Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, May 31, 2011

Boys Dating Girls Chapter 17: I Punch The Pervert

Chapter 17: I Punch The Pervert


"Ano, may nahanap ka na bang vocalist?" tanong ko kay Chester.
"Actually, napag-isip-isip ko kanina na hindi na natin kailangang maghanap ng vocalist." sagot niya.
"Wag mong sabihing instrumental lang yung tutugtugin natin?" tanong ko.
"Hindi no. Bakit naman ako mag-iisip ng ganon?" sagot ni Chester.
"E kung ganon, sino nga ang vocalist natin?" tanong ko ulit.
"Ikaw." sagot ni Chester.

Nabigla ako dun sa sagot ni Chester. Vocalist? Ako? Ibig sabihin pagsasabayin ko ang pagtugtog ng rhythm guitar at vocals? Pambihira, ang hirap kaya nun. Sabihin niyo ngang kalokohan lang 'to.

"Ako? As in ako!?" tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Oo, ikaw. Bakit, ayaw mo?" tanong ni Jonathan.
"Magandang oppurtunity 'to, Sid. Maaari kang mapromote at kunin ng ibang banda bilang vocalist nila." sabi ni Michael.
"Tama si Michael. At hindi lang yun, dagdag pogi points na rin." sabi ni Chester sabay siko sa braso ko.

Dapat nga pala akong mag-ingat sa mga mabulaklak nilang dila. Wag basta-bastang maniwala sa pinagsasabi nila!

"I'm not after of promotion. I'm after of pogi points." sabi ko at nagtawanan kami.

At tuluyan na akong bumigay sa alok nila, tutal dagdag pogi points naman.

"Teka, ano nga palang nakain niyo at naisipan niyong gawin akong vocalist?" tanong ko.
"Tinatanong pa ba kung anong nakain namin? Pero sa totoo lang, kaya ka namin napili dahil kabisado mo kasi yung lyrics ng tutugtugin natin." sabi ni Chester.

Kabisado? Wala naman akong ibang kabisadong kanta maliban sa *ahem*? Ah so, yun pala ang tutugtugin namin.

"Nakaisip na ba kayo ng ipapangalan natin sa banda?" tanong ni Michael.
"Ano kaya kung Ganja?" sabi ni Jonathan at binatukan naming tatlo.
"Sira. Adik ka talaga. Baka pagkamalan nila tayong gumagamit nun." sabi ko kay Jonathan.
"Tama si Sid. Mas maganda siguro kung Lovethirst nalang." sabi ni Michael.
"Lovethirst, pangalan pa ba yun ng banda? Mas maganda pa ring pakinggan ang Devil Corpse." sabi ni Chester.

Lovethirst at Devil Corpse, parehong baduy. Pagtatawanan lang kami ng mga tao kapag ganon ang pangalan ng banda namin.

"Pambihira, wala ba kayong magandang maisip? Puro naman baduy yung sinasuggest niyo. Sigurado akong pagtatawan lang tayo ng mga tao dahil sa pangalan ng banda natin." sabi ko.
"Tingnan mo nga naman kung sino ang nagsasalita." sabi ni Jonathan.
"Ibahin niyo ko. Mas maganda 'tong naisip ko." sabi ko sabay cross arms.

Tumingin silang tatlo sa akin na mukhang naghihintay ng sagot, malamang interesado talaga sila sa naisip ko.

"Ano naman yung maganda mong naisip?" sabay nilang tinanong.
"I Punch The Pervert." sagot ko at nagtawanan sila.

As for now, pababayaan ko muna silang tumawa. Wala na akong pakialam kung mamatay pa sila diyan kakatawa.

"Akala ko kung ano na yung pinagmamayabang mo. Yun lang pala." sabi ni Michael na halos mabaliw na sa katatawa.
"Langya ka, Sid. Ang galing mong magjoke." sabi ni Jonathan na halos mamatay na sa katatawa.

Napakababaw naman ng pag-iisip nila. Di ba nila nagets yung naisip ko? Sabagay, mga retarded nga naman.

"Hep hep. Iiexplain ko lang kung bakit yun yung naisip ko." sabi ko at di pa rin sila tumigil sa katatawa.

Naubos na ang pasensya kaya ang ginawa ko'y inapakan ko yung mga paa nila. Napatalon naman sila ng di oras habang hawak-hawak ang kanilang paa at ngayon ako naman ang halos mabaliw sa katatawa.

Tumigil naman kami sa kalokohan namin at sinabihan ko silang makinig sa akin.

"Di ba sabi niyo tutugtog din sina Louie?" tanong ko.
"Oo. So, ano namang kinalaman ni Louie?" tanong ni Michael.
"Hindi niyo ba nagets?" tanong ko sa kanila.
"Any clue?" tanong ni Jonathan.
"Louie equals pervert. Remember?" sagot ko.
"Ah okey, nagets na namin!" sabi ni Chester.
"Ayos din ang trip mo ah." sabi ni Michael.

Pagkatapos ay naghigh-five kaming apat at nagtawanan. Hay, salamat sa Diyos at nagets na rin nila sa wakas.

Pagdating ko ng bahay, dumiretso agad ako sa kuwarto ko. Cellphone ang una kong nakita kaya yun ang una kong kinuha. Tiningnan ko ang phonebook at nagdial ng number. Guess who?

"Hi, Mae." sabi ko.
"Hello, Kurt." sagot ni Mae.
"How's the school?" tanong ko.
"May napakalaking revelation akong nalaman kanina." sagot niya.
"Sounds interesting. Ano naman yun?" tanong ko.
"I know who you really are!" sagot niya.

Nagulat ako dun sa sagot niya. I know who you really are? In tagalog, alam na niya kung sino talaga ako? Oh my.

"How did you know it?" tanong ko.
"Can't you answer that with yourself?" tanong niya.
"I don't know. Pano nga ba tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Sus, kunwari ka pa." sabi niya.
"Seriously, I don't know talaga." sabi ko.

Naguguluhan na talaga ako. Sa totoo lang, wala talaga akong kaalam-alam na nameet ko na siya o di kaya'y nakilala.

"Saan nga pala tayo nagkakilala?" tanong ko.
"Actually, we were classmates." sagot niya.
"Classmates? Sorry, pero wala talaga akong maalala." sabi ko.
"You called me with my screen name. Remember?" tanong niya.
"Wala talaga akong maalala e." sagot ko.
"Naku, kunwari ka pa." sabi niya.
"If you really know me, what is my full name?" tanong ko.
"I'll keep that as a secret nalang. Tutal, hindi mo naman inaamin na nagkakilala na tayo." sagot niya.

I'm totally confused at tila mababaliw na ako dahil sa mga pinagsasabi ni Mae.

Biglang naputol ang linya at may nareceive akong text message na mukhang galing sa kanya.

From:
Mae
+639150688***

Of all the friends
I've ever met.
Your the one
I won't forget.
And if I die
before you do
I'll go to heaven
and wait for you.

Kinabukasan.

Naisipan naming tumambay muna sa may bench area. Malamig at tahimik kasi dito, may konting ingay pero hindi gaya ng sa classroom na halos makabasag eardrums na.

"San nga pala ang venue natin bukas?" tanong ni Michael kay Chester.
"May nahanap na akong music studio, malapit lang sa amin. Magkita nalang tayo sa may plaza." sagot ni Chester.
"Anong oras naman yan?" tanong ko.
"Siguro mga 1PM." sagot ni Chester.
"Pano kung may mahuli o di sumipot sa atin?" tanong ni Jonathan.
"E di, hindi natin isasali. Maghahanap tayo ng iba." sagot ni Chester.
"Usapan yan ha." sabi ni Michael.
"Sige ba." sabi ni Jonathan.

Kinalabit ko si Michael at nginuso yung grupo nina Grace na papalapit dito sa amin.

"Uy Michael, si Grace oh." sabi ni Jonathan sabay siko kay Michael.
"Uy Jonathan, si Diane oh." sabi ni Michael sabay siko ng mas malakas kay Jonathan.
"Tumigil na nga kayo. Pag di na talaga ako nakatiis sa inyo, uupakan ko na talaga kayo!" sabi ko.
"Sige nga." hamon sa akin ni Michael.
"Wag muna ngayon. Ayoko kasing mapahiya ka kay Grace." sabi ko.
"Ang sabihin mo hindi mo kaya." sabi ni Michael.

Next thing I know, nasa harapan na namin sina Grace.

"Hi, Guys." sabi ni Grace sabay wave sa amin.
"Hi, Grace." sabi ni Michael at ngumiti.
"Pwede ba kaming maupo?" tanong ni Diane.
"Abay sinong nagsabing hindi pwede? Uupukan ko pag may magsabi nun." sabi ni Jonathan.
"Hindi kayo pwedeng umupo!" sabi ko at tiningnan ako ng masama ni Jonathan.

Bigla niya akong binatukan ng wala sa oras. Pambihira, akala ko ba'y uupakan niya ako.

"Akala ko ba'y uupakan mo ko?" tanong ko sabay himas ng ulo.
"Ayoko kasing mapahiya ka kay Jennie." sagot niya.

At bigla silang nagtawanan, samantalang kami ni Jennie ay wala lang. Pambihira, may nakakatawa ba?

"Uy, Chester. Magsalita ka naman. Mapapanis yang laway mo." sabi ni Michael.
"By the way guys, invited nga pala kayo sa birthday ko this Saturday. Punta kayo ha." sabi ni Grace sabay bigay ng mga maliliit na invitation cards.
"Sure. Basta ikaw." sabi ni Michael.

Pasipsip din 'tong isang 'to. Maupakan nga mamaya nang matauhan sa mga pinagsasabi niya.

"Naku, baka bukas magulat nalang kami kasi magkaholding hands na kayo." sabi ni Daisy at tinukso namin sila.
"Malayong mangyari yan. Hindi naman marunong manligaw yang si Michael e." sabi ni Jonathan.
"Hindi rin naman ako kasing tanga mo na magtatago sa likod ng babae kapag may aso at magtatapon ng fishball sauce sa kanyang uniporme." sabi ni Michael.

Nanliit tuloy si Jonathan pagkatapos malantad ang naging palpak niyang date noon kay Diane.

"Naku ayos lang yan, Jonathan. Hindi naman yun big deal para kay Diane. Di ba Diane?" sabi ni Jennie sabay tap sa likod ni Jonathan.
"Hindi nga big deal para kay Diane. Pero kay Jonathan, big deal yun." at last nagsalita na rin si Chester.
"Pwede ba tigilan niyo na ako. Si Michael nalang ang pag-usapan niyo." sabi ni Jonathan at nagkunwaring umiiyak.

Hay, pambihira. Sana hindi nalang nila binuksan yung topic na yun. Kawawa tuloy si Jonathan.

"Siya nga pala Grace. Invited ba ang buong class sa birthday mo?" tanong ni Diane.

Mukhang iniiba yata niya ang usapan, for the sake of Jonathan. Aba, mukhang nagdududa na talaga ako sa kanila.

"Afford ko ba yun? Siyempre, mga friends ko lang ang invited." sagot ni Grace.
"Friends? You mean friend mo lang si Michael?" tanong ni Daisy.

Napansin kong kumunot ang noo ni Jennie sa tanong na yun. Mukhang nagdududa na talaga ako, ano ba talagang meron kina Jennie at Michael?

"As for now, friends lang kami." sagot ni Grace.
"I don't think so." sabi ni Diane.
"Bakit naman?" tanong ni Grace.
"As we can see, parang ---"

Ngunit hindi na natuloy niya yung sinasabi niya kasi biglang tinakpan ni Grace yung bibig ni Diane. Tiningnan ko si Michael at nakita ko sa mukha niya ang pagtataka.

"Uy Grace, share mo daw kay Michael yung secrets niyo ni Diane." sabi ni Chester at binatukan siya ni Michael.
"May sinabi ba akong ganon?" tanong ni Michael.
"Basta, don't forget tomorrow ha?" tanong ni Grace.
"Teka Grace, may inuman ba sa inyo bukas?" tanong ni Jonathan pagkatapos mahimasmasan.
"Merong ibat-ibang beverages and liquors sa bar namin." sagot ni Grace.
"Diane, tingnan mo. Maglalasing daw bukas si Jonathan, pigilan mo!" sabi ni Jennie habang sinisiko si Diane.
"Wag kang maniwala diyan kay Jennie, Diane." sabi ko at biglang lumanding ang kamay ni Jennie sa ulo ko.
"Kasali ka ba sa usapan namin?" tanong niya.
"Aba, kung umasta ka parang ikaw yung kinakausap ko." sabi ko sabay himas sa ulo ko.

Hindi na ako magtataka bukas kung ba't may malaking bukol ako sa ulo.

"Wag na kayong mag-away. Kayo lang din naman ang magkakatuluyan sa huli." epal ni Daisy.
"Look who's talking?" sabi ni Jennie sabay tingin ng masama kay Daisy.
"What I mean is wag na kayong mag-away para sa ikagaganda ng samahan natin." bawi ni Daisy with matching hand gestures.
"At kailan ka pa naging concern?" tanong ni Diane.
"Ngayon lang." sagot ni Daisy.

Mga pilosopo nga naman o. Bagay sa kanila ang course na law. At least man lang, mapakinabangan yung pagkapilosopo nila.

"Alam niyo, kanina ko pa gustong umalis. Tinitiis ko lang." sabi ni Jennie sabay roll ng kanyang eyes sakin.

Natawa nalang ako. Kakaiba pala ang feeling kapag ikaw lang mag-isa yung tumatawa at tinitingnan ka ng mga kasama mo.

"May sinabi ba kaming manatili ka pa dito. You're free to let go." sabi ko at ginaya ang pagroll eyes niya.

"Shsh." sabi ni Chester habang iniispread ang kanyang braso.

Tiningnan namin sina Michael at Grace na mukhang may sariling mundo na yata, abalang-abala sa isa't-asa at mukhang nagkakaigihan na yata.

"Alam mo, nakakatawa ka talaga." narinig naming sinabi ni Grace habang tumatawa at hinahampas ang braso ni Michael.

"Uuuuy." tukso namin sa kanila.

Ayan, naputol tuloy yung moment nila. Para tuloy kaming mga kontrabida. Bigla naman silang napatingin sa amin. Si Michael nama'y nagkibit-balikat lang.

Sunday, May 29, 2011

Boys Dating Girls Chapter 16: Michael Equals Kurt?

Chapter 16: Michael Equals Kurt?


"Heto, linisin mo lahat ng cubicles. Ako na'ng bahala sa iba." sabi ni Louie sabay bato ng basahan sa akin.

Pambihira, bakit cubicles pa? Sa dinami-dami ng pwedeng linasan dito sa banyo ay cubicles pa? Naku, amoy palang mapapaayaw ka na talaga, yung tipong mapapatakip ka talaga ng ilong.

"Pambihira, bakit ako pa? Ikaw nalang kaya." sabi ko sabay bato pabalik ng basahan sa kanya.
"Di ba ikaw naman ang may kasalanan kung ba't humantong tayo dito?" tanong ni Louie sabay bato ulit ng basahan sa akin.
"At ako pa ang may kasalanan? Inutusan lang naman ako ni Ms. Rivera na hanapin si Jennie." sagot ko sabay tapon ng basahan sa trash bin.
"E, sino ba ang unang nanuntok? Di ba ikaw?" tanong niya.
"Oo ako. Masyado mo na kasing binabastos si Jennie." sagot ko.
"Ano bang pakialam mo dun? Presidente ka ba ng Gabriela?" tanong niya.

At nagawa pang magbiro ng hinayupak na 'to sa kabila ng pagtatalo namin.

"E ano bang tawag mo dun sa ginawa mo kay Jennie? Huwag mong sabihing nilalambing mo lang siya. E kitang-kita ko yung ginawa mo, binabastos mo na siya!" sabi ko.
"At sino ka naman para pakialaman ako sa gagawin ko sa girlfriend ko?" tanong niya.

Napaisip tuloy ako ng isasagot dun sa tanong na yun. Kaso may grupo ng mga lalaki na biglang pumasok sa CR.

Nalaman kong sina Michael, Jonathan at Chester lang pala. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa, at pagkatapos ay si Louie naman. Teka, anong nangyari sa kanila?

"O, anong nangyari sa inyo? Bakit para kayong nakakita ng baboy na nanganganak ng tuta?" tanong ko.
"Wala. Nagtataka lang kami kung anong ginagawa niyong dalawa dito?" tanong ni Chester.
"Tsaka, narinig namin kanina sa labas yung sigawan niyo. May nangyari ba?" tanong ni Jonathan.

Hindi naman nila kailangang ipaalam sa akin na narinig nila yung sigawan namin. Alam ko namang may tenga sila. Ano ba? Konting common sense naman.

"Teka, sino ba kayo?" tanong ni Louie na nakakunot ang noo.
"Kami? mga kaibigan lang naman kami ni Sid." sagot ni Michael.
"Ah, kaya pala. Ika nga, birds with the same feather flocks together." sabi ni Louie sabay cross arms.

Mukhang nang-iinsulto 'tong isang 'to ah. Ang lakas din ng loob niya, hindi ba niya nakikitang apat kami samantalang mag-isa lang siya? Kapag nagkataon, tatadyakan ko na talaga yung leeg niya. Sabagay, hindi rin naman siya makakasigaw kapag hihingi siya ng tulong kasi pinapaligiran namin siya.

Lunch time.

Kasama ko ngayon ang tropa kong sina Michael, Jonathan at Chester dito sa cafeteria. Kinukulit nila ako kaya napilitan kong ikuwento sa kanila ang lahat ng nangyari kahapon, kabilang na dito yung paghatol sa amin ni panot ng suspension.

"Grabe na talaga ang tama sayo ni Jennie. Biruin mo, nang dahil lang dun ay nagawa mong suntukin yung boyfriend niya." sabi ni Jonathan sabay palakpak.
"Nice one, Sid. Bilib na ako sayo. Sid saves Jennie's day!" sabi ni Michael sabay palakpak din.
"At talagang mas pinili mo pang masuspended kesa mabastos si Jennie." sabi ni Chester at nakipalakpak na rin.

Pambihira talaga 'tong mga 'to o. Kung alam ko lang na tutuksuin lang din naman nila ako, ay hindi ko na sana kinuwento sa kanila ang lahat. Tutal kaibigan ko naman sila, e pagbibigyan ko nalang.

"Siya nga pala Sid, available ka ba this Saturday?" tanong ni Chester.
"Oo. Bakit mo nga pala natanong?" tanong ko.
"Ayos! So, kompleto na tayo." sabi ni Chester at nakipaghigh-five kina Jonathan at Michael.

Inalok niya rin ako na makipaghigh-five sa kanya kaso di ko tinaggap. Nagbigay lang ako ng 'what-do-you-mean' na look sa kanya.

"Teka, pwede bang makishare diyan sa kasiyahan niyo? Ano bang meron this Saturday? 'Wag niyong sabihin mag-aouting tayo sa Tagaytay o di kaka'y magtotour tayo sa underground river ng Palawan?" tanong ko.
"Hindi. Magrerehearsal tayo para sa banda natin." sagot ni Chester.
"Ha? Banda? May banda tayo?" tanong ko.
"Yan nga sana ang plano namin. Hinihintay pa kasi namin yung desisyon mo." sabi ni Michael.
"Para saan nga pala yan?" tanong ko.
"For this coming foundation week ng school natin." sagot ni Jonathan.
"So, ano payag ka na?" tanong ni Chester.
"Sige ba. Pero ano nga pala ang instrument ko?" tanong ko.
"Ganito kasi yan. Ako ang magiging lead guitarist, si Michael naman ang magiging bassist, si Jonathan ang drummer at ikaw ang rhythm guitarist. Okey lang ba sayo?" sabi ni Chester.
"Okey lang sakin, kahit simulan pa natin mamaya ang rehearsal." sabi ko.
"Masyado ka yatang excited, wala pa nga tayong napiling kanta e." sabi ni Jonathan.
"Chester, may naisip ka na ba kung sino ang magiging vocalist natin?" tanong ni Michael.
"Yan nga ang problema natin e." sagot ni Chester.
"Akala ko ba'y kumpleto na tayo?" tanong ko.
"What I mean is kumpleto na ang mga tutugtog ng mga instruments." sagot ni Chester.
"So, sino ang balak mong vocalist?" tanong ni Jonathan.
"Wala pa sa ngayon, pero sisiguraduhin kong may vocalist na tayo right before our rehearsal." sagot ni Chester.
"Teka, ano nga pala yung instrument ni Jonathan?" tanong ko.
"Drums." sagot ni Chester.
"Si Jonathan, tumutugtog ng drums? Naku, mapapaback-out ako niyan." biro ko.
"Huh, anong akala mo sa akin? Hindi marunong?" tanong ni Jonathan.
"Ah, akala ko kasi ikaw yung tagatambol dun sa mga katutubong sayaw." sabi ko.
"Sira. Ako kaya yung featured drummer ng Siakol tuwing concert nila." sabi ni Jonathan.
"Ang sabihin mo, ikaw yung tagpunas ng pawis ng drummer ng Siakol." sabi ni Michael.
"Pero ikaw naman yung tagpunas ng sahig ng stadium nila." sabi ni Jonathan.
"Tama na nga yan. Baka magkasabunutan pa kayo." sabi ko sabay awat sa kanila.
"Pero alam niyo mga dude, balita ko tutugtog din daw sina Louie." sabi ni Michael.
"Balita ba yan o tsismis mo lang?" tanong ni Jonathan.

Mukha yatang magkakainitan talaga 'tong dalawang 'to. Kailangan na talagang ipaghiwalay ang mga 'to, mga five meters away ang agwat para iwas bangayan.

"Hay, nag-away na naman ang mga retarded." sabi ko at biglang napatingin yung dalawa sa akin.
"Nag-aaway ba kami? Naglalambingan lang naman kami." biro ni Jonathan sabay haplos sa braso ni Michael.
"About nga pala dun sa sinabi kanina ni Michael na tutugtog din sina Louie. Good to hear that because that will serve as a challenge for Sid. Basta, wag niyong kalimutan this Saturday ha." sabi ni Chester.
"Saan ang venue natin at anong oras?" tanong ko.
"I'll think of that. Maybe mamaya ko pa sasabihin sa inyo pag dismissal na. And about dun sa kanta, we'll have a votation nalang right after our classes." sagot ni Chester.

Himala at tumunog yung cellphone ko, ibig sabihin ay may nagtext. Once in a blue moon lang tumutunog 'tong cellphone na 'to, siyempre nakasilent mode palagi, pero ngayon nakalimutan kong iset sa silent mode.

Tiningnan ko kung sino ang nagtext, si Mae pala. Remember Sweet Mystery also known as Mae? Akalain mo, namiss daw niya ako. Naisip ko tuloy na what if magkagusto si Mae sa akin, not to mention myself. Hindi kasi malayong mangyari ang ganun, kasi mahigit isang buwan na rin kaming nagchachat, nagtitext at nagtatawagan.

Natauhan at nahimasmasan ako nung may biglang sumiko sa braso ko. Panira ng imagination.

"Who's that, dude?" tanong ni Michael.

I need to think for an answer, kundi buking ako. Pero what's the big deal kung mabuking nila ako? Ah, big deal nga pala talaga kasi look what had happen nung kinuwento ko sa kanila yung tungkol sa heroic act na ginawa ko kay Jennie, di ba tinukso nila ako?

"Nagtext lang yung ate ko." sagot ko.
"I don't think na ate mo nga talaga yung nagtext sayo." sabi ni Michael.

At umiral na naman yung pagiging psychic niya.

"I agree with Michael. Bihira lang kasi kitang makita na humahawak ng cellphone." sabi ni Jonathan.

At isa pa 'to. Akala ko ba'y magkaaway sila ni Michael? Pambihira, double team na ang ginagawa nila sa akin.

Napansin kong biglang nawala si Chester sa kanyang kinauupunan. San na nagpunta yung lokong yun?

At pooof, may biglang humablot ng cellphone ko. Pambihira, pati ba sa school ay may snatcher din? Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Chester na hawak-hawak yung cellphone ko.

Aagawin ko na sana kaso binigay niya kay Jonathan. Nilapitan ko naman si Jonathan at tinago niya sa likod niya yung cellphone ko. Pambihira 'tong mga 'to o, may araw rin kayo!

"Who's Mae, dude?" tanong ni Michael na nasa likod ko na.

Napalingon ako sa kanya at what the? Panong napunta sa kanya yung cellphone ko? Di ba tinago ni Jonathan yun sa likod niya? Pambihira, anong klaseng mga tao ba 'tong mga kaibigan ko?

"Relax ka lang Sid. We can listen if you are willing to tell us the story. Trust us, walang ibang makakaalam nito except us." sabi ni Chester at naupo ulit kaming lahat.

Kinuwento ko naman sa kanila ang lahat at gaya ng sinabi ni Chester nakinig nga sila sa kuwento ko.

Dismissal na, pero hindi mukhang dismissal ang makikita mo ngayon sa loob ng classroom namin. Marami pa kasi ang nanatili sa classroom para kopyahin ang mga walang katapusang notes na nakatala sa blackboard. Salamat na rin at half day lang yung suspension namin ni Louie.

"Michael, kumusta na nga pala yung pinagawa ko sayo para sa group task natin?" narinig kong tinanong ni Grace kay Michael.
"Heto, tinapos ko na lahat. Kasama na din diyan yung pinaresearch sa atin ni Ms. Escalante as a group." sagot ni Michael.
"Wow, ang sipag mo ah. So magkano ang icocontribute namin?" tanong ni Grace.
"Wag na." sabi ni Michael.
"Naku, nakakahiya naman sayo. Mukha kasing malaki yung nagastos mo dun." sabi ni Grace.
"Hindi mo na kailangan magbayad. Yung ibang members nalang." sabi ni Michael.
"Huh? Bakit naman?" tanong ni Grace.
"Nilibre na kasi kita eh." sabi ni Michael at ngumiti.

Napamura ako dun ah. Hayop ka Michael, sa tingin mo maniniwala sayo yang si Grace? Tiningnan ko si Grace at nakita ko siyang nakangiti kay Michael. Anak ng? Akala ko ba'y hindi madaling maloko 'tong si Grace?

"Naku, ikaw talaga. Sige, salamat ha." sabi ni Grace sabay tap sa likod ni Michael.
"Walang anuman, basta ikaw." sagot ni Michael.

Sa palagay ko, unti-unti nang nagkakaigihan 'tong dalawang 'to na nasa harapan ko. Eto din kasing si Michael masyadong over-confident at kung anu-ano nalang ang lumalabas sa bibig.

Ayan, natapos ko na rin sa wakas ang lahat ng mga dapat kopyahin. Napansin kong nakatingin sa akin si Elaine. Tiningnan ko din siya, pero umiwas ng tingin. What was that for?

Nakita ko ang tropa ko na nakatayo sa may pintuan. Malamang hinihintay ako kaya minadali ko na ang pagligpit ng mga gamit ko.

"Mae." sigaw ni Michael.

At lantaran pa talaga niyang sinagaw yun sa buong madla. Hindi naman ako nagpahalata na ako yung tinatawag nila. Pambihira, akala ko ba hindi na nila ako tutuksuin? Nakita ko namang siniko ni Chester si Michael. Mukhang si Michael lang yung hindi nakaintindi sa pinagkasunduan namin.

Nakita kong nagliligpit din ng kanyang gamit si Jennie. At napansin kong panay ang titig niya kay Michael. Ano bang meron kay Michael?

Naglakad na kami sa corridor at pinag-usapan ang tungkol sa band namin. Napag-usapan din namin ang napiling kanta na tutugtugin namin at iba pang mahalagang bagay tungkol sa banda.

"Excuse me, Michael." bigla naming narinig mula sa likod namin.

Nakita namin si Jennie na hawak-hawak ang bag niya at malamang pauwi na din.

"Bakit, Jen?" tanong ni Michael.
"I-i-ikaw ba si ---" ngunit di na niya natuloy yung sinabi niya dahil bigla siyang hinablot nina Daisy. Hinablot talaga.

"Tara na Jen. Sorry guys, bukas na kayo manligaw kay Jennie." sabi ni Daisy at umalis na sila.

Tiningnan naman namin si Michael at nagkibit balikat lang siya.

Wednesday, May 25, 2011

Boys Dating Girls Chapter 15: Kontrabida O Bida?

Chapter 15: Kontrabida o Bida?


Maaga akong nakarating ng school, hindi ko alam kung bakit, malamang advance yung oras ng wall clock namin.

Nasa classroom na ako ngayon, nakaluklok sa upuan at walang ginagawa. Napansin kong tahimik lang si Elaine na nasa sa tabi ko. Hindi man lang niya ako kinakausap. Malamang nakalunok ng kutsara kaya 'di makapagsalita.

Napabuntong-hininga nalang ako at binuklat ko ang libro sa Economics. Wala kasing magawa kaya ito nalang.

"Ano yang binabasa mo? May quiz ba tayo sa Economics?"

Nakakagulat naman tong si Jennie oh. Bigla nalang sumusulpot.

"Malay ko ba." sabi ko na nakatutok pa rin sa libro.
"Matanong nalang nga kina Daisy. Hindi ko kasi gusto ang ihip ng hangin dito." sabi ni Jennie at hinawakan ko agad yung braso niya bago pa man siya makatayo.

Kailan ba ako naging mahangin? Sana kung magpapatama siya, yung hindi sana medyo halata na ako yung pinatatamaan niya.

Umupo ulit siya na nakatingin sa akin ng masama. Ako nama'y seryoso lang sa pagbabasa. Marahil nagtataka na siya kung para saan ba 'tong binabasa ko.

"Ano ba, bitawan mo nga ako." sabi niya.

Binitawan ko nga siya, baka kasi sumabog, patay tayo. Tiningnan ko lang siya ng maigi.

"Kakaiba na talaga ang mga estudyante ngayon. Pag nakita nila yung kaklase nila na nagbabasa ng libro, ang unang papasok sa utak nila ay quiz at exam. Pano kaya kung basahin ko din 'tong dictionary?" sagot ko sabay diin ng titig ko sa kanya.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Sa tuwing nilalayo niya ang mukha niya ay mas lalo kong nilalapit. Napansin kong medyo natakot siya dahil sa ginawa ko. Nakakatakot ba ako?

"Eh ano namang masama dun? Nagtatanong lang naman ako." sabi ni Jennie.
"Hindi mo kasi ginagamit yung sixth sense mo." sabi ko sabay turo sa noo niya.
"Ha? Anong sixth sense!?" tanong niya.
"Eh di common sense." sagot ko sabay tawa ng malakas.

Tinawanan ko lang siya. Para ko tuloy pinamumukha sa kanya na wala siyang common sense.

"Ano ba!? May nakakatawa ba!?" tanong ni Jennie habang hinahampas ng libro ang braso ko.

Ilang sandali, nahimasmasan na ako at tumigil na rin sa pagtawa. Wala naman talagang nakakatawa. Trip ko lang na tumawa.

"Ngayon alam ko na. Ibig sabihin pala niyan saka ka lang nagbabasa ng libro kapag may exam at quiz." sabi ko.
"Ano namang pakialam mo? Hindi naman ako geek na katulad mo." sabi ni Jennie.
"Sa tingin mo ba'y mga matatalino lang ang nagbabasa ng libro?" tanong ko.
"Oo." sagot ni Jennie.
"Eh, bakit nagbabasa yun ng libro?" tanong ko sabay turo kay Benjie na nagbabasa ng libro.
"Sira. May pinag-aralan din naman yan kahit papano." sabi niya sabay batok.
"Aray, nakakasakit ka na. Kanina ka pa." sabi ko sabay himas sa ulo ko.

"What is that Mr. de Guzman?" narinig kong sinabi ni Ms. Rivera.

Langhiya, hindi ko man lang napansin na nandiyan na pala si Ms. Rivera sa harap. Naku, lagot ulit ako dito. Nakakagulat naman kasi tong si Ms. Rivera. Bigla nalang pumapasok ng classroom na walang palatandanan. May lahing ninja din siguro 'to.

"Ah. Eh." sabi ko habang lumilingon-lingon sa paligid.

Pambihira, wala akong maisip na palusot. May nakabara na kutsara sa brain cells ko kaya hindi pumafunction ng maayos. Heto namang katabi ko pasekretong tumatawa, halatang nang-aasar na.

"What is that?" tanong ulit ni Ms. Rivera sa mas mataas na boses.

"Ah. Eh." sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"What is that again? Make your voice louder." sabi ni Ms. Rivera sa kanyang pinakamataas na boses.

Nung nakita kong tumatawa ng pasekreto si Jennie, biglang may umilaw na light bulb sa ulo ko.

"Ah Ms. Rivera, Jennie wants to go to the clinic, she has a fever right now." sabi ko sabay ngisi.

Siniko ni Jennie ng napakalakas ang tagiliran ko. Buti nalang at di nila nakita, kundi buking ako nito. Tiniis ko nalang yung sakit.

"Ako, may lagnat!?" pabulong na sinabi sa akin ni Jennie.

"Okey, she may go." sabi ni Ms. Rivera.

Tumayo naman si Jennie ng walang pag-aalinlangan at lumabas ng classroom na halata namang walang lagnat.

Ilang sandali ang nakalipas, habang nagsusulat ako ng mga notes, biglang lumapit si Ms. Rivera sa akin.

"Kindly check Ms. Robles in the clinic if she's alright there." sabi ni Ms. Rivera.

Himala at naging concern si Ms. Rivera. Once in a blue moon lang ito nangyayari. Makapunta nga ng lotto outlet mamaya.

"Excuse me po. Nandito po ba si Jennie Robles?" tanong ko sa school nurse.
"Wala siya dito e." sagot ng school nurse namin.
"Hindi niyo po ba siya nakita?" tanong ko.
"Hindi e." sagot ng school nurse.

Napabuntong-hininga nalang ako. Hay, bakit ako nalang palagi ang pinahahanap kay Jennie sa tuwing mawawala siya? Sabagay, kasalanan ko naman 'to. Sigurado akong nagtampo lang yun. Saan ko naman kaya siya makikita?

Hindi ko sinadyang mapadaan sa library at sa loob ay may narinig akong nag-uusap. Nakucurious ako, kasi parang hindi naman mga staff o library personel ang nasa loob. O di kaya'y pinaglalaruan lang ako ng mga multo dito.

"Huwag naman sana." sabi ko sabay sign of the cross.

Nakasarado ang bintana kaya hindi ko masyadong naiintindihan yung pinagsasabi nila kaya naisipan kong idikit ang tenga ko sa pintuan ng library. Tingnan natin kung matalas pa din ba ang pandinig ko o baka bukas kailangan ko na ng hearing aid.

Mukhang pamilyar ang boses nila. Tama, sina Jennie at Louie nga. Buti naman at matalas pa rin ang pandinig ko. Teka, ano bang ginagawa nila sa loob ng library? Ganon ba talaga kapribado yung usapan nila o ginagawa lang nilang pansamantalang dating place ang library? Pambihira.

Idiniin ko sa pintuan ang tenga ko upang mapakinggan ng maigi yung usapan nila, kumbaga loudspeaker. Hindi ko alam kung ano ba 'tong ginagawa ko, nang-iispiya o nang-iispy? Ang alam ko pareha lang yun.

"I'm very sorry Jennie. Pero it was just a kiss." sabi ni Louie.
"So ganon lang ba yun? Pagkatapos ng lahat patatawarin kita? Ano ka, sinisuwerte." sabi ni Jennie.

Tama, ano siya sinisuwerte? Malas lang ni Jennie at yang hinayupak pang yan ang naging boyfriend niya.

"Sorry Jennie. Unexpected kasi. I'm not the one who kiss, It's Loraine." paliwanag ni Louie.
"But you kiss back? Then, what does it mean?" tanong ni Jennie.
"Kissing back have no meaning. Please Jennie, don't misinterpret what had happen." sagot ni Louie.
"Misinterpret? Actually, I saw everything in the locker room so don't acussed me of misintepreting." sabi ni Jennie.
"Jennie, please. I'm so sorry." sabi ni Louie.
"Let me go Louie. Get lost!" sabi ni Jennie.
"Hindi kita bibitawan unless you will accept my sorry." sabi ni Louie.

Ang lakas din pala ng loob ng hinayupak na yun. Sinabihan na ngang get lost, pinipilit pa rin niya si Jennie. Ibang klase din no?

"Let me go, Louie. Stop this, nasasaktan na ako." sabi ni Jennie.

Mistula tuloy akong nakikinig ng drama sa radyo tuwing tanghali kaso itong naririnig ko ngayon ay hindi scripted.

Ilang sandali, narinig kong sumigaw si Jennie. Medyo nag-alala nga ako. Pakiramdam ko kailangan na ni Jennie ng tulong ko kaya ang ginawa ko'y

Tantananantanan.

Pinasok ko ang library ng walang pag-aalinlangan. Hindi ko na inisip ang kung anuman ang sabihin nila sa akin. Okey lang sakin kung isipin nilang pakialamero ako, superhero ako, nagseselos ako, antagonist ako, ninja ako o di kaya'y tagasira ng eksena basta ang iniisip ko ngayon ay si Jennie.


SI JENNIE!?
WHAT!?


Okey, alam kong nagulat kayo dun pati rin naman ako. Sabihin nalang nating iniisip ko ngayon ang kapakanan at kaligtasan ng buong sangkatauhan. Nagkamali lang ako dun sa huli kong tinype.

At pagpasok ko'y nagulat ako at napamura, hindi lang basta nagulat yung mas malala pa sa salitang 'nagulat'. At dahil sa gulat, mistula akong nakakita ng baboy na kulay asul ang balahibo.

Langya. Nakita kong nakadikit na sa pader si Jennie at nagpupumiglas habang hawak-hawak ni Louie ang kanyang magkabilang braso. Teka, ano bang balak ng hinayupak na 'to?

At bago pa man mahalikan ni Louie si Jennie ay nilapitan ko na agad siya at sinuntok sa mukha. Napuruhan siya sa kaliwang pisngi at pumutok ang kaliwang bahagi ng kanyang labi. Marahil ay nagulat siya dun sa ginawa ko dahil hindi man lang niya namalayan na nakapasok na pala ako sa loob ng library. Patunay na ninja nga ako.

"Hindi ka na bata para pagsabihan na masama yang ginagawa mo kay Jennie." sumbat ko.

Bigla niya akong ginantihan ng suntok sa sikmura dahilan ng pagsuka ko ng dugo at pagkatumba ko sa sahig. Grabe, di ko akalain na malakas yung tatama na suntok sa sikmura ko. Bakit kaya sa tuwing nagkakaengkwentro kami ni Louie ay ako nalang palagi ang kulelat?

Hawak-hawak ko ang tiyan ko at narinig kong umiyak si Jennie sa may gilid.

Tatadyakan na sana ako ni Louie kaso binawi niya. Hindi ko alam kung bakit.

"Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa mga pipitsuging katulad mo. At sa susunod, mamili ka na ng makakalaban mo." sabi niya.

Ano? Pipitsugin? Nagkataon lang naman na nakahanap siya ng pagkakataon para suntukin ako sa sikmura, at kung di pa nangyari yun ay kanina ko pa sana siya tinadyakan sa may batok niya.

Nakakaasar. Gusto kong tumayo kaso sumasakit pa yung tiyan ko dahil sa suntok ng gago. Para tuloy akong kontrabida ngayon at si Louie yung bida na liligtas kay Jennie. Ano ba 'to? Parang bumaligtad yata ang mundo?

Tumayo ako with matching punas ng dugo sa labi, yung kadalasan nating makikita sa mga action movies kung saan nagduduwelo ang dalawang tauhan. Hindi na ako nag-atubili pa at sinuntok ko siya sa mukha ng walang pag-aalinlangan. Akala mo ha?

"What is that Mr. de Guzman?"

Napatingin naman ako dun sa nagsasalita. At laking gulat ko nalang nung nakita ko na nakatayo sa may pintuan ang nanggagalaiting si Ms. Rivera kasama ang School Librarian.

Naku, lagot tayo diyan. Hindi malayong mangyari na suspension ang kahahantungan ko dito. Lalo na't nakita nila yung pagsuntok ko kay Louie sa mukha.

Anong gagawin ko? Hindi nga ako naglilinis ng banyo sa bahay, pano pa kaya dito sa school. Hindi ko na alam ang gagawin ko, sana naman may blessing in disguise na dumating.

"You two, procede to the Discipline's Office. Right now!" sigaw ni Ms. Rivera.

Ilang sandali ang nakalipas, nalaman ko nalang na nasa Discipline's Office na pala ako kasama si Louie. At ang nasa harap namin ay isang mataba at panot na lalaki na may suot na glasses, baka isipin niyong si Noynoy Aquino yung tinutukoy ko, hindi ah.

Kung makatingin siya ay parang may napakalaking utang kami sa kanya. Bigla nalang akong nasindak nung kumunot ang noo niya at kumurba pababa ang labi niya.

Kinakabahan na ako at halos magyelo na ang mga kamay ko dahil sa lamig. Pero dapat maging matatag ako, ika nga, matapang ang mga inosente. At kung ano man ang kahahantungan nito, so be it nalang.

Halos mapatalon ako sa gulat nung biglang tumayo si panot at sinuntok ang table. Uy, dahan-dahan ka lang diyan, ang puso natin.

Ilang sandali ay huminahon din siya at narinig kong napabuntong-hininga siya.

"I'm sorry, I got carried away." sabi niya.

Akala ko pa naman kung ano na. Teka, para saan yung pagsuntok niya sa table? Galit ba siya o may balak siyang sirain yung table?

Ilang sandali'y nakalabas na rin kami sa wakas sa malaimpyernong Discipline's Office. Buti naman malakas ang immune system ko at nagawa kong makasurvive dun sa nagtatalsikang laway ni panot. Walang kwenta din naman yung mga sinabi ni panot kasi hindi niya pa rin kami nagpagbati.

At alam niyo ba kung anong naging hatol ni panot sa amin? Malalaman natin sa susunod na kabanata.

Friday, May 20, 2011

Boys Dating Girls Chapter 14: There She Is

Chapter 14: There She Is.


Naku, patay. Hindi ko nga pala alam kung saang lupalop ng bansa matatagpuan ang bahay nina Jennie, at tsaka wala man lang sinabing address si Elaine. Pambihira, para tuloy akong sumugod sa giyera na wala man lang dalang armas.

Nagmamaneho ako ngayon at sa parehong pagkakataon, tinatawagan ko si Elaine para mahingi ang address ni Jennie.

Pagkatapos kong matawagan si Elaine, pinuntahan ko na agad yung lugar na sinasabi niya.

Ilang sandali lang ay nahanap ko na rin sa wakas ang bahay nina Jennie. Pinarada ko sa harap ng gate ang kotse at bumaba na.

Nagdadalawang-isip pa nga ako kung pipindutin ko na ba yung doorbell o hindi pa. Paano na kung ang magbukas ng gate ay mga magulang ni Jennie. Anong sasabihin ko?

Bigla nalang nag-appear sa mind screen ko ang isang ulap na may mukha ni Elaine sa gitna.

"Kasi kapag nagbiro ka pa ulit sa 'kin. Sasabihin ko sa papa ko na ifire out ang papa mo sa kompanya." sabi niya.

Erase. Erase. Ayan na, pipindutin ko na ang doorbell. Para sa trabaho ng papa ko, para sa kapakanan ng pamilya ko at para sa magiging kinabukasan ko!

Ding dong.

Ilang sandali, biglang bumukas ang gate na ikinagulat ko. Isang lalakeng mga kaedad ko lang ang tumambad sa harapan ko.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at binusising mabuti ang bawat sulok ng mukha ko. Ano namang problema ng isang 'to?

"Bakit? Anong sadya mo?" tanong niya.
"Si Jennie?" tanong ko.
"Kanina pa siya umalis. Bakit mo siya hinahanap?" sabi niya.
"Ako kasi ang escort niya. Nauna na pala siya. Kung ganon, aalis na ako. Salamat." sabi ko.
"Wait. Ano nga pala ang buong pangalan mo?" tanong niya.
"Sid Wilson de Guzman." sagot ko at nakita kong nagulat siya dun.
"Kaano-ano mo si Nica de Guzman?" tanong niya.
"She's my sister. Bakit?" tanong ko.
"I'm her ex-boyfriend. Ako nga pala si Jeff Ocampo." sagot niya.

So, siya pala ang ex-boyfriend ni Ate Nica. Siya yung playboy? Oh, I see, playboy nga talaga ang itsura.

Pero teka, bakit nandito siya sa bahay nina Jennie? Kaano-ano niya si Jennie? Naguguluhan na talaga ako.

"Hindi mo pa nga pala natatanong. Pinsan nga pala ako ni Jennie." sabi niya.

Pinsan? As in cousin? Ibig sabihin non, magpinsan din sina Yna at Jennie?

"Ganon ba, sige aalis na 'ko. Kailangan ko pang humabol sa party eh." sabi ko at sinarado na niya ang gate.

Sobra sobra na ang mga naging revelations sa araw na 'to. Una dun kay Elaine, na presidente pala ng kompanyang pinagtatrabahuan ng papa ko yung papa ni Elaine, sumunod naman 'tong si Jeff Ocampo.

Hay, so much for that. Kailangan ko pang hanapin si Jennie. Sana naman magpakita na siya. Teka, sinabi ng pinsan niya na kanina pa daw siya umalis? Matawagan nga si Elaine.

"Kanina pa daw umalis si Jennie." sabi ko.

Bigla kong inilayo sa tenga ko ang cellphone ko dahil sa lakas ng sigaw ni Elaine.

"ANO!? E Bakit wala pa siya sa school ngayon!? Thirty minutes nalang at magsisimula na ang party, kailangang mahanapan mo ito ng paraan!" sigaw niya at pinutol na niya ang linya.

Pambihira ka talaga Jennie. Saan ba kita mahahanap? Ako pa tuloy ang napagbuntunan ng galit ni Elaine. Magpakita ka na please.

Biglang may umilaw na light bulb sa ulo ko. Naalala ko yung pag-uusap na narinig ko noon sa locker room, kayo naalala niyo pa ba? Tama ang hinala ko, si Loraine ang may kagagawan ng lahat ng ito. Sino naman kaya ang pwedeng makatulong sa akin?

"Hello, Chester?" sabi ko.
"Sid, buti napatawag ka." sabi ni Chester.
"Alam mo ba kung nasaan si Jennie ngayon?" tanong ko.
"Oo, alam ko. Buti naman at natanong mo." sagot ni Chester.
"Sabihin mo, nasaan siya ngayon?" tanong ko.
"Relax. Ayon sa mga nasagap kong impormasyon, nasa malapit na beerhouse siya ngayon." sagot niya.
"Sige, salamat." sabi ko.

Pinaharurot ko naman agad ang kotse at pinuntahan ang pinakamalapit na beerhouse na matatagpuan sa lungsod na ito.

Pumasok ako ng walang pag-aalinlangan sa beerhouse na tinutukoy ni Chester. Nakita ko agad si Jennie sa isang table kasama ang dalawang lalaki. Napansin kong nakabihis na pala siya para sa Aquaintance Party. Nilapitan ko sila at hinila ang braso ni Jennie.

"Jennie, tayo na. Lasing ka na." sabi ko at inawat naman ako ng isang lalaki.
"Sino ka ba? Wag ka ngang makialam dito. Hindi mo ba nakikita na nag-iinuman pa kami dito?" tanong ng lalaki.

Ang baho naman ng hininga ng isang 'to. Mukhang kailangan ko pa munang patulugin ang mga 'to bago ko makuha si Jennie. Shit, siguradong malaking eskandalo ito sa loob ng beerhouse.

Bahala na, para sa trabaho ng papa ko, para sa kapakanan ng pamilya ko at para sa magiging kinabukasan ko!

Boogh!

Natumba yung lalaki kasabay ng pagkabasag ng mga bote ng beer sa mesa.

Bigla akong hinablot ng isang lalaki at pinulupot niya ang braso niya sa leeg ko, yung tipong masasakal na ako.

Kumuha ako ng isang bote ng beer at pinukpok ko iyon ng napakalakas sa ulo niya. At mistulang nagshower ng beer sa loob ng beerhouse. Natumba ang lalaki sa sahig kasabay ng pagdaloy ng dugo mula sa kanyang ulo. Nakakaawang tignan ngunit pinabayaan ko nalang.

Binuhat ko agad si Jennie at isinakay ko siya sa backseat ng kotse upang makatulog siya ng maayos. Tinawagan ko naman si Elaine.

"Sorry, Elaine. Mukhang hindi na yata makakaabot si Jennie." sabi ko.

Inilayo ko ulit sa tenga ko yung cellphone ko dahil sa lakas ng sigaw ni Elaine.

"ANO!? BAKIT!? Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Elaine.

Tiningnan ko nalang ang maamong mukha ni Jennie na ngayo'y mahimbing na natutulog.

Panibagong problema na naman. Saan ko ba dadalhin si Jennie ngayon? Pag dinala ko siya sa bahay nila, baka kung ano pang isipin ng pinsan niya? Alangan na dalhin ko siya sa school, lalo lang lalala ang sitwasyon.

"Ah, Elaine. Pwede mo ba akong tulungan sa problema ko ngayon? Ii-explain ko nalang later kung anong tunay na nangyari kay Jennie." sabi ko.
"May problema pa nga ako, tapos idadagdag mo pa yung problema mo." sabi niya.
"Makinig ka muna please. Baka sakaling makatulong ka." sabi ko.
"Sige. Ano yun?" tanong niya.

Laking pasalamat ko at pinagbigyan niya ako. Napagtanto ko ngayon na may tinatago din palang kabaitan 'tong si Elaine.

"Saan ko ba pwedeng dalhin si Jennie?" tanong ko.
"Teka, ano ba talagang nangyari sa kanya?" tanong ni Elaine.
"Di ba sabi ko, I'll explain later. Ngayon, saan ko siya pwedeng dalhin?" tanong ko.
"Maybe in our house, see me nalang in front of the restaurant." sagot niya.
"Okey." sabi ko.

Pinaharurot ko na ang kotse at sa wakas ay nakarating na rin ako sa harap ng restaurant. Sumakay naman agad sa front seat si Elaine.

Tiningnan niya muna si Jennie na mahimbing na natutulog sa backseat bago niya ako tiningnan.

"What happened to her?" tanong ni Elaine.
"She was drunk." sagot ko at nagulat si Elaine.
"O, bakit nakabihis na siya? Umattend ba muna siya ng party bago nakipag-inuman?" tanong niya.
"May foul play na nangyari." sagot ko at nakita kong naguguluhan na si Elaine.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.
"Somebody hires two male civilian para itempt si Jennie na uminom. Sinadya ito para hindi makaattend ng party si Jennie." paliwanag ko.
"And who do you think could possibly do this?" tanong ni Elaine.
"Sigurado akong si Loraine ang may kagagawan nito. But we don't have any concrete evidences yet." sabi ko.
"Pano mo naman nalaman?" tanong ni Elaine.
"She is insecure with Jennie and that was her main alibi, I think." sagot ko.
"Ihinto mo na ang kotse. Nandito na tayo." sabi ni Elaine.

At gaya ng sinabi niya, hininto ko ang kotse at ipinarada ito sa tapat ng gate nila.

Can you think of a word that could surpass the word 'mansion'? Marahil palasyo. Oo, palasyo, yan ang description ko sa bahay nina Elaine.

Binuhat ko si Jennie patungong guestroom. At paglapag ko sa kanya sa kama ay biglang nalaglag ang cellphone niya.

Tiningnan ko ito at nakita ko ang humigit kumulang 20 missed calls from Louie. Nagkabalikan kaya sila? Bakit ganon nalang kaconcern si Louie kay Jennie?

"Hayaan na muna natin siya dito. Doon na tayo sa sala, kailangan pa nating gamutin yang pasa mo sa pisngi." sabi ni Elaine at napahawak naman ako sa pisngi ko.

Di ko maalala kung saan ko nakuha 'tong pasang 'to. Sa pagkakaalala ko, hindi naman ako nabugbog ng dalawang lalaking nakaengkwentro ko kanina.

"Ayan, tapos na." sabi ni Elaine matapos niyang gamutin ang pasa sa pisngi ko.

Napansin ko namang panay ang titig niya sa akin.

"O bakit?" tanong ko.
"Hindi. May naalala lang kasi ako." sagot niya.
"Naalala mo yung nangyari noong Intramurals no?" tanong ko.
"Buti naman at naalala mo pa." sagot niya.
"Siyempre, ako pa." sabi ko at binatukan niya ako.
"Aray. May sinabi ba akong masama?" tanong ko sabay himas ng ulo ko.
"Wala lang. Trip ko lang mambatok." sagot niya.

Ang lakas ng trip. Akalain mo, pwede na palang gawing trip ang basta-bastang pambabatok.

Ilang sandali ay biglang tumunog ang cellphone ko. Naku, si Papa? Nag-aalala na yata sila sa akin. Kaya sinagot ko naman.

"Hello, Pa. Sorry kung natagalan ako." sabi ko.
"It's okey. Magcocommute nalang kami ng Mama mo. Alam kasi naming busy ka sa date mo with Elaine." sabi ni Papa.
"Pero, pa..." sabi ko pero pinutol na niya ang linya.

Anak ng balyena. Pambihira, kilala na ba nila si Elaine? At saang lupalop ng bansa nila napulot yung balitang dinidate ko ngayon si Elaine.

Nakita ko rin si Elaine na may kausap sa phone.

"Pero pa..." sabi niya tapos tinanggal niya sa tenga niya ang phone niya at tinapon sa sofa.

Nagkatinginan kaming dalawa at nagulat sa isa't isa.

"KILALA KA NG PAPA KO!?" sabay naming sinagaw at pagkatapos ay umayos kami ng upo.

Ilang sandali din kaming nanatili sa parehong posisyon. Walang sinuman ang nagsasalita, dahil walang gustong maunang magsalita.

Biglang dumaan sa harap namin ang katulong nila at may nilapag na Iced Tea.

Halos magkasabay ang pagkuha at pag-inom namin sa Iced Tea.

"Ahem, aalis na ako." sabi ko.

Ngunit hindi man lang siya kumibo. Saka lang siya nagsalita nong nasa may pintuan na ako.

"Mamaya ka na umalis. Di ba ihahatid mo pa si Jennie? Umupo ka muna dito at magkuwentuhan tayo." sabi niya.
"Tungkol saan?" tanong ko at naupo naman ako sa tabi niya.
"Kahit ano." sagot niya.
"Alam mo ba yung kwento ni Pagong at ni Matsing?" tanong ko at binatukan niya ako.
"Alam ko na yun. Hindi na 'ko bata no." sagot niya.
"Aray. Eto nalang, sagutin mo nalang 'to." sabi ko.
"Ano naman yun?" tanong niya.
"Papano mo ipapasok ang buwaya sa refrigerator?" tanong ko at nag-isip naman siya.
"Hindi ko alam. Pano nga ba?" tanong niya.
"Simple lang, putol-putulin mo yung mga parte ng katawan ng buwaya saka mo ipasok." sagot ko.
"Ano ba yan? Hindi naman nakakatawa." sabi niya.
"Eto pang isa. Si Lion King ang hari ng kagubatan. Nagpatawag siya ng general meeting sa lahat ng mga kahayupan, pero may isang hayop na hindi nakarating, anong hayop yun?" tanong ko at nag-isip ulit siya.
"Hindi ko alam. Ano nga ba?" sabi niya.
"E di yung buwaya, kasi pinasok siya kanina sa refrigerator." sabi ko at nagtawanan kami.
"Langya." sabi niya.
"Heto. Gusto mong tumawid ng ilog pero dun sa ilog na yun ay may nakatirang pating. Pano mo tatawirin ang ilog nang hindi gumagamit ng bangka?" tanong ko.
"Ng hindi gumagamit ng bangka? Hmmn, di ko alam." sabi niya.
"E di, lalanguyin mo." sagot ko.
"Di ba may pating nga." sabi niya.
"Safe ka namang lumangoy dun sa ilog kasi yung pating dumalo sa general meeting na pinatawag ni Lion King." sabi ko at nagtawanan ulit kami.

Wednesday, May 18, 2011

Boys Dating Girls Chapter 13: Where Is She?

Chapter 13: Where Is She?


"Nandito na ako." sabi ko pagpasok ko ng bahay.

Nanggaling kasi ako ng mall, namili ng bagong damit para sa gaganaping Aquaintance Party mamayang hapon.

Sabik na sabik akong pumunta ng kuwarto ko para buksan ang laptop ko. Kahit papano, maswerte pa rin ako kasi nakita kong online si Sweet Mystery.

Metal Head Guy: Hi, Mae.
Sweet Mystery: Hello, Kurt.
Metal Head Guy: Long time no see.
Sweet Mystery: Nagkita na ba tayo?
Metal Head Guy: I mean, long time no chat.
Sweet Mystery: Kinabahan ako dun ah.
Metal Head Guy: Ha? Bakit naman?
Sweet Mystery: Akala ko kasi nakita mo na ako.
Metal Head Guy: May problema ba kung sakaling makita kita?
Sweet Mystery: Wala naman. But it's unfair. Nakita mo 'ko, samantalang ako, di man lang kita nakita.
Metal Head Guy: Pano naman kita makikita, ni hindi ko pa nga nalalaman ang real name mo.
Sweet Mystery: May point ka.
Metal Head Guy: By the way, do you have any pictures?
Sweet Mystery: Oo meron, nakikita mo ba 'tong avatar ko?
Metal Head Guy: Hindi yan. Picture naman yan ng isang anime character. Yung picture na mukha mo talaga ang makikita ko.
Sweet Mystery: I have some pictures in my facebook pero nakaprivate.
Metal Head Guy: So, magkakabistuhan na tayo.
Sweet Mystery: Huh? Pano naman?
Metal Head Guy: Through our e-mails, we can trace each other in facebook.
Sweet Mystery: Hindi naman. I'm sure na safe ang identity ko kasi ibang name ang nilagay ko sa facebook ko. How about you?
Metal Head Guy: Same as yours.
Sweet Mystery: O, akala ko magkakabistuhan na tayo?
Metal Head Guy: Maraming namamatay sa maling akala.
Sweet Mystery: Pero nandito pa ko't buhay.
Metal Head Guy: Sabihin nalang nating marami pa ang buhay sa maling akala.
Sweet Mystery: Lol.
Metal Head Guy: So much for that.
Sweet Mystery: What can you say nga pala about my username?
Metal Head Guy: Nice. Simple pero eligante. How about mine?
Sweet Mystery: Astig. Maraming mag-aakala na matigas ang ulo mo.
Metal Head Guy: Hindi naman ganon ang ibig sabihin ng username ko.
Sweet Mystery: Eh di ano?
Metal Head Guy: Ibig sabihin non ay rocker.
Sweet Mystery: Wow, rock n roll.
Metal Head Guy: By the way, what's your favorite music genre?
Sweet Mystery: Marami. But mostly, I listen to acoustic, reggae at new age songs.
Metal Head Guy: New age? Di ba pang meditation yun?
Sweet Mystery: Oo, pero maganda daw pakinggan yun. Nakakatanggal ng stress.
Metal Head Guy: Hindi naman ako stress eh.
Sweet Mystery: Ibig sabihin, you have no problems or any works?
Metal Head Guy: I have pero I know how to deal with stress.
Sweet Mystery: Sa anong paraan?
Metal Head Guy: Dinadaan ko lang sa tulog.
Sweet Mystery: Nakakatulog ka pa rin kahit may iniisip kang mga problema?
Metal Head Guy: Oo. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi problema ang dahilan kung ba't hindi nakakatulog ang isang tao tuwing gabi.
Sweet Mystery: E ano?
Metal Head Guy: Dahil sa masyadong pag-aalala niya sa mga problema niya.
Sweet Mystery: Marami ka ring alam no?
Metal Head Guy: Hindi naman. Marami ka lang talagang pwedeng malaman dito sa mundo.
Sweet Mystery: But how about caffeine?
Metal Head Guy: Another case na yan.
Sweet Mystery: Ah, anong course nga pala ang balak mong kunin?
Metal Head Guy: Actually, I don't have yet my decision. Ikaw?
Sweet Mystery: Gusto ko sanang mag-architect, kaso baka hindi pumayag sina mama. Ikaw, bakit wala ka pang desisyon?
Metal Head Guy: Saka na pag nakagraduate na ako ng high school.
Sweet Mystery: But it's better to plan it early.
Metal Head Guy: May disadvantage din naman kasi ang pagpaplano ng maaga.
Sweet Mystery: Ano naman?
Metal Head Guy: If you plan early. Para na ring nilagyan mo yun ng too much expectations. Tapos in the end, hindi ka rin pala makakagraduate ng high school. So, it would result to a heart breaking phenomenon.
Sweet Mystery: What do you mean? Na hindi ka makakagraduate ngayon?
Metal Head Guy: Hindi naman, assuming lang. Pero ibig kong sabihin ay disadvantage talaga ang too much of expectation.
Sweet Mystery: Saka ka lang ba magdedecide pagkatapos mong gumraduate? E kailan ka ba magtitake ng entrance exam?
Metal Head Guy: E di, I will plan nalang two days before the exam.
Sweet Mystery: Two days? Pano kung magbago ang isip mo?
Metal Head Guy: Hindi na ko magbabago pa ng desisyon. Kung sakaling nakapili ako ng maling course, gagawa nalang ako ng paraan para makaadjust.
Sweet Mystery: Life is so easy for you ah.
Metal Head Guy: Ganon naman talaga. Hindi na importante kung anu man ang sitwasyon, ang mas mahalaga ay kung paano mo ito ihahandle.
Sweet Mystery: Right.
Metal Head Guy: Bakit nga pala architect ang napili mo.
Sweet Mystery: Kasi mahilig akong magdrawing.
Metal Head Guy: Ano namang ginuguhit mo usually?
Sweet Mystery: Nature.
Metal Head Guy: Naturalistic ka pala.
Sweet Mystery: Sinabi mo pa.
Metal Head Guy: Sa anong paraan ka gumuguhit, is it through your imaginations? O sa pamamagitan ng mga magagandang tanawin?
Sweet Mystery: Both, but mostly through my imaginations.
Metal Head Guy: Wow, hindi ko kasi kaya ang gumuhit through my imagination.
Sweet Mystery: I can appreciate more my drawing if it is through my imaginations.
Metal Head Guy: Natry mo na bang magkamali?
Sweet Mystery: Of course. I gain more skills after taking a mistake.
Metal Head Guy: Tama, parte na talaga yan ng buhay.
Sweet Mystery: Ika nga, experience is the best teacher. Pero alam mo, kakaiba ka rin no?
Metal Head Guy: Bakit naman?
Sweet Mystery: Basta parang naiiba yung prinsipyo at luyunin mo kung ikukumpara sa iba.
Metal Head Guy: Siguro ganon din ang iba pero hindi mo lang napapansin.
Sweet Mystery: Ikaw siguro ang Valedictorian sa inyo no?
Metal Head Guy: How I wish na ako nga.
Sweet Mystery: Ows.. Dinedeny mo pa.
Metal Head Guy: Sa totoo lang, hindi talaga ako. Matalino lang siguro ako sa sarili kong pamamaraan.
Sweet Mystery: Okey, so ganon pala.
Metal Head Guy: So, out muna ako ha, kailangan ko pang magprepare ng tanghalian. See yah.
Sweet Mystery: Sige, bye.

---

Medyo maggagabi na at kailangan ko nang pumunta sa Aquaintance Party kaya nagbihis na ako ng best dress ko. Simple pero eligante ang dating. Hindi naman sa pagmamayabang, pero medyo pumogi ako ngayong gabi.

Pagbaba ko ng kuwarto ko'y...

"Ma, Pa? Bakit ganyan ang bihis niyo? Saan kayo pupunta?" tanong ko sabay tingin sa kanila mula ulo hanggang paa.
"Sid, may sasabihin sana kami sayo. Makikinig ka ba?" sabi ni Mama.
"Opo." sagot ko.
"Pwede bang ipagpaliban mo muna ang Aquaintance Party mo?" tanong ni Papa.
"Ha? Bakit naman?" tanong ko.
"Kung okey lang sana sayo. Pwede ka ba naming isama sa gaganaping party ng kompanya namin?" tanong ni Papa.

Ano? As in capital ANO!? Sigurado akong puro matatanda ang nandoon. Pano na ang Aquaintance Party?

"Marahil iniisip mong maraming matatanda na gaya namin ang nandoon. Pero may makikilala ka pa rin namang mga kaedad mo dun. Marami nga e, katulad na lamang ng mga anak ng mga katrabaho ko." sabi ni Papa.

Nababasa ba ni Papa ang pag-iisip ko? Bakit alam niyang iniisip kong puro matatanda ang nandon? Hindi na rin siguro ako magtataka kung bakit minsan may psychic ability ako, nagmana sa tatay e.

"E hindi po ba pwedeng kayo nalang?" tanong ko.
"Hindi e. Nakasaad sa Invitation na dapat magsama ng kahit isang anak lang. Alam ng mga katrabaho ko na may mga anak ako, kaya hindi pwede na hindi ka sumama." sagot ni Papa.
"Hindi ba pwedeng si Ate Nica nalang ang isama niyo?" tanong ko.

Nakita ko naman si Ate Nica na nakahiga sa sofa na parang reyna. Ngumiti siya sa akin at kumaway. Langya talaga oh.

"E sinong magbabantay ng bahay?" tanong ni Papa.

Natawa naman ako dun sa tanong ni Papa. Kasi naiisip ko tuloy na parang aso lang pala si Ate Nica, tagabantay lang ng bahay.

"Pwede namang yung aso nalang natin ang magbabantay ng bahay?" sabi ko.
"Ha? May aso ba tayo?" tanong ni Papa at natawa na talaga ako.

Ilang sandali lang ay napilit rin nila ako sa wakas na sumama sa kanila. Hindi ko alam kung anong gayuma ba ang ginamit nila sa akin.

Nakarating na rin kami sa venue ng gaganaping party, mala-five star restaurant ang dating. Malawak ito at may magandang garden sa labas. Maaliwalas ang loob at medyo marami na ang mga tao. Ni wala man lang akong kakilala.

Inisa-isa pa namin ang lahat ng table para lang ipakilala ako ni Papa. Puro 'hi' at 'hello' nalang ang nasasabi ko.

Naaout of place ako dito. Feeling ko tuloy nasa Neptune ako, samantalang sila'y nasa Saturn. Wala na akong ibang ginawa kundi kumain at makinig sa bungangerang emcee. Pakikinig ba ang tawag dun? Marahil hindi, kasi hindi naman pumapasok sa tenga ko yung sinasabi ng emcee.

Hindi na ko nakatiis, makapunta nga sa labas. Buti pa dun, malamig at tahimik.

"O, saan ka pupunta?" tanong ni Mama.
"Titingnan ko lang yung garden sa labas." sagot ko.
"Kunin mo 'tong jacket baka malamigan ka." sabi ni Mama at kinuha ko naman yung jacket.

Pagdating ko sa garden, may nakita akong nakaupo na babae sa may swing. Anong ginagawa niya dun? Oh no, baka naman multo yung nakikita ko ngayon?

"Lord, help me." sabi ko sabay sign of the cross.

Dahan-dahan kong nilapitan yung babae na nasa swing. Pambihira, akala ko pa naman real ghost experience na. Si Elaine lang pala. Umupo ako sa katabing swing at tiningnan ko siya.

"Ikaw pala, bakit ka nandito?" tanong ni Elaine.
"Hindi ko alam. Basta nalang akong dinala ng mga paa ko dito." sagot ko.
"Umayos ka nga. Hindi ako nakikipaglokohan sayo." sabi niya.
"Actually, naaout of place ako dun sa loob kasi wala man lang akong ni isang kakilala." sabi ko.
"Alam mo, may bad news sa school ngayon." sabi niya.
"Ano naman yun?" tanong ko.
"Hindi pa nakakarating si Jennie sa school hanggang ngayon." sagot niya.
"Hayaan mo na yun. Malaki na yun." sabi ko.
"Ano ka ba? Hindi mo ba alam na si Jennie ang representative natin sa Ms. Campus Personality? Paano na tayo, hahayaan nalang ba natin na alipustahin tayo ng mga lower year levels, mag-isip ka nga?" sabi niya at sinadya pa niya akong lapitan para lang mabatukan.
"Relax, masyado ka ng nagiging bayolente." sabi ko sabay himas sa ulo ko.
"Matanong nga kita." sabi niya.
"Ano?" tanong ko.
"Ano nga palang posisyon ng papa mo sa kompanyang pinagtatrabahuan niya?" tanong niya.
"Head Executive sa Marketing Department. Bakit?" sagot ko.
"Kasi kapag nagbiro ka pa ulit sa 'kin. Sasabihin ko sa papa ko na ifire out ang papa mo sa kompanya." sabi niya.

Napalunok ako ng laway sampung beses. Nakakagulat kasi yung mga sinabi niya.

"Teka, ano bang posisyon ng papa mo sa kompanya?" tanong ko.
"President lang naman siya." sabi niya sabay cross arm.

Ah, president lang pala. WHAT!? P-P-PRESIDENT!?

"So, ano pang tinutunganga mo diyan?" tanong niya.

Anong klaseng tanong ba naman yan? Kung makapagsalita siya ay parang alipin lang niya ako. Pero dapat pa rin akong mag-isip ng matinong isasagot dun sa tanong niya, kundi patay ako.

"Ano bang ipag-uutos mo?" tanong ko. Pwede na siguro yan.
"Ano pa ba? E di puntahan mo si Jennie sa bahay nila at sabihin mong magmadali na siya. Kasi pag hindi siya umabot sa eksaktong oras, ikaw ang mananagot." banta ni Elaine.

Grabe, bakit pa nga ba ako sumama kina Papa. Nabinyagan tuloy ako bilang alipin. Langya.

Pinuntahan ko nalang si Papa at hiningi sa kanya ang susi ng kotse.

"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong niya.
"May emergency kasi sa school namin." sagot ko.
"O ayan. Mag-ingat ka ha." sabi niya at binigay niya sa akin ang susi.

Monday, May 16, 2011

How I Wish


I made this poem when I was a first year high school student. I got this in my old notebook.

-------------------------


How I Wish

How I wish I could hold your hand tight,
And dance with you in a timeless night,
Beneath the street where cold winter lies,
With the lovely music and butterflies.

How I wish for your solemn embrace,
To reasemble my fainted face,
But I guess, it's only for a dream,
'Cause I can't even scream your name.

How I wish we have the same feelings,
I guess, It isn't a good timing,
That's why you ignored my loveless heart,
And regret my love, right from the start.

I lose your heart and now I'm in woe,
Now you're with your man, my faithful foe,
And I need to find you in my dream,
To cast away the tremendous rain.

Now, It's the hardest part of living,
Just taking breathe to forget this pain,
Smiling at the couch, half alive,
Waiting for the sunset to arrive.

I can't accept this greatest defeat,
The scars remain because of this fate,
I need your kind heart for me to heal,
Then how I wish fantasies were real.

Boys Dating Girls Chapter 12: In The Locker Room

Chapter 12: In The Locker Room


"Jennie, wait." halos pasigaw kong sinabi.

Lumingon naman siya sa akin na nakakunot ang noo. Ayan na naman siya, pabago-bago ng mood. Kanina, medyo okey pa yung mood niya kaso ngayon mukhang lumala na yata.

"Ano na naman ba!?" tanong niya.
"Totoo ba yung sinabi mo kanina na tayo na?" tanong ko.

Nakita kong gulat na gulat siya dahil sa tinanong ko sa kanya. Sino ba namang hindi magugulat dun?

Gusto ko nga sana siyang pagtawanan kaso baka lalo pa siyang magalit sa akin.

"Ha!? May sinabi ba akong ganon!? Ang kapal din ng mukha mo no!?" sabi niya.
"Relax. Patapusin mo muna ako." sabi ko at medyo kumalma naman siya.
"Ano yun!? Bilis. Nagmamadali ako ngayon." sabi niya.
"Totoo ba yung sinabi mo kanina na tayo na ang magkapartner sa physics?" tanong ko sabay ngisi.
"In your dreams. Wala akong balak na makipagpartner sa'yo, hindi lang sa physics, kundi sa lahat ng bagay." sagot niya.

Aray. Ang sakit naman niyang magsalita. Sagad sa buto talaga. Mas masakit pa yata yun sa mga batok niya sa akin.

"Pero, sinabi mo kanina na..." sabi ko.
"Wag ka ngang mangarap. Sinabi ko lang yun para maniwala si Elaine sa kasinungalingan mo." sabi niya.
"Pero wala pa akong partner..." sabi ko.
"Ano ba!? Tanggapin mo nalang kasi na wala talagang gustong makipagpartner sa'yo." sabi niya at napayuko ako ng ulo. Drama.

Biglang may umilaw na light bulb sa ulo ko. Ngumiti ako at tinaas kong muli ang ulo ko.

"Sorry, pero wala akong balak na tanggapin yun." sabi ko sabay ngiti na nakalabas ang mga ngipin.
"E di bahala ka sa buhay mo. The hell I care." sabi niya.
"E di pumunta ka sa impyerno." sabi ko.
"Mas mabuti nang sa impyerno kaysa sa langit na kasama ka naman." sabi niya sabay alis.

Naiwan nalang akong nakatayo dito sa may corridor na mistulang tagabantay ng monumento ni Rizal sa Luneta. Pambihira, saan na ako pupulot ngayon ng pwedeng makapartner sa pesteng physics na 'to? Teka, kailan pa nga ba naging insekto ang physics?

"Sid." sabi ng isang unknown male specie sa likod ko.

Paglingon ko'y nakita ko si Chester, isa sa mga classmates ko na buhay pa hanggang ngayon, Joke. Alam kong hindi magandang biro yun. Pero teka, ano naman kaya ang problema ng isang 'to?

"Bakit?" tanong ko.
"Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo ni Jennie." sagot ni Chester.

E, ano naman kung narinig niya? Alam ko naman na may dalawa siyang tenga, kaya hindi na niya dapat ipaalala pa sa akin na narinig niya ang pinag-usapan namin ni Jennie.

"Kung ayaw ni Jennie na makapartner ka sa Physics, pwedeng ako nalang ang maging partner mo kung okey lang sayo?" sabi ni Chester.

Ano 'to? Blessing in disguise? Hindi pa nga ako nakakapagdasal na sana'y makahanap na ako ng partner sa physics, tapos dumating na agad.

"Aba, siyempre okey lang." sabi ko.
"So, hahatiin nalang natin mamaya ang mga laboratory procedures." sabi niya.
"Sige, ikaw ang bahala." sabi ko.
"Pupunta ka din ba ng cafeteria?" tanong niya.
"Oo." sagot ko. Halata naman.
"Sabay na tayo." sabi niya at naglakad na kami.

Pagdating namin ng cafeteria, pumwesto kami agad sa favorite table namin.

"Chester, bakit di mo kasama sina Jerry?" tanong ni Michael.
"Paano ako sasama dun? E may mga ibang kasama na yun." sagot ni Chester.
"Ano ka ba naman, Michael. Para mo tuloy tinataboy si Chester." sabi ni Jonathan.
"Tinataboy na ba yun? Nagtatanong lang naman ako." sabi ni Michael.
"Tumahimik na nga kayo, baka magkasabunutan pa kayong dalawa diyan." sabi ko.
"Sid, saan na nga ba yung mga kasama mo dati? Sina Anthony at Jobert?" tanong ni Chester.
"Ah, yun ba? Inilibing ko na sila ng buhay kahapon. Hindi, joke lang. Si Anthony kasi kasama niya sina Steven at Louie. Si Jobert naman, hindi ko na alam kung saang lupalop ng Pilipinas yun nag-aaral ngayon." sagot ko.
"Ah, ganon ba." sabi niya.

Dismissal na sana, kaso bago pa ako makalabas ng classroom, bumulagta sa akin ang isang hindi kanais-nais na announcement na nakasulat in bold letters sa pisara namin.

"To all fourth year students, procede to the Auditorium right after the last period. We will have a meeting regarding serious matters. Thank you.
Noted by: Elaine Gonzales, SBO President."

Akala ko pa naman makakauwi ako ng maaga sa bahay ngayon. Marami nga talagang namamatay sa maling akala, pero heto ako buhay pa?

At gaya ng nakasaad sa announcement, pumunta akong mag-isa sa Auditorium. Nakucurious kasi ako don sa 'Serious Matters' na nakasaad sa announcement.

Nakita ko sa loob ang lahat ng mga fourth year students at akalain mo, may nireserve pa na upuan sina Michael para sa akin.

Nakita ko sa harapan si Elaine at may hawak-hawak na microphone.

"Ngayong malapit na ang Intramurals at Foundation Week. Kailangan nating pumili ng mga estudyante para maging kalahok sa mga gaganaping sports events." sabi niya.
"May plano na po ba kayo para sa booth natin?" tanong ni Lester.
"By section ang booth at hindi by year level, so kanya kanyang decide na yan ng every sections." sagot ni Elaine.

Natapos na rin ang pagpili sa mga estudyanteng magiging kalahok sa mga sports events sa Intramurals. Ngunit sa kasamaang palad, wala man lang nagtangkang magnominate sa akin.

"So, this will be our new set of Athletes. Wish them luck so that they can bring home the bacon." sabi ni Elaine.
"Ms. President, how about the Acquaintance Party? Do you have any plan?" tanong ni Lester.
"Oh, thanks for reminding me. By the way, we'll have a nomination for our Mr. and Ms. Campus Personality. This event is by year level so we'll have one representative from boys and one from girls. So, what we'll have first, the boys or the girls? " sabi ni Elaine.
"Ms. President, it's better to have boys first." sabi ni Jasmin.

At kahit maraming nagreact, napagdesisyunan ni Elaine na unahin ang boys.

Ngunit sa kasamaang palad, napabilang ako sa mga nominees. Malas talaga. O baka naman, naligaw lang ang pangalan ko sa mga nominees. Teka, may iba pa bang Sid Wilson de Guzman dito sa SJU? Ako lang naman diba?

"I object!" sigaw ko.

Mukhang hindi yata narinig ni Elaine yung sinigaw ko. At mukhang napahiya pa yata ako dahil sa ginawa ko. Naman o.

84 votes ang nakuha ni Louie. Grabe ah, pwede na siyang tumakbo bilang tanod sa kabilang baranggay.

Bigla nalang naghiyawan ang mga estudyante dito sa Auditorium. Nakakabasag eardrums. At dito ko lang nalaman na ako na pala ang binoboto ng mga tao dito. Langya.

83 votes ang nakuha ko. Pano nangyari yun? Ganon na ba talaga ako kasikat sa SJU ngayon. Note, fourth year students pa lang 'to.

Maraming nadismaya sa pagkatalo ko pero mas marami ang nagdiwang sa pagkahalal ni Louie bilang representative ng Mr. Campus Personality namin. Tuwang-tuwa din naman ako kasi hindi ako ang nanalo.

"Grabe, close na close ang botohan. Akalain mo, nakaswerte ang Louieng yun at nakalamang pa ng isa." sabi ni Chester.
"Sayang talaga. Tsk, tsk." sabi ni Jonathan.

"Nomination for Ms. Personality is now open. Oh, yes Loraine, do you have any nominee?" sabi ni Elaine.

"I nominate myself." lakas loob na sinabi ni Loraine.
"Owww..." kantyaw ng isang grupo ng kababaihan sa may likod namin.
"Shut up." sabi niya.

Kabilang din si Jennie sa mga naging nominees. Hindi na rin nakakapagtaka.

Nakakuha ng 78 votes si Loraine. Di ko akalain na makakakuha yun ng mataas na votes, siya kasi yung tinaguriang bad girl ng SJU, kasama ang mga alagad niya.

Samantalang nakakuha si Jennie ng 78 votes din. Pero teka, mukhang hindi pa yata ako nakakaboto.

"Any other votes for Jennie?" tanong ni Elaine.

Mistulang slow motion ang pagtaas ng aking kaliwang kamay. At ito ang naging hudyat ng pagkapanalo ni Jennie sa nomination.

Nakita ko si Loraine na nakatingin sa akin ng masama at parang handang lumunok ng tao. Kulang nalang lumabas ang mga usok sa ilong at tenga niya. At bigla nalang siyang tumayo.

"No!" sigaw niya at nagwalk-out.

Sinundan naman siya ng mga tapat niyang alagad.

Pagkatapos ng walk-out scene na iyon, pinagtinginan ako ng mga estudyanteng nandon. Nagkibit-balikat nalang ako. Ito na ang kinatatakutan ko.

"Lagot ka, Sid." sabi ni Michael.
"Anong lagot? E malay ko ba kung anong nangyari dun." sabi ko.
"Kahit anong gawin mo, ikaw pa rin ang may kasalanan kung ba't nagwalk-out yun." sabi ni Michael.
"Kasalanan ba ang bumoto?" tanong ko.
"Malay ko ba." sagot ni Michael.

At ako pa talaga ang may kasalanan. Kasalanan ba yung ginawa ko?

"So, we have now the representative for fourth year level for the Mr. and Ms. Campus Personality, Mr. Mark Louie Suarez and Ms. Jennie Robles." sabi ni Elaine at nagpalakpakan ang lahat.

Pagkatapos ng meeting, naglakad na ako patungo sa locker room para sana kunin ang physics book ko. Medyo madilim na at nagsiuwan na halos lahat ng mga estudyante sa SJU.

Nakita kong nakatayo sa harap ng locker room si Chester. Wala bang balak umuwi 'tong isang 'to?

"Chester, anong problema?" tanong ko.
"Balak ko sanang kunin yung physics book ko kaso lang nakalock yung locker room pero may narinig naman akong nag-uusap sa loob." sagot ni Chester.

Medyo kinilabutan ako don sa sinabi ni Chester. Hindi ako naniniwala sa mga multo pero kinatatakutan ko naman ito. Pambihira.

"Anong pinag-uusapan nila?" bulong ko kay Chester.
"Hindi ko alam. Subukan mong pakinggan." sagot niya.

Lakas loob akong naglakad papalapit sa pinto ng locker room at idinikit ko ang mga tenga ko dito.

"I will find a way para hindi makaattend ng Party si Jennie."

"Magagawa mo ba talaga yan?"

"Kilala mo naman ako diba? I'm the daughter of the powerful politician here in this city. So, what I want is what I get."

"At bakit ba talagang gusto mong sumali diyan sa Campus Personality na yan?"

"I'm not after of the competition. I'm after of Louie. I want Louie, therefore, I will find a way to get him and that is to eliminate Jennie in the Party."

"Kung yan ang plano mo, susuportahan ka nalang namin."

"Pero Loraine, hindi mo ba naiisip na baka malaman ng lahat na ikaw ang may kagagawan?"

At dito ko lang nalaman na sina Loraine pala ang nasa loob kasama ang kanyang mga alagad. Nakita ko si Chester sa tabi ko na nakikinig din.

"Huh, let's see lang kung malalaman pa nila to."

"Ano ba kasing gagawin mo?"

"Hindi ko na sasabihin sa inyo dahil malalaman niyo din 'to bukas."

Bigla akong kinalabit ni Chester dahilan ng pagkagulat ko.

"Tara na, Sid. Bukas nalang natin kunin yung physics book natin." bulong ni Chester.

Sabay na kaming umuwi ni Chester. Hindi ko kasi alam kung saang lupalop ng mundo nagpunta sina Michael at Jonathan, pero hinala ko'y nakauwi na sila.

"Anong balak mo bukas, Sid?" tanong ni Chester.
"Sasagutan lahat ng laboratory procedure sa physics." sagot ko.
"Sasagutan? Di ba Aquaintance Party na bukas? At tsaka hindi yun ang tinutukoy ko, yung kay Jennie." sabi ni Chester.
"Ah yun ba? I will find a way para mapigilan si Loraine." sabi ko.
"Is that a sign of concern?" tanong ni Chester.
"Sabihin nalang natin na concern in the competition, but not in Jennie. Kasi pag wala si Jennie, ibig sabihin wala tayong magiging representative for Ms. Personality." sagot ko.
"You're in denial." sabi ni Chester.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo." sabi ko.
"Ayusin mo kasi yung pagsisinungaling mo. Dapat kasi sinabi mo nalang na concern ka kay Jennie." sabi niya.

Pambihira, baka naman psychic school 'tong napasukan ko? Halos lahat nalang kasi ng mga kakilala ko dito ay parang may psychic ability. I don't know kung totoo o feeling ko lang.

Saturday, May 14, 2011

Boys Dating Girls Chapter 11: Once In A Blue Moon

Chapter 11: Once In A Blue Moon


Isang linggo na ang nakalipas, nalaman ko nalang na hindi na pala sa SJU nag-aaral si Yna. Mahirap paniwalaan pero kailangang tanggapin. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakadungaw sa labas ng bintana habang tinitingnan ang ulap na kahugis ng mukha ni Yna. Hallucination.

Alam niyo ba kung bakit siya lumipat ng ibang school?

FLASHBACK

Dismissal na, kasama ko ngayon sina Michael at Jonathan. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ko pa nakikita si Yna simula noong Lunes. Ano kayang nangyari sa kanya?

Ano kaya kung tatanungin ko sina Michael, tutal alam naman nila na may gusto ako kay Yna. Ano namang ikakahiya ko?

"Nakita niyo na ba si Yna? Hindi ko pa kasi siya nakikita simula noong Lunes?" tanong ko.
"Aba, malay namin don. Baka nag-absent lang yun." sagot ni Jonathan.

Imposibleng nag-absent yun. Nakaperfect attendace kaya yun noong third year, pero anong malay natin?

O di kaya'y hindi ko lang talaga siya nakita. Medyo malawak din kasing 'tong SJU, aabutin ka pa ng isang araw para malibot mo 'to.

"Subukan mo kayang itanong kina Diane." sabi ni Michael habang tinuturo ang grupo nina Diane na nasa may bench area.

At gaya ng sinabi ni Michael, lumapit nga ako sa kanila ng walang pag-aalinlangan.

"Hi, Girls." sabi ko.

At nagwave naman ng kamay sina Grace, Daisy at Diane maliban kay Jennie.

"Hi, Jen." sabi ko.

At imbes na batiin niya din ako ay binigyan niya ako ng roll eyes. Ganon ba siya kung bumati ng isang tao?

Pambihira talaga, kailan kaya kami mag-aayos ni Jennie? Teka, bakit ako nag-iisip ng ganong bagay?

"Bibili lang mula ako ng drinks sa cafeteria, nauuhaw kasi ako. Saglit lang naman. Hindi ko kasi gusto ang ihip ng hangin dito." sabi ni Jennie sabay tingin sa akin ng masama.

At umalis na rin siya. Ako yata yung pinatatamaan niya don sa huli niyang sinabi, obvious naman di ba?

Pambihira, sa tuwing dumadating ako ay umaalis siya. Ganon nalang palagi ang eksena, nakakasawa na. Kumbaga sa magnet, pareho kaming north, hindi pwedeng magkadikit.

"Uy, mukhang nakakahalata na kami sa inyo ah." sabi ni Grace habang sinisiko ako.
"Ha? Wala namang meron sa amin ni Jennie ah?" tanong ko.
"Naku, kunwari ka pa." sabi ni Diane.
"Love Quarrel no?" tanong ni Daisy.

Halos sumabog na ang ulo ko sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko alam kung saang lupalop ng bansa nila napulot yung mga pinagsasabi nila.

"Para sa kaalaman niyo, walang namamagitan sa amin ni Jennie." sabi ko.
"Wala daw, kunwari ka pa. E bakit nagwalk-out yun nung dumating ka?" tanong ni Diane.
"Malay ko. Sisihin ba ako kung ba't nagwalk-out yun. Kaibigan niyo yun, kaya alam nyo ang dahilan kung ba't nagwalk-out yun." sabi ko.

Biglang dumaan sa harapan namin si Benjie, kasama ang mga kaibigan niyang sunod nang sunod sa kanya.

"Uy, Sid mukhang nagiging chickboy kana yata ngayon ah. Ipamigay mo naman yung isa." sabi ni Benjie.
"Ipamigay mo mukha mo!" sigaw ko.
"Joke lang naman. Eto naman o, di mabiro." sabi niya at umalis na.

Napakanonsense talaga ng taong yun. Marahil ay nagtataka kayo kung ba't nakaabot yun ng fourth year, e yung pag-iisip naman niya ay pang grade six lang.

"Siya nga pala, bakit 'di niyo kasama si Yna?" tanong ko.
"Ah si Yna? Sa States na kasi siya nag-aaral ngayon." sagot ni Daisy.
"Bakit naman? Sayang yung three years na pananatili niya dito." sabi ko.
"Sinabi mo pa. Kasi daw, nagkaroon ng conflict yung mga magulang nina Yna at Louie, kung saan dati silang makasosyo sa negosyo at ngayo'y kailangan nilang ilayo si Yna kay Louie, kasi ayaw ng mga magulang ni Yna na magkaroon sila ng connection sa mga magulang ni Louie." sabi ni Daisy.
"Bakit si Yna pa ang dapat lumayo e pwede namang si Louie? Para namang hindi siya gentleman." tanong ko.
"Sinabi mo pa." sabi ni Daisy.
"Matanong nga kita. Bakit ka nga pala curious kay Yna?" tanong ni Diane.
"Kasalanan bang maging curious?" sagot ko.
"Sagutin mo nga ng maayos yung tanong ko." sabi ni Diane.
"Wala lang. Nagtataka lang kasi ako kung ba't wala siya simula noong lunes." sabi ko.

END OF FLASHBACK

Wala akong magawa sa buhay ko ngayon, kaya naisipan kong buksan ang account ko sa yahoo messenger.

Tiningnan ko ang online friends ko at nakita ko si Sweet Mystery. Medyo natuwa ako kasi kahit papano may mapagpapalipasan na din ako ng oras.

Metal Head Guy: Hi, Mae.
Sweet Mystery: Hello, Kurt.
Metal Head Guy: It seems that you're busy chatting with your friends.
Sweet Mystery: Medyo.
Metal Head Guy: Baka naistorbo lang kita?
Sweet Mystery: Hindi naman. Actually, I'm waiting for you to appear on my online list.
Metal Head Guy: Me, too.
Sweet Mystery: Coincidence. How's your day?
Metal Head Guy: Very boring. But for now, I'm gaining much of energy.
Sweet Mystery: Who's the reason why you're gaining energy now?
Metal Head Guy: No other than you.
Sweet Mystery: You mean it?
Metal Head Guy: Yes, I'm supposed to die now, but you've brought back my life again.
Sweet Mystery: Lol. You're crazy. In what way did I've brought back your life again?
Metal Head Guy: When I saw you on my online list.
Sweet Mystery: Oh, you're totally crazy.
Metal Head Guy: Yes, I'm crazy.
Sweet Mystery: Let me bring you to the hospital.
Metal Head Guy: There's no way for Doctors to cure this. But perhaps, you can cure this.
Sweet Mystery: But how can I cure you?
Metal Head Guy: I don't know. I'm the patient here and supposed to be you're my doctor. So, you should know what to do.
Sweet Mystery: Oh, so much for that.
Metal Head Guy: By the way, how's your school?
Sweet Mystery: Oh, I'm having fun very much. Not to mention my seatmate.
Metal Head Guy: What's the problem with your seatmate?
Sweet Mystery: He's so annoying.
Metal Head Guy: So, he's a boy. Perhaps, he likes you.
Sweet Mystery: No, if that would happen. It will be my worst among the rest of my nightmares ever in my entire life.
Metal Head Guy: Don't jump yet into conclusion. We don't know, five years from now, you two would be a couple someday.
Sweet Mystery: Is that so? But as I can see, you're jumping into conclusion.
Metal Head Guy: I'm not concluding, I'm just guessing your future.
Sweet Mystery: Defensive.
Metal Head Guy: Can you speak tagalog?
Sweet Mystery: Oo naman. Hindi mo ba nakita kanina?
Metal Head Guy: I see but do you have any foreign blood?
Sweet Mystery: No, I don't have. I'm a pure Filipino. How about you?
Metal Head Guy: Same as yours.
Sweet Mystery: Why did you ask pala if I can speak tagalog? Nosebleed ka na?
Metal Head Guy: Not yet, pero baka mamaya pa.
Sweet Mystery: Lol. Do you have any friends in your school?
Metal Head Guy: Ofcourse yes, I believe that everyone has a friend. How about you?
Sweet Mystery: I have a lot of them in school.
Metal Head Guy: How does it feel to have plenty of friends?
Sweet Mystery: I felt secure.
Metal Head Guy: Is that only?
Sweet Mystery: They are also my source of hapiness and satisfaction.
Metal Head Guy: Got it but If you're going to choose between gadgets or friends. What will you choose?
Sweet Mystery: Obviously, I'm going to choose my friends. But it's better to choose the two of them. Lol.
Metal Head Guy: Your special someone or your friends?
Sweet Mystery: It's hard to choose between the two of them.
Metal Head Guy: Why?
Sweet Mystery: Because they are both attached to you, unlike the gadgets.
Metal Head Guy: That's true.
Sweet Mystery: How about you? What will you choose?
Metal Head Guy: I guess, I'll chose my friends.
Sweet Mystery: Why?
Metal Head Guy: Because they came first in my life before my special someone.
Sweet Mystery: So, that's your basis?
Metal Head Guy: Yes.
Sweet Mystery: What a brave answer.
Metal Head Guy: You don't need to be brave just to answer that question.
Sweet Mystery: What if you really love your special someone more than your friends?
Metal Head Guy: I will always chose my friends whatever the circumstances are.
Sweet Mystery: Ah, you are devoted to your friends. But as I can see, You're already concluding.
Metal Head Guy: No. I'm not.
Sweet Mystery: Alam ko, hanggang salita ka lang. Hindi mo pa nga nasusubukang magmahal. If you love, you can learn how to give up everything. Even if your studies.
Metal Head Guy: I'm a man, I can stand on my own words. Itaga mo pa yan sa bato. But when it comes to study, I'll set aside first my friends.
Sweet Mystery: You mean that study is more important than you friends?
Metal Head Guy: Ah, yes.
Sweet Mystery: I'm so confused. You said to me earlier that you will always chose your friends whatever the circumstances are?
Metal Head Guy: Ah, nakalimutan ko kasi na may studies pa pala akong dapat iprioritize.
Sweet Mystery: Why did you chose study?
Metal Head Guy: Simply, because that is profession. This is my key for success.
Sweet Mystery: But what if you choose between love and study?
Metal Head Guy: Obviously, I'll choose my study.
Sweet Mystery: Let's find out if you can contradict your heart.
Metal Head Guy: I'm the owner of this heart so it's easy for me to control my feelings and emotions.
Sweet Mystery: Don't tell me you want to become a priest?
Metal Head Guy: Huh? Did I say any sacred words?
Sweet Mystery: Duh? It seems that you don't want to have a girlfriend. And when did you saw a priest who has a girlfriend?
Metal Head Guy: You misinterpret me. I mean, I'll focus first on my studies and after that I can freely have a girlfriend.
Sweet Mystery: Okey, I got it.
Metal Head Guy: Oh, It's getting dark. I need to prepare for the dinner. Bye, Mae. See yah!
Sweet Mystery: Bye, Kurt.

---

"Hi, Sid" bati sa akin ni Elaine.
"Hi, din." sabi ko.

Himala, kasi binati niya ako ngayong umaga. Once in a blue moon ko lang naririnig yung 'Hi' niya since nong nagkakilala kami.

"May kapartner ka na sa physics?" tanong ni Elaine.
"Saan don? Yung laboratory procedure ba?" tanong ko.
"Yun nga. So, may partner ka na ba?" tanong niya.
"Bakit mo tinatanong? Balak mong makipagpartner sa akin no? Pero sorry ka nalang, kasi may partner na ako." sabi ko sabay ngisi.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong partner. Gusto ko lang lokohin 'tong isang 'to.

"Ambisyoso." sabi niya.
"Oo, ambisyoso talaga ako. Balak kong maging engineer, doctor, pilot, attorney, seaman, physicist, astronomer, painter, power ranger at---"

Binatukan niya ako gamit ang kanyang buong lakas na siyang dahilan ng pagkastock-up ng bibig ko sa pagsasalita.

"Wag mo ngang pairalin yang pagkapilosopo mo. At wag mong lagyan ng malisya yung pagtatanong ko." sabi niya.
"Yes, madam." sabi ko sabay himas sa aking ulo.
"Sino nga pala ang kapartner mo?" tanong niya.

Napalingon ako sa buong classroom. Nakita ko si Michael, ngunit kapartner niya si Jonathan. Sino nga ba ang sasabihin ko? Alam ko na.

"Si Jennie." sagot ko sabay ngisi.
"You're lying. Hahaha." sabi niya.
"Hindi ah. Kahit tanungin mo pa siya." sabi ko at lumingon kay Jennie.

Lumingon din naman siya kay Jennie. Sana wag pumalpak ang plano ko.

"Jen, totoo bang partner kayo ni Sid sa physics?" tanong ni Elaine.

Siniko ko ng mahina si Jennie, bilang sign na dapat siyang umuoo don sa tanong. At poof...

"Oo. Bakit?" sabi ni Jennie na ikinatuwa ko.

Di ko akalain na yun nga ang isasagot ni Jennie. Once in a blue moon lang talaga nangyayari ang mga ganitong bagay. Makapunta nga ng lotto outlet mamaya, baka kasi makapanalo. Napaka superstitious ko talaga.

"Ah, wala lang. Akala ko kasi niloloko lang ako ng isang 'to." sagot ni Elaine.
"See?" sabi ko kay Elaine.
"Oh. I see." sabi niya.

Thursday, May 12, 2011

Boys Dating Girls Chapter 10: Picture

Chapter 10: Picture


"Ms. Rivera, please excuse us. We have our reasons, we write it here." lakas loob kong sinabi tapos binigay ko ang handbook ko sa kanya.

Nakita ko si Jennie at parang nagulat siya sa ginawa ko. Ngayon, makikita mo ang sinasabi ko, Jennie.

Binuklat ni Ms. Rivera ang handbook at binasa ang excuse letter na nakasulat don. At sa kagandahang palad ay tinanggap niya ito.

Gusto niyong malaman kung ano yung sinulat kong reason? Hindi ko sasabihin sa inyo, baka gayahin niyo pa ang sinulat 'ko.

"See?" sabi ko kay Jennie ngunit inirapan niya lang ako.
"As if I care?" sabi niya.

Pero nakikita ko pa rin sa mukha niya ang pagkagulat na may halong pagtataka. Ngayon, bilib ka na?

"You two will sit at the vacant seats at the back." sabi ni Ms. Rivera.

At gaya ng sinabi niya, naupo nga kami don ng walang pag-aalinlangan, baka kasi pag nagreklamo pa kami'y maiskandalo pa kami dito.

Ngayon ay napapagitnaan ako ng dalawang babae, sa kanan ko ay si Jennie at sa kaliwa ko nama'y si?

Tiningnan ko kung sino yung katabi ko sa kaliwa, nagulat nalang ako na para bang nakakita ng unggoy na nangingitlog.

"Hey, miss me?" tanong ni Elaine sabay wink ng kanyang left eye.
"O, akala ko kung sino. Ikaw lang pala." sabi ko.
"Bakit parang nagulat ka? Nakakatakot ba ako?" tanong niya.

Oo, nakakatakot ka. Daig mo pa yung mga characters sa mga horror movies na bigla nalang sumusulpot.

"Hindi naman. Noong last Intramurals pa kasi kita huling nakita. Hindi ko kasi inaasahan na makikita ulit kita sa buong buhay ko." sabi ko.
"Ows, ang drama mo." sabi ni Elaine.
"Drama ba yun?" tanong ko.
"Oo. By the way, binoto mo ba ako nung nakaraang Election ng Student Body Organization?" tanong niya.

Talagang politic minded 'tong si Elaine. Masyadong kasi niyang pinaprioritize yang mga ganyang bagay. Hula ko, tatakbo 'to bilang presidente ng Pilipinas, 20
years from now.

"I don't know. What did you run nga pala?" tanong ko.
"President. What can you expect pa ba?" sagot niya.
"Mukhang naboto nga kita." sabi ko.
"Wow thanks. Alam mo ba kung ano'ng naging resulta?" tanong niya.
"Hindi ko alam, tsaka I'm not interested." sagot ko.
"Eto naman o, masyadong killjoy." sabi niya.
"O sige na nga, interested na ako. So, ano'ng naging resulta? Natalo ka ba?" tanong ko at bigla siyang sumimangot.

Bigla kong napagtanto na may tinatagong kagandahan din pala 'tong si Elaine. At least, kahit nakasimangot siya, lumulutang pa rin yung ganda niya.

"Bakit? Yun ba ang iniexpect mo after the election?" tanong niya.
"Hindi. Nag-eexpect pa nga ako na manalo ka. Ikaw kaya ang manok ko pagdating sa mga ganyang bagay." sabi ko at napangiti naman siya.
"What? Tao ako, hindi po ako manok." sabi niya.
"So, ano nga pala ang naging resulta? Pinapahaba mo pa yung usapan." tanong ko.
"What can you expect pa ba? E di, panalo." sagot niya.
"Uy, nililipad ng malakas na hangin yung mga papel ko." sabi ko at bigla niya akong binatukan.
"Sira. Alam ko kung sino ang tinutukoy mo." sabi niya.

Napatingin si Elaine kay Jennie at kumaway. Ako nama'y nagsusulat ng walang katapusang notes.

"Hi Jen." sabi ni Elaine.
"Hi Laine." sabi ni Jennie at kumaway din.
"Kumusta na nga pala kayo ni Louie?" tanong ni Elaine.
"Yun ba? E matagal na kaming nagbreak non e." sabi ni Jennie.
"Ah, so kailan pa?" tanong ni Elaine.
"Last year." sagot ni Jennie.
"So ano nga palang nangyari?" tanong ni Elaine.
"Noong mga huling araw kasi bago pa kami nagbreak, napansin kong nakaigihan na sina Yna at Louie, kaya I decided to break-up with him. Ikaw Laine, kumusta ang love life mo?" sabi ni Jennie.
"Ganon pa rin. No boyfriend since birth, buti ka pa nga." sabi ni Elaine.
"Naku, nagsisisi nga ako kung ba't nagkaboyfriend ako non." sabi ni Jennie.
"Bakit naman? Maganda nga yun e, at least may karanasan ka na sa mga ganyang bagay." sabi ni Elaine.

Itong mga 'to o. Di ko maintindihan kung ano'ng pinag-uusapan.

"Basta, parang feeling ko naging worst yung pamumuhay ko after nung break-up namin ni Louie." sabi ni Jennie.
"Hay, love life nga naman. Buti pa si Sid, walang pinoproblema." sabi ni Elaine.

Nagulat ako don dahil bigla akong nadawit sa usapan nila.

"Narinig ko yun." sabi ko habang kinokopya ko yung mga nakasulat sa blackboard.
"Obvious naman na narinig mo." sabi ni Elaine.

Pagkatapos ng period ni Ms. Rivera ay pumasok na si Ms. Tanseco, yung dating guro ng mga freshmens. Na hindi ko pa na meet since sophomore.

"Welcome back to school. This will be my first time to handle fourth year students. So, I hope you're not all hard-headed here." sabi ni Ms. Tanseco tapos tiningnan niya kami isa-isa.

Anong akala niya sa amin, gawa sa diamond ang ulo. Iilan lang naman dito ang matitigas ang ulo, maliban sakin.

Nagulat ako nung tumingin siya sa akin. Diniin niya ang tingin niya sa akin sabay taas ng kilay at hawak sa glasses niya.

Kinabahan tuloy ako, kasi kung makatingin siya sa akin ay parang may utang akong napakalaki sa kanya.

Pambihira, hindi ako makagalaw. Nacorner yata ako ng mga nanlilisik niyang mata. Anong bang problema nito? At ako pa ang unang napagtripan niya sa school year na 'to?

"What's your name Mr. Handsome guy?" tanong ni Ms. Tanseco.
"Me?" tanong ko sabay turo sa aking sarili.
"Yes, you." sabi niya sabay turo sa akin.
"Ahm.. Sid Wilson de Guzman." sagot ko.
"Oh, you are supposed to stand up and tell everybody your precious name." sabi niya.

At may nalalaman pa siyang 'mr. handsome' ah, di bale totoo naman. Tumayo naman ako at inintroduce ang aking sarili.

Sinulyapan ko si Jennie, at nakita kong palihim siyang tumatawa. Nakakatawa ba ang sinabi ko? Ang babaw naman ng kaligayahan ng isang 'to.

Pagkaupo ko'y tinitigan ko siya. Wala lang.

"Bakit?" tanong niya.
"May dumi ka sa mukha o." sabi ko sabay tawa.
"My God.. Nasan na ba yung mirror ko?" sabi niya at natawa na talaga ako sa inasta niya.

Pagkatapos niyang tumingin sa wallet size niyang salamin ay napatingin agad siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Sira ka talaga." sabi niya sabay kurot sa tagiliran ko.
"Aray." sabi ko at diniin pa niya ang pagkurot.

Tumatawa siya habang kinukurot ang tagiliran ko, mukhang malapit na yatang mabaliw ang isang 'to.

"Uy, tigilan mo nga yan. Nakakasakit ka na. Hindi na nakakatawa." sabi ko at lalo lang siyang tumawa.

Tiningnan ko si Elaine, at pati siya'y natawa na din, isa pa 'to.

Lunch break na, habang nililigpit ko ang gamit ko ay tiningnan ko si Jennie ng palihim, napansin kong parang may sinusulat pa yata siya. Masipag din pala 'to, kahit papano.

Akmang tatayo na sana ako sa upuan ko nang may biglang nahulog na mga pictures mula sa notebook ni Jennie.

Napansin ni Jennie iyon at agad niyang kinuha ang mga pictures maliban sa isa na nakuha ko.

Natawa nalang ako dahil nakita ko sa picture ang isang batang Jennie na mukhang nasa unang baitang palang ng elementarya. Hindi ko akalain na ganon pala siya kacute noon.

"Ang cute mo pala noon." sabi ko habang tinitingnan yung picture niya.
"Uy, akin na yan." sabi niya habang pilit inaabot yung picture.

Tumayo ako at tumakbo palabas ng classroom. Napadpad ako sa cafeteria at nakita ko don sina Michael at Jonathan.

Magkakilala na pa ang dalawang yun? Hindi halata ha. Nilapitan ko naman sila.

"Uy, saan kayo pupunta?" tanong ko.
"Malamang maglalunch. Ikaw?" sabi ni Jonathan.
"Ano pa ba e di sasabay sa inyo." sagot ko at tiningnan si Michael.

Umupo naman kami sa may bakanteng table ng cafeteria.

"Bakit nga pala kayo magkasama? Magkakilala kayo?" tanong ko at nagtinginan silang dalawa.
"Aba, ano'ng akala mo sa amin? Hindi magkakilala? Naging classmate kaya kami noong first year. Di ba Jonathan?" sabi ni Michael at tumango naman si Jonathan.
"Naaalala mo pa ba yung binato kita ng itlog don sa Science Laboratory. Galit na galit ka pa nga nun." sabi ni Jonathan at nagtawanan silang dalawa.
"Langya. Akala ko nakalimutan mo na yun." sabi ni Michael.

Habang nag-uusap silang dalawa tungkol sa mga sweet childhood memories nila ay nakita ko si Jennie na nasa labas ng cafeteria. Tumayo naman ako para puntahan si Jennie. Alam niyo na siguro ang gagawin ko?

"Uy, dude. Saan ka pupunta?" tanong ni Michael.
"Saglit lang." sagot ko.

Nilapitan ko naman si Jennie at ipinakita sa kanya yung picture na hawak ko.

Goal for the day: Inisin si Jennie.

"Eto ba ang hinahanap mo?" tanong ko.
"Uy, akin na yan." sabi niya pero itanaas ko agad ang kamay ko.

Pilit niyang inaabot yung picture at ako nama'y tawa lang ng tawa dahil sa itsura niya.

Halos mapunit na nga yung uniporme ko dahil sa higpit ng kapit niya don.

Umatras ako para mas lalo siyang mahirapan sa pag-abot ng picture. Hanggang sa napasandal ako sa pader.

Napansin kong masyado na siyang naging close sa akin at hindi na ako pwedeng umatras pa dahil nakasandal na ako sa pader.

Halos yakap-yakap na nga niya ako sa puntong iyon. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko sa 'di ko alam na dahilan.

Tinanggal niya ang kamay niya na nakakapit sa balikat ko. Nagkatitigan kami ng ilang sandali at dahil dito'y mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Natauhan ako at lumayo ng konti sa kanya. Natawa nalang ako dahil sa ekspresyon ng mukha niya, once in a blue moon ko lang kasing nakikita yung ganyang Jennie.

Lumapit siya ulit sa akin habang nakakunot ang noo.

"Akin na nga yan." sabi niya kaya tinaas ko ulit ang kamay ko.
"Kulang ka kasi sa height." sabi ko sabay tawa at mas lalong kumunot ang noo niya.
"Nagsalita ang matangkad." sabi niya.
"E ikaw nga 'tong hanggang leeg ko lang." sabi ko.
"Akin na nga yan. Nabubuwisit na 'ko sa'yo." sabi niya.

Sige, mabuwisit ka. Gusto kong makita yung itsura mo na nabubuwisit, nang mapagtawanan ko.

Ngunit may biglang humablot sa picture na hawak-hawak ko. Sinong hinayupak yun?

Lumingon ako sa likod ko, at nakita ko si Louie na hawak-hawak yung picture.

Binigay niya iyon kay Jennie at gulat na gulat siya dahil sa ginawa ni Louie. Pati ako'y nagulat din. Panira ng araw 'tong hinayupak na to.

"Thanks Mar-- Louie." sabi ni Jennie at pagkatapos ay yumuko siya.

Anong drama na naman 'to? Malipat nga sa ibang channel. Masyado pang maaga para manood ng drama.

Nagulat ako dahil biglang lumingon sa akin si Louie na nakakunot ang noo. Ano namang problema ng isang 'to, siya pa 'tong nangingialam, siya pa 'tong galit.

"Anong problema mo, tol?" tanong ni Louie.

Aba, anong klaseng tanong yan?

Laking gulat ko nalang nung bigla siyang lumapit sa akin. Nakita ko na papalapit na yung kamao niya kaya inunahan ko na.

At poof... Natamaan ko siya sa mukha. Natuto na ako noong Intramurals. Akala mo ha.

Nilapitan agad siya ni Jennie. Concern?

"Sid, umalis ka na please. Nanggugulo ka lang." pasigaw na sinabi ni Jennie.

Tumalikod naman ako at bumalik na sa cafeteria. Feeling ko tuloy ay guilty ako don sa ginawa ko.

Kinakabahan ako, hindi dahil sa takot akong mapunta sa Disciplines Office, kinakabahan ako sa hindi ko alam na rason.

Naguguluhan na talaga ako. Hindi tuloy ako makakain ng maayos. Iniisip ko na baka galit sa akin si Jennie. Hindi ko naman kasi inaasahan na darating yung Louie na yun para mang-agaw ng eksena.

Hay, panibagong problema na naman.