Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 25, 2011

Boys Dating Girls Chapter 15: Kontrabida O Bida?

Chapter 15: Kontrabida o Bida?


Maaga akong nakarating ng school, hindi ko alam kung bakit, malamang advance yung oras ng wall clock namin.

Nasa classroom na ako ngayon, nakaluklok sa upuan at walang ginagawa. Napansin kong tahimik lang si Elaine na nasa sa tabi ko. Hindi man lang niya ako kinakausap. Malamang nakalunok ng kutsara kaya 'di makapagsalita.

Napabuntong-hininga nalang ako at binuklat ko ang libro sa Economics. Wala kasing magawa kaya ito nalang.

"Ano yang binabasa mo? May quiz ba tayo sa Economics?"

Nakakagulat naman tong si Jennie oh. Bigla nalang sumusulpot.

"Malay ko ba." sabi ko na nakatutok pa rin sa libro.
"Matanong nalang nga kina Daisy. Hindi ko kasi gusto ang ihip ng hangin dito." sabi ni Jennie at hinawakan ko agad yung braso niya bago pa man siya makatayo.

Kailan ba ako naging mahangin? Sana kung magpapatama siya, yung hindi sana medyo halata na ako yung pinatatamaan niya.

Umupo ulit siya na nakatingin sa akin ng masama. Ako nama'y seryoso lang sa pagbabasa. Marahil nagtataka na siya kung para saan ba 'tong binabasa ko.

"Ano ba, bitawan mo nga ako." sabi niya.

Binitawan ko nga siya, baka kasi sumabog, patay tayo. Tiningnan ko lang siya ng maigi.

"Kakaiba na talaga ang mga estudyante ngayon. Pag nakita nila yung kaklase nila na nagbabasa ng libro, ang unang papasok sa utak nila ay quiz at exam. Pano kaya kung basahin ko din 'tong dictionary?" sagot ko sabay diin ng titig ko sa kanya.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Sa tuwing nilalayo niya ang mukha niya ay mas lalo kong nilalapit. Napansin kong medyo natakot siya dahil sa ginawa ko. Nakakatakot ba ako?

"Eh ano namang masama dun? Nagtatanong lang naman ako." sabi ni Jennie.
"Hindi mo kasi ginagamit yung sixth sense mo." sabi ko sabay turo sa noo niya.
"Ha? Anong sixth sense!?" tanong niya.
"Eh di common sense." sagot ko sabay tawa ng malakas.

Tinawanan ko lang siya. Para ko tuloy pinamumukha sa kanya na wala siyang common sense.

"Ano ba!? May nakakatawa ba!?" tanong ni Jennie habang hinahampas ng libro ang braso ko.

Ilang sandali, nahimasmasan na ako at tumigil na rin sa pagtawa. Wala naman talagang nakakatawa. Trip ko lang na tumawa.

"Ngayon alam ko na. Ibig sabihin pala niyan saka ka lang nagbabasa ng libro kapag may exam at quiz." sabi ko.
"Ano namang pakialam mo? Hindi naman ako geek na katulad mo." sabi ni Jennie.
"Sa tingin mo ba'y mga matatalino lang ang nagbabasa ng libro?" tanong ko.
"Oo." sagot ni Jennie.
"Eh, bakit nagbabasa yun ng libro?" tanong ko sabay turo kay Benjie na nagbabasa ng libro.
"Sira. May pinag-aralan din naman yan kahit papano." sabi niya sabay batok.
"Aray, nakakasakit ka na. Kanina ka pa." sabi ko sabay himas sa ulo ko.

"What is that Mr. de Guzman?" narinig kong sinabi ni Ms. Rivera.

Langhiya, hindi ko man lang napansin na nandiyan na pala si Ms. Rivera sa harap. Naku, lagot ulit ako dito. Nakakagulat naman kasi tong si Ms. Rivera. Bigla nalang pumapasok ng classroom na walang palatandanan. May lahing ninja din siguro 'to.

"Ah. Eh." sabi ko habang lumilingon-lingon sa paligid.

Pambihira, wala akong maisip na palusot. May nakabara na kutsara sa brain cells ko kaya hindi pumafunction ng maayos. Heto namang katabi ko pasekretong tumatawa, halatang nang-aasar na.

"What is that?" tanong ulit ni Ms. Rivera sa mas mataas na boses.

"Ah. Eh." sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"What is that again? Make your voice louder." sabi ni Ms. Rivera sa kanyang pinakamataas na boses.

Nung nakita kong tumatawa ng pasekreto si Jennie, biglang may umilaw na light bulb sa ulo ko.

"Ah Ms. Rivera, Jennie wants to go to the clinic, she has a fever right now." sabi ko sabay ngisi.

Siniko ni Jennie ng napakalakas ang tagiliran ko. Buti nalang at di nila nakita, kundi buking ako nito. Tiniis ko nalang yung sakit.

"Ako, may lagnat!?" pabulong na sinabi sa akin ni Jennie.

"Okey, she may go." sabi ni Ms. Rivera.

Tumayo naman si Jennie ng walang pag-aalinlangan at lumabas ng classroom na halata namang walang lagnat.

Ilang sandali ang nakalipas, habang nagsusulat ako ng mga notes, biglang lumapit si Ms. Rivera sa akin.

"Kindly check Ms. Robles in the clinic if she's alright there." sabi ni Ms. Rivera.

Himala at naging concern si Ms. Rivera. Once in a blue moon lang ito nangyayari. Makapunta nga ng lotto outlet mamaya.

"Excuse me po. Nandito po ba si Jennie Robles?" tanong ko sa school nurse.
"Wala siya dito e." sagot ng school nurse namin.
"Hindi niyo po ba siya nakita?" tanong ko.
"Hindi e." sagot ng school nurse.

Napabuntong-hininga nalang ako. Hay, bakit ako nalang palagi ang pinahahanap kay Jennie sa tuwing mawawala siya? Sabagay, kasalanan ko naman 'to. Sigurado akong nagtampo lang yun. Saan ko naman kaya siya makikita?

Hindi ko sinadyang mapadaan sa library at sa loob ay may narinig akong nag-uusap. Nakucurious ako, kasi parang hindi naman mga staff o library personel ang nasa loob. O di kaya'y pinaglalaruan lang ako ng mga multo dito.

"Huwag naman sana." sabi ko sabay sign of the cross.

Nakasarado ang bintana kaya hindi ko masyadong naiintindihan yung pinagsasabi nila kaya naisipan kong idikit ang tenga ko sa pintuan ng library. Tingnan natin kung matalas pa din ba ang pandinig ko o baka bukas kailangan ko na ng hearing aid.

Mukhang pamilyar ang boses nila. Tama, sina Jennie at Louie nga. Buti naman at matalas pa rin ang pandinig ko. Teka, ano bang ginagawa nila sa loob ng library? Ganon ba talaga kapribado yung usapan nila o ginagawa lang nilang pansamantalang dating place ang library? Pambihira.

Idiniin ko sa pintuan ang tenga ko upang mapakinggan ng maigi yung usapan nila, kumbaga loudspeaker. Hindi ko alam kung ano ba 'tong ginagawa ko, nang-iispiya o nang-iispy? Ang alam ko pareha lang yun.

"I'm very sorry Jennie. Pero it was just a kiss." sabi ni Louie.
"So ganon lang ba yun? Pagkatapos ng lahat patatawarin kita? Ano ka, sinisuwerte." sabi ni Jennie.

Tama, ano siya sinisuwerte? Malas lang ni Jennie at yang hinayupak pang yan ang naging boyfriend niya.

"Sorry Jennie. Unexpected kasi. I'm not the one who kiss, It's Loraine." paliwanag ni Louie.
"But you kiss back? Then, what does it mean?" tanong ni Jennie.
"Kissing back have no meaning. Please Jennie, don't misinterpret what had happen." sagot ni Louie.
"Misinterpret? Actually, I saw everything in the locker room so don't acussed me of misintepreting." sabi ni Jennie.
"Jennie, please. I'm so sorry." sabi ni Louie.
"Let me go Louie. Get lost!" sabi ni Jennie.
"Hindi kita bibitawan unless you will accept my sorry." sabi ni Louie.

Ang lakas din pala ng loob ng hinayupak na yun. Sinabihan na ngang get lost, pinipilit pa rin niya si Jennie. Ibang klase din no?

"Let me go, Louie. Stop this, nasasaktan na ako." sabi ni Jennie.

Mistula tuloy akong nakikinig ng drama sa radyo tuwing tanghali kaso itong naririnig ko ngayon ay hindi scripted.

Ilang sandali, narinig kong sumigaw si Jennie. Medyo nag-alala nga ako. Pakiramdam ko kailangan na ni Jennie ng tulong ko kaya ang ginawa ko'y

Tantananantanan.

Pinasok ko ang library ng walang pag-aalinlangan. Hindi ko na inisip ang kung anuman ang sabihin nila sa akin. Okey lang sakin kung isipin nilang pakialamero ako, superhero ako, nagseselos ako, antagonist ako, ninja ako o di kaya'y tagasira ng eksena basta ang iniisip ko ngayon ay si Jennie.


SI JENNIE!?
WHAT!?


Okey, alam kong nagulat kayo dun pati rin naman ako. Sabihin nalang nating iniisip ko ngayon ang kapakanan at kaligtasan ng buong sangkatauhan. Nagkamali lang ako dun sa huli kong tinype.

At pagpasok ko'y nagulat ako at napamura, hindi lang basta nagulat yung mas malala pa sa salitang 'nagulat'. At dahil sa gulat, mistula akong nakakita ng baboy na kulay asul ang balahibo.

Langya. Nakita kong nakadikit na sa pader si Jennie at nagpupumiglas habang hawak-hawak ni Louie ang kanyang magkabilang braso. Teka, ano bang balak ng hinayupak na 'to?

At bago pa man mahalikan ni Louie si Jennie ay nilapitan ko na agad siya at sinuntok sa mukha. Napuruhan siya sa kaliwang pisngi at pumutok ang kaliwang bahagi ng kanyang labi. Marahil ay nagulat siya dun sa ginawa ko dahil hindi man lang niya namalayan na nakapasok na pala ako sa loob ng library. Patunay na ninja nga ako.

"Hindi ka na bata para pagsabihan na masama yang ginagawa mo kay Jennie." sumbat ko.

Bigla niya akong ginantihan ng suntok sa sikmura dahilan ng pagsuka ko ng dugo at pagkatumba ko sa sahig. Grabe, di ko akalain na malakas yung tatama na suntok sa sikmura ko. Bakit kaya sa tuwing nagkakaengkwentro kami ni Louie ay ako nalang palagi ang kulelat?

Hawak-hawak ko ang tiyan ko at narinig kong umiyak si Jennie sa may gilid.

Tatadyakan na sana ako ni Louie kaso binawi niya. Hindi ko alam kung bakit.

"Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa mga pipitsuging katulad mo. At sa susunod, mamili ka na ng makakalaban mo." sabi niya.

Ano? Pipitsugin? Nagkataon lang naman na nakahanap siya ng pagkakataon para suntukin ako sa sikmura, at kung di pa nangyari yun ay kanina ko pa sana siya tinadyakan sa may batok niya.

Nakakaasar. Gusto kong tumayo kaso sumasakit pa yung tiyan ko dahil sa suntok ng gago. Para tuloy akong kontrabida ngayon at si Louie yung bida na liligtas kay Jennie. Ano ba 'to? Parang bumaligtad yata ang mundo?

Tumayo ako with matching punas ng dugo sa labi, yung kadalasan nating makikita sa mga action movies kung saan nagduduwelo ang dalawang tauhan. Hindi na ako nag-atubili pa at sinuntok ko siya sa mukha ng walang pag-aalinlangan. Akala mo ha?

"What is that Mr. de Guzman?"

Napatingin naman ako dun sa nagsasalita. At laking gulat ko nalang nung nakita ko na nakatayo sa may pintuan ang nanggagalaiting si Ms. Rivera kasama ang School Librarian.

Naku, lagot tayo diyan. Hindi malayong mangyari na suspension ang kahahantungan ko dito. Lalo na't nakita nila yung pagsuntok ko kay Louie sa mukha.

Anong gagawin ko? Hindi nga ako naglilinis ng banyo sa bahay, pano pa kaya dito sa school. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sana naman may blessing in disguise na dumating.

"You two, procede to the Discipline's Office. Right now!" sigaw ni Ms. Rivera.

Ilang sandali ang nakalipas, nalaman ko nalang na nasa Discipline's Office na pala ako kasama si Louie. At ang nasa harap namin ay isang mataba at panot na lalaki na may suot na glasses, baka isipin niyong si Noynoy Aquino yung tinutukoy ko, hindi ah.

Kung makatingin siya ay parang may napakalaking utang kami sa kanya. Bigla nalang akong nasindak nung kumunot ang noo niya at kumurba pababa ang labi niya.

Kinakabahan na ako at halos magyelo na ang mga kamay ko dahil sa lamig. Pero dapat maging matatag ako, ika nga, matapang ang mga inosente. At kung ano man ang kahahantungan nito, so be it nalang.

Halos mapatalon ako sa gulat nung biglang tumayo si panot at sinuntok ang table. Uy, dahan-dahan ka lang diyan, ang puso natin.

Ilang sandali ay huminahon din siya at narinig kong napabuntong-hininga siya.

"I'm sorry, I got carried away." sabi niya.

Akala ko pa naman kung ano na. Teka, para saan yung pagsuntok niya sa table? Galit ba siya o may balak siyang sirain yung table?

Ilang sandali'y nakalabas na rin kami sa wakas sa malaimpyernong Discipline's Office. Buti naman malakas ang immune system ko at nagawa kong makasurvive dun sa nagtatalsikang laway ni panot. Walang kwenta din naman yung mga sinabi ni panot kasi hindi niya pa rin kami nagpagbati.

At alam niyo ba kung anong naging hatol ni panot sa amin? Malalaman natin sa susunod na kabanata.

0 comments:

Post a Comment