Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Chapter 7

Chapter 7: Thank You

Nilipat ko ang tingin ko sa lalaki. Huminto siya sa paglalakad nang mapansin ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay titig sa akin.

“Who are you?”

Sa mga sandaling ito, di ko alam kung sasagutin ko ba siya o sasapakin sa mukha. Hindi ko kasi nagustuhan ang pagtitig niya sa akin. Kung makatitig kasi siya parang may malaking utang ako sa kanya.

Nilapitan ko agad siya pero siyempre nanatili pa ring kalmado ang mga galaw ko.

“Ahm, excuse me. Itatanong ko lang sana kung sa’n yung mga nakatira diyan,” sabi ko sabay turo sa bahay nina Shan.

Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. At the same time, nagbago din ang facial expression niya. Kung kanina, galit na galit ang itsura niya ngayon nama’y mukhang masayahin na.

Tumawa siya tapos tinapik tapik ako sa balikat. Aba loko ‘to ah. Wala ako sa mood para makipagbiruan sa kanya. Susumbat na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

“Nagbibiro lang ako, pre. Ah by the way, hinahanap mo siguro si Mr. Villamonte, no?” tanong niya.

Pasimple akong sumulyap kay Shan na nasa may di kalayuan. Hihingi sana ako ng tulong sa kanya, pero hindi naman niya napansin ang pagsulyap ko. Nakatingin kasi siya sa malayo at parang may malalim siyang iniisip. Nagtaka ako ng sobra dahil ugali na niyang makiusyuso kapag may kausap ako. Pero ngayon, naninibago ako kasi di man lang siya lumapit sa akin.

“Oo, tama ka,” napilitan ako na sagutin yung tanong ng lalaki.

“Sad to say, si Mr. Villamonte ay naconfine sa ospital. By the way, anong kailangan mo sa kanya?”

Di ko alam kung anong isasagot ko. Muli akong sumulyap kay Shan, pero ganon pa rin ang nakita kong itsura niya. Mapipilitan na naman ako sa pagsagot sa tanong ng lalaki. Bahala na.

“Ah. Isa akong journalist at nagtatrabaho sa isang pagawaan ng diyaryo. May kailangan lang akong itanong kay Mr. Villamonte. Pwede ko bang kunin ang address ng ospital kung nasan siya ngayon?”

Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa kagaya ng ginawa niya kanina.

Nagbago ulit ang facial expression niya, parang nagtataka na para ring natatawa. Naisip niya siguro kung anong koneksyon ng mga sinabi ko sa kanya sa kay Mr. Villamonte. Pero ano namang pakialam niya, kapit bahay lang naman siya?

“Kung ganon, Sir. I suggest na kausapin niyo nalang siya after his recovery. Malamang hindi pa niya kayang magsalita sa ngayon. Kaya useless din kung pupuntahan mo siya sa ospital,”

“Ganon ba? Pero hindi lang naman si Mr. Villamonte ang sadya ko, pati na rin ang buong pamilya niya. So, pwede ko na bang makuha ang address?”

“Ganon ba? Okey, sure. Pero yung address lang ang kaya kong ibigay sa ‘yo. Di ko kasi alam kung anong numero ng silid niya. Mas makabubuting ikaw nalang magcheck. Pero kung gusto mo, pwede mo namang kunin sa akin ang contact number ng mga kamag-anak niya nang sa ganon mas maaga mong malaman ang room number niya,”

“Ah, hindi na. Kami este ako nalang ang magchecheck. Yung address nalang ng ospital. Yun nalang kukunin ko,”

Binigay naman niya sa akin ang buong address ng ospital. Medyo may kalayuan din pala.

“Sige pre, mauna na ako. May lakad pa kasi ako,” sabi niya sabay ngiti.

Napakamot ako ng ulo, “O sige, sige. Salamat nga pala,” sabi ko at tuluyan na siyang umalis.

Nilapitan ko si Shan, “May problema ka yata?”

“Wala,”

“Sigurado ka?”

“Iniisip ko lang kung nasan sila at anong ginagawa nila ngayon. By the way, kamusta? Anong sinabi sa ‘yo?”

“Di ka ba nakinig kanina?”

“Hindi e,”

“Kilala mo yun?”

“Hindi rin. Bakit? May nabanggit ba siya na tungkol sa ‘kin?”

“Wala naman. Pero kapit bahay mo yun. Panong di mo kilala?”

“Bagong lipat malamang. Almost one year akong hindi nakalabas ng kwarto, kaya wala na masyado akong update sa mga nangyayari sa labas. So, anong pinag-usapan niyo kanina?”

“Tinanong ko lang kung nasan sila. Pero alam mo, habang nag-uusap kami, napansin kong sobrang weird niya. Akala ko nung una suplado pero nalaman kong mabait naman pala. Kasi binigay naman niya sa akin ang address ng ospital. Kung makatitig kasi yung lalaking yun kanina akala ko nanghahamon ng suntukan. Pero nung tinanong ko siya, nag---,””

“Jeth, hindi naman siya ang sadya natin dito. Please tell me kung anong sinabi niya about kay Dad,”

“Shan. I’m sorry to tell you, ang sinabi niya sa akin nasa ospital daw ang Dad mo,”

Gulat ang itsura niya habang nakatingin sa akin, “Anong nangyari? Tinanong mo ba?”

“Hindi. Pero sabi niya nakaconfine daw. Nalimutan kong itanong kung bakit. Dapat kasi nandon ka kanina nung nag-uusap kami para mapaalala mo sa akin ang tanong na ‘yan. Ano ba kasing nangyari sa ‘yo? Kanina ka pa di umaalis diyan at parang ang layo ng nilapad ng isip mo simula kanina. Sabihin mo nga, may problema ka ba? Parang may tinatago ka kasi sa akin e,” sabi ko sabay himas sa baba ko.

Tulala ulit siya, “Worried lang talaga ako bout sa family ko. Nung nabubuhay pa kasi ako at before ako umalis ng bahay, wala naman akong napansing kakaiba sa kalusugan niya,”

Rumireflect sa sinabi niya ang itsura niya ngayon. Sa lahat ng pagkakataong magkasama kami, ngayon ko lang siya nakitang ganito kaworried.

“So, anong plano mo ngayon?” tanong ko.

“Gusto kong makita si Dad. Gusto kong malaman kung anong sakit niya. Jeth, matutulungan mo ba ako?”

“Oo naman, as always Shan. Tara, puntahan na natin yung ospital na sinabi ng lalaki kanina,” sabi ko at inalok ko siyang maglakad.

“Jeth, alam mo, pinapagaan mo ang loob ko. Hindi ko alam kung pano kita masusuklian sa lahat ng tulong na ginawa mo. I’m talking to you seriously,”

Nabigla ako sa sinabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad. Tinitigan ko siya sandali. May gusto din akong sabihin sa kanya pero parang may pumimigil sa mga labi ko para magbuka.

“May problema?” tanong niya.

Hindi na ako nagsalita sa halip ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Dala ko pa rin ang pakiramdam na dulot ng sinabi niya.

Naglakad kami ni Shan papuntang gate ng subdivision. Tamang-tama lang dahil may mga taxing nakaparada dito.

“May pamasahe ka pa ba? Kasya pa ba papuntang ospital? Mga eight miles din ‘yun mula dito,”

Sinilip ko ang pitaka ko, “Yah, kulang nga at sa tingin ko pang last ride na ‘to. Don’t worry, magpapadrop tayo kay manong sa malapit na ATM machine,”

Kagaya nung kanina, tahimik ulit kami sa loob ng taxi. Walang nag-imikan at tanging music sa taxi ang tanging ingay na maririnig sa loob. Pwede ko naman siyang kausapin kasi nakasalpak naman ang earphones sa tenga ko pero wala lang talaga akong lakas ng loob para mag-open ng kwento.

Huminto kami sa tapat ng mga nakahanay na ATM machine. Ang bait ni manong driver kasi hinintay pa niya kaming matapos sa pagwiwithdraw kahit na nakapagbayad na ako sa kanya para sa ride kanina.

Muli kaming pumasok ng taxi at gaya nung kanina, wala pa ring ni isang umimik. Tumutugtog sa mga sandaling ito ang kanta ni Taylor Swift na may pamagat na Back To December. Nalaman ko ang pamagat nito kasi hindi sa avid fan ako ni Taylor Swift kundi dahil sa nabanggit ng DJ ng FM Station ang title ng kanta bago niya ito pinatugtog.

Bagay na bagay ang kanta sa sitwasyon ni Shan. Speaking of Shan, nakita ko siyang nakatingin sa labas ng windshield. Balisa ang itsura niya at pakiramdam ko may malalim siyang iniisip ngayon. Sa totoo lang, ngayon ko lang talaga siya nakitang nagkakaganito.

Naiinip na talaga ako kaya ako na mismo ang bumasag ng katahimikan.

“Shan, pano kung di naman kagaya ng mga sinabi mo ang itinanong nila sa ‘kin. Anong isasagot ko? Hindi pa nga natin alam kung aabot ba ako sa ganong punto kasi baka hindi nila ako pagbigyan. Kasi tingnan mo nga kung sino ako sa paningin nila? Hindi ko sila lubos na kilala at lalo rin sila sa akin. Siyet, mahirap yata ‘yang pinapagawa mo,”

“Jeth, sorry talaga at nadamay pa kita. Wala na kasi akong ibang malalapitan. Obvious naman siguro yun di ba? Wag kang mag-alala, babawi ako sa yo next time. Pero kung gusto mo, pwede ka namang magback-out at aasikasuhin ko nalang mag-isa itong problema ko,” malungkot niyang sinabi sa akin.

Napabuntong hininga ako, “Sana kanina mo pa ‘yan sinabi. Ano nang magagawa ko, nandito na tayo?” sabi ko kaya mas lalo lang siyang nalungkot.

Hindi nagtagal, nakarating na kami ng Quezon City. Pinarada ni manong ang kotse pagkatapos ay bumaba na kami.

Matamlay si Shan nang pumasok kami ng ospital. Nagtanong kami sa management kung anong number ng silid ng Dad ni Shan. Hindi naman nila ito pinagkait sa amin.

Hindi nagtagal, nasa harap na kami ng mismong silid. Pareho kaming napabuntong-hininga.

“Ano nang gagawin natin?” tanong ko.

“Hindi ko nga alam e,” sagot siya.

Napabuntong hininga ulit ako at naupo sa kalapit na mahabang upuan. Natahimik ulit kami. Napansin ko siyang palakad-lakad sa harap ko at di talaga mapakali. Hindi nagtagal, nairita na ako sa ginagawa niya.

Sinalpak ko ang mga earphone sa tenga ko, “Pwede ba, itigil mo nga yan!” sigaw ko sabay na tumayo at naglakad.

Nabigla siya sa sinabi ko, “Jeth, saan ka pupunta?” tanong niya.

“Magbabanyo lang. Huwag kang mag-alala, babalikan kita dito,” sagot ko.

Nandito ako sa may hallway ngayon. Nagsinungaling ako kay Shan kasi wala naman talaga akong balak na magpunta ng banyo. Naasiwa lang talaga ako sa pinapakita niyang pag-aalala sa ama niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa di ko namalayan na nasa may lobby na pala ako ng ospital. Nahagip ng mata ko sa may di kalayuan ang isang pamilyar na babae. Sinundan ko agad ng tingin ang naturang babae.

Nagkasalubong kami at nilagpasan lang niya ako. Hindi ako nagkakamali, siya nga. Ngunit bago pa man siya makalayo ng lubusan, tinawag ko siya. Wala na akong pakialam kung ano mang isipin niya at ng mga taong nandito.

“Miss Villamonte,” sigaw ko.

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Mga ilang sigundo rin siyang tumitig. Kakaiba ang tingin niya at tila kinikilatis ang bawat detalye ng mukha ko. Sa palagay ko, hindi nga ako nagkamali sa pagtawag.

Lumapit siya sa akin, “Sino ka? Ba’t mo ako kilala?”

Gumanti rin ako ng tingin sa kanya, “Ikaw ang step sister si Shaniah?” tanong ko.

Bigla niya akong hinila patungo sa isang lugar ng hospital na wala masyadong tao.

“Sino ka? Bakit mo kilala ang kapatid ko?” tanong niya.

“Jethro ang pangalan ko at dating kaibigan ng kapatid mong si Shan,”

Nagcross ang kanyang mga braso, “Jethro?”

“Jethro Ricafuente. Tungkol sa kapatid mo, alam mo b---”

“Kaano-ano mo si Alfonso Ricafuente?” tanong niya.

“He’s my father. Bakit?”

Nabigla siya pagkatapos ng sinabi ko. Hinawakan niya ako ra magkabilang balikat, “Tell me, ano bang alam mo sa mga nangyayari ngayon?”

Nagtaka naman ako sa sinabi niya, “Wala. Hindi ko alam,”

Nag-iba ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Sa totoo lang, naguguluhan ako sa mga sandaling ito. Naglakad siya palibot sa akin. Sinundan ko naman siya ng tingin.

“Well, Mr. Jethro. According to my Dad’s legal counsel, Alfonso Ricafuente is one of the main suspect in the crime that happened six years ago. Alam mo ba yun? Malamang because he’s your father. Pero ang nakakagulat, up to now in due process ang kasong ito. Alam mo kung bakit? Kasi naduduwag ito si Alfonso at sa tuwing nagkakaroon ng hearing, wala siyang ibang alam kundi ang manuhol ng representative at mga pipitsuging legal counsel,”

Nagimbal ako dahil sa sinabi niya at parang nayanig yata ang utak ko dito.

“Seryoso ka ba? My Dad is a Legal Practitioner. Alam niya ang tama at mali sa mga ginagawa niya. Kaya imposible ang lahat ng mga sinasabi mo?”

Sumingkit pa lalo ang mga mata niya at patuloy pa rin siya sa paglalakad, “Saan ba ang Dad mo ngayon?”

“Out in this country. He’s already a barrister somewhere in Europe,” sagot ko.

“How about your Mom?”

“She’s dead already,”

“Nadawit din ang Dad mo sa isang issue kung saan he sign an authorization para sa isang courier na hindi alam ng lahat na ang laman nito ay pawang mga drogang pinuslit galing sa ibang bansa. How was that for you Mr. Jethro?”

“Teka, wala akong alam sa mga sinasabi mo. Huwag mo ngang gawing kalokohan ang buhay ng Dad ko! Walang kang patunay sa mga binibintang mo!”

“Oh really, bakit ka nandito? And what’s the story behind you and my sister?” tumigil siya sa harap ko at tinitigan ako ng masama.

“She’s my late friend,”

“Nililigawan mo ba dati ang sister ko?”

“No, friends lang. No more no less,”

“So bakit ka pa nandito?”

“Nagpaparamdam ang ka---”

“Shsh. Wala ako sa mood para sakyan ang mga joke mo ngayon. Anyway, wala kang dapat ipag-alala. Wala akong pinapanigan ngayon. Kalimutan na nating nag-usap tayo,” sabi niya sabay talikod.

“Wait. Do you love your sister?”

Lumingon siya sa akin, “Not really,” sagot niya kaya nagulat ako.

“Ganon? E di pakamatay ka na rin,” sabi ko.

Bumalik siya sa harap ko, “What did you say?”

Hindi ko siya sinagot sa halip ay naglakad na ako palayo. Tulala ako sa mga sandaling ito. Mag-isa lang akong naglalakad ngayon sa hallway ng ospital. Pagkatapos ng ilang minuto, nakita ko ang sarili kong nakatayo mga five meters away mula sa room ng Dad ni Shan.

Gaya ng inaasahan ko, nandon pa rin si Shan at malamang nag-aantay pa rin sa akin. Medyo guilty ako pero kahati naman nito ang sama ng loob na dinulot ng mga narinig ko mula sa kapatid ni Shan kanina.

Nakalagay sa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay ko habang nakatungo ang aking ulo. Hindi na ako lumapit dahil nakita ko sa may di kalayuan ang kapatid ni Shan. Mukhang hindi niya ako napansin kasi direstso lang siyang pumasok ng room. Samantala, walang nagawa si Shan kundi panuorin lang na pumasok ang kanyang kapatid.

Napansin ako ni Shan kaya agad siyang tumakbo palapit sa akin.

“Jeth, san ka ba talaga galing? Your so late. Ayan tuloy, sinayang mo ang oppurtunity na makausap si Ate,”

Hindi ako umimik. Tumingin ako sa mga mata niya at bahagya ko siyang nginitian.

“Sorry, may tumawag kasi kanina sa phone ko,”

“Okey ka lang?” tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya, “Wag kang mag-alala. Nakasalubong at nakausap ko ang Ate mo kanina and she told me na your father is in the state of recovery already. Hindi niya sinabi kung anong sakit pero hindi na yun mahalaga. Ang importante ay ang kanyang lagay ngayon. Tara, let’s go home,” sabi ko at nauna na akong naglakad.

“Jeth!” sigaw niya.

Lumingon ako, “Bakit?”

“Thank you,”

--- END OF CHAPTER 7 ---

0 comments:

Post a Comment