Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Chapter 6

Chapter 6: Who Are You?

“Mapapatawad kita kapag sinamahan mo ko this time,”

“Kung ganon lang naman pala kadali, walang problema. O pano, saan ba ang sunod na punta natin?”

“Sa bahay namin,”

Nabigla ako sa sinabi niya, “Seryoso ka?”

Tinaasan niya ako ng kilay, “Ano sa tingin mo? Tara na nga, bago pa magbago ang isip ko,” sabi niya at pinaspasan niya ang kanyang lakad.

Hinabol ko agad siya, “Wait. Sigurado ka ba talaga? Sa case mo, I think it’s not a good idea. Shan, mas mabuti pang ‘wag na lang kasi tingnan mo nga, wala nang dahilan para balikan mo sila. Try to think of it first bago mo gawin ‘yan. Makinig ka, ni hindi nga natin alam kung anong madadatnan natin don. Malamang masaktan ka pa ulit. Naku, I’m sure di lang ‘yan aabutin mo. Pustahan pa tayo,”

“Pwes, kung ayaw mong sumama, e di pupunta akong mag-isa. Choice ko ‘to kaya wag kang kokontra. Gusto ko lang silang makita at kahit ano pang madatnan ko don, it’s not anymore a big deal for me. Jeth, pamilya ko sila at kahit ano pang mangyari hindi ‘yan mababago. Sa madaling salita, kahit na may nagawa silang mali, may karapatan pa rin akong kamustahin sila,” sabi niya.

Sinabayan ko siya sa paglalakad, “Okey, I respect your decision. Samahan na kita. Basta, pangako mo wag kang iiyak sa harapan ko kapag nakita mo na sila. Aaminin ko Shan, nag-aalala talaga ako tuwing nakikita kitang umiiyak. Hindi ko nga alam kung bakit, pero feeling ko responsibility na kita. Shan, hindi ako nagbibiro. I’m telling the truth,”

Lumingon siya sa akin at tumingin sa mga mata ko nang seryoso, “Jeth?”

Nabigla ako kasi first time niyang makatitig sa akin ng ganito ka seryoso, “Bakit?” tanong ko.

“Bakit mo ‘yan sinasabi sa akin?”

Ngayon lang ako natauhan sa sinabi ko. Hiyang-hiya ako sa mga sandaling ito, “Wala, nevermind. Tara na,”

Lumabas na kami ng mall. Walang ni isang umimik sa amin. Siguro malamang dahil don sa nasabi ko sa kanya kanina. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Parang pinapatay ako sa sobrang sa sobrang awkward ng lagay namin ngayon.

Ilang minuto na rin ang lumipas, wala pa ring pagbabagong nangyari. Hindi nagtagal, hindi ko na natiis ang sitwasyon namin kaya ako na mismo ang bumasag ng katahimikan.

“Galit ka pa rin ba sa family mo?” tanong ko.

“I don’t know. Kaya nga gusto ko silang makita ngayon para malaman ko kung tama pa bang magtanim pa rin ako ng galit sa kanila up to now,” sagot niya.

“Gaano ba kalayo mula dito ang bahay niyo?”

“Hindi naman masyadong malayo. Mga three miles away from here lang ata,” sagot niya.

“So, di na natin kailangan magcommute? What do you think?”

“It’s up to you. Basta sa akin, kahit alin pwede na,”

“Ay onga pala,” sabi ko sabay kamot sa ulo ko. “Muntik ko nang malimutang multo ka nga pala. O siya, magtaxi nalang tayo para di hassel,” sabi ko sabay para ng taxi.

Tahimik kami sa loob ng taxi. Di talaga ako sanay sa ganitong katahimikan to think na kasama pa ko siya at madalang lang na di kami mag-imikan. Saka lang siya nagsalita nang sabihin niya sa akin ang address ng bahay nila.

Sinaksak ko ang headset sa tenga ko sabay tingin kay Shan. “Di ba ayaw mo ng aircon?”

“I don’t know. Wala naman akong kakayahan para mafeel yung lamig at init ng paligid,”

“Pero nabanggit mo kanina sa mall na ayaw mo ng malakas na aircon?”

“Yah, pero di naman totoo yun. Ang totoo, gusto ko na talagang lumabas ng shop that time. Nasabi ko lang yun para may maging reason ako sa ‘yo. Siya nga pala, para di ka na ulit magtanong, I want you to know na limited lang ang senses namin. Nakakakita kami, nakakarinig at nakakapagsalita pero sad to say wala kaming pang-amoy and of course wala din kaming kakayahang humawak ng mga bagay. Nabanggit ko na ang mga ito sa ‘yo noon di ba? I think that explains everything already,”

“Ganon? Pero naguguluhan pa rin ako. Remember the day that you scare me sa kwarto? Pano mo naman nalock yung pintuan kung totoo ngang wala kayong kakayahang humawak ng bagay?”

“Yah, I remember. Pero nagkakamali ka, ang totoo niyan hindi naman ako ang may kagagawan non. Lumabas ka ng kwarto that time di ba? Pagbalik mo, nilock mo yung pintuan. Nakakatawa talagang isipin, kasi parang niloko mo lang sarili mo that time,”

“As far as I remember, pumasok ako ng kwarto na may dalang mug ng kape pero di ko maalala na nilock ko yung pinto. Still a mystery, huh,” sabi ko sabay himas sa baba ko.

“Ayoko na, Jeth. Nakakabaliw kang kausap. Alam mo, sa lahat ng nakilala ko, ikaw lang yata ang may ganyang ugali. Yun bang mga simpleng bagay ginagawa mong komplikado,”

“So, meaning espesyal ako para sa ‘yo kasi ako lang ang nakilala mong may ganitong ugali?” sabi ko sabay ngiti.

“Ewan ko na talaga sa ‘yo. Walang akong sinabing ganon ha. Ikaw, ang weird mo. Kung ano-anong pumapasok diyan sa kokote mo,”

Tumingin ako sa labas. Ito na nga yung subdivision na tinutukoy ni Shan. Hindi nagtagal, huminto ang taxi sa tapat ng isang malaking bahay. Lumingon ako kay Shan at nakita ko siyang sumenyas sa akin.

Nauna na akong bumaba ng taxi. Nakita kong may sinabi pa siya sa driver bago siya bumaba.

“Anong sinabi mo?” tanong ko.

“Wala. Nagpasalamat lang ako kay manong kasi nilibre niya ako ng isang sakay,” sabi niya sabay ngisi.

“Natural. Di ka niya nakikita. May gana ka pa talagang magpasalamat huh, sa tingin mo narinig niya yun?”

“Malay natin,”

Tiningnan ko ang buong paligid. Nalilito ako dahil napapagitnaan kami ng dalawang malalaking bahay.

“Alin ba diyan ang bahay niyo? That red one or that maroon one,” sabi ko at sunod-sunod na tinuro ang dalawang bahay.

“Hulaan mo,” sabi niya sabay tawa.

“Both?” tanong ko.

“Hindi. Isa lang. Anong akala mo sa ‘min, negosyante ng real estate?”

“Naku, malay ko ba kung anong negosyo niyo. Sige na, sirit na,” sabi ko.

“Mahirap ba yung pinapahula ko o sadyang di ka lang talaga marunong manghula? Anyway, the one na may red roof. ‘Yan yung bahay namin, ngayon alam mo na,”

“Anong gagawin natin ngayon? Tatayo na nalang ba tayo dito at maghihintay na sumapit ang pasko?” pasarcastic kong tinanong.

“Ano pa nga ba e di magdoorbell ka,” nakapamewang niyang sinabi.

“Haaah? E kung gamitin mo nalang kaya yung ability mo na magpalusot-lusot sa mga walls?”

“Nagagamit ko lang ang ability na yun kapag nasa kwarto ako. Hindi ko talaga alam kung bakit. Siguro kasi don ako nakulong for almost one year,”

“Talaga lang ha. So, di talaga ikaw yung nasa banyo kanina?”

Nagulat siya sa sinabi ko, “Haaah!!? Anong pinagsasabi mo? Ang kapal mo din, ano? Anong akala mo sakin? Duh, di ko gawain yun no,”

“Hmmn, parang guilty ka yata. Aminin mo na kasi. Maiintindihan ko naman kung ba’t mo yun ginagawa,” sabi ko sabay ngisi.

“Ang daldal mo. Anong oras na ba?”

“Aba, malay ko ba. Wala naman akong relo at hindi nakaset ang orasan ng cellphone ko. Pero ikaw ha, nakakahalata na ako sa ‘yo kasi bigla kang lumiko sa usapan,” tukso ko.

“Shut up!”

“Ikaw yun no?” pangungulit ko.

“Pwede ba tigilan mo nang kababanggit sa isyung ‘yan! Ano bang pinuntahan natin dito. Kahit kailan wala ka talagang kwentang kasama,”

“Sige na nga, titigil na. So, di ba sabi mo kanina magdodoor bell ako? Ano namang sasabihin ko kapag may nagbukas?”

“Depende sa kung sino ang magbubukas,”

“Sige, give me a short briefing muna para naman di ako magmukhang tanga kapag nakaharap ko ang either isang member sa family mo,”

“Ganito lang ‘yan kasimple. Kapag maid ang nagbukas, obviously sasabihin mo na may sadya ka sa parents ko. Kapag si Ate naman ang nagbukas, magkunwari kang kaibigan mo ‘ko then umpisahan mo ang conversation by telling her na nagpaparamdam ako sa ‘yo matagal na. Kapag parents ko naman, ganon din sabihin mo pero may idadagdag lang ako. I’m pretty sure na si Papa ang magbubukas, at kung siya nga sabihin mong nagpaparamdam ako sa ‘yo at may binaggit ako na kailangang magbati ang lahat ng family member sa panig ng Mom and Dad ko upang matahimik ang kaluluwa ko. So, yun lang. Sige na, pindutin mo na ang doorbell,”

“Wait. Sample nga muna,” sabi ko.

Nag-iba bigla ang itsura niya. Di ko matantya kasi mukha siyang natatawa pero mukha namang nalulungkot.

Napabuntong-hininga siya, “Jeth, ordinaryong mamamayan lahat ng kasapi ng family ko kaya wala kang dapat ipag-alala. Just be yourself lang,”

“Pano kung magtanong pa sila?”

“Asus, anong silbi ng utak mo kung di mo gagamitin. Naku, kung buhay lang sana ako di lang talaga batok aabutin mo sa kin. Sige na please, ikaw nalang talaga ang pag-asa ko Jeth,”

“Oh heto na, pipindutin ko na,” sabi ko tapos manginig-nginig na nilapit ang daliri ko sa doorbell.

“Ano ka ba Jeth, relax. Wala kang dapat ipag-alala, nandito naman ako sa tabi mo,”

Nabaling ang atensyon ko sa kanya, “Anong sinabi mo?”

“OA na yan ha. Sige na, pindutin mo na,”

Hindi nagtagal, nakasampung pindot na ako pero wala pa ring nagbubukas ng gate.

“Sigurado ka bang ito yung bahay niyo? Para namang walang tao e,”

“Meron ‘yan. Pindutin mo pa,”

Hindi ko siya sinunod sa halip ay huminto ako sa pagpindot, “Ang kulit mo rin no? Di mo ba nakitang nakailang pindot na ako pero wala pa ring nagbubukas. Shan, tara na. Umuwi na tayo, wala tayong mapapala dito,”

Sumimangot siya, “Ayoko,”

“Tama na ang drama. Tara na,”

Maluha-luha ang kanyang mga mata nang muling tumingin sa akin, “Pero Jeth, gusto ko talaga silang makita,” sabi niya.

“Ano ka ba? Maghunus-dili ka nga. Tara na, huwag mong antayin na maubusan ako ng pasensya sa ‘yo,”

Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya, “Jeth, sinabi ko na sa ‘yo di ba? Na hindi sila basta bastang tao sa buhay ko. Pamilya ko sila. Kahit na may nagawa silang kasalanan sa akin, hindi nito mababago ang katotohanan. Kaya huwag kang magsalita diyan na parang wala kang pamilya. Ikaw na nga mismo ang nagsabing magkaiba tayo kaya malabong mangyari na may alitan kayo ng pamilya mo. Naiindintihan mo naman siguro ako di ba?” sabi niya sabay hagulgol.

“Hindi. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit may gana ka pa ring magpunta dito? Oo, may pamilya din ako. Pero Shan, wag kang lumiko sa usapan. Iba ang kaso mo. Tatanungin kita, maituturing mo pa rin bang pamilya mo sila sa kabila ng nagawa nila sa ‘yo, ha?”

“Tanggap ko pa rin Jeth kahit na masakit. Kaya nga nandito ako kasi gusto kong makita ang kalagayan nila. Oo, may nagawa nga silang mali sa akin. Pero sa tingin mo ba sa lahat ng panahon na nakasama ko sila ay pawang pasakit nalang binigay nila sa kin. Hindi, nagkakamali ka kung yun ang akala mo. Minsan na rin akong naging masaya sa piling nila kahit na sa huli naging malupit ang turing nila sa akin,”

Hindi ko maunawaan kung anong gusto niyang ipabatid sa akin. Naguguluhan talaga ako sa mga sandaling ito.

“Isang malaking kalokohan. Akala ko ba galit ka sa kanila?” ginulo ko ang buhok ko. “Ano ba talaga? Hindi kita maintindihan,”

“Hinding-hindi mo talaga ako maiintindihan, Jeth. Kasi wala ka pang alam sa mga pinagdaanan ko.” huminga siya ng malalim, “Aaminin ko na Jeth, maliit lang ito na parte ng tunay na dahilan ng pagpapakamatay ko. Kaya ganon nalang ako kung magpatawad sa kanila ngayon. Taliwas nga ito sa mga sinabi ko sa ‘yo nung una kasi noong mga panahon iyon, di pa ako lubusang nagtitiwala sa ‘yo. Pero sa mga sandaling ito, I swear nagsasabi na talaga ako ng totoo. Nagkataon lang talaga na itong problema ko na may kinalaman sa family ko ay sumabay dito sa isa ko pang problema na siyang main reason talaga. Basta ganon, I don’t want to elaborate kasi I don’t know kung tama bang ishare ko ito sa ‘yo.”

Naupo ako sa malapit na shade, “Tell me about your family,”

“Okey. The one that I called Ate was just my step sibling. My biological mother was killed by unknown reason. Then pagkatapos non, biglang sumulpot itong step-mother and step sis ko. Hindi naman naging masama ang naging turing ng step mother ko sa akin not to mention my step-sis. Aminado akong napamahal na rin ako sa kanya, pero lately lang, nagkaroon ng conflict in between my Dad and my step mother so nagseparate sila. Nanatili si Ate sa panig ni Dad at doon nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Kaya I decided na mangupahan ng apartment to get rid of Ate. Nagstay ako sa apartment for almost one month. Then, nabalitaan ko nalang na namatay ang step mom ko. And then they started pointing fingers at me. They really question me kung bakit hindi ako dumalo sa funeral. Ang mas masakit pa sinabihan ako ni Ate na wala daw akong utang na loob sa mom niya. Good timing rin na dumating yung isa pang problema sa buhay ko. At that time, I felt my heart broke into pieces kaya I decided to end my life there. See, kung lubos mo talagang iisipin parang di naman talaga kasalanan nila ang nangyari. Kung meron man, oo dahil kay Ate,” sabi niya at nakita kong may luhang lumusot sa kaliwa niyang mata.

“Ngayon naiintindihan ko na. Don’t worry Shan, I’m in your side,” sabi ko sabay ngiti.

“Thanks, Jeth. Gumaan bigla ang pakiramdam ko pagkatapos kong masabi sa ‘yo ang lahat,”

“Seriously, may feelings din kayong mga multo?”

“I don’t think so kung lahat ba may feelings. Basta ang alam ko, meron ako nito. Maybe itong pagkakaroon ko ng feelings is just a punishment para marealize ko ang pagkakamali ko,”

“Hanggang kailan ka ba mananatili dito sa mundo?”

“Hindi ko alam, Jeth. But the one above told me na dapat maging handa ako palagi,”

“You should have asked Him about that,”

“I did pero ganon pa rin sinagot niya,”

”Kinulit mo dapat,”

“Oo, pero wala, ganon pa rin sinasagot niya e,”

“Hindi mo sana tinigilan. Yung tipong saka mo ka lang titigil sa pagtatanong kapag binigyan ka niya ng specific answer,”

“Ba’t ba ang kulit mo? Tsaka, panay ang sermon mo sa akin. Ako itong multo pero parang ikaw naman yata ang binabagabag diyan. I think something is wrong with you,”

“Hindi kasi e. Isipin mo, hindi ba unfair yung ginagawa nila? Hindi silanagsasabi kung kailan ka nila kukunin. Parang hindi talaga magandang pakinggan. What do you think?”

Tinaasan niya ako ng kilay, “Ang weird mo talaga. Sobrang weird. Ngayon ka lang nagkaganito. I think something is wrong with you talaga. Tell me, my sakit ka ba?”

“Wala akong sakit. Ganito lang talaga ako kapag lumalim na ang conversation. By the way, wala ka ba talagang balak ishare yung isa mo pang reason kung ba’t ka nagsuicide. I think, hindi na yun big deal sa case mo ngayon,”

“Ayoko. Please forget about that thing. I don’t want to kill myself again,”

“Malamang mabigat na problema ‘yan,”

“Sinabi mo pa,”

Tumayo na ako, “Tara na nga. Bumalik nalang tayo dito tomorrow,”

Sumimangot ulit siya, “Okey,”

Tamang-tamang pagtayo ko, biglang nagbukas ang gate ng kabilang bahay. Yung bahay na nasa tapat ng bahay nina Shan. Lumabas mula dito ang isang lalaki. Kasing tangkad ko siya at sa palagay ko, kasing edad ko lang din siya.

Lumingon ako kay Shan. Hindi maipinta ang mukha niya sa mga sandaling ito. Nakatakip ang kamay niya sa bibig niya habang ang tingin niya’y nakapako sa mukha ng lalaki. Naguguluhan ako kung anong nangyari kay Shan. Hindi naman ako pwedeng magtanong, baka mapansin ng lalaki.

Nilipat ko ang tingin ko sa lalaki. Huminto siya sa paglalakad nang mapansin ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay titig sa akin.

“Who are you?”

--- END OF CHAPTER 6 ---

0 comments:

Post a Comment