Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Prologue

In loving memory of my Old Story
---------------------------
PROLOGUE

Suicide Letter

“Enjoy your stay, iho. If you have some problem, just approach me. Nasa kabilang bahay lang ako. So pano, maiwan muna kita dito. By the way, here’s the key,” sabi ng
land lady sabay kindat sa akin.

Tinanggap ko naman ang susi. Pinanood ko muna siyang bumaba ng hagdanan bago pinasok sa doorknob yung binigay niyang susi. Nung nawala na siya sa paningin ko, agad kong binuksan ang pintuan. Sa totoo lang, kanina pa ako nacucurious kung ano ba talagang itsura ng magiging kwarto ko. Naiinis ako don sa landlady na ‘yun dahil may pasurprise surprise pa siyang nalalaman.

Pagbukas ko, namangha ako dahil hindi lang maganda ang nasa loob kundi malinis din. Bukod pa dun, mahusay rin ang pagkakadesenyo ng buong
kwarto. Di ko lubos akalain na
ibibigay ito sa akin sa murang halaga nung landlady kanina.
Talagang nasurpresa niya ako.

Maganda ang view na nakikita ko sa bintana. Nakaharap ito sa silangan kaya tanaw ko mula sa loob ang sikat ng araw. Tanaw na tanaw ko rin ang mga naggagandahang bulaklak at halaman sa hardin na nasa labas kaya masasabi ko talagang solve na solve ang pagtira ko dito.

“Ayos! Para akong nangupahan ng condo unit,” sigaw ko.

Gumuhit ang napakalaking ngiti sa labi ko dahil sa wakas nakahanap na rin ako ng bagong matitirhan. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad ko nang pinasok sa loob ang mga bagahe ko. Tuwang-tuwa ako sa mga sandaling ito dahil ramdam ko ang masayang aura na nakapalibot sa buong kwarto. Binati ako ng preskong hangin galing sa bintana na bahagyang nakabukas kaya di ko maiwasang mapangiti ulit.

Dahil sa sobrang tuwa, napatalon ako ng di oras sa kama. Pumikit ako sandali at wala pang sampung minuto, nakatulog kaagad ako. Dala siguro ito ng pagod at pagkahapo sa mahabang byahe kagabi. Gumigising lang ako kapag oras na para kumain.

Kinagabihan, abala akong nag-ayos ng mga gamit ko sa kwarto. Sinalansan ko ang mga aklat ko sa isang maliit na shelf at binago rin ang pagkakaposisyon ng kama at table. Nagpunas ako ng pawis at nakita ko sa wall clock na pasado alas nuebe na pala. Mukhang di ko na yata masusunod ang evening routine ko. Kadalasan kasi sa ganitong oras e nakakatulog na ako.

Nagpahinga muna ako saglit matapos isilid ang sandamukal kong mga damit sa cabinet. Naupo ako sa kama sabay hinga ng malalim.

Hindi nagtagal, nagsawa ako kakatitig sa kwarto kaya naisipan kong bumaba para magtimpla ng kape. Wala pang limang minuto, nakabalik na akong kwarto pagkatapos nilapag sa may study table ang mug ng kape. Pinagpatuloy ko ulit ang pag-aayos ng mga kailangangan ayusin sa kwarto.

Tamang-tamang pagsarado ko ng cabinet, nalaglag sa may paanan ko ang isang piraso ng papel na ‘di ko naman alam kung saan galing. Di ako sigurado kung galing ba ito sa cabinet kasi kanina habang nag-aayos ako e wala naman akong nakitang ganito sa loob.

Napalingon ako sa paligid bago ko ito pinulot, “Ano ‘to!?” tanong ko sa sarili ko.

Nakatupi ang papel kaya dahan-dahan ko itong binuklat para makita kung anong laman nito. Gaya ng inaasahan ko, may nakapaloob ngang mensahe. Sigurado akong hindi sa akin ang papel na ‘to dahil hindi naman ganito ang sulat
kamay ko. Pero malamang babae ang may-ari nito kasi medyo exaggerated ang pagkakasulat ng ilan sa mga letra.

Halata sa structure nito na isa itong liham. Hindi ko pa nasisimulan ang pagbabasa pero nagkaroon na kaagad ako ng masamang hinala. Kusang tumayo ang mga balahibo ko nang mabasa ang paunang mensahe.

“November 16, 2011. Sa lahat ng maiiwanan ko, I’m sorry but I have to do this. Pains and trials are too much already. I can’t handle these stuffs anymore. Please understand me,” ang nakasaad sa paunang mensahe.

“Oh my shit!” sabi ko dahil sa gulat.

“Humihingi po talaga ako ng paumanhin lalo na sa parents ko. Please don’t be mad. I know, my absence will never be a significant loss to you.Kaya ko naisipang gawin ito kasi alam kong saka niyo lang mauunawaan ang lahat kapag nawala na ako sa mundo,”

May karugtong pa ito ngunit nawalan ako ng ganang magpatuloy dahil kinilabutan ako bigla. Nanginig
ang mga kamay ko kaya agad
kong nabitawan ang sulat.

“Siyet. Ngayon naiintindihan ko na kung ba’t mura lang ang upa dito,” sabi ko sa sarili ko.

Wala ako sinayang na panahon. Kumaripas ako ng takbo patungong pintuan ngunit sa kasamaang palad nagmatigas ang doorknob at ayaw umikot kahit anong gawin ko. Nagpanic na ako dahil masama ang kutob ko sa susunod na magyayari.

Kinalampag ko ang pintuan, “Tang ina, magbukas ka puta,”

Nanginginig pa ang boses ko nang sabihin ko ‘yun. Halos sumabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nadagdagan pa ito nang haplusin ng malamig na hangin ang batok ko.

“Parang awa mo na, magbukas ka na!” sigaw ko ngunit wala pa ring nangyayari.

Isang kagimbal-gimbal na halakhak ang narinig ko sa likod ko kaya halos himatayin na ako sa tindi ng kabog na bumalot sa dibdib ko.

“Totoo ba ‘tong nangyayari
ngayon? Siyet, sana panaginip lang ‘to,” dasal ko sa isip ko.

Kinikilabutan na talaga ako. Hindi ko akalain na ang magandang apartment na ito ay may kababalaghan palang tinatago.

“Aleeeng Eeeeda!” sigaw ko ngunit walang sumasagot.

Hindi nagtagal, nakarinig ako ng isang makapanindig balahibong bulong na nanggaling sa likod ko.

“Nasa likod mo ako,” sabi ng boses.

Tila kiniliti ang katawan ko sa
sinabi niyang ‘yun. Dahil sa boses nito, nalaman kong pala babae itong nagmumulto ngayon. Sigurado akong may kinalaman siya sa suicide letter na nabasa ko kanina.

Nangangatal na ang panga ko sa mga sandaling ito at halos maparalisa na sa sobrang kaba ang buong katawan ko.

“Syet, pag nakalabas ako dito. Talagang ipapahaunting kita
sa mga ispiritista. Tandaan mo ‘yan,”

Tinakpan ko ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at nasabi ko iyon. Ang alam ko siguradong lagot ako ngayon.

Lalong lumakas ang ihip ng hangin, “Anong sinabi mo?” narinig kong sinabi ng babae at halos mahilo na ako sa sobrang panlalamig.

Hindi na ako makapag-isip ng
maayos dahil sinakop na ng takot ang utak ko. Sa sobrang pagkatuliro ko, bigla nalang pumasok sa isip ko ang payo sa akin ng mga magulang ko
noon.

“Anak, face your fear. Hinding hindi ka talaga mapapanatag hangga’t nandiyan pa sa loob mo ‘yang takot na ‘yan. Alam mo, mawawalan lang ng saysay ang mga parangap mo pag di ka kumilos at hinayaan mo itong manatili. Get up, pick the best way to conquer that fear,” sabi ng boses na nasa isip ko with matching echo at fade effect pa.

Binitawan ko ang door knob na kanina ko pa hawak-hawak. Pinilipit kong maging kalmado pero kahit anong gawin ko naduduwag pa rin talaga ako.

Nagsarado ang mga palad ko at sa mga puntong ito unti-unti na akong nakakahugot ng kumpyansa sa sarili.

“Bahala na,” sabi ko sa isip ko pagkatapos ay nagsign of the cross.

Wala na akong inaksayang panahon. Lakas loob kong nilingon ang sa babaeng multo sa likuran ko. May pangamba pa rin sa isip ko ngunit ito nalang talaga ang natitirang paraan.

“Peste, wag mo a---”

Napahinto ako sa pagsasalita. Totoo ngang multo siya dahil lumulutang sa sahig yung mga paa niya. Ngunit hindi ito ang ikinagulat ko, kundi ang kanyang mukha.

Matindi pa sa takot kanina ang biglang pumaibabaw sa dibdib ko. Sa mga sandaling ito, hindi talaga ako makapaniwala. Kumurap ako dahil baka namamalikmata lang ako sa nakikita ko. Pero hindi e, ganon pa rin.

“Ang ganda niya,” ang tanging nasabi ko sa isip ko.

Halos malaglag na ang panga ko sa tagal ng pagtitig ko sa kanya. Oo, tama ang nabasa niyo, maganda nga siya at hindi ako nagkakamali dito.

Para tuloy akong estatwa ngayon dahil di ko maalis ang mga titig ko sa maganda niyang mukha. Kung ako ang tatanungin, isa sa mga kahawig niya si Taylor Swift. Oo, tama ang nabasa niyo, si Taylor Swift nga. Alam niyo kung bakit? Kasi ‘yung ganda niya hindi lang pang local kundi pang international na rin at kuhang kuha niya ang korte at itsura ng mukha ni Taylor.

Bakas sa mukha ng babaeng multo ang pagtataka. Ngumiti siya pero ang nakakagulat ay bigla nalang siyang namutla at umagos ang dugo mula sa kanyang ilong, bibig at mga mata.

Sa totoo lang, gustong gusto ko na talagang matakot pero ‘yung kanina di pa rin maalis sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit, ang alam ko sobrang ganda niya at di ko maiwasang mabighani. Nag-iba nalang bigla ang takbo ng pag-iisip ko simula nung nasilayan ko ang malaanghel niyang mukha kanina.

“Matakot ka sa akin. Rawr!” sigaw niya.

Hindi ako makapaniwala dahil imbes na matakot ako, sumabog ako sa
tawa.

“Sa tingin ko, hindi na ‘yan pananakot e. Joke ka na ‘yan!”
sabi ko matapos mahimasmasan.

Kumunot ang noo niya at bigla nag-iba ang kanyang boses, “Ayaw mo ha. Pwes, tingnan natin kung di ka maihi sa pants mo sa susunod kong gagawin,”

Lalo lang akong natawa sa sinabi niya. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nagkatitigan kami at maluha-luha pa ang mga mata ko sa sandaling ito dahil di pa rin ako nakakarecover sa biro niya.

Hindi nga siya nabigo at nasindak nga niya ako nang biglang magbago ang kulay ng mga mata niya. Pero parang may kulang. Hindi ganito ang takot na naramdaman ko kanina.

Nagkuday dugo ang mga mata niya tapos naglabasan ang mga ugat niya sa magkabila niyang
pisngi. Sa puntong ito, aaminin ko na talaga, kinilabutan ako sa ginawa niya. Pero pinanindigan ko sa kanya na hindi ako duwag.

Imbes na ipakita ko sa kanya na kinikilabutan ako, dinaan ko nalang ito sa biro. Nilapit pa niya ang mukha niya kaya napaatras ang ulo ko.

“Ikaw ba ang nawawalang kamag-anak ni Sasuke?” biro ko sabay ngisi ng nakakaloko ngunit hindi siya natinag.

Nilabas niya ang mahaba niyang
dila at kusa itong gumalaw na parang ahas.

“Oh my god, Orochimaru!” sigaw ko at todo acting naman akong natatakot sa kanya.

Natutuwa ako kasi desperado talaga siyang takutin ako. “Tumigil ka na, ilayo mo ‘yang mukha mo please. Wala akong balak makipagpalitan sa ‘yo” sabi ko tapos nilayo ko ang mukha ko sa kanya.

Hindi siya kumibo. Patuloy pa rin siya sa pananakot ngunit parang nasasanay na ako sa ginagawa niya at parang dedma nalang sa akin ang lahat.

Hindi nagtagal, hindi na ako nakatiis. Umeksena ako sa harap niya at nagcross arms, “Haay, ewan ko sayo. Multo ka ba talaga!? Kung ako tatanungin, bagsak ka sa criteria ko. Oh sige na, better luck next time. Malalim na ang gabi, kailangan ko nang matulog. Naranasan mo naman siguro maging tao di ba?” sabi ko sabay hikab.

Natuwa ako nang bumalik sa dati ang mukha niya. Napamura talaga ako sa ganda niya. Napansin ko yung lips niya na nagcurve pababa. Di ko pinahalata sa kanya na natutuwa ako sa pinapakita niya. Ang cute niya talaga tingnan kapag nakasimangot. Kung ‘di palang sana siya multo. Haha, alam niyo na.

--- END OF PROLOGUE ---

0 comments:

Post a Comment