Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Chapter 1

Chapter 1: In Fairness

Naupo ako sa study table sabay higop ng kape. Di ko mapigilang matawa sa loob ko dahil nakita ko siyang sumimangot matapos ko siyang dedmahin.

“Niloloko mo ba ako, ha? Di ka naman mukhang nakakatakot e,” sabi ko sabay lingon sa kanya ngunit bigla nalang siyang nawala.

Laking gulat ko nang sumulpot siya sa harap ko. Naupo siya sa table at nagcross ng mga braso. Muntik na akong malaglag sa upuan dahil sa gulat. Napansin niya ito kaya sumabog siya sa tawa.

“Nagulat ba kita?” sabi niya sabay halakhak.

“Siyet. Sino ka ba talaga ha? Anong ginagawa mo dito? Tsaka, kilala ba kita? Kilala mo ba ako? Sabihin mo nga, naguguluhan na ako. Ba’t ka nagpapakita sa ‘kin? Ikaw yung nagsuicide, ano?” tanong ko.

“Pano kung sabihin ko sa ‘yong ako nga,” sabi niya at unti-unti na namang nagbabago ‘yung mukha niya.

“Di mo ba ako titigilan? Sorry kung maoffend kita ha. Pero sa totoo lang, mas nagmumukha kang baliw na multo sa ginagawa mo,” pang-aasar ko.

“Kunwari ka pa. Alam kong kinikilabutan ka na e,” ngumisi siya at nakita kong naglabasan ang mga pangil niya.

“Tumigil ka na! Wala ka bang magawa? Please lang, lubayan mo na ako!” sigaw ko.

Bumalik sa normal ang mukha niya, “Oy, ang sungit mo naman. Oh sige, titigilan ko na,”

Nagulat ako sa sinabi niya, “E bakit ka nga pala nagmumulto?”

“Wala. Ahm, ayoko lang na may kasama ako dito sa kwarto ko. Nakakainis kasi, masyado silang makalat. I want to preserve the beauty of this room tutal dito na rin lang naman ako kinulong. It’s been a year na rin since nagstart akong magmulto. Pero alam mo sa lahat ng nagtangkang magrent dito, ikaw lang ‘yung nakakakita sa akin. Ang mas nakakagulat pa e ni hindi ka man lang natakot sa ‘kin nung nagpakita ako sa ‘yo. May third eye ka ba?”

“Third eye? Anong akala mo sa ‘kin, alien?” tanong ko at sumabog siya sa tawa.

“Shunga ka rin no? As if naman di mo alam ang tungkol don. Pero sa palagay ko, may third eye ka nga. Hala, mag-ingat ka. May possibility na baka makakita ka pa ng ibang mumu. Remember, marami pang kagaya ko dito sa Earth specially dito sa Pilipinas,”

“Bakit naspecial mention ang Pilipinas?”

“Dito kasi sa Philippines, talamak ang mga hmmm let’s say mga souls na nadetain kagaya ko. In other words, kami ‘yung mga kaluluwa na binigyan ng consequence ni Lord kasi alam mo na, masyadong pasaway. Pero malay natin, baka mapabilang ka rin sa amin kapag nadeadbol ka,”

“Malabong mangyari. Wais ako e. Sabi nila a wise man learns from the mistake of others. Sa kwento mo palang, natuto na ako. Anyway, kamusta nga pala ang buhay patay?” tanong ko at natawa siya.

“Boring masyado. Walang nakakausap. At kung about sa physical ang itatanong mo? Iba talaga ang feeling compare nung nabubuhay pa ako. May big difference talaga lalo ngayon na tatlong senses lang ang gumagana sa akin. Feeling ko weightless ako. You know, parang you’re just part of the air,”

“Masarap siguro ang ganong feeling, ano? Pero di ka ba nagsisisi sa ginawa mo? Kamusta naman parents mo nang malaman nila na you commit suicide?”

“Honestly, yes umabot ako sa point ng pagsisisi. Pero di naman ganon kalala. Hindi naman ako tanga na basta-basta nalang magcocommit ng suicide. Siyempre, I have my personal reasons. Very complicated kung ipapaliwanag ko pa. Hmmn, about sa parents ko? Sad to say na di ko na sila nakita ever since na naging multo ako. How will I know their reaction kung di naman ako makalabas dito? Bwisit talaga, feeling ko pinapatay ako ng sarili kong curiousity,”

“You mean one year ka nang nakakulong dito? Tsaka, ‘yang damit mo one year mo na ring suot? How the hell na namamanage mo pa ang ganitong situation?”

“Yup. What date na ba ngayon? Di ba November 11, 2012? So almost one year na kasi I committed suicide on November 16, 2012. Regarding dito sa suot ko, ito nga pala yung sinuot ko the day na nagcommit ako ng suicide. Siguro ito na nga magiging damit ko forever. No big deal for me multo na rin lang naman ako. Di mo naitatanong, kapag naging mumu ka na pala there’s no need for you to eat, sleep or take a bath. Kumbaga kung ano ka nung mga huli mong sandali sa Earth eh yun ka na talaga forever pag naging multo ka. Tsaka, ang advantage pag naging mumu ka you will remain forever at your age,”

“Wow, ang dami kong natutunan sa ‘yo. Pero going back sa sinabi mo kanina. ‘Yung sinabi mong ayaw mong may kasama ka dito. So it means, kaya ka nagmumulto kasi tinatakot mo ‘yung mga nagrerent ng room na ‘to, right?”

“Yup,” sagot niya. “Pero alam mo sa lahat ng nagrent dito na tinakot ko, ikaw lang ‘yung nag-iisang abnormal,”

“Did I hear it right? Sinabi mong abnormal ako!?”

“Oo, abnormal ka! A-B-N-O-R-M-A-L, gets mo? Haha, sabagay di mo naman magegets kasi abnormal ka nga. Pero infairness ha, gwapo ka,” sabi niya pero masyadong malabo sa pandinig ko ‘yung huli niyang sinabi.

“Ha? Ano ulit ‘yun?” tanong ko.

“Haiyts. Abnormal ka nga talaga no?”

“Hindi. I mean yung huli mong sinabi?”

“Ah ‘yun ba? Ang sabi ko trapo ka! Trapo, ibig sabihin traditional politician. Oh, gets mo ‘yun?”

“Bakit nasali ‘yan sa usapan? Mukha ba akong pulitiko?”

“Oo, pulitiko ka. PULITIKO!” sabi niya sabay tawa ng nakakaloko habang tinuturo turo pa ako.

Napabuntong-hininga ako dahil di ko talaga siya magets, “Haaay, ewan ko sa ‘yo. Anyway, let’s go back to the topic. Ba’t mo nasabing abnormal ako?”

“Tinatanong pa ba ‘yun?” sabi niya sabay tawa ulit ng nakakaloko.

“O siya. Abnormal ako gaya mo,” sabi ko.

“Ba’t ako nasali? Normal kaya ako nung nabubuhay pa ako. O siya, para di ka na magtanong. Alam mo kasi Jeth, kaya ko nasabing abnormal ka kasi ‘yung reaksyon mo kanina taliwas sa inexpect ko. Unlike sa mga previous na nagrent dito na halos mabaliw na sa takot. Gets mo na or do I need to repeat it?”

“Teka, pano mo nalaman ang pangalan ko?”

“Siyempre nag-eavesdropping ako nung nag-uusap kayo nung landlady sa labas,”

“E ikaw, ano bang pangalan mo?”

“Haha, secret. Di ko sasabihin,” sabi niya pagkatapos ay pinandilatan niya ako.

Naalala ko yung suicide letter niya. Nakita ko sa sahig kaya agad kong pinulot.

“Oy wag,” sabi niya ngunit di naman niya magawang hawakan ang papel.

Tumalon ako sa kama at binasang muli ang mga nakasulat sa papel, “Shaniah Yulisa Villamonte?” sabi ko.

Nagdabog siya bigla, “Hala, ang daya mo! Kama ko ‘yang hinihigaan mo!”

“Ano ngayon kung kama mo? Sa ‘yo pa ba ‘to? For now, it’s mine already. Haha, mamatay ka sa inggit. Ooops, mali. Patay ka na pala no?” sabi ko at sumimangot siya kaya nakyutan ulit ako sa kanya.

“Shocks, dinungisan mo ang favorite bedsheet ko!!” sigaw niya pagkatapos ay humagulgol ng malakas.

“Manigas ka diyan Shaniah Yulisa! Haha!”

“Anong tinawag mo sa akin? Grrr, nakakainis ka. Pwede mo naman akong tawaging Shan for short!” sigaw niya.

“Oh sige, tahan na Shan,” biro ko at lalo lang siyang napikon.

“Grrr, kumag ka talaga. Sisiguraduhin kong di ka makakatulog tuwing gabi. I will make the worst nightmare for you! Tingnan natin kung di ka magback-out ng di oras dito,” sabi niya.

“Pwede bang manahimik ka na? Di ko trip makipag-usap sa mga multo e. Kawawa ka naman, hindi ba nila nilagyan ng rest in peace ‘yung puntod mo?”

“Hindi e. Pinacremate ng parents ko ‘yung body ko. Pero alam mo, narinig ko dati sa mga nagrerent dito na lasang kape daw ‘yung abo ko?” sabi niya sabay ngiti sa akin ng nakakaloko.

Napatingin ako sa mug ng kape na nasa table. Halos bumaligtad sikmura ko sa sinabi niya.

“Patay ka talaga este double dead ka sa ‘kin pag nalaman ko ang totoo sa mga sinabi mo. Tandaan mo ‘yan!”

Tumawa siya ng pagkalakas-lakas, “Engot ka rin no? Di mo na ulit ako mapapatay,”

“Ganon ba? May ibang paraan naman. Pwede naman akong maghire ng mga espiritista tapos ipapakulong kita sa garapon ng Nescafe,” sabi ko sabay tawa.

“In your dreams! As if naman kaya nilang gawin ‘yung sinasabi mo,”

Nagcross arms ako saka sinandal sa headboard ng kama ang ulo ko. Naglalaro ang isip ko sa mga sandaling ito.

“Matanong nga kita. May powers ka ba?”

Natawa siya sa tanong ko, “Anong klaseng tanong ba naman ‘yan? Siyempre, wala no. In fact nga, mas makapangyarihan pa kayong mga buhay kesa sa amin. Gumagana lahat ng senses niyo samantala ‘yung amin limited lang,” sagot niya.

“Ikaw ba may gawa nung malamig na hangin kanina?”

“Oo, ako nga. Pero correction, hindi hangin ‘yung naramdaman mo kanina. Hinawakan ko talaga ‘yung batok mo. Wala kaming kakayahang humawak ng bagay pero mararamdaman ng isang buhay na hinahawakan siya ng mumu na kagaya ko kapag may parang malamig na hangin na dumampi sa specific part ng katawan niya,” paliwanag niya.

“Itry mo nga ulit. Gusto ko ulit mafeel yung lamig na ‘yun. This time, noo ko naman hawakan mo. Marunong kang magmassage? Sensya ka na, biglang sumakit e,”

Nakita kong lumapit siya sa headboard ng kama at dahan-dahang nilagay ang mga kamay niya sa noo ko.

“Oh ayan,” sabi niya.

Lumamig nga yung part ng noo ko na hinahawakan niya. Parang dahan-dahang natatanggal ‘yung sakit ng ulo ko sa ginagawa niya.

“Shet. Malamig nga,” sabi ko sabay pikit ng mata.

“Nakita ko kanina na may laptop ka,” bigla niyang sinabi.

Napamulat ako, “Ano naman ngayon?” tanong ko.

“Wala. Gusto ko lang sana iopen ‘yung fb account ko. Gusto ko makita reactions nila after what I did,” sabi niya habang nakalagay pa rin sa noo ko ‘yung mga kamay niya.

“Sorry, ghost are not allowed to use. Pero in fairness ha, ang sarap nitong ghost therapy mo,”

Nakita ko siyang sumimangot tapos inalis bigla ang mga kamay niya sa noo ko.

“Tama na nga. Tinitake advantage mo na yata ang pagiging multo ko,”

“Wala akong sinabing ganon ah,”

Sumimangot siya, “Hmp, di porket mumu ako uutos utusan mo na ako ng ganon kadali. How dare you? Tsaka remember na utang na loob mo sa akin ang pagtira mo dito sa kwarto ko kaya ikaw dapat ang inuutusan ko,”

“Anong utang loob? Pano naman ako magkakautang na loob sa ‘yo. Haiyts, choice mo magsuicide di ba? So, kung di mo pa sana ginawa ‘yun marahil buhay ka pa rin ngayon at sa ‘yo pa rin sana ‘tong kwartong ‘to,” natahimik siya bigla dahil sa mga sinabi ko. “Usually, ganyan napapala ng mga taong mahihina ang loob na kagaya mo. Look, ano natamo mo? Wala di ba? Pero anong nawala sa ‘yo? Lahat di ba?” dagdag ko.

Lalo siyang sumimangot tapos tumingin sa mga mata ko. “Kagaya ng sinabi mo, oo choice ko nga magpakamatay. Kaya ko lang naman nagawa ‘yun kasi the burdens are too heavy already, di ko na kinaya and to make things worst, wala man lang ni isang umunawa sa sitwasyon ko that time kaya later on it came to the to point na nagblacken na ‘yung mind ko at naisip ko ang bagay na ‘yun,” paliwanag niya.

“So, what’s the sense of commiting suicide? Gusto mong maunawaan ka ng lahat? Yes, naunawaan ka nga nila. Pero anong kapalit, buhay mo di ba? It’s useless talaga kung ‘yun lang ang habol mo kasi pano mo maaappreciate ang mga apologies at unawa nila kung patay ka na? You get my point, right? Tapos at the end magsisisi rin pala. Alam mo, hindi excuse ang mga personal reasons para sabihing tanga ka’t nagawa mo ‘yun. Di mo kayang aminin kasi the pride follows tapos sinisingit mo palagi ‘yung mga personal reasons mo where in fact kung pag-iisipan mo ng maigi ang lahat ng ito, lumalabas lang na tanga ka nga. So the question is, saan mo ba talaga hinugot ‘yang katangahan mo?”

Nakita kong nagsara ang mga palad niya tapos tumingin sa akin ng masama, “Ang sakit mo naman magsalita. Ano bang alam mo sa buhay ko ha?”

Nagulat ako nung biglang tumulo ang mga luha niya. Unti-unti siyang naglaho at di nagtagal tuluyan na nga siyang nawala.

Sinandal kong muli ang ulo ko sa headboard ng kama. Sa mga sandaling ito, naririnig ko pa rin sa mga tenga ko ‘yung mga huli niyang sinabi. Di ko tuloy makuha ang tulog ko. Parang nagiguilty ako sa mga sinabi ko sa kanya kanina.

0 comments:

Post a Comment