Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Chapter 4

Chapter 4: Kuya, Ang Ganda Naman Ni Ate

Dinala niya ako sa isang Cellphone and Accesory Shop. Nagtaka ako kasi di ko magets kung bakit sa lahat ng pwede naming puntahan e dito pa talaga niya ako dinala at tsaka wala naman siyang sinabi sa akin na bibili siya ng cellphone. Hindi ko tuloy matantya kung anong gusto niya mangyari.

“Uy, bakit tayo nandito? May ipapabili ka siguro no? Naku naman o, sa ibang araw nalang please. Limang daan lang dala ko at di ko afford bumili ng phone ngayon para sa ‘yo,” pabulong kong sinabi.

Napatingin sa akin lahat ng mga taong kasama namin sa loob kaya medyo nahiya ako sa sarili ko.

“Duh? Mag-isip ka nga! Aanhin ko naman ang cellphone, ha? Anyway, ayaw mong magmukha kang baliw sa paningin ng mga tao di ba? So, nandito tayo kasi I have an idea kung pano natin masosolusyunan ‘yang problema mo,”

Napakamot ako ng ulo ko, “Wait. Anong solusyon naman ‘yan, ha? Sabihin mo nga dali. Grabe malulusaw na yata ako sa mga titig nila. Please, gusto ko na talaga umalis dito. Sige ka, pag di mo sinabi di na talaga kita kakausapin kahit kailan,” bulong ko at gaya ng inaasahan ko, muli kong naagaw ang atensyon ng mga tao.

Peste, nakakainis. Punong-puno na talaga ako. Sa tuwing kinakausap ko siya, palagi ko nalang nakukuha ang atensyon ng mga tao. Hiyang-hiya na ako. Di ko na talaga matitiis ‘to.

“Nandito tayo kasi bibili ka ng headset, headphone or whatever is that basta ‘yung parang may microphone. Hindi yung gamit ng mga call center agent ang tinutukoy ko ha? ‘Yung typical headset lang. Para kapag kinausap mo ‘ko, iisipin nila na may kausap ka sa phone mo. Naisip ko lang ‘tong idea na ‘to Jeth kasi halata sa itsura mo kanina na naaasiwa ka na sa mga taong panay ang titig sa ‘yo kagaya nila. Tsaka para na rin di ka nila mapagkamalang baliw na nagsasalita mag-isa. It’s up to you kung susundin mo suggestion ko o hindi. Basta next time na pagtinginan ka ulit nila, ‘wag mo na ‘kong sisihin ha?” paliwanag niya sabay kindat.

Napahimas ako sa baba ko, “Hmmnn okey not bad. Nice idea,”

Magsasalita na sana ulit si Shan ngunit isang babae na naman ang biglang lumapit sa amin. Nagulat ako dahil siya na naman ulit. Kung di niyo naalala, siya yung babae kanina sa may entrance.

“Hey, ikaw ulit. Kanina pa ako nabobother sa ‘yo. Huwag mong sabihing hanggang ngayon nagpapractice ka pa rin ng speech mo?” tanong niya at sa mga sandaling ito di ko na alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Medyo nagtaka lang kami ni Shan kasi ito na ang pangalawang beses na lumapit siya sa akin.

Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita, “Ah ah o-oo, pe-pero this time concluding rites naman pinapractice ko,” sagot ko sabay ngiti.

Tinaasan niya ako ng kilay, “Are you serious? Napakabigat naman yata ng role mo. Are you the upcoming cum laude in your school?”

“Mukha mo! Di naman ikaw kinakausap niya. Stay away! kanina ka pa umeepal sa usapan namin,” narinig kong sinabi ni Shan kaya di ko mapigilang matawa.

“May nakakatawa ba sa sinabi ko?” tanong ng babae.

“Ah... Ah... Ya-yah. Na-nakakatawa nga. Kasi akalain mo napagkamalan akong cum laude. What a big joke,” sabi ko sabay tawa.

Kahit hindi na nakakatawa, tumawa pa rin ako. Kailangan kong panindigan sa kanya yung katwiran ko.

“Ganyan ka ba talaga magsalita? Parang di ka sure sa mga sinasabi mo,”

“Jeth, tara na. You should not waste time with that girl,” narinig kong sinabi ni Shan pero di ko ito pinansin.

“Oo. Ga-ganito na ta-talaga a-ako since birth. Ahihi,” pautal-utal kong sinabi para mapanindigan ulit yung sinabi ko.

Narinig kong humalakhak ng sobra yung multong kasama ko. Di pa siya nakuntento at naupo pa sa sahig na parang baliw.

Bahagya ding tumawa yung magandang dalagang kausap ko, “Nakakatuwa ka naman. Ngayon lang ako nakakita ng taong may ganyang defect,”

“O-oo. It r-r-runs f-from the family e,” sabi ko at natawa ulit siya.

“Meaning may kamag-anak ka with the same case as yours?”

“Jeth, ano ba!?!” sigaw ni Shan ngunit dinedma ko lang ulit siya.

“Yu-yup! A-absolutely r-right!” sabi ko sabay ngiti at natawa ulit siya.

“Ganon ba? Siya nga pala, what are you doing here? Bibili ka din ba ng phone?”

“Hi-hi-hindi, bi-bibili la-lang sana a-ako ng ba-bagong headset. Na-nasira ko kasi yu-yung pinakauna ko e,” sabi ko.

“Ah, ganon ba. Ahm, wala ka bang kasama?” tanong niya.

Sumingit si Shan sa gitna namin, “Jeth, sabihin mo meron at hinihintay ka na sa carpark. Sige na, dali! Hindi siya ang sadya natin dito!” sabi ni Shan at dinedma ko lang ulit siya.

“Wa-wala e, bakit mo na-natanong?”

Nakita kong sumimangot si Shan at tiningnan ako ng masama. Bahala nga siya sa buhay niya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapapasunod niya ako.

Nakita ko siyang lumayo ng ilang hakbang at tiningnan kami na para bang hinihintay kung kailan kami matatapos sa usapan namin.

Nabaling ang atensyon ko sa babaeng kaharap ko, “Wala lang. Wala din kasi akong kasama,” sabi niya sabay ngiti.

Napangiti din ako at sa hindi namin alam na dahilan, bigla kaming sumabog sa tawa. Samantala, si Shan nama’y galit na galit at nakapamewang na nakatitig sa babae.

Lumapit siya bigla sa babae, “Hoy, ano gusto mo mangyari? Hindi naman talaga ikaw ang sadya niya dito! How dare you kung magpapasama ka pa sa kanya!” sigaw ni Shan.

Bigla akong hinawakan sa braso ng babae, “Halika, I need your suggestion kung alin sa dalawang ‘to ang bibilhin ko. Nahihirapan akong magdecide e. Baka makatulong ka,” sabi ng babae sabay kindat at hila sa akin palapit sa mga nakadisplay na mga cellphone dummies.

Pinapili niya ako sa dalawang choice niya at pinili ko yung pangalawa kahit na wala naman sa isip ko kung bakit yun yung pinili ko. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako marunong magcompare ng mga phones. Sinabi ko lang na mas maganda yung pangalawa para hindi ako magmukhang ignorante.

“Hmmn, I agree. Mas maganda nga ‘to compare to the other one. Sige, I’ll buy this one,” sabi niya sabay ngiti.

Nagulat ako dahil biglang sumulpot si Shan sa tabi niya. “Sus, ang sabihin mo kaya mo ‘yan pinili kasi Jeth told you so. I’m pretty sure na kapag pinili ni Jeth yung una, yun din pipiliin mo. Naku, basang basa ko ang galaw mo te!” narinig kong sinabi ni Shan sa babae.

Pagkatapos kong makabili ng headset. Nakasabay ko sa paglabas ng shop yung babae kanina.

Nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa akin, “Yhuniz nga pala,” sabi niya sabay alok ng kamay niya.

Nakipagshake hands naman ako, “Je-jeth,” sabi ko.

Nagulat ako nang biglang kumunot ang noo niya, “Please stop acting. Alam ko, di ka naman talaga ganyan magsalita. Just say it as it is,”

Medyo napahiya ako kasi nabuking niya yata yung cover up ko.

Niyuko ko ang ulo, “I’m sorry. To tell you honestly, yes your right nag-aacting lang ako. I hope you will not take it seriously. Pero nagsasabi ako ng totoo nung sinabi kong nagpapractice ako ng speech. ‘Wag mo sana akong pagdudahan,” sabi ko.

Nagsinungaling na naman ako. Pero para naman ‘yun sa ikabubuti ng lahat.

“No, its okey. Kamailan lang tayo nagkakilala at hindi magandang impression if we still argue with that issue. Pero nadali mo ako don ha, may nalalaman ka pang it runs from the family,” sabi niya sabay suntok sa braso ko.

“Oh, wait,” sabi ko tapos lumingon ako sa paligid dahil napansin kong nawawala si Shan.

“Bakit?” tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay lumingon ako sa harap ng shop at don ko nakita si Shan na nakatingin sa amin ng masama. Nakasimangot pa siya habang nakacross arms.

Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko, “Excuse me. I have a call,” sabi ko sabay lagay ng phone sa tenga ko kahit wala naman talagang tumatawag.

Nagtaka siya nang bumalik ako sa shop. Lumapit ako kay Shan at halata sa itsura niya na galit siya sa akin.

“Paalisin mo nga ang babaeng ‘yan. Sumasama pakiramdam ko lalo na kapag she’s within my range. Hindi ko alam pero may something na bumabagabag sa akin kapag nakikita ko siya. I hate her aura,”

“Relax. Okey, gagawa ako ng paraan. Sandali lang ‘to. Just wait one minute,” sabi ko habang nakalagay pa rin sa tenga ko ‘yung phone ko.

“One minute?” tanong niya.

“Yes, one minute and eight hours. Diyan ka muna, babalikan kita kapag napaalis ko na siya. Huwag kang aalis diyan ha, stay put,” sabi ko sabay lagay ng phone ko sa bulsa ko.

Nakita kong sumimangot na naman siya. Sa pagkakataong ito, parang sanay na ako dito at medyo di na ako tinatablahan ng kapangyarihan nito.

Tinalikuran ko na siya at agad na binalikan si Yhuniz na kanina pa naghihintay sa akin sa malayo.

“Hey, sorry mukhang hanggang dito nalang ako at di na yata kita masasamahan pa. Naghihintay tropa ko sa carpark. Sige, mauna na ako. Mukhang late na yata ako, may usapan kasi. Nice meeting you,” sabi ko at tinalikuran ko na siya.

“It’s okey, I understand. Sige, Jeth. Sa uulitin,” narinig kong sinabi niya.

Binalikan ko si Shan at tuwang-tuwa ako pagkat nandon pa rin siya sa kinatatayuan niya.

“Akala ko ba aabutin pa kayo ng eight hours?” tanong niya.

“Ang slow mo naman. Siyempre, joke lang ‘yun no. Tara na nga,”

Pinagtinginan ulit ako ng mga tao. Naalala ko yung headset na binili ko kanina kaya kinuha ko ito at kinabit sa magbilang tenga ko.

Tinapat ko sa bibig ko ang microphone, “Ayos ba? Do I look cool?”

Todo ngiti naman siya at nagthumbs up pa sa akin.

“Saan nga pala tayo papunta?” tanong niya.

“Aba, malay ko sa ‘yo,”

“Ay onga pala. Nagpapasama lang pala ako sa ‘yo,”

Nauna siyang naglakad kaya sumunod naman ako.

“I miss this kind of life talaga,” sabi niya sabay pikit ng mga mata at spread ng mga braso.

“Sinabi mo na sa ‘kin ‘yan kanina,” pa-sarcastic kong sinabi.

“Hmmnp, killjoy. Oh, wait. Tara don tayo!” sabi niya at sinundan ko naman siya.

Nagpunta kami sa mga shop ng mga Women’s Apparel at Fashion Accessories. Medyo naiilang akong pumasok kasi panay babae naman ang nasa loob. Di ko mapigilang matawa sa loob ko.

Nakita ko siyang sumimangot, “Jeth naman o. Halika na, samahan mo ‘ko,”

Kanina pa niya ako gustong hilain pero di naman niya magawa kasi multo nga siya.

“Anong gagawin natin dito? May bibilhin ka ba?” tanong ko.

“Wala. I miss all these stuffs. Sige na please, samahan mo na ako,”

Dahil mapilit siya, sinamahan niya ako sa loob. Kung alam lang sana niya na kanina pa ako nagtitiis na mga kalokohang pinapagawa niya sa akin.

Nagpunta kami sa parang walk-in closet ng shop. Sunod sunuran ako sa kanya. Sa tuwing may nagugustuhan siya damit, pinapakuha niya ito sa akin at pinapatapat sa katawan niya. Game na game naman siyang pumuporma sa harap ng salamin.

Nagulat ako nang biglang may biglang sumulpot na sales lady sa harap ko, “Sir, anong tinitingnan niyo? Para sa girlfriend niyo po ba?”

“Ah, ah yah. Pero pag-iisipan ko muna. Nagdadalawang isip pa kasi ako. Maybe may iba pa siyang gusto aside from clothes,” pagsisinungaling ko.

“Don’t worry Sir. We have everything here. Malapit na ang Christmas, makakatulong kami sa problema mong panregalo sa mga minamahal mo,”

Tumabi sa akin si Shan at nagcross arms, “Tara na nga, Jeth. Biglang sumama ang ihip ng hangin dito,”

“Anong hangin pinagsasabi mo?”

“Sir, may sinasabi kayo?” tanong bigla ng sales lady.

“Ah, wala wala. Nevermind,” sabi ko sabay ngisi.

Lumingon ako kay Shan, “What I mean is aircon. Ayoko ng malakas na aircon,” sabi niya at natawa nalang ako.

Lumabas kami ng shop. Next stop namin sa Arcade. Napatigil ako sa paglalakad nang bigla siyang tumigil.

“Nakakamiss dito. Alam mo, madalas akong nandito with my friends kapag break time. Haaiyts, nagdadrama na naman ako. Anyway, tara na nga,”

Bumili kami ng token at nagpunta sa stuff toy machine. Siyempre, di naman kami pwedeng maglaro ng ibang games kasi una at higit sa lahat, multo siya pangalawa masyado naman yatang unfair sa part niya kung maglalaro ako mag-isa.

Pinangako ko sa kanya na within five tries makakakuha ako ng stuff. Game na game naman siya sa pag-guide sa akin. Nakaapat na tries na rin kami at muntik na naming makuha yung stuff toy nung last try. Pero wala pa rin e, mukhang minamalas yata kami.

Last token ko na. Todo concentrate ako. Target namin na makuha yung stuff toy na si Stitch. Akala ko nung una, di ko makukuha pero mali pala ako. Tuwang-tuwa naman si Shan nang makuha ko yung stuff toy.

Lumabas na kami ng Arcade at nag-ikot ikot. Magtatanghali na at wala pa ring laman ang tiyan ko. Ramdam ko na talaga ang gutom.

“Nagugutom ako,” sabi ko.

Naglibot pa kami ng isang beses. Imbes na magpunta sa fast food chain, doon kami nagtungo sa isang Ice Cream stand.

“Isang Cookies and Cream at isang Strawberry,” sabi ko.

Tiningnan ako nung babaeng tindera, “Sir, may kasama kayo?”

“Wala, ako lang. Di ba obvious?” pa-sarcastic kong sinabi kaya natawa si Shan.

Pagkatapos kong magbayad, naglibot-libot ulit kami.

“Pambihira. Ganyan ka ba talaga katakaw sa Ice Cream? Pero alam mo, favorite ko ‘yang strawberry,” sabi niya.

“Ang totoo niyan e kaya dalawa binili ko kasi para sa ‘yo sana ‘tong isa pero huli na nang marealize kong di ka nga pala kumakain nito,” sabi ko at natawa ulit siya.

“Kunwari ka pa. E gustong-gusto mo naman talagang left and right yung ice cream mo,”

“It’s up to you kung ayaw mong maniwala,” sabi ko

Nag-acting akong parang bata sa harap niya. Dinilaan ko yung ice cream na hawak ko sa left hand ko tapos yung nasa right naman kaya todo halakhak talaga siya.

“Tigilan mo na nga ‘yan. Mahiya ka naman sa sarili mo, daig mo pa ang six years old,” sabi niya at di pa rin siya makaget-over sa tawa niya.

Dumila ulit ako pero this time pinagdikit ko yung ice cream tapos nilaro gamit dila ko kaya napatawa ko ulit siya.

Nagulat kami nang may biglang sumulpot na batang lalaki sa harapan naman. Tantya ko’y nasa anim na taong gulang pa ang batang ‘to kasi wala lang, hula ko lang.

Bigla akong tinuro ng bata. Nagulat kami ni Shan. Napatingin ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Ilang saglit lang, pareho kaming napalingon sa bata nang magsalita ito.

“Kuya, kuya. Ang ganda naman po ni Ate,”

--- END OF CHAPTER 4 ---

0 comments:

Post a Comment