Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Chapter 10

Chapter 10: Close To Reality

[Author’s Point Of View]

Kinabukasan, madaling araw nang naalimpungatan si Jeth. Wala pang alas sais ay nagising na siya. Naninibago siya dahil wala si Shan sa kwarto sa mga oras na ‘to. Nakasanayan kasi niya dati na sa tuwing gumigising siya ay ang dalaga ang una niyang nasisilayan.

Humikab siya at nagstretch ng katawan. Inaantok pa rin siya pero alam niyang di na niya ulit makukuha ang tulog niya kapag pumikit uli siya kaya naisipan niyang bumangon nalang at magligpit ng higaan.

Pagbaba ng binata, dumiretso siya sa may kusina. Laking gulat niya nang makita si Shan na ngayo’y hindi na multo. Buhay na buhay talaga ang dalaga. Sa katunayan, nagluluto pa nga ito ng ulam sa kusina.

“Bakit?” tanong ng dalaga sabay bigay ng matamis na ngiti.

Hindi nakagalaw ang binata. Natulala siya nang makita ang dalaga. Pero may ibang pakiramdam na di maipaliwanag sa loob niya. Marahil ay labis lang siyang naantig sa aking ganda ng dalaga.

Nakasuot si Shan ng pambahay na damit na di kagaya ng suot niya noong siya pa ay multo. Kahit papano, lumilitaw pa rin naman ang ganda niya.

Kumurap ang binata at sinampal ng mahina ang magkabila niyang pisngi, “I-ikaw ba ‘yan Shan? Pero anong nangyari? Ba‘t buhay ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Jeth.

Nilapat ni Shan sa mesa ang chopping knife at nagpunas ng mga kamay pagkatapos ay lumapit sa binata.

Hindi nakakilos ang binata at tila naparalisa siya nang humarap ang dalaga sa kanya.

Hinawakan ni Shan ang mga kamay ni Jeth at hinila palabas ng apartment. Nabigla naman ang binata sa ginawa ng dalaga.

“Halika, don tayo sa may veranda. Ipapaliwanag ko sa ‘yo ang lahat,”

Walang nagawa ang binata kundi sumunod sa dalaga. Hinila siya ni Shan hanggang sa may veranda. Napansin ng dalaga na ayaw bitawan ni Jeth ang mga kamay niya.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Shan sa mga kamay niya at sa mukha ni Jeth. Habang tumatagal parang tumataas ang pressure sa dibdib ng dalaga at anumang oras ay maaari siyang sumabog sa sobrang kilig kaya sinenyasan niya ito na bumitaw na pero parang walang naintindihan ang binata.

Sa loob ng dalaga ay kinikilig na talaga siya. Ang hindi niya alam ay gustong-gusto din pala ito ng binata.

Masaya si Shan kahit na alam niyang hindi totoo ang lahat ng ‘to. Pero hindi na rin masama kasi alam niyang si Jeth pa rin ang kaharap niya. Ang nakakapanghinayang lang ay wala sila ngayon sa totoong mundo at panaginip lang ang lahat ng ‘to.

Pinisil pisil ng binata ang mga kamay ng dalaga, “Gusto ko pang hawakan. Sobrang lambot kasi ng mga kamay mo,”

Lalong kinilig ang dalaga dahil sa sinabi ng binata. Hindi niya pinahalata sa kaharap na kanina pa niya gustong tumili.

“Jeth, bitiwan mo na,” pamimilit ng dalaga.

“Bakit?”

“Ayoko lang ng ganito. Kasi, kasi di ako makapag-explain ng maayos kapag, kapag..”

“Kapag?”

“Kapag hawak mo mga kamay ko,” sabi ng dalaga sabay tungo ng ulo.

Naintindihan naman ito ni Jeth at sa mga sandaling ito, parang naghinala siya sa mga kilos ni Shan ngayon. Gaya ng kagustuhan ng dalaga, binitawan nga ng binata ang mga kamay nito.

Mistula namang bomba na nagdifuse ang pakiramdam ni Shan. Halos sumabog na kasi siya sa sobrang kilig kanina. Mabuti nalang at binitawan na ito ng binata dahil tiyak na mabubuking ang dalaga kapag nanatili pa ring magkahawak ang mga kamay nila. Big deal ito kay Shan dahil alam niyang may chance na maalala ni Jeth ang lahat ng nangyari ngayon kapag siya ay nagising.

Naupo silang dalawa sa railings. Inalalayan ni Jeth ang dalaga kahit na pwede namang hindi na. Nagulat naman si Shan sa ginawa ng binata. Naisip niyang marahil ay dulot lang ito ng mga nangyari kanina kaya ganito kung umasta ang binata sa sarili niyang panaginip.

Namula ang magkabilang pisngi ng dalaga nang muling mahawakan ang kamay ng binata.

“Okey ka lang?” tanong ng binata nang mapansing namumula ang dalaga.

“Oo, bakit ba kasi ang bait mo sa panaginip,” pabulong na sinabi ni Shan.

“Ha, may sinasabi ka?” tanong ng binata.

“Ah wala, wala. Natanong mo kanina kung totoo ba ang lahat ng ito di ba?”

“Yup. Pero okey ka lang ba? Namumula ka yata?”

Huminga ng malalim ang dalaga. Hindi niya sinagot ang tanong ni Jeth sa halip ay nagsimula nalang siyang magpaliwanag. “Jeth, wala ka sa totoong mundo. Panaginip lang ang lahat ng ‘to, honestly. It’s up to you kung either maniniwala ka o hindi.”

“Panaginip lang ito!? Sigurado ka!?”

“Yes, tama ang narinig mo. Nasa loob ka ng panaginip mo ngayon. Ang lugar at pangyayaring ito ay likha lamang ng subconscious mind mo. Ang tanging totoo lang dito ay ikaw at ako at ngayon, nakikipag-usap ka sa akin mismo,”

Tiningnan ng maigi ng binata ang mga palad niya pagkatapos ay dahan-dahang hinaplos ang kanyang mga pisngi. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sandaling ito kasi parang totoong ang lahat.

Napansin ng dalaga na parang hindi pa kumbinsido ang binata sa mga sinabi niya. “May kakayahan kaming pumasok sa panaginip ng mga buhay. Nabanggit ko naman siguro sa ‘yo noon ang tungkol dito di ba?”

“Talaga lang ha,” tanging nasabi ng binata habang nakatitig pa rin ito sa mga palad niya.

“Pero Jeth, may gusto lang akong ipaalala sa ‘yo. Huwag na ‘wag kang gigising nang wala ako sa tabi mo. Kapag nangyari yun, tuluyan na akong makukulong sa panaginip na ‘to at kailan man hindi mo na ako mababalikan. Paiba-iba kasi ang panaginip ng tao. Take for example, itong panaginip mo ngayon. Kapag nagising ka, tapos natulog ka ulit imposibleng mapanaginipan mo ulit ito. May mga pagkakataon na ang lugar at pangyayari ay magkatulad pero ang flow ng panaginip ay hinding hindi talaga magiging katulad ng nauna mong panaginip. Gets mo ba? Going back don sa pagkakakulong sa panaginip. Nangyari na nga pala ito sa maraming multo. Kaya nga very risky ang pumasok sa panaginip niyo,”

“Bakit ka pa pumasok kung alam mong very risky pala?”

Tinungo ng dalaga ang kanyang ulo. Hindi niya alam kung anong isasagot niya.

“Wala. Curious lang ako. Gusto ko lang makita kung anong itsura ng panaginip mo.”

“Ganon?” sabi ng binata. “Kontrolado ko ba ang panaginip ko? I mean, kung anong gusto ko mapanaginipan, masusunod ko ba?” dagdag niya.

“Hindi mo kontrolado ang mga pangyayari at lugar sa panaginip mo. Nangyayari ito randomly. Ang tanging nakokontrol mo lang ay itong mga galaw at pananalita mo. Walang pinagkaiba sa totoong mundo ang takbo ng isip at ugali mo. Kumbaga, parang nasa ibang dimensyon ka lang. Kung meron man, siguro slight lang.”

“So, sa anong paraan ako magigising,”

“Depende na ‘yan sa tao. May iba na nagigising dahil sa gulat at pagkabigla. May iba na dahil naman sa labis na takot. Merong nagigising kapag kiniliti mo. Katulad mo, meron ding nagigising kapag sinuntok mo sa mukha. Tsaka, meron ding nagigising dahil sa...”

“Dahil sa?”

“Sobrang kilig,” pabulong na sinabi ni Shan. “Pero yung iba nama’y nagigising dahil routine na talaga nila.”

“Teka, bakit mo nga pala alam ang tungkol diyan?” sabi ng binata sabay himas sa baba niya.

“Madalas akong dumalaw sa panaginip ng mga taong malakas ang loob na magrent ng kwarto ko.”

“At isa sa kanila’y nagising dahil sa sobrang kilig??”

“Ganon na nga,”

“E ano bang nangyari sa panaginip niya at kinilig siya ng sobra?”

“Gusto mo bang ikwento ko sa ‘yo? Tingin ko, di ka naman maniniwala e.”

“Sige lang, ikwento mo lang,”

“Nagpanggap akong lalaki sa panaginip niya. On the first place, plano ko talaga siyang takutin pero hindi ganon ang nangyari. Nung lumapit ako sa kanya, nagulat ako nung tumili siya at ayon nagising nga,”

“Ibig sabihin, babae yung nagrent that time.”

“Ganon na nga. May lalaki bang kinikilig sa kapwa niya lalaki?” pasarcastic na sinabi ng dalaga.

Tumawa naman ang binata, “Ano naman kayang itsura mo kapag naging lalaki ka?” tanong ng binata at muling tumawa.

“Gusto mong makita?”

“Ay naku, huwag na. Ayokong maturn off sa ‘yo,” sabi ng binata.

Natauhan ang binata sa sinabi niya. Ilang sigundo ring siyang hindi nakakilos nang marealize na nadulas ang dila niya.

Nagkunwari agad ang dalaga na hindi narinig ng maayos ang sinabi ng binata. “Teka, anong sinabi mo?” sabi niya sabay taas ng kilay.

Hindi ito sinagot ng binata sa halip ay iniba niya ang usapan. “Ah wala. Tara, lakad tayo,” sabi niya sabay baba ng railings.

Nalilito ngayon si Shan kung papayag ba siya sa alok ni Jeth. Hindi pa rin kasi siya makaget over sa sinabi ng binata kanina. Parang nabuhayan siya ng loob dahil don. Sa isip niya, may chance nga na magkagusto din sa kanya ang binata.

“Okey ka lang? Kanina ka pa tulala?” tanong ng binata.

Natauhan ang dalaga. Hiyang hiya siya sa sarili niya nang marealize niyang kanina pa siya nakatunganga sa harap ni Jeth.

“Ah sige, sige,” sabi ni Shan na may galak pa sa boses.

Katulad nung kanina, inalalalayan ulit ni Jeth si Shan sa pagbaba ng railings. Hindi pa rin mawari ng dalaga kung bakit mabait sa kanya ang binata ngayon. Ang alam kasi niya ay kung ano ang ugali ng tao sa totoong buhay ay ganon din ang ugali nito sa panaginip. Pero itong pinapakita ni Jeth ay taliwas sa inaakala niya. Subalit may chance naman na baka ito nga ang totoong ugali ng binata at sa panaginip lang niya ito kayang ipakita.

Namula ang mga pisngi ng dalaga, “Sana di ka na magising,” bulong niya.

“May sinasabi ka?”

“Ah wala, wala. Teka lang Jeth, huwag mo na akong alalayan. No need na, kaya ko na ‘to,” tanggi ng dalaga.

“Hindi, baka malaglag ka.”

Nagulat ang binata nang batukan siya ng dalaga, “Sira. Di naman ako masasaktan kung malaglag man ako.”

Hinimas ng binata ang ulo niya kahit wala namang masakit, “Kahihiyan sa part ko kapag nalaglag ka. Baka isipin mo na hindi ako nagpapakagentleman sa ‘yo,”

Lalong kinilig ang dalaga sa sinabi ng binata. Nagtataka talaga siya sa ugali ng binata ngayon. Hindi niya alam kung totohanan na ba ito o trip lang ito ni Jeth.

Nang makababa ang dalaga, tiningnan siya ng binata mula ulo hanggang paa. Napataas nalang ang kilay ng dalaga.

“Anong tinitingin tingin mo diyan?” pataray na sinabi ni Shan.

Nagulat siya nang ngumiti ang binata sa kanya. “Ah, wala. Ngayon ko lang narealize na maganda ka pala,” muling tiningnan ni Jeth ang dalaga mula ulo hanggang paa. “At sexy pa,” dagdag niya.

Kumunot ang noo ni Shan at sa isang iglap lang ay biglang naglanding ang palad niya sa pisngi ng binata. Halos umikot ng 360 degrees ang ulo ni Jeth dahil sa tindi ng pagkakasampal sa kanya ng dalaga.

Walang naramdamang sakit ang binata. Tiningnan niya ulit ang dalaga at sa hindi niya alam na dahilan, nasampal ulit siya. This time, sa kabilang pisngi naman.

Nakakunot ang noo ni Jeth nang muli siyang tumingin sa dalaga. Hawak hawak pa niya ang pisngi niyang namumula pa sa ngayon habang nakangising aso naman si Shan.

“Para saan yung pangalawa?”

“Wala, freebie yun.” sagot ng dalaga sabay tawa.

Iba ang nararamdaman ni Shan ngayon dahil imbes na maturn off siya dahil sa sinabi ng binata mas lalo pa niya itong nagugustuhan.

Lumabas sila ng apartment at naglakad-lakad. Tanging silang dalawa lang ang naririto ngayon.

“Syet. Si Tori yun di ba? Bakit nandito siya?” tanong ni Jeth sabay turo sa babaeng papalapit sa kanila.

Sumimangot ang dalaga, “Jeth, ilusyon lang ‘yan. Kaya siguro siya nandito kasi malamang panay ang isip mo sa kanya kanina. Kadalasan sa mga napapanaginipan ng tao ay yung mga bagay na parati niyang iniisip.”

“Hindi ah,”

“Aminin mo na. May gusto ka sa kanya no?”

“Wala ah,”

“Jeth, wag ka ngang umasta na parang bata. Huwag mong ikahiya ang nararamdaman mo kay Tori. Natural lang na magkagusto ka sa kanya kasi bukod sa maganda na nga siya sobrang bait pa niya.”

“Wait, ayan na siya o. Anong gagawin ko?”

“Gusto mong mawala yang kaba mo ngayon?”

“Oo,”

“Sige, watch me,” sabi ng dalaga.

Nagulat ang binata nang pumulot ang dalaga ng bato sa lupa at binato ito kay Tori. Tamang tamang pagkasapul ng ulo ni Tori ay bigla itong nawala na parang bula sa malayo.

“Bakit mo yun ginawa?” tanong ni Jeth.

“You know what, sa tanong mo na ‘yan, bistado ka na Jeth!”

“Oo na, may gusto na!” sigaw ni Jeth.

“Pero bakit hindi mo siya nililigawan. Di ba tinanong ka pa nga niya last time?”

Agad napatakip ng bibig ang dalaga pagkat siya na naman ngayon ang nadulas.

Nakatitig ang binata sa dalaga at lalo pang naningkit ang mga mata niya matapos marinig ang sinabi ng dalaga, “Teka, bakit alam mo ang tungkol diyan?”

Niyuko ni Shan ang kanyang ulo kasi nahihiya siya kay Jeth sa mga oras na ‘to. “Sorry, kung sinundan kita sa park that time.”

“Okey. Pero sa susunod huwag mo na ulit gawin yun ha?”

Nagulat si Shan dahil akala niya ay magagalit si Jeth sa kanya matapos niyang isiwalat ang katotohan sa may park noon. Kanina pa talaga niya gustong yakapin ang binata dahil sa tuwa.

Malayo-layo na rin ang nalakad nila. Hanggang sa hindi nila namalayan na nasa may dalampasigan na pala sila. Bumungad sa harap nila ang napakagandang pagsikat ng araw. Pareho silang napangiti sa hindi nila alam na dahilan.

“Shan, posible ko bang gawin dito ang mga bagay na di ko nagagawa sa totoong buhay?”

“Yup, gusto mong lumipad tayo?” alok ng dalaga.

“Huwag na,”

Tinaasan niya ng kilay ang binata, “Bakit, ayaw mo?”

“Parang di na makatotohanan kapag ganon,” sabi ng binata. “Gusto ko kasi maging close to reality ang panaginip na ‘to,”

--- END OF CHAPTER 10 ---

0 comments:

Post a Comment