Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 11, 2011

Boys Dating Girls Chapter 4: Dragon

Chapter 4: Dragon


Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin ako makaget over sa mga kaklase ko. Ako lang kasi ang tahimik don. Ika nga, killers are quiet.

Napalunok nalang ako ng laway at nataranta nung nakita ko ang wall clock. Naku naman, sobrang late ko na pala para sa school. Bakit ba kasi napasarap ang tulog ko.

Pagbaba ko ng kuwarto, nakita ko yung kalendaryo na nakasabit sa may pinto, linggo pala ngayon at agad namang bumaba ang aking blood pressure. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako high blood. Parang idiomatic expression ko lang.

Para kasing kahapon lang nagkita kami ni Yna. Ayan tuloy, dahil sa kanya 'di ko na maalala kung anong araw na.

FLASHBACK

Papunta na sana ako ng gate para umuwi ngunit nakita ko si Yna na sumusunod yata sa akin.

Kinakabahan na naman ako. Binilisan ko ng konti ang lakad. Pero...

"Sid"

"Sid, hintayin mo naman ako." kaya huminto ako ng hindi lumilingon.


Humarap siya sa akin. Nararamdaman ko na nagsisimula na namang lumamig ang mga kamay ko.

"Tungkol sana don sa sinabi mo sa 'kin noon. Alam kong hindi 'yon yung gusto mong sabihin. Gusto ko sanang malaman kung ano 'yon." sabi niya tapos nagbigay ng nakamamatay na ngiti.

Sinabing 'wag kang ngumiti. Lagot ka pag namatay ako.

"Ang alin?" painosente kong tanong.
"'Yung may sinabi ka tungkol sa posporo?" tanong niya at natawa ng konti.
"Ah.. 'yun ba... Kasi---"


Syet


Bigla akong nabasa ng tubig.

"Ay sorry, hindi kasi kita nakita, sorry talaga." sabi ni Kuya Jim, yung school maintainance namin.

Nagdidilig kasi siya ng halaman gamit yung mahabang hose, kaya ayon, nadiligan rin ako. Akala niya siguro halaman ako.

"Okey lang po, pauwi na rin naman po ako eh. Tsaka malapit lang yung bahay namin." sabi ko.
"Sigurado ka?" tanong ni Kuya Jim.
"Oho. Ako na po ang bahala dito." sabi ko.

Nakakaawa naman kung pagagalitan ko pa si Kuya Jim.

"Yna, mauna ka nang umuwi. Pupunta lang akong CR. Ipapatuyo ko lang 'tong polo ko." sabi ko.

"Samahan nalang kita. Kasalanan ko naman kung ba't nabasa ka." sabi niya.
"Ah, baka hinihintay ka na nina Diane at Grace?" tanong ko.
"Nauna na silang umuwi. H'wag kang mag-alala, mag-aantay lang naman ako sa labas ng CR." sabi niya.

Hanep talaga 'tong si Yna o, kahit kailan hindi talaga ako makakatanggi sa kanya.

Sinamahan nga niya ako. At gaya ng sinabi niya, nag-antay lang siya sa labas ng CR. Hindi ko na sinuot pa yung polo ko. Kinuha ko nalang yung bag ko at lumabas na.

Magkasama kami ni Yna na naglakad sa corridor. Naiilang ako ngayon, biruin mo kaming dalawa nalang ang tanging naglalakad sa corridor. Baka kung ano pang isipin ng mga nakakakita sa amin.

Nag-open ako ng ibang topic habang naglalakad, para malimutan niya yung pinag-usapan namin kanina. Wala na kasi akong lusot pag tinanong niya ulit yon.

"Langya talaga si Benjie. Puro kalokohan nalang ang naiisip" sabi ko.
"Bakit? Anong nangyari kay Benjie?" tanong niya.
"Nakita mo ba yung ginawa niya kanina?" tanong ko.
"Hindi e." sagot niya.
"Sumayaw kasi siya sa gitna ng Quadrangle habang pinagtitinginan ng mga tao. Langya. 'Di ko kayang gawin yung ginawa niya. Akala niya siguro, sisikat siya pagkatapos niyang gawin yun." sabi ko.
"Ah oo nga, isip bata talaga yun. Wala na yung ginawang matino. Tsaka, manhid yata yun. Hindi nakakaramdam ng hiya." sabi ni Yna.

Ayos, mukhang magiging successful ang plano ko. Good job, Sid. Ipagpatuloy mo lang.

"Tsaka, narinig mo bang kumanta kanina si Daisy. Grabe, ang ganda ng boses. 'Di ko talaga inakala yun." sabi ko.
"Ah, oo nga eh nakakainggit... Sid yung tungkol sa sasabihin mo sa akin, ano yon?" tanong niya.



Syet



Naku



Patay tayo diyan.




Nakita ko sina Anthony, Jonathan at Jobert sa may bench area at may biglang umilaw na light bulb sa ulo ko.

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Ang swerte, swerte ko talaga.

"Tingnan mo nga naman, nandon lang pala sila, kanina ko pa kasi sila hinahanap. Sige Yna, mauna ka na. Bye, ingat sa pag uwi." sabi ko at agad naman akong tumakbo sa may bench area.
"Pero tek---" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil nakalayo na ako, at nakita ko nalang na dumiretso na siya ng gate.


END OF FLASHBACK



Bumaba na ako ng kwarto ko pagkatapos kong magdaydream, at una kong nakita si Mama na nakangiti sa akin. Ngumiti naman ako.

Wala si Papa, ibig sabihin nauna na siya sa kanyang trabaho.

"Ma, pasok na ko." sabi ni Ate Joyce, tapos nagkiss kay Mama.

At may nalalaman pa siya kiss kay Mama.

Si Ate Nica nama'y natutulog sa sofa. Palibhasa, antukin talaga yun. Hinila ko yung buhok niya.

"Aray.. Ano ba Sid?" sabi niya.
"'Yan ang napapala mo sa kaka-overtime sa cellphone at chat." sabi ko.

Nagulat ako dahil bigla siyang napabangon mula sa sofa.

"Narinig mo yung pinag-usapan namin kagabi!?" tanong niya na mukhang nagulat yata.

"Hindi no. Noon lang 'yun." sabi ko at dumiretso na ako sa dining area para mag almusal.

Pagkatapos kong mag almusal, hinugasan ko yung pinagkainan ko at si Mama nama'y tumungo sa labas para maglaba.

Nasa kwarto na ako, nakikinig ng music. Nilakasan ko yung amplifier, yung tipong mababasag at magdudugo na yung mga eardrums mo. Todo 'headbang' naman ako na halos mabali na yung leeg ko.

Nagulat ako dahil biglang nagbukas ang pinto.

"Ano ba Sid? Ang ingay ingay mo! Pwede bang hinaan mo ng konti o di kaya'y patayin mo nalang." sabi niya tapos sinarado ng padabog ang pinto.

Dahil killjoy si Ate Nica, kinuha ko yung iPod at Headset ko tapos lumabas ako ng bahay. Wala lang, ilang linggo na rin akong hindi nakapaglakwatsa.

Nakita ko na naman si Boy Adik na nagsisindi ng yosi sa may tindahan.

Bumili muna ako ng mentos at napansin kong nakatingin sa akin si Boy Adik. Ano kayang problema nito? Haha, alam ko na. Baka nagwapuhan lang.

Malayo-layo na rin ang nalakad ko at ako'y napahinto sa harap ng isang malaking bahay.

"Fuentes Residence" sabi ko.

Akalain mo, dito pala nakatira si Miss Tricia. Napansin kong may nagbukas ng gate kaya tumakbo ako palayo.

Napadaan ako sa may basketball court at dito may nakita akong naglalaro. Mag-isa lang siyang nagshoshoting. Biglang nagbounce palabas ng basketball court yung bola kaya kinuha ko at pinasa sa kanya.

Tumalikod na ako, narinig ko yung dribble ng bola. Nagtaka ako dahil puro dribble lang ang naririnig ko, kaya lumingon ako.

Nakatingin siya sa akin habang nagdidribble. Yung tingin na parang naghahamon ng one-on-one.

At bakit ako pa? Wala ba siyang mga kaibigan?

Hindi ko tinanggpap yung hamon niya. Ayaw kong mapahiya. Mukha kasing biterano na siya sa basketball. Sa itsura at pangangatawan palang.

"Sorry, pero pauwi na kasi ako eh, sige." tanggi ko at tumungo na sa daan pabalik ng bahay.


Kinabukasan...

Maganda ang naging gising ko at feeling ko akin ang araw na 'to. Bumaba na ko ng kwarto. Binati ko si Mama at nag almusal. Naligo na ko tsaka nagbihis. Ang bilis. Mala 'The Flash'.

Nagsimula na ang klase at Mathematics ang naging first subject.

May nakasulat na limang equations sa pisara, find the domain and range ang instruction. Napakabasic naman. Inalok ng guro yung chalk sa akin at tumungo ako sa pisara para sagutan yung number one.

Break na. Hindi ko nakagawian na pumunta ng cafeteria. Mahirap na kasi pag nakipag siksikan pa ako sa cafeteria.

"Sid ano nga palang next subject?" tanong ni Anthony.

Iba-iba kasi ang schedule namin, kaya mahirap memoryahin kapag ang IQ mo ay katumbas lang ng kay Anthony. Yabang.

"History." sagot ko.
"Syet. Di ba may assignment?" tanong niya.
"Oo. Bakit?" sabi ko.
"Meron ka?" tanong niya with matching puppy face.
"Kunin mo nalang sa bag ko. Kulay pula na notebook. Alis muna ko." sagot ko at lumabas na ako ng classroom.

Dumukot ako ng kendi sa bulsa at naglakad patungong library. Isasauli ko lang yung buwisit na Facts and Trivia na nagpahamak sa akin noon.

Nilagdaan ko yung log book at dumiretso sa may stante ng diyaryo. Kumuha ako ng isa at nagbasa. Boring naman. Kinuha ko yung...

Ano to?

Dragonology?

Itsura palang ng libro, mamahalin na. Kumikinang kasi yung cover.

Tapos may estudyante na tumayo sa likod ko.

"Marami ang uri ng Dragon. Isa na ang Chinese Dragon don." sabi niya at tinuro yung Chinese Dragon daw kuno.

Hindi ko na pinansin yung lalaki sa likod ko. Nilipat ko nalang sa next page.

"Yan ang Jabberwocky." sabi niya.

Tapos nilipat ko sa kabilang pahina at patuloy siya sa pagpapakilala sa mga alaga niyang Dragon.

Sa last page ng libro. May nakita akong close-up na picture ng Dragon.

"Yan ang mata ng Dragon." sabi niya at tiningnan ko yung mata ng Dragon na gawa sa glass.
"Alam mo ba na baliktad ang reflection na makikita mo diyan. Ganyan na ganyan ang tunay na mata ng Dragon." sabi niya.

Okey, nakakatuwa siya. Pwede nang paglaruan ng kinder.
Teka, bakit wala si Barney? Muntik ko nang malimutan, dinosaur pala yun.

"Pero pag tiningnan mo ng maigi, hindi baliktad ang makikita mo sa reflection." sabi niya at nilapit ko yung mata ko don sa mata ng Dragon at tiningnan ng maigi.

Tama nga siya. Galing niya ah. May bago na namang madadagdag sa listahan ng mga idol ko.

"Ako nga pala si Michael, ako nga pala ang may ari ng libro na yan. If you believe that Dragons really exist, then we can be friends." sabi niya at kinuha yung aklat.

Ayoko, baka ipalamon niya ako sa mga alaga niyang Dragons, kung totoo man.

Ibang klase, ngayon lang ako nakaencounter ng ganong klaseng estudyante. Mapapabilib lang niya ako, at hindi niya ako mapapaniwala. Ano ako? Uto uto?

Pagkapasok ko ng classroom, nakita kong...

Syet

Pinagkakaguluhan nila yung picture ko.

Joke lang.

Yung History notebook ko pala, pinagpipiyestahan ng mga kutong lupa!? Wtf!? Nakita ko si Anthony at lumapit siya sa akin.

"Sorry talaga Sid. Si Benjie kasi, ayaw ibigay yung notebook mo." sabi ni Anthony.
"Okey lang, basta pakisabi sa kanila na ibigay sa kin yung notebook kapag tapos na sila." sabi ko. Ang bait naman. Yay.

History period na namin at nagchecking lang kami ng aming Assignments.

"Sid Wilson de Guzman"

"30 po." sabi ko.
"Very Good." sabi ni Miss Cariño.

"Benjie Castro."

"30 po." sabi ni Benjie.
Biglang napahinto si Miss Cariño at napatingin kay Benjie.

Kinakabahan naman ako. Baka kasi malaman nila na ako ang naging source nila.



Tapos...



Tapos...



Ngumiti si Miss Cariño kay Benjie. Napabuntong hininga naman ako. Tiningnan ko si Benjie at todo ngiti ang loko.

Masyadong naging mabilis ang takbo ng oras, dinismiss na kami. Sumabay na ako kina Anthony sa pag-uwi.

Nakita ko silang kumakain ng kwek-kwek.
"Tara na" sabi ko sa kanila.
"Kakabili ko pa nga lang eh." sabi ni Jobert.
"Sid, hindi ka ba bibili?" tanong ni Jonathan at umiling lang ako.
"Kuripot yan. Ayan tapos na ako." sabi ni Anthony.

Binilisan naman nina Jonathan at Jobert ang pagkain.

Maaga akong nakauwi, si Mama lang ang naabutan ko, nagmano ako at dumiretso na sa kwarto ko para magbihis.

Nakita ko yung cellphone ko na nakahandusay sa ibabaw ng study table, ilang linggo ko na ring hindi nakakapiling ang pinakamamahal kong cellphone. OVER.

Pag tingin ko ay may message.

From:
+639150688***

When the night comes,
Look at the sky.
If you see a falling star,
Don't wonder why,
Just make a wish.
Trust me, it will come true,
'Cause I did it
And I found you!



Sino kaya to?

Tinanong ko kung sino, hindi man lang nagreply. Wrong send lang siguro.

Maya maya, dumating na sina Papa at Ate Joyce. Naghapunan kami tapos dumiretso na ako sa kwarto.

Pagkatapos, mahimbing na akong nakatulog.

0 comments:

Post a Comment