Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Chapter 12

In Loving Memory Of My Old Story

------------------------

Chapter 12: Sino Ka Ba Talaga Ha?

Nakatunganga ako ngayon sa harap ng lamesa. Lumilipad ang isip ko sa mga sandaling ito. Gusto kong malaman ang kalagayan niya ngayon? Kamusta na kaya siya?

Ngunit iba pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko ang mga isiniwalat ng kapatid niya. Lalo na ang tungkol sa kalagayan ng kanilang ama. Hindi dapat ako nagsinungaling sa kanya noon. Naguguluhan ako at sa parehong pagkakataon ay nakokonsensya ako.

Nakaupo sa tapat ko si Archie na panay ang tingin sa akin. Marahil ay nagtataka siya sa mga kinikilos ko ngayon.

“Bro, may problema ba?” tanong niya sabay higop ng mainit na kape.

Tiningnan ko siya. Nagkaroon ng saglit na katahimikan. “Oo, pero sa tingin ko, hindi mo naman ako matutulungan dito.”

“Hindi ba tulong ang tawag mo sa ginawa kong pagdala sa ‘yo dito?” tanong niya na may pagtataka pa sa mukha.

“Iba ito bro. Hindi mo maiintindihan kapag kinuwento ko sa ‘yo,” sabi ko.

Tumayo ako kahit na hindi ko pa nauubos yung laman ng tasa.

“O, saan ka pupunta?”

“Sa kwarto,” sabi ko sabay talikod at nagtungo sa kwarto ko.

Nagbihis ako pagkatapos ay lumabas ng apartment. Naglakad-lakad ako sa kalsada. Nakatungo ang ulo ko habang nakapamulsa naman ang mga kamay ko.

Sumunod na nalaman ko ay nasa harap na pala ako ng dati kong apartment. Ilang minuto rin akong nakatayo sa harap ng gate. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o hindi.

Huminga ako ng malalim at lumunok ng laway saka binuksan ang gate. Dumaan ako sa bahay nina Aling Eda para humingi ng pahintulot na pumasok sa dati kong kwarto. Nagkunwari ako na may naiwan akong gamit sa loob. Pinayagan naman niya ako.

Pagpasok ko ng kwarto, wala si Shan. Iba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang kwartong ito. Hindi naman talaga ako ganito dati. Nakakapanghinayang at sa isang multo pa talaga.

Naupo ako sa kama at tiningnan ang buong silid. Mabuti nalang at walang ibang umupa ng kwartong ito.

Kalahating oras ang tumagal. Hindi ko pa rin siya makita, nasan na kaya siya?

“Shan!?” sigaw ko pero walang nagpapakita o nagpaparamdam.

Tumayo ako at sumilip sa bintana. Wala din siya sa garden na madalas niyang tambayan noon. Namimiss ko siya, sa totoo lang. Ngunit iba ang sadya ko sa kanya ngayon. Nagiguilty ako tuwing naiisip ko ito. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Ngayon lang ako naguilty na ganito kagrabe sa buong buhay ko. Sana naman hindi pa huli ang lahat kapag sinabi ko ito sa kanya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag umalis ako ngayon at bumalik sa ibang araw, wala na akong magiging palusot kay Aling Eda. Sa hindi ko alam na dahilan, may bigla nalang nagflashback sa isip ko.

“Hanggang kailan ka ba mananatili dito sa mundo?”

“Hindi ko alam, Jeth. But the one above told me na dapat maging handa ako palagi.”

Bigla akong nahimasmasan. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Posible ngang ganon ang nangyari. Pero bakit parang biglaan? Huwag naman sana.

Tanghaling tapat na, nandito pa rin ako sa kwarto. Umaasang magpapakita si Shan. Pero wala akong nakitang bakas o palatandaan niya.

Lumipas ang isa pang oras, sumuko na ako. Wala na akong magagawa kung talaga bang kinuha na siya ng nasa taas.

Malungkot akong bumaba ng kwarto. Lumabas na rin ako ng apartment at naglakad-lakad sa daan habang iniisip kung nasan at kung anong nangyari kay Shan ngayon.

Habang naglalakad, may humintong kotse sa tapat ko. Nagbukas ang windshield ng backseat at laking gulat ko nang makita si Tori. Kasama niya si Zidan at yung driver nila. Kapwa sila nakangiti sa akin. Binati ko pa rin si Tori kahit sa loob ko’y nagdadalamhati ako.

“Saan bang punta mo Jeth?” tanong ni Tori.

“Wala, naglalakad-lakad lang,” sagot ko.

“Ba’t di mo kami samahan ni Zidan. Mukhang di ka naman busy,” sabi niya.

“Ay hindi na. Diyahe naman kapag sumama ako sa inyo,” tanggi ko.

“No, okey lang. Sa mall naman ang punta namin,” sabi niya sabay bukas ng pintuan ng backseat.

Dahil sa mapilit siya, hindi na ako nakatanggi. Habang nasa loob kami at umaandar ang kotse, umiral na naman ang kakulitan ni Zidan.

“Kuya, ba’t di mo kasama si Ate?” tanong niya at biglang tinakpan ni Tori ang bibig ng bata.

Tinawanan ko lang sila. Si Zidan naman ay biglang sumimangot. Pero sa loob ko, nalulungkot ako. Kasama ko ngayon si Tori pero si Shan naman ang hinahanap hanap ko.

Nalaman kong papunta lang pala ng bangko si Tori dahil mag-oopen siya ng panibagong bank account. Kaya heto na kami ngayon sa may parking lot na nasa gilid lang ng isang tanyag na bangko.

“Jeth, alam kong hindi yan makakapaghintay si Zidan kaya pinilit kitang sumama sa amin. Pwede kayong pumasyal outside but be sure nasa nandito na kayo on or before 30 minutes,” sabi ni Tori at tumango naman ako.

Sabay na kaming lumabas ni Tori. Naghiwalay din kami ng landas nung pumasok na siya ng bangko. Kaming dalawa nalang ngayon ni Zidan ang magkasama. Panay pa rin ang tanong ni Zidan tungkol kay Shan.

“Nasa apartment si Ate, nagpapahinga,” sagot ko sa kanya sabay ngiti.

Nagpunta kami ng mall dahil malapit lang naman ito. Binilhan ko siya ng ice cream para matahimik siya at naglakad-lakad kami pampalipas ng oras.

Sa may di kalayuan, sa bandang kanan ko, may napansin akong lalaking nakatitig sa akin. Kapuna puna ang itsura at pananamit niya.

Masama ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang galit itong lalaki ngayon. Ni hindi ko nga siya kilala kaya imposibleng may nagawa akong kasalanan sa kanya.

Ngunit hindi ako nagpatalo at gumanti din ako ng titig sa kanya.

Namumutla ang balat ng lalaki. Suot niya ay barong at itim na trauser. Nakakapagtaka, bakit ito pumasyal ng mall na ganyan ang suot?

Nagpatuloy kami ni Zidan sa paglalakad. Sinundan ko ng tingin yung kahina hinalang lalaki. Pareho pa rin kaming nakatitig sa isa’t isa.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na biglang hinila ni Zidan ang kamay ko kaya pagharap ko, may nakabangga akong babae.

“Sorry po,” paumanhin ko na may kasama pang hand gesture.

Inangat ng babae ang kanyang ulo at nakita ko ang kanyang pamilyar na mukha.

“Jeth?”

“Yhuniz?”

“Yeah, ako nga,” sabi niya sabay ngiti.

Bigla kong nakita ang kapuna punang lalaki sa likod ni Yhuniz. Sino ba ito? Nagulat ako dahil panay ang hila ni Zidan sa dulo ng shirt ko.

“Sino ‘yang little boy na kasama mo? Oh, bakit mukhang takot na takot siya?” tanong ni Yhuniz.

“Kapatid siya ng kaibigan ko,” sabi ko sabay ngiti.

Isang malakas na paghila sa damit ko ang bigla kong naramdaman ko at halos ikapunit na ito ng tela. Nagtawanan kami ni Yhuniz ngunit napatigil ako dahil napansin kong parang seryoso talaga si Zidan.

Nandon pa rin sa likod ni Yhuniz yung lalaking kahina hinala. Napansin kong nakatitig don si Zidan. Pasimple kong tiningnan ang mga paa ng lalaki at laking gulat ko nang makitang nakalutang ito.

Naiintindihan ko na, multo ang lalaking ‘to kaya ngayo’y takot na takot si Zidan.

“Jeth, may problema ba?” tanong bigla ni Yhuniz nang mapansin niya ang mukha kong balisa.

Nakita ko yung lalaki. Di maipaliwanag ang mukha niya. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin. Mukhang galit pero kapansin pansin ang kanyang malademonyong ngiti.

“Oh, may naalala ako. We need to go back na nga pala. Sige, kailangan na naming umalis ni Zidan,” sabi ko at mabilis kong kinuha ang kamay ni Zidan.

Napansin kong sumimangot si Yhuniz. Hindi siya umimik. Hinayaan lang niya kaming umalis. Wala na akong pakialam kung medyo naging rude ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya.

Mabilis ang lakad namin ni Zidan. Nahahalata ko ang takot na nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung pano ko siya pakakalmahin. Ni minsan, di ko naexperience maging babysitter.

“Kuya, may bad spirit siyang kasama,” sabi bigla ni Zidan.

Nanginginig ang boses niya. Halata talaga na takot na takot siya kahit hindi niya ito sabihin.

“Huwag mo nang isipin yon. Si kuya na ang bahala don. Promise ko, di mo na ulit makikita yung bad spirit na yun. Bumalik nalang tayo sa harap ng bangko, baka tapos na si Ate,” sabi ko.

Tamang-tama lang ang dating namin dahil kakalabas lang ng bangko ni Tori.

“Jeth, I’m done. Saan mo gusto maglunch? My treat,” tanong ni Tori sabay ngiti.

“Kahit saan nalang. Di naman ako pihikan e,” sabi ko.

Napansin niya ang takot sa mukha ni Zidan. Tinitigan niya ang bata pagkatapos ay napatingin sa akin.

“Anong nangyari?”

“Mukhang natakot yata si Zidan don sa mascott na clown,” palusot ko.

Biglang yumakap si Zidan sa binti ng Ate niya. Hinaplos naman ng marahan ni Tori ang buhok ng bata para pakalmahin ito.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para di kami makapasok ng mall. Baka makita ulit namin yung lalaki kanina. Lagot na. Kaya heto kami ngayon kumakain sa restaurant na nasa labas ng mall.

Pagkatapos maserve ng pagkain, biglang nagsalita si Tori.

“Jeth, may aaminin sana ako sa ‘yo.”

“Ano yun?”

“Promise me na hindi mo ito ipagsasabi sa iba.”

“Promise!” sabi ko sabay taas ng right hand ko at natawa silang dalawa sa ginawa ko.

Nagkaroon ng katahimikan sa table namin. Nakatingin si Tori sa kawalan at di ko matantya sa mukha niya ang gusto niyang ipahiwatig.

Nainip ako kakahintay sa sasabihin niya, kaya ako na mismo nagtanong sa kanya.

“Ano yun Tori?”

Tumingin siya sa mga mata ko. “Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako.”

“Don’t worry, hindi kita pagtatawanan kung anuman iyon. Open minded naman ako.”

“Ang sama mo naman. Seryoso ‘tong sasabihin ko.”

“Sorry. Ano nga ‘yon? Kung may problema ka, tama lang na ako ang pagsabihan mo niyan. Anyway, kung anuman ‘yan, handa akong makinig.”

“Sa tingin ko, ito na yata ang tamang panahon para sabihin ito sa ‘yo. Sawa na ako sa pagpapanggap. We do share the same vision, Jeth. About supernatural things.”

“Ha!?!”

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Napansin kong tumawa si Zidan dahil sa naging reaksyon ko.

“Nasan ‘yong babaeng multo? Bakit di mo siya kasama?”

Halos malaglag ako sa uinuupuan ko matapos marinig ang sinabi niya.

“Sinabi ko ito sa ‘yo kasi napansin ko lagi tayong nagkikita. At very awkward kung may tinatago akong sekreto, kami ni Zidan. Sawa na din ako sa pagpapalusot kapag may sinabi si Zidan tungkol sa babaeng multong kasama mo,” sabi ni Tori sabay tingin sa bata na payapang kumakain habang nakikinig sa usapan namin.

“On the first place palang, naghinala nga rin ako sa ‘yo. Panay kasi ang takip ng bibig mo sa bata sa tuwing may sinasabi itong tungkol sa multo. Pero Tori alam mo, natutuwa ako’t sinabi mo ito. Alam ko na sa una pa na may vision nga si Zidan sa mga multo. Akala ko kami lang dalawa ang ganito,” sabi ko.

“Hindi mo naman sinagot ‘yong una kong tanong?”

“Alin don?”

Napakamot ng ulo si Tori. “Nasan ‘yong multong kasama mo? Nakakapagtaka kasi di mo yata siya kasama ngayon.”

Hindi ako kumibo. Hindi ko siya sinagot sa halip ay sumubo nalang ako ng pagkain. Marahil alam na niya itong nararamdaman ko ngayon. Nagkaroon ulit ng katahimikan sa table. Ilang saglit lang ay bigla siyang nagsalita.

“Pano kayo nagkakilala?”

Huminto ako sa pagsubo pagkatapos ay tumingin sa kanya sabay hinga ng malalim.

Kinuwento ko sa kanya ang lahat tutal alam na naman niya ang lahat. Ngunit iilan lang ang ikinuwento sa kanya at medyo hinahaluan ko na rin ng kasinungalingan.

Pero sa totoo lang, parang gumaan ang pakiramdam ko nang malamang pareho pala kami ni Tori. Sa tingin ko, makakatulong siya dito sa problema ko ngayon.

“So, nahulog na ang loob mo sa kanya, right?”

Ayoko talagang aminin ito sa kanya, to think na may gusto pa naman ako sa kanya noon.

“Mahirap na ngang mahulog ang loob ko sa buhay na tao, pano pa kaya sa multo?” sabi ko.

“Alam ko. Pero di rin naman malayong mangyari. Look, madalas mo siyang kasama. Hindi lang madalas, palagi talaga.”

Ewan ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit tinatanong niya ang mga bagay na ‘to.

“May punto ka nga, pero hindi naman ganon kadali iyon. Basta, imposible talaga ‘yang mga sinasabi mo.”

“So, nasan siya ngayon? Ba’t di mo kasama? Kanina pa kita tinatanong, dinededma mo naman.”

“I don’t know,”

Tiningnan niya ako na may pagtataka pa sa mukha. “Huh?”

“That’s my problem. Hindi ko alam kung nasan siya ngayon. Pero Tori, ngayong inamin mo nang pareho tayong nakakita ng mga multo, gusto ko sanang humingi sa ‘yo ng pabor.”

“Of course naman. Ano yun?” sabi niya sabay ngiti.

Lumunok muna ako ng laway. “Matutulungan mo ba akong hanapin siya?” seryoso kong tinanong sa kanya.

Halata sa mukha niya na nagulat siya sa mga sinabi ko.

Nahimasmasan naman siya, “Ye-ye-yes, oo naman.”

“Ako din, kuya,” biglang sabat ni Zidan.

“Teka, teka. Anong dahilan ng biglaang pagkawala niya?”

“Lumipat ako ng apartment nitong huling araw lang. Kaninang umaga, dumalaw ako sa previous apartment ko at ayon nga, wala na siya.”

“Pero pano natin sisimulan?” tanong ko.

Natahimik kami pareho.

“Do you think nandito pa siya sa mundo natin right now?”

Bigla akong nasaktan sa tanong niya. Hindi nga malayong mangyari ang ibig niyang sabihin.

“Yah, tama ka.” sabi ko sa malungkot na boses.

“Pero alam mo, di talaga kita makuha. Kung wala ka talagang gusto sa kanya e dapat balewala lang sa ‘yo yung pagkawala niya. Alin ba talagang totoo?”

“Siguro, I have to move on nalang,” sabi ko at napatigil bigla nang mapagtantong nadulas ako.

Nagkabanggaan ang tingin namin at gulat na gulat na nakatitig sa isa’t isa. Sa lahat ba talaga ng pagkakataon ay ngayon pa talaga ako nadulas. Pati si Zidan ay nagulat din sa sinabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nabuking na ako.

Nagkaroon ng katahimikan sa table namin. Tinungo ko nalang ang ulo ko. Nahihiya na akong humarap sa kanya.

Bigla nalang nagsalita si Tori. “Kung ganon, e di I have to move on, too. Alam ko you have strong feelings for her,” sabi niya bigla kaya napaangat ang ulo ko ng di oras dahil sa gulat.

Nakita kong napanganga si Zidan sa sinabi ng Ate niya. Alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon namin.

Nagkatitigan kami pagkatapos ay nginitian niya ako, yung matamlay na ngiti.

Tinapos ko na ang usapan namin ni Tori at nauna na akong umuwi. Inalok pa niya akong sumabay sa kanila, pero tinanggihan ko. Ayoko na ulit siyang makita. Nalilito talaga ako sa mga oras na ito

Dumiretso ako ng kwarto ko at binuksan ko ang laptop ko. Sa sobrang pagkadesperado ko, nagsearch ako ng tungkol sa ouija board at spirit of the glass. Alam kong kabaliwan itong ginagawa ko, pero malay natin baka makatulong ito.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Dulot lang siguro ito ng labis na pag-iisip kay Shan. Kusang gumalaw ang katawan ko at sinunod lahat ng nakasaad sa instruction ng nabasa kong article sa internet.

Hating gabi na nang matapos ko ang lahat. Naiinip na ako. Dahil sa isang multo, gumagawa ako ng isang kabaliwan ngayon.

Pinatay ko na ang ilaw. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Naupo ako sa kama at huminga ng malalim. Ilang minuto din akong nanatili sa ganong posisyon.

Natinag lang ako nang may makita akong parang bumabakat na anino sa pinakamadilim na sulok ng aking kwarto. Hanep, di ko pa nga sinisimulan, dumating na agad.

Ngunit nagkamali pala ako. Dahan-dahan nagkakaroon ng hugis ang misteryong bagay sa may sulok ng kwarto ko. Napalunok ako ng laway nang maghugis tao ito.

Napaatras ako. Atras ako ng atras hanggang sa dumikit na ako sa pader. Kumurap ako. Pano nakarating dito ang mokong?

“Siyet, sino ka ba talaga ha?”

--- END OF CHAPTER 12 ---

0 comments:

Post a Comment