Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Chapter 5

Chapter 5: Kuya Extend My Regards To Ate

Bigla akong tinuro ng bata. Nagulat kami ni Shan. Napatingin ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Ilang saglit lang, pareho kaming napalingon sa bata nang magsalita ito.

“Kuya, kuya. Ang ganda naman po ni Ate. Bagay kayo,”

Muntik ko nang mabitawan ang Ice Cream ko dahil nabigla ako sa sinabi ng bata. Isa lang ang ibig sabihin nito. Walang duda, katulad niya rin ako na nakakakita ng mga multong kagaya ni Shan. Tama nga si Shan, hindi ako nag-iisa. Meron din palang mga kagaya ko dito sa mundo.

Lumingon ako kay Shan at gaya ng inaasahan ko, gulat na gulat din ang itsura niya na nakatitig sa batang paslit.

Nakita naming sumamangot ang bata at tumingin kay Shan, “Ate, may nasabi ba akong masama? Ba’t ganyan kayo makatitig sa ‘kin,”

Nabulunan bigla ako matapos marinig ang sinabi ng bata. Nakakatawang isipin na dahil sa Ice Cream ay nabulunan ako. Marahil isa lang yun sa mga dahilan pero ang totoo niyan labis akong nabigla kaya bumara sa lalamunan ko yung Ice Cream.

Napaubo ako kaya naagaw ko ang kanilang atensyon. Kinabog kabog ko ang dibdib ko hanggang sa nawala yung bara sa lalamunan. Ilang saglit lang, bumalik na sa dati ang lahat. Inayos ko ang sarili ko sabay lingon sa batang paslit.

Biglang sumingit si Shan sa pagitan namin, “Bata, nakikita mo ako?” sabi niya sabay turo sa sarili niya.

Tumango ang bata bilang sagot. Naintriga din ako kaya sumingit ako sa usapan nila.

“Ilang taon ka na ba? Nasan ang kasama mo?” tanong ko.

Binuka ng bata ang kanyang kaliwang palad tapos nilabas ang hinliliit sa kabila niyang kamay.

“Six years old ka pa pero nakikita mo na ako? Seryoso ka ba?” tanong ni Shan.

Nilapitan ko si Shan sabay bulong sa tenga niya, “Ano ka ba? Umayos ka nga. Ba’t ganyan ka makipag-usap sa kanya? May kasabihang hindi nagsisinungaling ang bata kaya wag mo pagdudahan yung sagot niya,” sermon ko.

“Ganon ba? Sinabi niya kanina na maganda raw ako. So, meaning totoo yun?” sabi niya.

“I don’t think so. Sa palagay ko sinabi niya yun kasi tingnan mo nga naman itsura mo. Sino naman ang hindi makakapansin sa ‘yo? Kung ako yung bata, malamang ganon din magiging first approach ko,” sabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay, “Akala ko ba hindi marunong magsinungaling ang mga bata?”

“Hindi nga sila marunong magsinungaling pero natututo din naman sila later on,”

“Alam mo, isa kang malaking ewan? Alin ba talaga ang totoo sa mga sinabi mo ha?”

“Haha, di ka rin mabiro no?” sabi ko tapos inirapan niya ako.

“Niloloko mo ba ako, ha?”

Hindi ko siya sinagot sa halip binalik ko nalang ang tingin ko sa bata na para bang wala akong narinig galing kay Shan. Ayoko na kasing makipagtalo pa sa kanya tungkol sa bagay na yun.

Lumuhod ako para makalevel ko ang height ng batang paslit, “Oo nga pala, bata nawawala ka ba?” tanong ko.

“Hindi. Kasama ko Ate ko, ayon siya oh,” sabi niya sabay turo sa babaeng nakatalikod na nasa may Ice Cream stand.

“Ah, Ate mo siya? O Sige na, puntahan mo na siya. Baka hinahanap ka na niya,” sabi ko sabay ngiti.

“Okey lang po. Basta wag lang daw po ako mawawala sa paningin niya. Pero alam niyo po kuya, gusto ko si Ate, ang ganda niya,” sabi ng bata sabay turo kay Shan at narinig ko siyang humagikgik.

“Narinig mo yun? For the second time, sinabi niyang maganda ako. Wag ka na kasing kumontra, Jeth. Masyadong kang insecure, pabayaan mo yung bata na manghusga,” bulong ni Shan sa akin.

Naiinis ako kay Shan. Sinabihan lang siya ng bata na maganda siya, nagkaganyan na siya. Parang ang bilis naman yata lumaki ng ulo niya.

Muli kong tiningnan ang paslit, “Pero how about Kuya?” sabi ko.

Narinig kong bumulong si Shan, “Yes, maganda din si Kuya,” pang-aasar niya sabay tawa ng nakakaloko.

Di ko siya pinansin. Nanatili lang ang atensyon ko sa batang paslit.

“Pogi din si Kuya,” sabi ng bata sabay tawa at napalingon ako kay Shan pero inirapan lang niya ako. “Pero gusto ko si Ate,” pahabol niya kaya pinandilatan ako ni Shan.

“Di mo ba gusto si Kuya?” tanong ko.

“Gusto rin,” sagot niya.

Napalingon muli ako kay Shan at gaya nung kanina, inirapan lang niya ulit ako.

“Ano nga palang name mo?” tanong ko.

Sasagot na sana ang bata ngunit nakita kong may tumayo na babae sa likuran niya. May hawak pa itong Ice Cream sa isang kamay niya.

“Ang kulit mo din no. Di ba sabi ko na wag kang lalayo. Oh Ice Cream mo,” sabi ng babae sabay aboy ng Ice Cream sa bata.

Pamilyar ang bobes niya. Dahan-dahan akong tumingala para matingnan ang itsura ng babae. Laking gulat ko nang mamukhaan ko siya.

Napunta ang tingin niya sa akin at napansin kong nagulat din siya nang makita ako, “Oh, Jeth ikaw pala. Kamusta na?”

Hindi ako nagkakamali, si Tori nga. Mga ilang segundo rin akong hindi nakagalaw. Nagkatinginan kami pero agad kong nilihis ang tingin ko sa kanya. Nanghihinayang ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon di ko pa rin talaga kayang tumingin ng diretso sa mga mata niya.

Dati kong kabatch mate ko si Tori. Walang anumang namamagitan sa amin aside from the fact na may gusto ako sa kanya.

Tila nanumbalik bigla ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya nang mapansin lalo siyang gumanda. Dati na talaga akong may gusto sa kanya simula nung nagkakakila kami. Hindi lang dahil sa kamukha niya si Keira Knightley kundi dahil din sa napakabait at approachable niyang ugali. Kumbaga, very rare sa mundong ito ang katulad niya.

“What’s going on? Sino naman ‘yang babaeng ‘yan? Another bad spirit?” narinig kong sinabi ni Shan.

“Ako? Okey lang. Pero Tori, ikaw ba talaga ‘yan? Ang tagal din nating hindi nagkita ah,” sabi ko.

“Over. Di naman masyado, mga one month lang kaya. Madalas kasi kitang makita sa may plaza noon,”

“Oo, tumambay ako don most of the time. Nakikipaglaro lang ako ng chess sa mga bystanders,”

“Ang snob mo pa nga that time. May one time na nakita kitang nakaupo sa may bench. Tiningnan kita pero lumihis ka agad ng tingin. Ano bang nangyari sa ‘yo?”

“Baka may iniisip lang ako that time. Ikaw kasi, mamamansin na nga lang wala pa sa timing,” sabi ko.

Di ako makatingin sa mga mata niya. Ayokong magpahalata kaya yumuko nalang ako. Hanggang ngayon kasi nakakaramdam pa rin ako ng hiya. Feeling ko, sobrang awkward talaga kapag kausap ko siya ng harap-harapan.

“Pasensya ka na pala kay Zidan. Pansin mo din ba na sobrang kulit niya? I told him kanina na wag siyang lalayo pero heto ginawa pa rin niya. By the way, what did he tell you kanina?”

Inunahan ko na kaagad si Zidan bago pa siya nakapagsalita. “Ang cute kasi niya, Tori. Naagaw niya atensyon ko, kaya ayon nilapitan ko siya. Itatanong ko sana pangalan niya kaso bigla kang sumulpot,”

“His name is Zidan,” sabi ni Tori.

“Nabanggit mo na kanina di ba?”

“Ay oo nga pala. Anyway, mag-isa ka lang? Nasan girlfriend mo?”

“Tori naman, you knew me already. Never pa ako nagkagirlfriend ever since,” sagot ko.

Biglang hinila ni Zidan ang dulo ng shirt ni Tori, “Ate, nagsisinungaling si Kuya. May kasama siya. Ayon oh,” sabi niya sabay turo sa likod ko. “Ay ang daya ni Ate. Bigla ba namang mag-invicible,” pahabol niya.

Hinawakan ni Tori si Zidan sa magkabilang balikat, “Zidan ano bang pinagsasabi mo? Aah Jeth, pagpasensyahan mo na ‘tong si Zidan. Medyo napasobra yata yung panonood niya ng mga TV shows,”

Lumingon ako sa likod ko. Wala na nga don si Shan. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid pero bigo akong mahanap siya.

Parang nababahala ako sa mga sandaling ito. Saan na ba kasi nagpunta yung Shan na yun? Nakakainis, pakiramdam ko tuloy may pananagutan ako sa kanya.

Napansin ni Tori na medyo balisa ako. “Jeth, may problema ba?” tanong niya.

“Ah wala, wala,” sagot ko.

Nakarinig bigla ako ng bulong, “Don’t worry Jeth. I’m here. Tama yung sinabi ni Zidan, naging invicible nga ako. Binabawi ko na, hindi siya cute. Ang kulit kasi niya e. Muntik na akong mapahamak dahil sa kanya. I hate him na,” bulong ni Shan.

“Sabi ko na sa ‘yo Ate. May kasama si Kuya. Tingnan mo, hinahanap niya si Ate,”

Tinakpan ni Tori ang bibig ng bata sabay tumawa, “Naku Jeth pasensya ka na talaga dito sa batang ‘to. Ang kulit,”

“No, okey lang Tori I understand. Ang kyut nga niya e, parang siyang younger male version mo,”

“Haha, di ko alam kung maniniwala ako sa sinabi mo o hindi. Maraming nagsasabing kyut si Zidan pero sa ‘yo lang ako nakarinig ng ganyan. By the way, did you pursue on Electronics? Di ba sabi mo nahihirapan ka sa course na ‘yan?”

“Yup. I have no other choice. I need to adopt the course. Para ngang sumabak ako sa isang do or die na game. How about you, di ba Psycology Student ka? Did you pursue with that course?”

May bumulong sa tenga ko at alam kong si Shan ‘yun, “Jeth, I want to remind you na almost one hour na kayong nag-uusap,” sabi niya pero di ko ito pinansin.

“Yup. Bakit?”

“Wala. Natanong ko lang. May course din kasing ganon sa school namin. Nagtaka lang ako kung ba’t di ka nag-enroll don,”

“Yah, kaya nga next year lilipat na ako diyan sa school mo,”

Sa sinabi niyang yun, parang tumalon ang puso ko sa tuwa.

“Haah? Sigurado ka?” tanong ko na may pagdududa pa sa sinabi niya.

“Yup. Bakit, ayaw mo ba?”

“Hala, wala akong sinabing ganon. Pero bakit lilipat ka pa? Di ba maayos na ang lagay mo sa school mo ngayon? Tsaka, alam mo ba kapag nagtransfer ka, napakalaking adjustment ang kailangan mo?”

“Yah, I know. Pero ang gulo mo, you question me kung ba’t hindi ako nag-enroll sa school mo tapos ngayon parang bumabaligtad ka yata. Back to your question. Hmmn, wala lang. Gusto ko lang talagang lumipat. May reason ako pero di ko talaga ito nirerecognize. Ang weird e, kasi parang di ako satisfied sa mga tinuturo ng guro sa school ko ngayon. Parang ganon, ang weird lang talaga pakinggan. Anyway, maayos naman at walang magiging problema kapag lumipat ako. Nacheck ko na ang prospectus at masaya ako nang malaman kong credited lahat ng subjects,” sabi niya sabay ngiti.

Dahil sa ngiti niya, feeling ko para akong yelo na natutunaw ng mabilis.

“Good for you,” tanging nasabi ko.

“Pano, Jeth. Mukhang hanggang dito nalang yata kami. We promise na uuwi kami ng maaga kaya di na kami magtatagal. We’ll see each other next year in school,” sabi niya sabay talikod.

Napansin naming hindi umaalis si Zidan sa kinatatayuan niya kaya muling humarap si Tori.

“Kuya, extend my regards to Ate ha,” sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Tori.

Sa hindi namin alam na dahilan, bigla kaming sumabog sa tawa. Kumunot ang noo ni Zidan pero agad naman siyang pinakalma ni Tori.

“Sige Zidan, Kuya Jeth will extend your regards to your imaginary Ate,” sabi ni Tori kaya napasimangot si Zidan.

Hinila na siya ni Tori at naglakad na sila palayo. Pinagmasdan ko sila hanggang sa maglaho sila sa paningin ko

Tulala ako sa mga sandaling ito. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon si Tori at ang nararamdaman ko para sa kanya. Oo, gusto ko siya noon pa. Aminado ako don. Pero bakit ganito? Gusto ko siya pero bakit parang may hinahanap pa rin ako.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang sumulpot sa harap ko si Shan. Una kong napansin ang simangot niya. Bukod don, masama din ang tingin niya sa akin.

“Bakit ganyan ka kung makatitig?” pasarcastic kong tinanong.

“Ang sama mo. Di mo man lang naisip kanina na nandito pa ako. Kung makapag-usap kayo parang nalimutan mo na kanina yung pangako mo na sasamahan mo ‘kong mag-ikot ikot dito. Ayoko na talaga! Diyan ka na nga,” sabi niya at bigla siyang naglaho.

Nagkibit balikat nalang ako kasi parang biglaan ang nangyari. Galit ba talaga siya? Hindi ko matantya kung anong kinagalit niya. Yun bang pagdedma ko sa kanya o dahil kay Tori?

Kinabit ko ang headset sa magkabilang tenga ko, “Shan, wag ka ngang OA. Nagkataon lang na nagkita kami. Alangan namang di ko siya pansinin, ang rude kaya no? To think na naging batch mate pa kami nung high school. I swear ganon din gagawin mo kapag ikaw ang nasa lagay ko. Errr, magpakita ka nga! Hindi tayo naglalaro ng tagu-taguan!” sabi ko.

Nagpakita nga siya ulit sa akin,
“Galit ako sa ‘yo simula pa kanina. Gusto mo bang mapatawad kita?”

Tinaasan ko siya ng kilay, “Sige, sabihin mo nang matapos na ‘to!”

“Mapapatawad kita kapag sinamahan mo ko this time,”

“Kung ganon lang naman pala kadali, walang problema. O pano, saan ba ang sunod na punta natin?”

“Sa bahay namin,”

--- END OF CHAPTER 5 ---

0 comments:

Post a Comment