Subscribe:

Pages

sunset

Monday, August 29, 2011

Boys Dating Girls Chapter 21: Clown

Chapter 21: Clown


Lunes na at ito ang unang araw ng foundation week namin. Yung school namin nagmukha nang perya. Bawat section at club kasi ay may inihandang booth, hindi ko naman alam kung para saan talaga ang mga 'to.

At ang naging booth ng section namin ay horror house. Oo, horror house. Yan kasi ang naisip ng mga walang hiya kong classmates.

Hindi naman ako pumayag na gawin nila akong panakot sa mga customers, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa hindi talaga bagay sa akin yung pinapagawa nila. Itong mukhang 'to gagawing lang panakot? No way!

Dahil sa ayokong magpanggap na isang nakakasindak na nilalang, minabuti ko nalang na tumulong sa pagset-up ng classroom namin, at least may contribution ako kaysa naman wala.

At ngayon nasa cafeteria ako kasama ang mga walang hiya kong katropa. Nagpatawag kasi ako ng urgent meeting sa kanila kanina. Urgent meeting talaga ha.

“Our agenda is all about our band name. Sa palagay ko we need to change our band name. Baduy kasi pakinggan.” sabi ko habang kinakain ko ang sandwich ko.
"I object! Di ba napagkasunduan na natin yun? At ano namang naging baduy dun?” tanong ni Chester.
“Para kasing nakakadiri pakinggan. Wala na kong paki sa kung anuman ang ipapalit natin basta ang importante mabago natin ang band name.” sagot ko habang pinupunit into small pieces ang table napkin ng sandwich.
“Nakakadiri!? Haha, e kamakailan lang taas noo mo pa ngang sinabi sa amin na yun na ang magiging band name natin.” sabi ni Jonathan.
“Ah basta, pangalanan niyo na ng kahit ano ang banda natin kahit Lovethirst, Devil Corpse o Ganja pa yan, wag lang yung I Punch The Pervert. Ano, hindi pa ba kayo masaya?” sabi ko.

Bigla nalang tinakpan ni Chester ng table napkin ang mukha ko at nagtawanan silang lahat. Kawawang Sid, ginawang clown. Pambihira, mas bagay pala akong maging clown.

"Hoy gumising ka! Nakaregister na kaya yung pangalan ng banda natin. Pano mo naman papalitan yun?" tanong ni Chester.

At nagising naman ako, not literally pero para akong nalaglag sa upuan ko. Teka, hindi na pala pwedeng palitan? Pano na 'to?

Sa mga oras na 'to, parang gusto ko nang pumatay ng tao kaya bigla ko namang sinakal si Chester. Pero yung hindi masyadong mahigpit. Ayoko yatang makulong sa salang pagpatay.

"Anong sinabi mo? Hindi na pwede?" tanong ko at biglang may bumatok sa akin kaya nabitawan ko yung leeg ni Chester.
"Ano ka ba? Relax ka lang Sid." sabi ni Michael at inabutan niya ako ng softdrinks.
"Ganito kasi yan, hindi na talaga pwedeng palitan yung band name natin kahit sugurin mo pa yung management staff except nalang kung magbaback-out tayo." paliwanag ni Jonathan.
"Tsaka, alam mo bang pag pinatay mo ko para mo naring pinatay ang pag-asa ang Pilipinas." sabi ni Chester pagkatapos niyang mahimasmasan.

Ano siya? Soon-to-be-president na magpapabago ng takbo ng ekonomiya ng Pilipinas? Bilib din ako sa pangarap niya ah.

"Teka lang, I need some clarifications kung bakit gusto mong palitan ang band name natin." sabi ni Jonathan sabay inom ng softdrinks.
"Because I want change!" sabi ko habang nakawide open ang mga braso ko.

At bigla naman akong sinakal ni Jonathan na halos malagutan na ako ng hininga.

"Pambihira, sagutin mo nga ako ng maayos." sabi ni Jonathan.
"Relax ka lang Jonathan. Pero bago ko muna sabihin sa inyo ang dahilan kung bakit gusto kong palitan ang band name natin, may ikikuwento muna ako sa inyo." sabi ko habang hinahabol ang hininga ko.

Alam niyo ba kung ano yung kinuwento ko sa kanila? Yung malicious guestroom incident lang naman na nangyari noong sabado sa bahay nina Grace. Akala niyo siguro ikukuwento ko sa kanila yung tungkol kay pagong at matsing no?

"Get lost, pervert!" sabi ni Jonathan sabay sampal sa pisngi ko.

Pambihira, sa kabila ng pagdadalamhati ko, nagawa pa niyang gayahin si Jennie para lang insultuhin ako.

Pinagtawanan naman nila ako. At tuluyan na talaga akong naging clown. Pambihira, akala ko pa naman makikipagsimpatiya sila sa akin. Anong klaseng kaibigan kayo!

"Yan ba ang naging dahilan kung ba't gusto mong palitan ang band name natin?" tanong ni Chester.
"Halata naman. Bakit ko naman ikikuwento sa inyo yun kung hindi naman connected sa usapan natin." sabi ko.
"Ang pinakamasaklap lang talaga sa nangyari sayo ay yung pinakamalan ka niyang rappist." sabi ni Michael.

I haven't heard Jennie called me a rappist. Okey lang siguro kung pervert, pero rappist? No way!

"Alam niyo ba yung pakiramdam na gusto mong pumatay ng tao? Ako na nga ang tumulong sa kanya, ako pa ang naging kulelat." sabi ko sabay hagis ng straw sa trash bin.
"If that's the case, napakasimpleng solution lang ang para diyan." sabi ni Jonathan sabay cross arms.
"Ikaw? Makakaisip ng solusyon?" tanong ko habang tinuturo si Jonathan.
"Ipaliwanag mo lang sa kanya ang lahat. Solve ang problem mo." sabi ni Jonathan.
"Ganon nga sana yung mangyayari kaso bigla niya akong sinampal na halos ikamatay ko na!" sabi ko sabay punit into small pieces sa mga table napkin ng sandwich nila.

Bigla nalang akong sinakal ni Michael. Hindi ko alam kung ba't naging trending ngayon ang pananakal.

"Mag-isip ka nga, pwede ka namang magpaliwanag sa kanya ngayon." sabi ni Michael.
"Pwede nga pero baka sampalin lang niya ulit ako." sabi ko.
"Hindi mo pa nga nasusubukan. At kung inosente ka nga dun sa ginawa mo, hindi ka mag-aalinlangan na lapitan siya ngayon upang magpaliwanag." sabi ni Michael.
"Ayoko nga. Mas gugustuhin ko pang magpabugbog sa inyo kaysa magpasampal sa kanya." sabi ko.
"You mean na mas malakas pa yung sampal ni Jennie kaysa sa mga suntok namin?" tanong ni Jonathan.
"Oo." sagot ko.
"O baka gusto mo lang ng sample?" tanong ni Jonathan sabay taas ng kanyang kamao.
"No need. Hindi lang rin naman ako masasaktan sa suntok mo." sagot ko sabay ngisi.

Bigla naman kaming inawat ni Chester. Salamat naman at inawat niya kami, kundi baka mapatay ko pa 'tong si Jonathan ng wala sa oras.

"Hoy kayong dalawa, mamaya niyo na muna asikasuhin yan." sabi ni Chester.
"Alam mo, Sid. Hindi ko nakikita sayo yung poot at galit kay Jennie. At imbes na magalit ka, mukha masaya ka pa yata ngayon." sabi ni Michael.
"Tama ka, Michael. Hindi ako galit, I'm very angry lang." sabi ko sabay sarado ng dalawa kong kamao.

Nakita ko naman sa mga mukha nila ang pagtataka. Sino bang hindi magtataka dun sa sinabi ko.

"Parehas lang naman yun." sabi ni Jonathan.
"Ewan ko nga sayo, Sid. Kung gusto mong tulungan ka namin diyan sa problema mo, magseryoso ka muna." sabi ni Michael.

Seryoso na nga eh. Ano ba ang salitang seryoso para sa kanya?

"O, ayan seryoso na." sabi ko.
"Bitawan mo muna yang hawak mo." sabi ni Michael at binitawan ko naman yung hawak kong table napkin.
"Alam ko na. Ano kaya kung kina Grace ka nalang magpaliwanag?" tanong ni Chester.
"Ano namang magagawa ni Grace dito sa problema ni Sid?" tanong ni Jonathan.
"Ano bang alam mo kina Grace at Jennie? Di ba magkaibigan? Common sense naman." sabi ni Chester.

May punto din si Chester. Akala ko hindi siya marunong mag-isip. Hay, kahit kailan ang galing ko talaga pagdating sa pangmamaliit.

"Tama si Chester. Mas mabuti nga siguro kung sina Grace ang pagsasabihan ko." sabi ko.
"Ang problema ay kung okey lang ba kay Michael?" tanong ni Jonathan sabay tingin kay Michael.
"Anong klaseng tanong ba naman yan. Siyempre, okey lang sa kin no." sabi ni Michael.
"Yoohoo. Tapos na rin ang problema ni Sid!" sabi ni Chester.

At sinaboy niya sa akin yung mga pinunit kong table napkin kanina at nagmistulang umuulan ng mga confete. Ano ako? Jackpot winner?

Bumalik na kami sa aming classroom na ngayon ay ginawang horror house. Akalain mo, pinipilahan na ng marami ang horror house namin. Ang galing kasi ng mga nagset-up lalo na yung Sid ang pangalan.

"Hoy, kayong apat!" sigaw ni Jasmin, yung nagmamanage ng horror house namin ngayon.
"Kami?" tanong ko.
"E di sino pa nga ba?" tanong niya at lumapit naman kami.
"Ano yun?" tanong ko.
"Kailangan namin ng tatlong magpapalit dun sa tatlong multo kanina." sabi niya.
"Tatlo lang pala e. Sige, mauna na ako. Goodluck sa inyong tatlo." sabi ko sabay ngisi.

Aalis na sana ako kaso biglang hinila ni Michael ang damit ko.

"At saan ka pupunta?" tanong ni Michael.
"Jasmin, di ba tapos na ako kanina sa pagset-up ng classroom?" tanong ko.
"Oo, tapos na si Sid kaya kayong tatlo nalang." sagot ni Jasmin.
"See?" sabi ko at pinakawalan na ako ni Michael.

Nakita ko naman sina Grace sa may marriage booth at hindi nila kasama si Jennie, pagkakataon nga naman oh.

Lalapitan ko na sana sila kaso may biglang humarang sa akin na dalawang pulis. Oo, pulis nga. Nakauniporme pa nga sila. Teka, anong ginagawa nila dito?

Teka, bakit parang nakita ko na dito sa SJU yung mga mukha nila? Tama, taga dito nga sila pero bakit nakasuot sila ng uniporme ng pulis? Malay ko ba.

"We are from the jail booth department. We are arresting you because you are wearing a poloshirt with stripes" sabi ng isa.

Teka, bakit di ko alam na hinuhuli pala nila yung mga nagsusuot ng stripe poloshirt? Oo nga pala, nasa cafeteria pala kami kanina, kaya siguro hindi ko narinig. O baka naman dahil sa mga bungangerang announcers ng dedication booth kanina? Whatever.

Pinapasok naman nila ako sa isang classroom. Pambihira to o, papano ko hahanapan ng paraan yung problema ko kay Jennie kung nakakulong ako dito ngayon. To make things worst, walang kaalam alam sina Michael na nandito ako ngayon. Buti pa yung iba dito napiyansahan na.

Teka, si Jennie ba yung nakaupo dun malapit sa may bintana? Tama, si Jennie nga. Pagkakataon nga naman o pero bakit siya nandito? Hindi naman stripes yung suot niya. Malapitan nga para magkalinawan kami.

"Jennie?" sabi ko at umupo ako sa tabi niya.

Pambihira, hindi man lang siya umimik o kaya'y lumingon sa akin. Para namang hindi Jennie yung pangalan niya.

"Jennie, alam kong galit ka sa akin pero mas galit ako sa iyo." sabi ko at nakuha ko rin sa wakas ang atensyon niya.
"Pwede ba, wag mo ngang dagdagan yung problema ko. At please lang, keep your distance kung ayaw mong masampal ulit kita." sabi niya at kumunot ang noo niya.

Lumayo naman ako ng konti gaya ng sinabi niya. Sino ba namang hindi lalayo kung alam mong kasing sakit ng palo ng baseball bat yung sampal niya?

"Hay, nasayang tuloy yung bagong damit ko na sinukhan mo lang. Nagsisi nga ako kung bakit kita dinala sa guestroom. Okey lang naman na hayaan kitang matulog dun sa sofa. Ayan kasi ang daming ininom, tapos ako pa tuloy 'tong may kasalanan ngayon. Muntikan pa nga akong magkastiff-neck dun sa 180 degrees na sampal mo." sabi ko sabay buntong-hininga.

Humarap siya sa akin at biglang tumawa ng napakalakas. Biruin mo, harap harapan niya akong tinawanan. Hindi ba niya nakikita na marami ang nakatingin sa kanya at pawang mga nakasuot ng stripe na damit?

At ngayo'y certified na clown na talaga ako, ang dami ko nang napatawa ngayon. Pwede ko na sigurong palitan si Mr. Bean sa kanyang palabas.

"Kawawa ka naman pala. Pero hindi ako naniniwala sayo unless you will have some evidences. At kung gusto mong patawarin kita, make a choice muna." sabi niya.

Pambihira, siya nga dapat 'tong humihingi ng tawad, pero anong nangyari? Ako itong humihingi ng tawad.

Pambihira talaga! at may nalalaman pa siyang choice. Ano yun, choice between life and death?

"What choice?" tanong ko na may halong gulat.
"Pumili ka, gagawin kitang alipin o gagawin kitang servant?" tanong niya sabay tawa ng nakakaloko.

0 comments:

Post a Comment