Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Chapter 11

Chapter 11:

Kinaumagahan, wala pang alas sais, nagising na ako. Buti nalang wala si Shan sa kwarto. Sa totoo lang, ayoko ko siyang makita. Pagkatapos nung nangyari sa amin sa panaginip. Oo, nahihiya talaga ako sa kanya kasi kahit panaginip lang ang lahat, alam kong alam niya ang mga nangyari dito.

Sumilip ako sa bintana at don ko siya nakita sa may bakuran na nakatunganga malapit sa orchidarium. Naisip ko na naman ang magandang panaginip kagabi. Iba talaga ang hatid nito sa akin. Hindi ko talaga mafigure out kung bakit at kung pano ako nagkaroon ng ganitong pakiramdam, malamang napaparanoid lang siguro ako.

May bigla akong naalala kaya agad kong sinarado ang jalousie. Kinuha ko ang laptop ko at nagbrowse sa facebook. May nakita akong new message. Hindi ko pa nakiclick, alam ko na kung kanino ito galing. Mula kay Aisha Villamonte, step-sister ni Shan. Binuksan ko ang message niya na ayon dito ay kagabi pa ito naipadala. Nakita kong wala itong ibang laman maliban sa nakaattached na PDF file. Niclick ko ito at mabilis na nadownload ang file.

Napahinto ako sandali. May kutob ako na parang may hindi maganda sa nilalaman nito. Ngunit dahil sa curious ako, binuksan ko na ito.

Isang pahina lang ng diyaryo. May mga nakasulat na articles. Isa don ang nakatawag sa pansin ko. Ito na nga ang pakay ko.

Binasa ko ito ng maigi. Sa isip ko, parang ayaw ko talaga maniwala pero habang sinasambit ko ang bawat salita ng artikulo, parang unti-unti kong napapagtanto ang ibig sabihin ng lahat.

Hindi na ko alam kung ano itong nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos kong mabasa ang buong article parang wala naman akong naramdaman na galit. Walang galit, kundi puro kalungkutan.

Dahil offline si Aisha Villamonte, nag-iwan nalang ako ng mensahe. Agad kong sinarado ang laptop at muling sumilip sa bintana.

Nalilito ang isip ko. Pabalik-balik ako na naglakad sa kwarto habang naghihimas ng baba. Sa tuwing naiisip ko ang lahat, parang napapalitan ng kirot yung lungkot ko. Bawat hakbang ko parang sumasakit lalo ang pakiramdam ko. Gusto kong magwala at ilabas itong sakit na nararamdaman ko, pero hindi ito angkop na oras para gawin ang mga bagay na yun.

Hindi nagtagal, tumigil ako sa harap ng bintana, binuksan kong muli ang jalousie.

Nanghihinayang talaga ako sa mga sandaling ito. Naisip ko na wala nga sigurong patutunguhan itong nararamdaman ko sa kanya. To think na magkaiba kami. Bumigat lalo ang nararamdaman ko pagkat dumagdag pa sa reason yung nabasa ko kamakailan lang galing sa kapatid niya.

Hanggang sa napagtanto ko ang isang bagay. Mas mabuti siguro itong naiisip ko ngayon. Masakit pero alam kong may kabuluhan ito.

Bumaba ako ng kwarto. Binati ako ni Jung pero di ko siya pinansin. Dumaan ako sa likod-bahay para hindi makita ni Shan. Nagtungo agad ako sa bahay ni Aling Eda, ang may-ari ng buong compound. Landlady ika nga.

“Sigurado ka na ba sa desisyon mo, iho?” tanong ni Aling Eda sabay buhos ng mainit na tubig sa tasa ko.

Tinungo ko ang ulo ko, “Opo,” tanging nasagot ko.

Medyo nagtaka lang ako kasi hindi niya tinanong kung anong dahilan ng pag-alis ko.

“Okey, I respect your decision. So, kailan ang alis mo?”

“Ngayon na ho, kung pwede lang sana,”

“Okey, walang problema sa ‘kin ‘yan. Pero alam mo nais kong sabihin na may napansin akong kakaiba sa ‘yo. Kasi sa lahat ng nagtangkang magrent ng kwartong ‘yan, ikaw lang talaga ang tumagal ng higit pa sa isang linggo. Wala ka bang anumang napapansin sa pagstay mo, iho?”

“Wala naman ho. Bakit po? Tsaka, ano po bang nangyari at di nakatagal yung iba?”

Huminga ng malalim si Aling Eda, “Tutal nasimulan ko na, itutuloy ko na. Pero huwag ka sanang mabigla dito sa sasabihin ko, iho. Ayaw kong pagmulan ito ng takot mo kaya ngayon binabalaan na kita.”

Kunwari nagtaka ako sa sinabi niya, “Ahehe, wala pong kaso sa akin. Sige lang po, magkwento lang kayo.”

“Kasi yang kwartong inuupahan mo ngayon, may nagpakamatay diyan noon.”

Kunwari naman na nabigla ako sa sinabi niya. “Talaga po? Pano po? Ano pong dahilan? Babae po ba o lalaki yung tinutukoy niyo?”

“Lalaki. Matindi ang pagkakalaslas ng kanyang pulso. Marahil sa sobrang depresyon,” sabi ni Aling Eda kaya nagulat ako.

“Seryoso kayo?” tanong ko.

“Oo, iho. Pero huwag sana ito maging dahilan para pagmulan ng takot mo.”

“Huwag kayong mag-alala, sanay na po ako sa mga ganyan. Ahmmn, kailan po ba yun nangyari?”

“Taong 2004, siya ang kauna-unahang umupa ng apartment ko. Nagulat nalang kami nang magpakamatay siya. Sinulat pa niya ang suicide letter sa pamamagamitan ng kanyang dugo.”

“Anong nakalagay?”

“Ay, naku ewan ko. Limot ko na yun e,”

Nagulat talaga ako. Sino naman yung tinutukoy niya? Imposibleng si Shan ito dahil di naman ganito ang kinuwento niya dati.

“May kilala ho kayong...”

“Sino?”

“Ahhm wala, wala po. Ahh, ano hong pangalan nung nagpakamatay?”

“Ay, huwag mo nang alamin, iho. Parang ako itong kinikilabutan ngayon e, hihi. Ay naku, pasensya ka na talaga. Di bale, utusan ko nalang si Jung na tulungan ka sa pagligpit ng gamit mo,”

“Haha, okey lang ho. Parang di naman nakakatakot yung kwento niyo. Sa totoo lang, naitriga pa nga ako at parang gusto ko pa yatang manatili dito para malaman kung may kababalaghan ba talaga sa kwarto na yun,”

“Hala, iho. Totoo ba yang sinasabi mo? Kung ganon, hanga ako sa tapang mo. Kasi sa totoo lang, natakot at kinilabutan talaga ako noon. Ay naku, wag na nating pag-usapan yun. Maaalala ko na naman yung mga panahon di ako nakatulog dahil sa takot. Pero later on, nakakayanan ko na,” sabi niya sabay tawa.

Naubos ko na ang kape. Sa tingin ko, okey na ang lahat. Pwede na akong umalis.

“Ahaha. Sige po, balik na po ako,”

“Sige iho, mag-ingat ka. Alam ko, makabubuti sa ‘yo ang pag-alis mo sa apartment,”

Napahinto ako. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Aling Eda. Pero natitiyak kong wala naman itong ibang ibig sabihin kaya tuluyan na akong umalis.

“Sige ho, salamat ho,”

Bumalik ako ng apartment at nag-impake ng mga gamit. Nag-iwan ako ng mensahe para kay Shan, idinikit ko ito sa cabinet gamit ang isang pushpin. Isang simpleng farewell message lang naman. Siniguro kong mababasa niya ito. Di ko na nilagyan ng pangalan niya in case na may pumalit sa akin dito. Pero ang tanong, meron kaya?

Malungkot akong naglakad patungong pintuan. Bitbit ko ngayon ang mga gamit ko. Napatigil ako sandali. Gustuhin ko mang manatili pero may parte sa damdamin ko na nagsasabing para ito sa ikabubuti ni Shan. Ayokong masaktan siya sa mga malalaman niyang tungkol sa akin. Tungkol sa pamilya namin. Alam kong mahirap na desisyon ito pero ito nalang yata ang nalalabing paraan para maiwasan ang posibleng maganap kapag nanatili pa ako dito.

Lumabas ako ng apartment. Nagpaalam na rin ako kay Jung. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko hanggang sa nakaabot na ako sa labas ng veranda. Laking gulat ko nang sumulpot sa harapan ko si Shan. Nakita ko siyang malungkot na nakatingin sa mga bagahe ko kaya parang nahawa ako at nalungkot din.

“Shan, I’m sorry. I have to leave. Alam kong biglaan pero sana maintindihan mo. May hindi ka pa nalalaman sa akin. Ako na ngayon ang gumawa ng paraan. Ayokong masaktan ka dahil dito, yan ang totoo. Masakit talaga sa part ko honestly pero I think para naman ito sa ikabubuti mo,” sabi ko at nilagpasan ko na siya.

“Jeth,” sabi niya kaya napahinto ako nang di lumilingon sa kanya. “Maraming salamat sa lahat. Naiintindihan kita at itong desisyon mo. Wala akong pinagsisihan sa pagstay mo. Sorry din, kasi minsan namimisjudge kita. Gusto kong malaman mo na masakit din sa part ko itong pag-alis mo kaya sana wala pa ring limutan if dumating ang panahon na di na tayo muling magkikita,”

Hindi ko alam, pero labis akong nasaktan sa sinabi niya. Asintado ako at parang anumang oras maaari akong bumagsak sa lupa sa labis na lungkot. Dahil dito, hindi ko namalayan na may nakawalang luha na pala sa mga mata ko. Sa mga sandaling ito, mistula may tumugtog na malungkot na orchestra sa isipan ko. Hindi ko na kinaya kaya agad na akong lumisan kasi ayokong makita niya ang weak side ko.

Paglabas ko ng gate, sumilip ako sa loob. Parang binasag ang puso ko nang makitang nagpupunas siya ng mga luha niya. Nakatingin siya sa mga ulap kaya di niya napansin ang pagsilip ko.

Naglakad na ako papuntang paradahan ng taxi. Bitbit ko ngayon ang sakit at labis na lungkot.

Bumaba ako sa park, naupo sa may bench at inopen ang laptop ko. Naghanap ako ng panibagong mauupahan pero parang minamalas yata ako kasi ni isa wala akong nahanap. Meron nga, pero masyadong malayo naman sa school ko.

Nagpunta ako sa malapit na ATM machine para makapagwithdraw. Para kung sakali may mahanap ko, ay may maipapandown payment ako. Nagtaka ako nang makitang patuloy pa rin sa pagpapadala ng pera ang Papa ko kahit na halos wala na kaming communications sa isa’t-isa.

“Tamang-tama ang dating mo bro. Laro tayo, pusta ko dalawang daan,”

Tiningnan ko ang nagsasalita at nakita kong si Archie lang pala.

“Sorry bro, wala ako sa condition para maglaro. May problema pa ako,”

“Ano yun? Baka makatulong ako?”

“Naghahanap ako ng bagong mauupahan kaso parang minamalas yata ako. May alam ka ba?”

“Mabuti’t tinanong mo ‘yan. Doon kasi sa inuupahan ko, I think may one vacant room pa.”

“Malayo ba yun mula dito?”

“Hindi. Malapit lang yun. Hindi yun nag-aadvertise kasi kusa na lumalapit ang mga nagrerent don. Ano, game ka?”

“Sige, pero saka na ako magdidecide kapag nandon na tayo. Tingnan ko muna kung anong itsura niyan,”

“Huwag kang mag-alala bro. Maganda don at tsaka nature lover yung may-ari.”

Sumakay kami ng taxi. Kanya-kanya kami sa pagbayad ng pamasahe. Pagbaba namin, nagulat ako kasi parang pamilyar ang lugar na ito. Hindi siya pamilyar, kundi ito talaga yun!

“Bro, sakay tayo ng tricycle. Mukhang mabigat ‘yang mga dala mo,”

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. “Hindi ba yan yung tinutukoy mo?” sabi ko sabay turo sa dating apartment na inupahan ko.

“Hindi ‘yan. Huwag ka diyan. May rumors kasi na maraming nagmumulto sa apartment na ‘yan. Lalo na daw don sa kwarto sa second floor,”

“Saan naman galing yang rumor na ‘yan?”

“Wala. May kaibigan kasi ako na nagrent diyan. Kinuwento niya sa ‘kin ang lahat. The first day, nagandahan daw siya pero the next day naisipan niya umalis kasi iba daw ang ihip ng hangin tuwing gabi. At sa mismong gabing yun, sobrang sama daw ng panaginip niya. Tara na bro, kung ayaw mong maunahan ng iba, ahehe.”

Ilang minuto ang lumipas, nandito na kami sa apartment na tinutukoy ni Archie. Nakakagulat talaga kasi medyo malapit lang ito sa dati kong inuupahan.

“Pare naman. Ba’t pa tayo ng tricycle? E malapit lang naman pala e.”

Napakamot ng ulo si Archie, “Sus, wag mo nang isipin ‘yun. Ang mahalaga nandito na tayo. Look, maganda di ba?” sabi niya at napatango nalang ako bilang respeto.

Pagkatapos ng negosasyon namin sa may-ari, tinulungan ako ni Archie na mag-ayos ng mga gamit sa kwarto. Hindi na rin masama, pero sa totoo lang namimiss ko talaga ang dating kwarto ko kahit ilang araw lang akong nagstay don.

Iniwan ako ni Archie. Wala na akong ginawa kundi ang tumunganga maghapon. Iniisip ko pa rin hanggang sa ngayon ang naging desisyon. Namimiss ko ang dati at parang may kulang sa kwartong ito. Ayoko na talaga, mahirap na kapag inisip ko pa ito masyado.

Binuksan ko ang laptop ko at nagbrowse sa facebook. May bagong mensahe na naman galing kay Aisha Villamonte. Pagkatapos kong mabasa ito, sinarado ko na ang laptop at agad akong nagbihis.

Nandito ako ngayon nakaupo sa pinakasulok ng starbucks. Hindi nagtagal, may biglang naupo sa tapat ko. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi ako nagkakamali, siya na nga ito.

May kinuha siya sa shoulder bag niya. Nakita kong isa itong pirasong newsprint na nakatupi. Nilapag niya ito sa lamesa.

“Here.”

Kinuha ko ito at binuklat. Walang itong pinagkaiba sa nabasa kong PDF file kanina.

“Its up to you if you won’t believe me. I already did my part,”

Tiningnan ko siya ng masama. “Seryoso ka ba talaga dito?”

Ngumiti siya. Yung ngiting may halong sarcasm.

“Hindi ko ‘yan masasagot.”

Tumayo ako at sinuntok ng mahina ang table.

“Pambihira. You’re not making sense!”

Nakangiti pa rin siya sa akin kaya parang naasar na ako, “Hindi pa rin ba malinaw sa ‘yo ang lahat? That manuscript explains everything. Your father murdered her mother. What else do you want to know? That’s already the fact. Ang masaklap walang nagpursue ng case kasi even my father, may hinanakit din siya sa late mother ni Shan. The parents of Shan’s mother were already deceased. Her siblings were too weak to push the case. Sorry sa term, pero yun ang totoo. Well, about our father? Yes, he acted as the successor in that case but can you see any progress? Wala. Kasi he’s doing that for the sake of respect. Now, I will ask you, with regards to crime committed by your father, would you still consider yourself as my sister’s friend? Huh?”

Parang gumuho ang mundo ko matapos marinig ang pasabog niyang rebelasyon. Gusto kong magwala ngunit pinilit kong manatiling kalmado.

Yung mga sinabi niya, parang unti unti ko na itong naaadopt. Kanina lang, parang mahirap paniwalaan pero heto ako nagrereflect sa mga sinabi niya. Masakit talaga ang katotohanan, gaya ng sinabi nila.

Nagcross arms siya, “See? You’re reflecting from what I said,”

Binago ko ang takbo ng usapan. “Tell me, ano ba talagang dahilan ng pagpapakamatay ni Shan?”

“Bakit masyado kang concern sa sister ko?”

Sa tingin ko, nagwork-out yata yung pagliko ko.

“Nadisappoint lang talaga ako sa nangyari sa kanya. We treat each other as friends kaya may karapatan akong malaman kung anong dahilan talaga.”

“Friend? Hindi ko alam kung maniniwala ako sa ‘yo,” sinabi niya with sarcasm.

“Pwede ba, pakisagot ng maayos yung tanong ko!?”

“Well, that reason remains a mystery up to now,”

“Nagkaboyfriend na ba si Shan dati? I mean, kamusta siya dati when it comes to lovelife?” tanong ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at natanong ko yun. Ang alam ko, parang kusang bumuka yung bibig ko.

Tumawa siya ng bahagya, “Friend ka niya di ba? Ibig sabihin, alam mo na ang tungkol don,”

“Wala siyang sinabi sa akin,”

“Ang dami mong tanong. Gusto mo bang ikwento ko nalang sayo ang lahat,”

“Okey, maybe that’s better,”

“My love affair nga si Shan. Alam kong alam mo yon Jeth. Pero matagal na panahon na yun. After our parents got separated, I don’t know kung bakit bigla siyang naglayas. But later on, we know na nagrent lang pala siya ng apartment. Tumigil siya sa pag-aaral at nagstay don sa apartment for almost one month. And then later on, nalaman namin na she committed suicide pala sa mismong apartment na yun,”

“Isa ba ito sa dahilan ng pagpapakamatay niya ang dati niyang lovelife?”

Tumawa ulit siya, “I don’t know. Hindi naman niya ito nabanggit sa suicide letter niya. I hate her, i really hate her. Tama bang ipamukha niya sakin lahat ng masamang nagawa ko sa kanya?”

Ako naman ngayon ang tumawa, “You deserve it. Anyway, nabasa ko ang letter. Kung babasahin mo ng mabuti, parang hindi naman kayo ang sinisi niya e. Nag-iloveyou pa nga siya sa huli,” sabi ko sabay tawa.

“Wala kang alam sa amin. You better shut up!”

“Hindi naman ako nangingialam. Tingnan mo nga, can’t you see the mystery?”

Huminto siya sandali, “Yeah, sa facebook nakita ko na naglike siya ng post ko at nagcomment pa. I’m pretty sure na baliw yung nanghack ng account niya,”

“Hacked? Mas baliw ka. Just accept the fact na minumulto ka nga niya,” sabi ko sabay tawa.

“Malamang, ikaw yun.”

“E di patunayan mo,”

Natahimik kami. Tiningnan kong muli yung papel na hanggang ngayon ay hawak-hawak ko pa rin. May naisip ako bigla.

Nginitian ko siya pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Pinakita ko sa kanya ang newsprint at dahan-dahan ko itong pinunit sa harap niya. Nagulat ako dahil wala man lang siyang pinakitang reaction. Tiningnan ko agad siya ng masama.

“Bakit?” tanong niya.

“Malamang, may ibang copy ka pa nito kaya parang wala lang sa ‘yo nung pinunit ko ito.”

“Sa totoo lang, I don’t need that. Wala naman akong mapapala kapag pinaglaban ko ang kasong ‘yan. It’s not my Mom, the hell I care haha. Tsaka don’t worry about the case, may taning na ang buhay ni Dad. Ipapatalo ko ang case if ever na payuhan ako ng mga legal counsel na maging successor sa kasong ito.”

Nainis ako sa kanya, kumunot talaga ang noo ko at the same time nagulat din ako. Pero nagkunwari agad ako na parang hindi nagulat.

“Ang sama mo talaga,”

“What? Me? Masama? Dapat nga na magpasalamat ka pa!” sigaw niya.

“So, how about your Dad? Shan’s Dad?”

“Its our Dad, okey? Bakit mo natanong?”

“I’m curious! Sagutin mo nalang please!?”

Nagulat siya sa naging reaksyon ko. Mismong ako, nagulat din pero parang nacarried away lang yata ako don.

“Malubha na ang sakit niya sa puso. Hindi na daw siya aabot ng dalawang buwan. Yan ang sabi ng cardiovascular specialist sa amin. What else pa ang gusto mong malaman?” pasarcastic niyan tinanong.

Kinabahan bigla ako dahil sa sinabi niya. Nagpaused ako saglit at naalala ko si Shan. Tumayo ng kuso ang mga binti ko at tiningnan ko siya.

“I need to go,” sabi ko.

Tatalikod na sana ako kaso napalingon ako nung magsalita siya, “Oh, by the way huwag ka na ulit magmessage sa akin sa facebook. Here’s my calling card, if ever may tanong ka pa o may kailangan ka sa akin,”

--- END OF CHAPTER 11 ---

0 comments:

Post a Comment