Subscribe:

Pages

sunset

Wednesday, May 18, 2011

Boys Dating Girls Chapter 13: Where Is She?

Chapter 13: Where Is She?


"Nandito na ako." sabi ko pagpasok ko ng bahay.

Nanggaling kasi ako ng mall, namili ng bagong damit para sa gaganaping Aquaintance Party mamayang hapon.

Sabik na sabik akong pumunta ng kuwarto ko para buksan ang laptop ko. Kahit papano, maswerte pa rin ako kasi nakita kong online si Sweet Mystery.

Metal Head Guy: Hi, Mae.
Sweet Mystery: Hello, Kurt.
Metal Head Guy: Long time no see.
Sweet Mystery: Nagkita na ba tayo?
Metal Head Guy: I mean, long time no chat.
Sweet Mystery: Kinabahan ako dun ah.
Metal Head Guy: Ha? Bakit naman?
Sweet Mystery: Akala ko kasi nakita mo na ako.
Metal Head Guy: May problema ba kung sakaling makita kita?
Sweet Mystery: Wala naman. But it's unfair. Nakita mo 'ko, samantalang ako, di man lang kita nakita.
Metal Head Guy: Pano naman kita makikita, ni hindi ko pa nga nalalaman ang real name mo.
Sweet Mystery: May point ka.
Metal Head Guy: By the way, do you have any pictures?
Sweet Mystery: Oo meron, nakikita mo ba 'tong avatar ko?
Metal Head Guy: Hindi yan. Picture naman yan ng isang anime character. Yung picture na mukha mo talaga ang makikita ko.
Sweet Mystery: I have some pictures in my facebook pero nakaprivate.
Metal Head Guy: So, magkakabistuhan na tayo.
Sweet Mystery: Huh? Pano naman?
Metal Head Guy: Through our e-mails, we can trace each other in facebook.
Sweet Mystery: Hindi naman. I'm sure na safe ang identity ko kasi ibang name ang nilagay ko sa facebook ko. How about you?
Metal Head Guy: Same as yours.
Sweet Mystery: O, akala ko magkakabistuhan na tayo?
Metal Head Guy: Maraming namamatay sa maling akala.
Sweet Mystery: Pero nandito pa ko't buhay.
Metal Head Guy: Sabihin nalang nating marami pa ang buhay sa maling akala.
Sweet Mystery: Lol.
Metal Head Guy: So much for that.
Sweet Mystery: What can you say nga pala about my username?
Metal Head Guy: Nice. Simple pero eligante. How about mine?
Sweet Mystery: Astig. Maraming mag-aakala na matigas ang ulo mo.
Metal Head Guy: Hindi naman ganon ang ibig sabihin ng username ko.
Sweet Mystery: Eh di ano?
Metal Head Guy: Ibig sabihin non ay rocker.
Sweet Mystery: Wow, rock n roll.
Metal Head Guy: By the way, what's your favorite music genre?
Sweet Mystery: Marami. But mostly, I listen to acoustic, reggae at new age songs.
Metal Head Guy: New age? Di ba pang meditation yun?
Sweet Mystery: Oo, pero maganda daw pakinggan yun. Nakakatanggal ng stress.
Metal Head Guy: Hindi naman ako stress eh.
Sweet Mystery: Ibig sabihin, you have no problems or any works?
Metal Head Guy: I have pero I know how to deal with stress.
Sweet Mystery: Sa anong paraan?
Metal Head Guy: Dinadaan ko lang sa tulog.
Sweet Mystery: Nakakatulog ka pa rin kahit may iniisip kang mga problema?
Metal Head Guy: Oo. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi problema ang dahilan kung ba't hindi nakakatulog ang isang tao tuwing gabi.
Sweet Mystery: E ano?
Metal Head Guy: Dahil sa masyadong pag-aalala niya sa mga problema niya.
Sweet Mystery: Marami ka ring alam no?
Metal Head Guy: Hindi naman. Marami ka lang talagang pwedeng malaman dito sa mundo.
Sweet Mystery: But how about caffeine?
Metal Head Guy: Another case na yan.
Sweet Mystery: Ah, anong course nga pala ang balak mong kunin?
Metal Head Guy: Actually, I don't have yet my decision. Ikaw?
Sweet Mystery: Gusto ko sanang mag-architect, kaso baka hindi pumayag sina mama. Ikaw, bakit wala ka pang desisyon?
Metal Head Guy: Saka na pag nakagraduate na ako ng high school.
Sweet Mystery: But it's better to plan it early.
Metal Head Guy: May disadvantage din naman kasi ang pagpaplano ng maaga.
Sweet Mystery: Ano naman?
Metal Head Guy: If you plan early. Para na ring nilagyan mo yun ng too much expectations. Tapos in the end, hindi ka rin pala makakagraduate ng high school. So, it would result to a heart breaking phenomenon.
Sweet Mystery: What do you mean? Na hindi ka makakagraduate ngayon?
Metal Head Guy: Hindi naman, assuming lang. Pero ibig kong sabihin ay disadvantage talaga ang too much of expectation.
Sweet Mystery: Saka ka lang ba magdedecide pagkatapos mong gumraduate? E kailan ka ba magtitake ng entrance exam?
Metal Head Guy: E di, I will plan nalang two days before the exam.
Sweet Mystery: Two days? Pano kung magbago ang isip mo?
Metal Head Guy: Hindi na ko magbabago pa ng desisyon. Kung sakaling nakapili ako ng maling course, gagawa nalang ako ng paraan para makaadjust.
Sweet Mystery: Life is so easy for you ah.
Metal Head Guy: Ganon naman talaga. Hindi na importante kung anu man ang sitwasyon, ang mas mahalaga ay kung paano mo ito ihahandle.
Sweet Mystery: Right.
Metal Head Guy: Bakit nga pala architect ang napili mo.
Sweet Mystery: Kasi mahilig akong magdrawing.
Metal Head Guy: Ano namang ginuguhit mo usually?
Sweet Mystery: Nature.
Metal Head Guy: Naturalistic ka pala.
Sweet Mystery: Sinabi mo pa.
Metal Head Guy: Sa anong paraan ka gumuguhit, is it through your imaginations? O sa pamamagitan ng mga magagandang tanawin?
Sweet Mystery: Both, but mostly through my imaginations.
Metal Head Guy: Wow, hindi ko kasi kaya ang gumuhit through my imagination.
Sweet Mystery: I can appreciate more my drawing if it is through my imaginations.
Metal Head Guy: Natry mo na bang magkamali?
Sweet Mystery: Of course. I gain more skills after taking a mistake.
Metal Head Guy: Tama, parte na talaga yan ng buhay.
Sweet Mystery: Ika nga, experience is the best teacher. Pero alam mo, kakaiba ka rin no?
Metal Head Guy: Bakit naman?
Sweet Mystery: Basta parang naiiba yung prinsipyo at luyunin mo kung ikukumpara sa iba.
Metal Head Guy: Siguro ganon din ang iba pero hindi mo lang napapansin.
Sweet Mystery: Ikaw siguro ang Valedictorian sa inyo no?
Metal Head Guy: How I wish na ako nga.
Sweet Mystery: Ows.. Dinedeny mo pa.
Metal Head Guy: Sa totoo lang, hindi talaga ako. Matalino lang siguro ako sa sarili kong pamamaraan.
Sweet Mystery: Okey, so ganon pala.
Metal Head Guy: So, out muna ako ha, kailangan ko pang magprepare ng tanghalian. See yah.
Sweet Mystery: Sige, bye.

---

Medyo maggagabi na at kailangan ko nang pumunta sa Aquaintance Party kaya nagbihis na ako ng best dress ko. Simple pero eligante ang dating. Hindi naman sa pagmamayabang, pero medyo pumogi ako ngayong gabi.

Pagbaba ko ng kuwarto ko'y...

"Ma, Pa? Bakit ganyan ang bihis niyo? Saan kayo pupunta?" tanong ko sabay tingin sa kanila mula ulo hanggang paa.
"Sid, may sasabihin sana kami sayo. Makikinig ka ba?" sabi ni Mama.
"Opo." sagot ko.
"Pwede bang ipagpaliban mo muna ang Aquaintance Party mo?" tanong ni Papa.
"Ha? Bakit naman?" tanong ko.
"Kung okey lang sana sayo. Pwede ka ba naming isama sa gaganaping party ng kompanya namin?" tanong ni Papa.

Ano? As in capital ANO!? Sigurado akong puro matatanda ang nandoon. Pano na ang Aquaintance Party?

"Marahil iniisip mong maraming matatanda na gaya namin ang nandoon. Pero may makikilala ka pa rin namang mga kaedad mo dun. Marami nga e, katulad na lamang ng mga anak ng mga katrabaho ko." sabi ni Papa.

Nababasa ba ni Papa ang pag-iisip ko? Bakit alam niyang iniisip kong puro matatanda ang nandon? Hindi na rin siguro ako magtataka kung bakit minsan may psychic ability ako, nagmana sa tatay e.

"E hindi po ba pwedeng kayo nalang?" tanong ko.
"Hindi e. Nakasaad sa Invitation na dapat magsama ng kahit isang anak lang. Alam ng mga katrabaho ko na may mga anak ako, kaya hindi pwede na hindi ka sumama." sagot ni Papa.
"Hindi ba pwedeng si Ate Nica nalang ang isama niyo?" tanong ko.

Nakita ko naman si Ate Nica na nakahiga sa sofa na parang reyna. Ngumiti siya sa akin at kumaway. Langya talaga oh.

"E sinong magbabantay ng bahay?" tanong ni Papa.

Natawa naman ako dun sa tanong ni Papa. Kasi naiisip ko tuloy na parang aso lang pala si Ate Nica, tagabantay lang ng bahay.

"Pwede namang yung aso nalang natin ang magbabantay ng bahay?" sabi ko.
"Ha? May aso ba tayo?" tanong ni Papa at natawa na talaga ako.

Ilang sandali lang ay napilit rin nila ako sa wakas na sumama sa kanila. Hindi ko alam kung anong gayuma ba ang ginamit nila sa akin.

Nakarating na rin kami sa venue ng gaganaping party, mala-five star restaurant ang dating. Malawak ito at may magandang garden sa labas. Maaliwalas ang loob at medyo marami na ang mga tao. Ni wala man lang akong kakilala.

Inisa-isa pa namin ang lahat ng table para lang ipakilala ako ni Papa. Puro 'hi' at 'hello' nalang ang nasasabi ko.

Naaout of place ako dito. Feeling ko tuloy nasa Neptune ako, samantalang sila'y nasa Saturn. Wala na akong ibang ginawa kundi kumain at makinig sa bungangerang emcee. Pakikinig ba ang tawag dun? Marahil hindi, kasi hindi naman pumapasok sa tenga ko yung sinasabi ng emcee.

Hindi na ko nakatiis, makapunta nga sa labas. Buti pa dun, malamig at tahimik.

"O, saan ka pupunta?" tanong ni Mama.
"Titingnan ko lang yung garden sa labas." sagot ko.
"Kunin mo 'tong jacket baka malamigan ka." sabi ni Mama at kinuha ko naman yung jacket.

Pagdating ko sa garden, may nakita akong nakaupo na babae sa may swing. Anong ginagawa niya dun? Oh no, baka naman multo yung nakikita ko ngayon?

"Lord, help me." sabi ko sabay sign of the cross.

Dahan-dahan kong nilapitan yung babae na nasa swing. Pambihira, akala ko pa naman real ghost experience na. Si Elaine lang pala. Umupo ako sa katabing swing at tiningnan ko siya.

"Ikaw pala, bakit ka nandito?" tanong ni Elaine.
"Hindi ko alam. Basta nalang akong dinala ng mga paa ko dito." sagot ko.
"Umayos ka nga. Hindi ako nakikipaglokohan sayo." sabi niya.
"Actually, naaout of place ako dun sa loob kasi wala man lang akong ni isang kakilala." sabi ko.
"Alam mo, may bad news sa school ngayon." sabi niya.
"Ano naman yun?" tanong ko.
"Hindi pa nakakarating si Jennie sa school hanggang ngayon." sagot niya.
"Hayaan mo na yun. Malaki na yun." sabi ko.
"Ano ka ba? Hindi mo ba alam na si Jennie ang representative natin sa Ms. Campus Personality? Paano na tayo, hahayaan nalang ba natin na alipustahin tayo ng mga lower year levels, mag-isip ka nga?" sabi niya at sinadya pa niya akong lapitan para lang mabatukan.
"Relax, masyado ka ng nagiging bayolente." sabi ko sabay himas sa ulo ko.
"Matanong nga kita." sabi niya.
"Ano?" tanong ko.
"Ano nga palang posisyon ng papa mo sa kompanyang pinagtatrabahuan niya?" tanong niya.
"Head Executive sa Marketing Department. Bakit?" sagot ko.
"Kasi kapag nagbiro ka pa ulit sa 'kin. Sasabihin ko sa papa ko na ifire out ang papa mo sa kompanya." sabi niya.

Napalunok ako ng laway sampung beses. Nakakagulat kasi yung mga sinabi niya.

"Teka, ano bang posisyon ng papa mo sa kompanya?" tanong ko.
"President lang naman siya." sabi niya sabay cross arm.

Ah, president lang pala. WHAT!? P-P-PRESIDENT!?

"So, ano pang tinutunganga mo diyan?" tanong niya.

Anong klaseng tanong ba naman yan? Kung makapagsalita siya ay parang alipin lang niya ako. Pero dapat pa rin akong mag-isip ng matinong isasagot dun sa tanong niya, kundi patay ako.

"Ano bang ipag-uutos mo?" tanong ko. Pwede na siguro yan.
"Ano pa ba? E di puntahan mo si Jennie sa bahay nila at sabihin mong magmadali na siya. Kasi pag hindi siya umabot sa eksaktong oras, ikaw ang mananagot." banta ni Elaine.

Grabe, bakit pa nga ba ako sumama kina Papa. Nabinyagan tuloy ako bilang alipin. Langya.

Pinuntahan ko nalang si Papa at hiningi sa kanya ang susi ng kotse.

"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong niya.
"May emergency kasi sa school namin." sagot ko.
"O ayan. Mag-ingat ka ha." sabi niya at binigay niya sa akin ang susi.

0 comments:

Post a Comment