?

"Hindi ka ba natatakot na mag-isa dito?" tanong ko.
"Hindi naman. Saka lang ako natakot nung dumating ka." sagot niya.

Pambihira, kinilabutan tuloy ako dun sa sagot niya. Mukha ba akong nakakatakot?

"O, ano pang tinutunganga mo diyan, magbihis ka na?" utos ko.
"Pwede ba, wag mo nga akong utusan na parang alipin mo lang. At sinabi ko bang pumapayag na ako na sumama sayo?" tanong niya.
"Wala ka rin namang choice e. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa akin." sagot ko.
"Fine. For the sake of your concern." sabi niya at tumungo na sa kanilang bahay.
"Bilisan mo. Maghihintay lang ako dito sa labas." sabi ko.
"Wag mo nga akong madaliin. Can't you see na napilitan lang ako." sabi niya at nagroll eyes.

Sasama rin naman pala sa huli. Hay, Jennie. Kahit kailan pakipot ka talaga.

Tuesday, May 31, 2011

Boys Dating Girls Chapter 17: I Punch The Pervert

Chapter 17: I Punch The Pervert


"Ano, may nahanap ka na bang vocalist?" tanong ko kay Chester.
"Actually, napag-isip-isip ko kanina na hindi na natin kailangang maghanap ng vocalist." sagot niya.
"Wag mong sabihing instrumental lang yung tutugtugin natin?" tanong ko.
"Hindi no. Bakit naman ako mag-iisip ng ganon?" sagot ni Chester.
"E kung ganon, sino nga ang vocalist natin?" tanong ko ulit.
"Ikaw." sagot ni Chester.

Nabigla ako dun sa sagot ni Chester. Vocalist? Ako? Ibig sabihin pagsasabayin ko ang pagtugtog ng rhythm guitar at vocals? Pambihira, ang hirap kaya nun. Sabihin niyo ngang kalokohan lang 'to.

"Ako? As in ako!?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Oo, ikaw. Bakit, ayaw mo?" tanong ni Jonathan.
"Magandang oppurtunity 'to, Sid. Maaari kang mapromote at kunin ng ibang banda bilang vocalist nila." sabi ni Michael.
"Tama si Michael. At hindi lang yun, dagdag pogi points na rin." sabi ni Chester sabay siko sa braso ko.

Dapat nga pala akong mag-ingat sa mga mabulaklak nilang dila. Wag basta-bastang maniwala sa pinagsasabi nila!

"I'm not after of promotion. I'm after of pogi points." sabi ko at nagtawanan kami.

At tuluyan na akong bumigay sa alok nila, tutal dagdag pogi points naman.

"Teka, ano nga palang nakain niyo at naisipan niyong gawin akong vocalist?" tanong ko.
"Tinatanong pa ba kung anong nakain namin? Pero sa totoo lang, kaya ka namin napili dahil kabisado mo kasi yung lyrics ng tutugtugin natin." sabi ni Chester.

Kabisado? Wala naman akong ibang kabisadong kanta maliban sa *ahem*? Ah so, yun pala ang tutugtugin namin.

"Nakaisip na ba kayo ng ipapangalan natin sa banda?" tanong ni Michael.
"Ano kaya kung Ganja?" sabi ni Jonathan at binatukan naming tatlo.
"Sira. Adik ka talaga. Baka pagkamalan nila tayong gumagamit nun." sabi ko kay Jonathan.
"Tama si Sid. Mas maganda siguro kung Lovethirst nalang." sabi ni Michael.
"Lovethirst, pangalan pa ba yun ng banda? Mas maganda pa ring pakinggan ang Devil Corpse." sabi ni Chester.

Lovethirst at Devil Corpse, parehong baduy. Pagtatawanan lang kami ng mga tao kapag ganon ang pangalan ng banda namin.

"Pambihira, wala ba kayong magandang maisip? Puro naman baduy yung sinasuggest niyo. Sigurado akong pagtatawan lang tayo ng mga tao dahil sa pangalan ng banda natin." sabi ko.
"Tingnan mo nga naman kung sino ang nagsasalita." sabi ni Jonathan.
"Ibahin niyo ko. Mas maganda 'tong naisip ko." sabi ko sabay cross arms.

Tumingin silang tatlo sa akin na mukhang naghihintay ng sagot, malamang interesado talaga sila sa naisip ko.

"Ano naman yung maganda mong naisip?" sabay nilang tinanong.
"I Punch The Pervert." sagot ko at nagtawanan sila.

As for now, pababayaan ko muna silang tumawa. Wala na akong pakialam kung mamatay pa sila diyan kakatawa.

"Akala ko kung ano na yung pinagmamayabang mo. Yun lang pala." sabi ni Michael na halos mabaliw na sa katatawa.
"Langya ka, Sid. Ang galing mong magjoke." sabi ni Jonathan na halos mamatay na sa katatawa.

Napakababaw naman ng pag-iisip nila. Di ba nila nagets yung naisip ko? Sabagay, mga retarded nga naman.

"Hep hep. Iiexplain ko lang kung bakit yun yung naisip ko." sabi ko at di pa rin sila tumigil sa katatawa.

Naubos na ang pasensya kaya ang ginawa ko'y inapakan ko yung mga paa nila. Napatalon naman sila ng di oras habang hawak-hawak ang kanilang paa at ngayon ako naman ang halos mabaliw sa katatawa.

Tumigil naman kami sa kalokohan namin at sinabihan ko silang makinig sa akin.

"Di ba sabi niyo tutugtog din sina Louie?" tanong ko.
"Oo. So, ano namang kinalaman ni Louie?" tanong ni Michael.
"Hindi niyo ba nagets?" tanong ko sa kanila.
"Any clue?" tanong ni Jonathan.
"Louie equals pervert. Remember?" sagot ko.
"Ah okey, nagets na namin!" sabi ni Chester.
"Ayos din ang trip mo ah." sabi ni Michael.

Pagkatapos ay naghigh-five kaming apat at nagtawanan. Hay, salamat sa Diyos at nagets na rin nila sa wakas.

Pagdating ko ng bahay, dumiretso agad ako sa kuwarto ko. Cellphone ang una kong nakita kaya yun ang una kong kinuha. Tiningnan ko ang phonebook at nagdial ng number. Guess who?

"Hi, Mae." sabi ko.
"Hello, Kurt." sagot ni Mae.
"How's the school?" tanong ko.
"May napakalaking revelation akong nalaman kanina." sagot niya.
"Sounds interesting. Ano naman yun?" tanong ko.
"I know who you really are!" sagot niya.

Nagulat ako dun sa sagot niya. I know who you really are? In tagalog, alam na niya kung sino talaga ako? Oh my.

"How did you know it?" tanong ko.
"Can't you answer that with yourself?" tanong niya.
"I don't know. Pano nga ba tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Sus, kunwari ka pa." sabi niya.
"Seriously, I don't know talaga." sabi ko.

Naguguluhan na talaga ako. Sa totoo lang, wala talaga akong kaalam-alam na nameet ko na siya o di kaya'y nakilala.

"Saan nga pala tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Actually, we were classmates." sagot niya.
"Classmates? Sorry, pero wala talaga akong maalala." sabi ko.
"You called me with my screen name. Remember?" tanong niya.
"Wala talaga akong maalala e." sagot ko.
"Naku, kunwari ka pa." sabi niya.
"If you really know me, what is my full name?" tanong ko.
"I'll keep that as a secret nalang. Tutal, hindi mo naman inaamin na nagkakilala na tayo." sagot niya.

I'm totally confused at tila mababaliw na ako dahil sa mga pinagsasabi ni Mae.

Biglang naputol ang linya at may nareceive akong text message na mukhang galing sa kanya.

From:
Mae
+639150688***

Of all the friends
I've ever met.
Your the one
I won't forget.
And if I die
before you do
I'll go to heaven
and wait for you.

Kinabukasan.

Naisipan naming tumambay muna sa may bench area. Malamig at tahimik kasi dito, may konting ingay pero hindi gaya ng sa classroom na halos makabasag eardrums na.

"San nga pala ang venue natin bukas?" tanong ni Michael kay Chester.
"May nahanap na akong music studio, malapit lang sa amin. Magkita nalang tayo sa may plaza." sagot ni Chester.
"Anong oras naman yan?" tanong ko.
"Siguro mga 1PM." sagot ni Chester.
"Pano kung may mahuli o di sumipot sa atin?" tanong ni Jonathan.
"E di, hindi natin isasali. Maghahanap tayo ng iba." sagot ni Chester.
"Usapan yan ha." sabi ni Michael.
"Sige ba." sabi ni Jonathan.

Kinalabit ko si Michael at nginuso yung grupo nina Grace na papalapit dito sa amin.

"Uy Michael, si Grace oh." sabi ni Jonathan sabay siko kay Michael.
"Uy Jonathan, si Diane oh." sabi ni Michael sabay siko ng mas malakas kay Jonathan.
"Tumigil na nga kayo. Pag di na talaga ako nakatiis sa inyo, uupakan ko na talaga kayo!" sabi ko.
"Sige nga." hamon sa akin ni Michael.
"Wag muna ngayon. Ayoko kasing mapahiya ka kay Grace." sabi ko.
"Ang sabihin mo hindi mo kaya." sabi ni Michael.

Next thing I know, nasa harapan na namin sina Grace.

"Hi, Guys." sabi ni Grace sabay wave sa amin.
"Hi, Grace." sabi ni Michael at ngumiti.
"Pwede ba kaming maupo?" tanong ni Diane.
"Abay sinong nagsabing hindi pwede? Uupukan ko pag may magsabi nun." sabi ni Jonathan.
"Hindi kayo pwedeng umupo!" sabi ko at tiningnan ako ng masama ni Jonathan.

Bigla niya akong binatukan ng wala sa oras. Pambihira, akala ko ba'y uupakan niya ako.

"Akala ko ba'y uupakan mo ko?" tanong ko sabay himas ng ulo.
"Ayoko kasing mapahiya ka kay Jennie." sagot niya.

At bigla silang nagtawanan, samantalang kami ni Jennie ay wala lang. Pambihira, may nakakatawa ba?

"Uy, Chester. Magsalita ka naman. Mapapanis yang laway mo." sabi ni Michael.
"By the way guys, invited nga pala kayo sa birthday ko this Saturday. Punta kayo ha." sabi ni Grace sabay bigay ng mga maliliit na invitation cards.
"Sure. Basta ikaw." sabi ni Michael.

Pasipsip din 'tong isang 'to. Maupakan nga mamaya nang matauhan sa mga pinagsasabi niya.

"Naku, baka bukas magulat nalang kami kasi magkaholding hands na kayo." sabi ni Daisy at tinukso namin sila.
"Malayong mangyari yan. Hindi naman marunong manligaw yang si Michael e." sabi ni Jonathan.
"Hindi rin naman ako kasing tanga mo na magtatago sa likod ng babae kapag may aso at magtatapon ng fishball sauce sa kanyang uniporme." sabi ni Michael.

Nanliit tuloy si Jonathan pagkatapos malantad ang naging palpak niyang date noon kay Diane.

"Naku ayos lang yan, Jonathan. Hindi naman yun big deal para kay Diane. Di ba Diane?" sabi ni Jennie sabay tap sa likod ni Jonathan.
"Hindi nga big deal para kay Diane. Pero kay Jonathan, big deal yun." at last nagsalita na rin si Chester.
"Pwede ba tigilan niyo na ako. Si Michael nalang ang pag-usapan niyo." sabi ni Jonathan at nagkunwaring umiiyak.

Hay, pambihira. Sana hindi nalang nila binuksan yung topic na yun. Kawawa tuloy si Jonathan.

"Siya nga pala Grace. Invited ba ang buong class sa birthday mo?" tanong ni Diane.

Mukhang iniiba yata niya ang usapan, for the sake of Jonathan. Aba, mukhang nagdududa na talaga ako sa kanila.

"Afford ko ba yun? Siyempre, mga friends ko lang ang invited." sagot ni Grace.
"Friends? You mean friend mo lang si Michael?" tanong ni Daisy.

Napansin kong kumunot ang noo ni Jennie sa tanong na yun. Mukhang nagdududa na talaga ako, ano ba talagang meron kina Jennie at Michael?

"As for now, friends lang kami." sagot ni Grace.
"I don't think so." sabi ni Diane.
"Bakit naman?" tanong ni Grace.
"As we can see, parang ---"

Ngunit hindi na natuloy niya yung sinasabi niya kasi biglang tinakpan ni Grace yung bibig ni Diane. Tiningnan ko si Michael at nakita ko sa mukha niya ang pagtataka.

"Uy Grace, share mo daw kay Michael yung secrets niyo ni Diane." sabi ni Chester at binatukan siya ni Michael.
"May sinabi ba akong ganon?" tanong ni Michael.
"Basta, don't forget tomorrow ha?" tanong ni Grace.
"Teka Grace, may inuman ba sa inyo bukas?" tanong ni Jonathan pagkatapos mahimasmasan.
"Merong ibat-ibang beverages and liquors sa bar namin." sagot ni Grace.
"Diane, tingnan mo. Maglalasing daw bukas si Jonathan, pigilan mo!" sabi ni Jennie habang sinisiko si Diane.
"Wag kang maniwala diyan kay Jennie, Diane." sabi ko at biglang lumanding ang kamay ni Jennie sa ulo ko.
"Kasali ka ba sa usapan namin?" tanong niya.
"Aba, kung umasta ka parang ikaw yung kinakausap ko." sabi ko sabay himas sa ulo ko.

Hindi na ako magtataka bukas kung ba't may malaking bukol ako sa ulo.

"Wag na kayong mag-away. Kayo lang din naman ang magkakatuluyan sa huli." epal ni Daisy.
"Look who's talking?" sabi ni Jennie sabay tingin ng masama kay Daisy.
"What I mean is wag na kayong mag-away para sa ikagaganda ng samahan natin." bawi ni Daisy with matching hand gestures.
"At kailan ka pa naging concern?" tanong ni Diane.
"Ngayon lang." sagot ni Daisy.

Mga pilosopo nga naman o. Bagay sa kanila ang course na law. At least man lang, mapakinabangan yung pagkapilosopo nila.

"Alam niyo, kanina ko pa gustong umalis. Tinitiis ko lang." sabi ni Jennie sabay roll ng kanyang eyes sakin.

Natawa nalang ako. Kakaiba pala ang feeling kapag ikaw lang mag-isa yung tumatawa at tinitingnan ka ng mga kasama mo.

"May sinabi ba kaming manatili ka pa dito. You're free to let go." sabi ko at ginaya ang pagroll eyes niya.

"Shsh." sabi ni Chester habang iniispread ang kanyang braso.

Tiningnan namin sina Michael at Grace na mukhang may sariling mundo na yata, abalang-abala sa isa't-asa at mukhang nagkakaigihan na yata.

"Alam mo, nakakatawa ka talaga." narinig naming sinabi ni Grace habang tumatawa at hinahampas ang braso ni Michael.

"Uuuuy." tukso namin sa kanila.

Ayan, naputol tuloy yung moment nila. Para tuloy kaming mga kontrabida. Bigla naman silang napatingin sa amin. Si Michael nama'y nagkibit-balikat lang.

Sunday, May 29, 2011

Boys Dating Girls Chapter 16: Michael Equals Kurt?

Chapter 16: Michael Equals Kurt?


"Heto, linisin mo lahat ng cubicles. Ako na'ng bahala sa iba." sabi ni Louie sabay bato ng basahan sa akin.

Pambihira, bakit cubicles pa? Sa dinami-dami ng pwedeng linasan dito sa banyo ay cubicles pa? Naku, amoy palang mapapaayaw ka na talaga, yung tipong mapapatakip ka talaga ng ilong.

"Pambihira, bakit ako pa? Ikaw nalang kaya." sabi ko sabay bato pabalik ng basahan sa kanya.
"Di ba ikaw naman ang may kasalanan kung ba't humantong tayo dito?" tanong ni Louie sabay bato ulit ng basahan sa akin.
"At ako pa ang may kasalanan? Inutusan lang naman ako ni Ms. Rivera na hanapin si Jennie." sagot ko sabay tapon ng basahan sa trash bin.
"E, sino ba ang unang nanuntok? Di ba ikaw?" tanong niya.
"Oo ako. Masyado mo na kasing binabastos si Jennie." sagot ko.
"Ano bang pakialam mo dun? Presidente ka ba ng Gabriela?" tanong niya.

At nagawa pang magbiro ng hinayupak na 'to sa kabila ng pagtatalo namin.

"E ano bang tawag mo dun sa ginawa mo kay Jennie? Huwag mong sabihing nilalambing mo lang siya. E kitang-kita ko yung ginawa mo, binabastos mo na siya!" sabi ko.
"At sino ka naman para pakialaman ako sa gagawin ko sa girlfriend ko?" tanong niya.

Napaisip tuloy ako ng isasagot dun sa tanong na yun. Kaso may grupo ng mga lalaki na biglang pumasok sa CR.

Nalaman kong sina Michael, Jonathan at Chester lang pala. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa, at pagkatapos ay si Louie naman. Teka, anong nangyari sa kanila?

"O, anong nangyari sa inyo? Bakit para kayong nakakita ng baboy na nanganganak ng tuta?" tanong ko.
"Wala. Nagtataka lang kami kung anong ginagawa niyong dalawa dito?" tanong ni Chester.
"Tsaka, narinig namin kanina sa labas yung sigawan niyo. May nangyari ba?" tanong ni Jonathan.

Hindi naman nila kailangang ipaalam sa akin na narinig nila yung sigawan namin. Alam ko namang may tenga sila. Ano ba? Konting common sense naman.

"Teka, sino ba kayo?" tanong ni Louie na nakakunot ang noo.
"Kami? mga kaibigan lang naman kami ni Sid." sagot ni Michael.
"Ah, kaya pala. Ika nga, birds with the same feather flocks together." sabi ni Louie sabay cross arms.

Mukhang nang-iinsulto 'tong isang 'to ah. Ang lakas din ng loob niya, hindi ba niya nakikitang apat kami samantalang mag-isa lang siya? Kapag nagkataon, tatadyakan ko na talaga yung leeg niya. Sabagay, hindi rin naman siya makakasigaw kapag hihingi siya ng tulong kasi pinapaligiran namin siya.

Lunch time.

Kasama ko ngayon ang tropa kong sina Michael, Jonathan at Chester dito sa cafeteria. Kinukulit nila ako kaya napilitan kong ikuwento sa kanila ang lahat ng nangyari kahapon, kabilang na dito yung paghatol sa amin ni panot ng suspension.

"Grabe na talaga ang tama sayo ni Jennie. Biruin mo, nang dahil lang dun ay nagawa mong suntukin yung boyfriend niya." sabi ni Jonathan sabay palakpak.
"Nice one, Sid. Bilib na ako sayo. Sid saves Jennie's day!" sabi ni Michael sabay palakpak din.
"At talagang mas pinili mo pang masuspended kesa mabastos si Jennie." sabi ni Chester at nakipalakpak na rin.

Pambihira talaga 'tong mga 'to o. Kung alam ko lang na tutuksuin lang din naman nila ako, ay hindi ko na sana kinuwento sa kanila ang lahat. Tutal kaibigan ko naman sila, e pagbibigyan ko nalang.

"Siya nga pala Sid, available ka ba this Saturday?" tanong ni Chester.
"Oo. Bakit mo nga pala natanong?" tanong ko.
"Ayos! So, kompleto na tayo." sabi ni Chester at nakipaghigh-five kina Jonathan at Michael.

Inalok niya rin ako na makipaghigh-five sa kanya kaso di ko tinaggap. Nagbigay lang ako ng 'what-do-you-mean' na look sa kanya.

"Teka, pwede bang makishare diyan sa kasiyahan niyo? Ano bang meron this Saturday? 'Wag niyong sabihin mag-aouting tayo sa Tagaytay o di kaka'y magtotour tayo sa underground river ng Palawan?" tanong ko.
"Hindi. Magrerehearsal tayo para sa banda natin." sagot ni Chester.
"Ha? Banda? May banda tayo?" tanong ko.
"Yan nga sana ang plano namin. Hinihintay pa kasi namin yung desisyon mo." sabi ni Michael.
"Para saan nga pala yan?" tanong ko.
"For this coming foundation week ng school natin." sagot ni Jonathan.
"So, ano payag ka na?" tanong ni Chester.
"Sige ba. Pero ano nga pala ang instrument ko?" tanong ko.
"Ganito kasi yan. Ako ang magiging lead guitarist, si Michael naman ang magiging bassist, si Jonathan ang drummer at ikaw ang rhythm guitarist. Okey lang ba sayo?" sabi ni Chester.
"Okey lang sakin, kahit simulan pa natin mamaya ang rehearsal." sabi ko.
"Masyado ka yatang excited, wala pa nga tayong napiling kanta e." sabi ni Jonathan.
"Chester, may naisip ka na ba kung sino ang magiging vocalist natin?" tanong ni Michael.
"Yan nga ang problema natin e." sagot ni Chester.
"Akala ko ba'y kumpleto na tayo?" tanong ko.
"What I mean is kumpleto na ang mga tutugtog ng mga instruments." sagot ni Chester.
"So, sino ang balak mong vocalist?" tanong ni Jonathan.
"Wala pa sa ngayon, pero sisiguraduhin kong may vocalist na tayo right before our rehearsal." sagot ni Chester.
"Teka, ano nga pala yung instrument ni Jonathan?" tanong ko.
"Drums." sagot ni Chester.
"Si Jonathan, tumutugtog ng drums? Naku, mapapaback-out ako niyan." biro ko.
"Huh, anong akala mo sa akin? Hindi marunong?" tanong ni Jonathan.
"Ah, akala ko kasi ikaw yung tagatambol dun sa mga katutubong sayaw." sabi ko.
"Sira. Ako kaya yung featured drummer ng Siakol tuwing concert nila." sabi ni Jonathan.
"Ang sabihin mo, ikaw yung tagpunas ng pawis ng drummer ng Siakol." sabi ni Michael.
"Pero ikaw naman yung tagpunas ng sahig ng stadium nila." sabi ni Jonathan.
"Tama na nga yan. Baka magkasabunutan pa kayo." sabi ko sabay awat sa kanila.
"Pero alam niyo mga dude, balita ko tutugtog din daw sina Louie." sabi ni Michael.
"Balita ba yan o tsismis mo lang?" tanong ni Jonathan.

Mukha yatang magkakainitan talaga 'tong dalawang 'to. Kailangan na talagang ipaghiwalay ang mga 'to, mga five meters away ang agwat para iwas bangayan.

"Hay, nag-away na naman ang mga retarded." sabi ko at biglang napatingin yung dalawa sa akin.
"Nag-aaway ba kami? Naglalambingan lang naman kami." biro ni Jonathan sabay haplos sa braso ni Michael.
"About nga pala dun sa sinabi kanina ni Michael na tutugtog din sina Louie. Good to hear that because that will serve as a challenge for Sid. Basta, wag niyong kalimutan this Saturday ha." sabi ni Chester.
"Saan ang venue natin at anong oras?" tanong ko.
"I'll think of that. Maybe mamaya ko pa sasabihin sa inyo pag dismissal na. And about dun sa kanta, we'll have a votation nalang right after our classes." sagot ni Chester.

Himala at tumunog yung cellphone ko, ibig sabihin ay may nagtext. Once in a blue moon lang tumutunog 'tong cellphone na 'to, siyempre nakasilent mode palagi, pero ngayon nakalimutan kong iset sa silent mode.

Tiningnan ko kung sino ang nagtext, si Mae pala. Remember Sweet Mystery also known as Mae? Akalain mo, namiss daw niya ako. Naisip ko tuloy na what if magkagusto si Mae sa akin, not to mention myself. Hindi kasi malayong mangyari ang ganun, kasi mahigit isang buwan na rin kaming nagchachat, nagtitext at nagtatawagan.

Natauhan at nahimasmasan ako nung may biglang sumiko sa braso ko. Panira ng imagination.

"Who's that, dude?" tanong ni Michael.

I need to think for an answer, kundi buking ako. Pero what's the big deal kung mabuking nila ako? Ah, big deal nga pala talaga kasi look what had happen nung kinuwento ko sa kanila yung tungkol sa heroic act na ginawa ko kay Jennie, di ba tinukso nila ako?

"Nagtext lang yung ate ko." sagot ko.
"I don't think na ate mo nga talaga yung nagtext sayo." sabi ni Michael.

At umiral na naman yung pagiging psychic niya.

"I agree with Michael. Bihira lang kasi kitang makita na humahawak ng cellphone." sabi ni Jonathan.

At isa pa 'to. Akala ko ba'y magkaaway sila ni Michael? Pambihira, double team na ang ginagawa nila sa akin.

Napansin kong biglang nawala si Chester sa kanyang kinauupunan. San na nagpunta yung lokong yun?

At pooof, may biglang humablot ng cellphone ko. Pambihira, pati ba sa school ay may snatcher din? Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Chester na hawak-hawak yung cellphone ko.

Aagawin ko na sana kaso binigay niya kay Jonathan. Nilapitan ko naman si Jonathan at tinago niya sa likod niya yung cellphone ko. Pambihira 'tong mga 'to o, may araw rin kayo!

"Who's Mae, dude?" tanong ni Michael na nasa likod ko na.

Napalingon ako sa kanya at what the? Panong napunta sa kanya yung cellphone ko? Di ba tinago ni Jonathan yun sa likod niya? Pambihira, anong klaseng mga tao ba 'tong mga kaibigan ko?

"Relax ka lang Sid. We can listen if you are willing to tell us the story. Trust us, walang ibang makakaalam nito except us." sabi ni Chester at naupo ulit kaming lahat.

Kinuwento ko naman sa kanila ang lahat at gaya ng sinabi ni Chester nakinig nga sila sa kuwento ko.

Dismissal na, pero hindi mukhang dismissal ang makikita mo ngayon sa loob ng classroom namin. Marami pa kasi ang nanatili sa classroom para kopyahin ang mga walang katapusang notes na nakatala sa blackboard. Salamat na rin at half day lang yung suspension namin ni Louie.

"Michael, kumusta na nga pala yung pinagawa ko sayo para sa group task natin?" narinig kong tinanong ni Grace kay Michael.
"Heto, tinapos ko na lahat. Kasama na din diyan yung pinaresearch sa atin ni Ms. Escalante as a group." sagot ni Michael.
"Wow, ang sipag mo ah. So magkano ang icocontribute namin?" tanong ni Grace.
"Wag na." sabi ni Michael.
"Naku, nakakahiya naman sayo. Mukha kasing malaki yung nagastos mo dun." sabi ni Grace.
"Hindi mo na kailangan magbayad. Yung ibang members nalang." sabi ni Michael.
"Huh? Bakit naman?" tanong ni Grace.
"Nilibre na kasi kita eh." sabi ni Michael at ngumiti.

Napamura ako dun ah. Hayop ka Michael, sa tingin mo maniniwala sayo yang si Grace? Tiningnan ko si Grace at nakita ko siyang nakangiti kay Michael. Anak ng? Akala ko ba'y hindi madaling maloko 'tong si Grace?

"Naku, ikaw talaga. Sige, salamat ha." sabi ni Grace sabay tap sa likod ni Michael.
"Walang anuman, basta ikaw." sagot ni Michael.

Sa palagay ko, unti-unti nang nagkakaigihan 'tong dalawang 'to na nasa harapan ko. Eto din kasing si Michael masyadong over-confident at kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig.

Ayan, natapos ko na rin sa wakas ang lahat ng mga dapat kopyahin. Napansin kong nakatingin sa akin si Elaine. Tiningnan ko din siya, pero umiwas ng tingin. What was that for?

Nakita ko ang tropa ko na nakatayo sa may pintuan. Malamang hinihintay ako kaya minadali ko na ang pagligpit ng mga gamit ko.

"Mae." sigaw ni Michael.

At lantaran pa talaga niyang sinagaw yun sa buong madla. Hindi naman ako nagpahalata na ako yung tinatawag nila. Pambihira, akala ko ba hindi na nila ako tutuksuin? Nakita ko namang siniko ni Chester si Michael. Mukhang si Michael lang yung hindi nakaintindi sa pinagkasunduan namin.

Nakita kong nagliligpit din ng kanyang gamit si Jennie. At napansin kong panay ang titig niya kay Michael. Ano bang meron kay Michael?

Naglakad na kami sa corridor at pinag-usapan ang tungkol sa band namin. Napag-usapan din namin ang napiling kanta na tutugtugin namin at iba pang mahalagang bagay tungkol sa banda.

"Excuse me, Michael." bigla naming narinig mula sa likod namin.

Nakita namin si Jennie na hawak-hawak ang bag niya at malamang pauwi na din.

"Bakit, Jen?" tanong ni Michael.
"I-i-ikaw ba si ---" ngunit di na niya natuloy yung sinabi niya dahil bigla siyang hinablot nina Daisy. Hinablot talaga.

"Tara na Jen. Sorry guys, bukas na kayo manligaw kay Jennie." sabi ni Daisy at umalis na sila.

Tiningnan naman namin si Michael at nagkibit balikat lang siya.

Wednesday, May 25, 2011

Boys Dating Girls Chapter 15: Kontrabida O Bida?

Chapter 15: Kontrabida o Bida?


Maaga akong nakarating ng school, hindi ko alam kung bakit, malamang advance yung oras ng wall clock namin.

Nasa classroom na ako ngayon, nakaluklok sa upuan at walang ginagawa. Napansin kong tahimik lang si Elaine na nasa sa tabi ko. Hindi man lang niya ako kinakausap. Malamang nakalunok ng kutsara kaya 'di makapagsalita.

Napabuntong-hininga nalang ako at binuklat ko ang libro sa Economics. Wala kasing magawa kaya ito nalang.

"Ano yang binabasa mo? May quiz ba tayo sa Economics?"

Nakakagulat naman tong si Jennie oh. Bigla nalang sumusulpot.

"Malay ko ba." sabi ko na nakatutok pa rin sa libro.
"Matanong nalang nga kina Daisy. Hindi ko kasi gusto ang ihip ng hangin dito." sabi ni Jennie at hinawakan ko agad yung braso niya bago pa man siya makatayo.

Kailan ba ako naging mahangin? Sana kung magpapatama siya, yung hindi sana medyo halata na ako yung pinatatamaan niya.

Umupo ulit siya na nakatingin sa akin ng masama. Ako nama'y seryoso lang sa pagbabasa. Marahil nagtataka na siya kung para saan ba 'tong binabasa ko.

"Ano ba, bitawan mo nga ako." sabi niya.

Binitawan ko nga siya, baka kasi sumabog, patay tayo. Tiningnan ko lang siya ng maigi.

"Kakaiba na talaga ang mga estudyante ngayon. Pag nakita nila yung kaklase nila na nagbabasa ng libro, ang unang papasok sa utak nila ay quiz at exam. Pano kaya kung basahin ko din 'tong dictionary?" sagot ko sabay diin ng titig ko sa kanya.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Sa tuwing nilalayo niya ang mukha niya ay mas lalo kong nilalapit. Napansin kong medyo natakot siya dahil sa ginawa ko. Nakakatakot ba ako?

"Eh ano namang masama dun? Nagtatanong lang naman ako." sabi ni Jennie.
"Hindi mo kasi ginagamit yung sixth sense mo." sabi ko sabay turo sa noo niya.
"Ha? Anong sixth sense!?" tanong niya.
"Eh di common sense." sagot ko sabay tawa ng malakas.

Tinawanan ko lang siya. Para ko tuloy pinamumukha sa kanya na wala siyang common sense.

"Ano ba!? May nakakatawa ba!?" tanong ni Jennie habang hinahampas ng libro ang braso ko.

Ilang sandali, nahimasmasan na ako at tumigil na rin sa pagtawa. Wala naman talagang nakakatawa. Trip ko lang na tumawa.

"Ngayon alam ko na. Ibig sabihin pala niyan saka ka lang nagbabasa ng libro kapag may exam at quiz." sabi ko.
"Ano namang pakialam mo? Hindi naman ako geek na katulad mo." sabi ni Jennie.
"Sa tingin mo ba'y mga matatalino lang ang nagbabasa ng libro?" tanong ko.
"Oo." sagot ni Jennie.
"Eh, bakit nagbabasa yun ng libro?" tanong ko sabay turo kay Benjie na nagbabasa ng libro.
"Sira. May pinag-aralan din naman yan kahit papano." sabi niya sabay batok.
"Aray, nakakasakit ka na. Kanina ka pa." sabi ko sabay himas sa ulo ko.

"What is that Mr. de Guzman?" narinig kong sinabi ni Ms. Rivera.

Langhiya, hindi ko man lang napansin na nandiyan na pala si Ms. Rivera sa harap. Naku, lagot ulit ako dito. Nakakagulat naman kasi tong si Ms. Rivera. Bigla nalang pumapasok ng classroom na walang palatandanan. May lahing ninja din siguro 'to.

"Ah. Eh." sabi ko habang lumilingon-lingon sa paligid.

Pambihira, wala akong maisip na palusot. May nakabara na kutsara sa brain cells ko kaya hindi pumafunction ng maayos. Heto namang katabi ko pasekretong tumatawa, halatang nang-aasar na.

"What is that?" tanong ulit ni Ms. Rivera sa mas mataas na boses.

"Ah. Eh." sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"What is that again? Make your voice louder." sabi ni Ms. Rivera sa kanyang pinakamataas na boses.

Nung nakita kong tumatawa ng pasekreto si Jennie, biglang may umilaw na light bulb sa ulo ko.

"Ah Ms. Rivera, Jennie wants to go to the clinic, she has a fever right now." sabi ko sabay ngisi.

Siniko ni Jennie ng napakalakas ang tagiliran ko. Buti nalang at di nila nakita, kundi buking ako nito. Tiniis ko nalang yung sakit.

"Ako, may lagnat!?" pabulong na sinabi sa akin ni Jennie.

"Okey, she may go." sabi ni Ms. Rivera.

Tumayo naman si Jennie ng walang pag-aalinlangan at lumabas ng classroom na halata namang walang lagnat.

Ilang sandali ang nakalipas, habang nagsusulat ako ng mga notes, biglang lumapit si Ms. Rivera sa akin.

"Kindly check Ms. Robles in the clinic if she's alright there." sabi ni Ms. Rivera.

Himala at naging concern si Ms. Rivera. Once in a blue moon lang ito nangyayari. Makapunta nga ng lotto outlet mamaya.

"Excuse me po. Nandito po ba si Jennie Robles?" tanong ko sa school nurse.
"Wala siya dito e." sagot ng school nurse namin.
"Hindi niyo po ba siya nakita?" tanong ko.
"Hindi e." sagot ng school nurse.

Napabuntong-hininga nalang ako. Hay, bakit ako nalang palagi ang pinahahanap kay Jennie sa tuwing mawawala siya? Sabagay, kasalanan ko naman 'to. Sigurado akong nagtampo lang yun. Saan ko naman kaya siya makikita?

Hindi ko sinadyang mapadaan sa library at sa loob ay may narinig akong nag-uusap. Nakucurious ako, kasi parang hindi naman mga staff o library personel ang nasa loob. O di kaya'y pinaglalaruan lang ako ng mga multo dito.

"Huwag naman sana." sabi ko sabay sign of the cross.

Nakasarado ang bintana kaya hindi ko masyadong naiintindihan yung pinagsasabi nila kaya naisipan kong idikit ang tenga ko sa pintuan ng library. Tingnan natin kung matalas pa din ba ang pandinig ko o baka bukas kailangan ko na ng hearing aid.

Mukhang pamilyar ang boses nila. Tama, sina Jennie at Louie nga. Buti naman at matalas pa rin ang pandinig ko. Teka, ano bang ginagawa nila sa loob ng library? Ganon ba talaga kapribado yung usapan nila o ginagawa lang nilang pansamantalang dating place ang library? Pambihira.

Idiniin ko sa pintuan ang tenga ko upang mapakinggan ng maigi yung usapan nila, kumbaga loudspeaker. Hindi ko alam kung ano ba 'tong ginagawa ko, nang-iispiya o nang-iispy? Ang alam ko pareha lang yun.

"I'm very sorry Jennie. Pero it was just a kiss." sabi ni Louie.
"So ganon lang ba yun? Pagkatapos ng lahat patatawarin kita? Ano ka, sinisuwerte." sabi ni Jennie.

Tama, ano siya sinisuwerte? Malas lang ni Jennie at yang hinayupak pang yan ang naging boyfriend niya.

"Sorry Jennie. Unexpected kasi. I'm not the one who kiss, It's Loraine." paliwanag ni Louie.
"But you kiss back? Then, what does it mean?" tanong ni Jennie.
"Kissing back have no meaning. Please Jennie, don't misinterpret what had happen." sagot ni Louie.
"Misinterpret? Actually, I saw everything in the locker room so don't acussed me of misintepreting." sabi ni Jennie.
"Jennie, please. I'm so sorry." sabi ni Louie.
"Let me go Louie. Get lost!" sabi ni Jennie.
"Hindi kita bibitawan unless you will accept my sorry." sabi ni Louie.

Ang lakas din pala ng loob ng hinayupak na yun. Sinabihan na ngang get lost, pinipilit pa rin niya si Jennie. Ibang klase din no?

"Let me go, Louie. Stop this, nasasaktan na ako." sabi ni Jennie.

Mistula tuloy akong nakikinig ng drama sa radyo tuwing tanghali kaso itong naririnig ko ngayon ay hindi scripted.

Ilang sandali, narinig kong sumigaw si Jennie. Medyo nag-alala nga ako. Pakiramdam ko kailangan na ni Jennie ng tulong ko kaya ang ginawa ko'y

Tantananantanan.

Pinasok ko ang library ng walang pag-aalinlangan. Hindi ko na inisip ang kung anuman ang sabihin nila sa akin. Okey lang sakin kung isipin nilang pakialamero ako, superhero ako, nagseselos ako, antagonist ako, ninja ako o di kaya'y tagasira ng eksena basta ang iniisip ko ngayon ay si Jennie.


SI JENNIE!?
WHAT!?


Okey, alam kong nagulat kayo dun pati rin naman ako. Sabihin nalang nating iniisip ko ngayon ang kapakanan at kaligtasan ng buong sangkatauhan. Nagkamali lang ako dun sa huli kong tinype.

At pagpasok ko'y nagulat ako at napamura, hindi lang basta nagulat yung mas malala pa sa salitang 'nagulat'. At dahil sa gulat, mistula akong nakakita ng baboy na kulay asul ang balahibo.

Langya. Nakita kong nakadikit na sa pader si Jennie at nagpupumiglas habang hawak-hawak ni Louie ang kanyang magkabilang braso. Teka, ano bang balak ng hinayupak na 'to?

At bago pa man mahalikan ni Louie si Jennie ay nilapitan ko na agad siya at sinuntok sa mukha. Napuruhan siya sa kaliwang pisngi at pumutok ang kaliwang bahagi ng kanyang labi. Marahil ay nagulat siya dun sa ginawa ko dahil hindi man lang niya namalayan na nakapasok na pala ako sa loob ng library. Patunay na ninja nga ako.

"Hindi ka na bata para pagsabihan na masama yang ginagawa mo kay Jennie." sumbat ko.

Bigla niya akong ginantihan ng suntok sa sikmura dahilan ng pagsuka ko ng dugo at pagkatumba ko sa sahig. Grabe, di ko akalain na malakas yung tatama na suntok sa sikmura ko. Bakit kaya sa tuwing nagkakaengkwentro kami ni Louie ay ako nalang palagi ang kulelat?

Hawak-hawak ko ang tiyan ko at narinig kong umiyak si Jennie sa may gilid.

Tatadyakan na sana ako ni Louie kaso binawi niya. Hindi ko alam kung bakit.

"Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa mga pipitsuging katulad mo. At sa susunod, mamili ka na ng makakalaban mo." sabi niya.

Ano? Pipitsugin? Nagkataon lang naman na nakahanap siya ng pagkakataon para suntukin ako sa sikmura, at kung di pa nangyari yun ay kanina ko pa sana siya tinadyakan sa may batok niya.

Nakakaasar. Gusto kong tumayo kaso sumasakit pa yung tiyan ko dahil sa suntok ng gago. Para tuloy akong kontrabida ngayon at si Louie yung bida na liligtas kay Jennie. Ano ba 'to? Parang bumaligtad yata ang mundo?

Tumayo ako with matching punas ng dugo sa labi, yung kadalasan nating makikita sa mga action movies kung saan nagduduwelo ang dalawang tauhan. Hindi na ako nag-atubili pa at sinuntok ko siya sa mukha ng walang pag-aalinlangan. Akala mo ha?

"What is that Mr. de Guzman?"

Napatingin naman ako dun sa nagsasalita. At laking gulat ko nalang nung nakita ko na nakatayo sa may pintuan ang nanggagalaiting si Ms. Rivera kasama ang School Librarian.

Naku, lagot tayo diyan. Hindi malayong mangyari na suspension ang kahahantungan ko dito. Lalo na't nakita nila yung pagsuntok ko kay Louie sa mukha.

Anong gagawin ko? Hindi nga ako naglilinis ng banyo sa bahay, pano pa kaya dito sa school. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sana naman may blessing in disguise na dumating.

"You two, procede to the Discipline's Office. Right now!" sigaw ni Ms. Rivera.

Ilang sandali ang nakalipas, nalaman ko nalang na nasa Discipline's Office na pala ako kasama si Louie. At ang nasa harap namin ay isang mataba at panot na lalaki na may suot na glasses, baka isipin niyong si Noynoy Aquino yung tinutukoy ko, hindi ah.

Kung makatingin siya ay parang may napakalaking utang kami sa kanya. Bigla nalang akong nasindak nung kumunot ang noo niya at kumurba pababa ang labi niya.

Kinakabahan na ako at halos magyelo na ang mga kamay ko dahil sa lamig. Pero dapat maging matatag ako, ika nga, matapang ang mga inosente. At kung ano man ang kahahantungan nito, so be it nalang.

Halos mapatalon ako sa gulat nung biglang tumayo si panot at sinuntok ang table. Uy, dahan-dahan ka lang diyan, ang puso natin.

Ilang sandali ay huminahon din siya at narinig kong napabuntong-hininga siya.

"I'm sorry, I got carried away." sabi niya.

Akala ko pa naman kung ano na. Teka, para saan yung pagsuntok niya sa table? Galit ba siya o may balak siyang sirain yung table?

Ilang sandali'y nakalabas na rin kami sa wakas sa malaimpyernong Discipline's Office. Buti naman malakas ang immune system ko at nagawa kong makasurvive dun sa nagtatalsikang laway ni panot. Walang kwenta din naman yung mga sinabi ni panot kasi hindi niya pa rin kami nagpagbati.

At alam niyo ba kung anong naging hatol ni panot sa amin? Malalaman natin sa susunod na kabanata.