Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Chapter 3

Chapter 3: May Good Side Ka Rin Pala No?

Kinabukasan, naalimpungatan ako kasi naramdaman kong parang may malamig na bagay malapit sa may paanan ko. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin si Shan na nakaupo sa dulo ng kama. Teka, tama bang tawagin ko siya sa pangalan niya? Anyway, wala namang masama kasi minsan na rin naman niya ako tinawag sa pangalan ko.

Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin nang mapansing gising na ako. Ngumiti siya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Nagstretch ako sabay hikab, “Anong nginiti ngiti mo diyan? Umalis ka nga sa harap ko, shuuu!”

Nagtaka ako dahil imbes na mainis siya sa sinabi ko ay mas lalo pang lumawak ang ngiti niya sa kanyang labi.

“Oh my God, Jeth. May good news ako!” sabi niya sabay tili.

Tinaasan ko siya ng kilay, “Ano namang paki ko?”

“Eto naman o, masyadong killjoy. Please bear with me, kahit ngayon lang. Ang saya saya ko kasi!!!” sabi niya sabay talon at tili.

“Stop, please! Hindi ako interesado!” sigaw ko.

“Jeth, malaya na ako! I’m free! Pwede na akong lumabas ng kwarto! Ang saya saya ko talaga!”

“Talaga lang ha,” sabi ko na may pagdududa pa sa sinabi niya.

“Yes, hindi ako nagbibiro. Gusto mo patunayan ko?”

“Sige nga,”

“Okey, manuod ka,” sabi niya.

Lumapit siya sa may dingding. Nagulat ako dahil bigla siyang lumusot dito at nawala. Seryoso nga siya at hindi nagbibiro. Isang minuto ang lumipas, hindi pa rin siya bumabalik.

“Bulaga!!”

“Waaahh, syet!” sigaw ko bigla.

Nagulat ako nang bigla siyang lumabas sa dingding na nasa may headbord ng kama ko. Tawa siyang ng tawa dahil sa naging reaksyon ko. Tama bang pagtawanan niya ako ng ganon?

“Ba’t ang bilis mo magulat? Pero nung tinakot kita, di ka man lang natakot. Nakakalito talaga ang ugali mo,” sabi niya.

“Anong pakialam mo kung pinanganak akong ganon, ha?”

Sumimangot siya, “Suplado. Nagtatanong lang naman, hmmnp,” sabi niya sabay irap.

“Pero wow good timing yung good news mo ah. Tamang-tama lang sa pagdating ko. So, anong pang hinihintay mo? mag-alsa balutan ka na at lumayas ka na dito!” sigaw ko.

“Ganyan ba talaga ugali mo? Watta selfish. Hmmp, di bale wala ka pa rin namang magagawa. Whether you like it or not, I will stay here. Kasi first of all, kwarto ko ‘to. Another thing is sampid ka lang at wala kang karapatan paalisin ako dito. You get me?”

“Bahala ka. Basta, this room is mine already. Kumontra ka nang madobol dead kita,” banta ko.

Kumunot bigla ang noo niya, “Huh. Arrogant! Pathetic! Selfish!” sigaw niya.

“Call me whatever you want. The room is mine from now on,” sabi ko sabay halakhak.

Halata sa mukha niya na naasar siya sa mga sinabi ko. Galit na galit ang itsura niya at kulang nalang ay umusok ang ilong niya.

“Sayong sayo na! I hate you, bwisit!” sabi niya sabay irap at isang magarbong walk-out ang ginawa niya pagkatapos.

Nagkibit balikat nalang ako, “Nice one, Jeth,” sabi ko sa isip ko sabay tawa.

Napabuntong-hininga ako. Walang pa rin siyang pinagbago simula kagabi. Hindi pa rin niya kayang sakyan ang mga pang-aasar ko.

Hindi ko na siya inisip masyado. Bahala siya sa buhay niya. Bumangon na ako at nagluto ng makakain. Pagkatapos ay nagtungo akong banyo para maligo.

Pagkahubad ko ng t-shirt, nakiliti ako bigla dahil parang may dumaan na malamig na hangin sa likod ko. Nagtaka ako kung saan galing ito. Wala namang bintana yung banyo kaya malabong hangin galing sa kalikasan yung naramdaman ko.

Napanganga ako nang mapagtanto ko kung sino ang may kagagawan ng malamig na hangin na yun.

“Syet. Ang kapal din ng mukha mo para bosohan ako. Madaya ka! Lumabas ka nga! Alam kong ikaw ‘yan,” sigaw ko pero wala namang sumagot o nagpakita sa akin.

Naisip kong guni-guni ko lang siguro ito pero syet yung malamig na hangin na ‘yun. Alam kong kagagawan niya yun. Pero bakit parang di naman ramdam yung presensya niya dito sa banyo? Mali nga siguro ang hinala. Hindi naman siguro niya ugaling mamboso. Nagdududa pa rin ako sa mga nangyayari at to make sure, di ko na talaga hinubad ang pants ko.

Pagkatapos maligo, nagtapis ako ng tuwalya at nagbihis. Bumalik ako ng kwarto para makapagsuklay. Napatalon ako sa gulat nang bumakat sa salamin ang mukha niya. At gaya ng dati, tumawa na naman siya na parang baliw.

“Siyet. Saan ka galing? Ikaw yung kanina no?”

Tinaasan niya ako ng kilay, “Ang ano?”

“Yung ano. Yung kanina sa banyo. Ikaw yun no?”

“Haah!?! Galing kaya akong garden!!! Bakit naman ako pupunta ng banyo! Ano namang gagawin ko don!?!” sigaw niya.

“Hindi. Ikaw yun e, alam ko,”

“Hindi nga sabi e,”

“Ikaw yun walang duda!”

“Ano ba? Sinabing hindi nga e. Bakit ba big deal sa ‘yo kung nasan ako kanina, ha?”

“Big deal talaga! Di ko akalain na magagawa mo ‘yun. Nakakapanghinayang talaga. Maganda ka pa naman sana. Tsk. Tsk,” sabi ko.

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko, “Anong sinabi mo!?!” sigaw niya.

“Wala. Nevermind,” sabi ko.

Nagtaka ako nang lumusot ulit siya sa dingding at nawala.

“Oh saan ka na naman pupunta? Nakalaya ka lang, nagkaganyan ka na. Hoy lumabas ka, may nasabi ba akong hindi maganda, ha?” sigaw ko sabay lingon sa paligid.

Mahigit tatlong minuto na rin ang nakalipas, hindi pa rin siya nagpapakita. Naupo ako sa kama habang inaantay ang pagsulpot niya.

Ilang saglit lang, nagulat ako dahil bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Sa pagkakataong ito, hindi na ako nagulat kasi unang-una, expect ko na gagawin niya yun at pangalawa parang nasasanay na ako sa istilo niyang panggugulat.

Lumingon siya sa akin kaya napalingon din ako sa kanya. Nakita ko siyang nagpacute sa kaya agad kong tinago ang ngiti ko.

“Jeth. Ahm, ano kasi. Ahm, namimiss ko na kasi ang outside world,” sabi niya at di pa rin maalis sa mukha niya ang ngiti niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, “Ano naman ngayon? Nasa PBB ba tayo, ha?”

Napabuntong-hininga siya, “Ayan ka na naman. Patapusin mo muna ako please,”

“Go ahead,” sabi ko sabay cross ng mga braso.

“Almost, one year na rin akong nakakulong dito. Tiniis ko ang lahat kahit mahirap. Wala na akong ibang ginawa sa loob ng kwartong ‘to kundi ang tumunganga ng magdamag. Saka lang ako nagkakaroon ng libangan kapag may naglakas loob na mangupahan dito. Siyempre, aminado akong masaya ang manakot ng mga buhay pero gaya niyo nakakaramdam din kami ng inip at pagkasawa. Pero wala naman akong dapat sisihin kasi kasalanan ko naman talaga ang lahat at karapat-dapat lang naman parusahan ako ng ganon. So, ayun, namiss ko lang bigla ang outside world,” sabi niya sabay ngisi.

“Akala ko ba may mahalaga kang sasabihin?” tanong ko sabay taas ng kilay.

“Meron. Pero baka di mo naman ako pagbigyan. Alam ko na ugali mo so much better siguro na di ko nalang ito sabihin sa ‘yo,” sabi niya.

Huminga ako ng malalim, “Sige na, sabihin mo na bago pa magbago ang isip ko,”

“Ayoko. Alam kong kahit magmakaawa pa ako, hindi mo talaga ako pagbibigyan,” sabi niya at nakita kong sumimangot siya.

Siyet. Kakaiba talaga ang simangot niya. Parang may ibang hatid sa akin. Ngayon napagtanto ko na, ito nga ang dahilan kung bakit hindi ako makatanggi sa mga gusto niya.

Huminga ulit ako ng malalim at tumingin sa kanya ng seryoso, “Honestly, yung pinapakita kong ugali sa yo that’s my bad side. Pero alam mo, kahit gano pa ako ka-arrogant, ka-pathetic at ka-selfish gaya ng sinabi mo, you cannot deny na may good side din ako,” sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko, “Wow. Are you serious? Ikaw pa ba ‘yan?”

“Haha, nagulat ka no? Ganyan ako kapag I’m in my good side. Back to your question, yes of course I’m serious. Kaya kung ano man yung gusto mong sabihin sa akin, sabihin mo na,”

Gumuhit ang napakalaking ngiti sa labi niya, “Talaga? Oh sige. Kasi Jeth, gusto ko lang naman talaga na ipasyal mo ‘ko. I almost forgot this place already. One year na rin ang lumipas at imposibleng walang nangyaring pagbabago at progress sa Philippines. Pero alam mo, di pa rin talaga ako makapaniwala. Bumait ka yata bigla, bihirang magkaganyan ka or should I say na first time ko lang makitang nagkaganyan ka,”

“Okey, tutal rest day ko naman at wala akong nakasched na subject ngayon, pagbibigyan kita. Pero next time, wag ka na magpaligoy-ligoy ha? Gusto ko direct to the point ka lagi, okey?” sabi ko.

“Sure. Pero teka, nag-aaral ka pa? Anong course mo?”

“Electronics. Ikaw?”

“BS Chem, pero sad to say I was not able to proceed in third year. Kasi alam mo na, nagpatiwakal ako. Haha, tama ba ang term?”

“Nagsuicide nalang. Parang unpleasant pakinggan yung nagpatiwakal,”

“Parehas lang naman ‘yun ah?” sabi niya at nagtawanan kami.

Sampung minuto ang lumipas, nasa labas na kami ng apartment. Tiningnan ko siya at parang tulala siya sa mga nakita niya.

“Bakit?” tanong ko.

“Wala, I miss everything outside. Kapag lumalabas kasi ako para magpunta ng school, di na bago sa akin ang ganitong view. Pero ngayon, nakakapanibago talaga,”

“Siyempre, sino namang hindi makakamiss e almost one year ka ring nakakulong sa kwarto mo. Ang saklap talaga, buti nalang at nagkwento ka balak ko pa naman sana magpakamatay noon,”

Nagulat siya sa sinabi ko, “Really? Seryoso ka? Binalak mo din ba? Pero how come na di mo natuloy?”

Nagulat siya nung tumawa ako bigla. Tiningnan niya agad ako ng masama, “Joke lang. Di ako kagaya mo no? Magkaiba kaya ang takbo ng utak natin,”

Inirapan niya ako, “Ang hilig mo magjoke. Pero ni isa, hindi ako natawa,”

“Maraming klaseng joke. May joke na nakakatawa, nakakainis at siyempre meron ding nakakasakit ng damdamin,”

“Kagaya ng mga joke mo. Hindi nakakatawa pero nakakainis at nakakasakit ng damdamin,” sabi niya sabay simangot.

“Ha? Ay sorry, di ko naman talaga intention na saktan ka. Nagkataon lang na yung mga joke ko, close to reality at saktong natamaan ka. Pero teka lang ha, saan ba tayo pupunta ngayon?”

Nagulat ako dahil bigla siyang dumikit sa akin at nagbungisngis, “Gusto ko magmalling kung okey lang sa ‘yo? Nakakamiss talaga ang buhay noon tuwing break time, papasyal pasyal lang ng mall,”

Tinaasan ko siya ng kilay, “Malling?”

“Yes, you heard me right. Gusto ko pasyal mo ko ng mall. Saan ba pinakamalapit dito? Ay oo nga pala, tara sa Bay City,”

Napakamot ako ng ulo, “Pano ‘yan. Magcocommute ako, e ikaw?”

“Sundan ko nalang yung vehicle na sasakyan mo,” sabi niya sabay kindat sa akin.

“Sigurado ka?”

“Yup. Bakit? Akala mo di ko ‘yun kaya? Nadiscover ko ang ability na ‘to a while ago,” sabi niya.

“Okey. Basta, ikaw nagsabi non ha,” sabi ko at tumango naman siya.

Pumara ako ng sasakyan. Wala pang kalahating oras, dumating na kami sa harap ng mall. Papasok kami ng entrance nang may maalala ako.

“Matanong kita, sa anong paraan ka nagsuicide? Tumalon ka ba ng building, nagbigti gamit alambre, uminom ng rugby o whatever?” tanong ko at tumawa siya.

“I take plenty of medicines at ayon siyempre naoverdose ako. Pero in fairness, napatawa mo ako ha. Naiinom pala ang rugby,” sagot niya at hindi pa rin siya makaget-over sa tawa niya.

“Again, one of my good side attitude,” sabi ko sabay ngiti.

Pinagtinginan bigla ako ng mga tao. May isang babae na lumapit sa akin. Nagulat ako siyempre.

“Excuse me, are you okey? Mag-isa ka lang pero kanina ka pa kasi nagsasalita. What happen? Is there any problem?” tanong niya.

Medyo tuliro pa ako sa mga sandaling ito, “Ah.. Ah.. Ye-yes, okey lang ako. Nagpapractice lang ako ng speech ko para sa introductory rites ng program sa school,” palusot ko at narinig ko na naman humalakhak yung multong kasama ko.

“Ah okey,” sabi nung babae at naglakad na palayo.

Napabuntong-hininga ako, “Siyet, buti nalang gumana agad yung utak ko kundi napagkamalan na sana akong baliw ngayon. Pero grabe yung babae na yun ha, nilapitan pa talaga ako,” pabulong kong sinabi.

Nakita ko si Shan na halos mabaliw na sa kakatawa, “Ayos ka lang?” bulong ko.

Umayos siya at humarap muli sa akin, “Halika, may pupuntahan tayo para di ka na nila pagkamalang baliw na nagsasalita mag-isa. Pero in fairness, napahanga mo ako. Ang galing mo magpalusot,” sabi niya at nauna siyang naglakad.

“Uy, saan tayo pupunta?” sabi ko.

Napatakip ako ng bibig ko kasi mukhang napalakas yata yung pagkakasabi ko non. Sa kasamaang palad, pinagtinginan na naman ako ng mga tao.

Siyet talaga, bakit dito pa kami nagpunta? Hiyang-hiya na ako sa sarili ko. Kanina pa ako nagiging center of attraction dito.

“Basta, sumunod ka lang kung ayaw mong pag-tinginan ka ulit nila,”

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Hindi naman kasi ako pwedeng magreklamo kasi baka tuluyan na nga akong maging baliw sa paningin ng mga tao dito.

Sa mga sandaling ito, masaya na ako. Nakakaaddict talaga siya at aminado ako don. Hindi ko alam kung bakit pero sa totoo lang, nakaramdam talaga ako ng tuwa sa loob ko nung narinig ko siyang tumawa kanina. Hindi kaya--- Siyet, huwag naman sana.

--- END OF CHAPTER 3 ---

0 comments:

Post a Comment