Subscribe:

Pages

sunset

Tuesday, June 25, 2013

Suicide Letter Chapter 2

Chapter 2: Ang Nagmumultong Account

Hindi ko na nakuha ang tulog ko. Nakadilat ang mga mata ko habang nakatitig sa kisame. Sinubukan kong magpagulong-gulong sa kama ngunit wala pa ring nangyari. Hindi na ako nakatiis at agad na bumangon saka naupo sa may dulo ng kama. Tuliro ako sa mga sandaling ito. Hindi ako mapakali dahil kanina pa gumugulo sa isip ko ang nanyari kanina.

Aminado akong nasaktan ko siya pero biruin mo may feelings din pala ang mga multo? Bagay na di niya nasabi sa akin. Medyo awkward man pakinggan pero mukhang kailangan ko talagang magsorry sa kanya. Kahit na sa tingin ko parang mababaw lang ‘yung dahilan.

Nilakbay ng mga mata ko ang buong kwarto pero bigo akong mahanap siya. Napabuntong-hininga nalang ako, “Uy, Si-si-shan?” pautal-utal kong sinabi.

Napakamot ako ng ulo kasi feeling ko sobrang awkward talaga nitong ginagawa ko.

Huminga ako ng malalim, “Ayokong mag-aksaya ng oras kaya please makinig ka sana. Sorry kung naging harsh ako kanina. Ang sa akin lang naman eh maappreciate mo sana kung gano kaganda at kasaya ang mabuhay sa mundo. Gusto ko lang ipabatid sa ‘yo na ang buhay hindi lang ‘yan tungkol sa problema. May mga pagkakataon lang talaga na dumadagsa ang mga suliranin sa buhay mo. Pero hindi ibig sabihin na kapag walang solusyon, hindi ka na makakamove forward. Ika nga nila, dito nasusukat ang katatagan ng isang tao. Just an explanation, my main concern is to apologize kaya kung nasaktan man kita sorry na,”

Hindi pa rin siya nagpapakita. Napakamot ako sa ulo ko dahil parang binabalik ko lang ‘yung topic namin kanina na siyang reason ng pagtatampo niya.

Wala talaga akong maisip na pwedeng sabihin sa kanya kasi di naman ako sanay magsorry.

“Ahm, okey. Ano. Ahm, Ganito kasi ‘yan. ‘Yung mga sinabi ko kanina, ‘wag mo nang isipin ‘yun. Kung naoffend man kita, sorry na,”

Ayaw pa rin niyang magpakita. Para tuloy akong engot na nagsasalita mag-isa.

“O siya. Ipapahiram ko na sa ‘yo laptop ko as a peace offering. Okey lang sa ‘kin na di mo tanggapin ‘yung sorry ko. At least I tried,” sabi ko.

Napaigtad ako dahil sa gulat nang bigla nalang siyang sumulpot sa tabi ko. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin at tila pumalakpak ang tenga niya sa sinabi ko.

Nagpacute siya sabay bungisngis,“Talaga?” sabi niya.

Napahawak ako sa dibdib ko, “Syet. Ginulat mo ako. O siya, kunin mo bag ko dali!” sabi ko at bigla siyang sumimangot. “Ay, sorry. Oh nga pala, you lack the ability to hold things. O sige, kukunin ko nalang para sa ‘yo,” sabi ko at nakita kong gumuhit ang napakalaking ngiti sa kanyang labi.

Kinuha ko ang laptop ko at agad na bumalik sa kama, “Sorry talaga kanina,”

Tumabi siya sa akin, “Paulit-ulit? Haha, but seriously, it’s okey. Naalala ko lang ‘yung mga naririnig at nababasa ko dati na the truth hurts. Dahil sa mga naging sermon mo, napagtanto kong nagsasabi nga sila ng totoo kasi apektado talaga ako. But anyway don’t get me wrong, tinaggap ko na ‘yung peace offering mo di ba? So, it means na okey na ang lahat!” sabi niya sabay kindat sa akin.

“Kahit ano pa ‘yan, kailangan ko pa rin talagang apologize. Talking about the fact na nasaktan ka sa mga sinabi ko,”

Tumingin siya sa mga mata ko, “Apology accepted. Period! Kaya mabuti pa, you should open na the web bago pa magbago ang isip ko!”

Gaya ng inutos niya, binuksan ko nga ang web browser at binrowse ang facebook. Binigay niya sa akin ang e-mail address niya ngunit nung password na niya ‘yung hiningi ko, nagbago bigla ang itsura niya at parang nagdadalawang isip siya kung ibibigay ba niya ito o hindi.

“Sinong magtitype?” tanong niya.

“Syempre ako pa rin. May problema ba? Alangan namang ikaw. O baka gusto mo talagang ikaw nalang? Okey lang sa ‘kin,” sabi ko sabay ngisi sa kanya.

Nagdabog siya bigla, “Ayoko ko na! Ang daya! Malalaman mo password ko!”

“Oh anong problema don? Iniisip mo siguro na baka may masama akong gagawin sa account mo ano? Asus, ‘di naman ako ganon. May sarili akong account kaya aanhin ko naman ‘yung sa‘yo? In other words, hindi ako magnanakaw ng account, okey?”

“Hindi ganon. Basta, nakakahiya kasi kapag sinabi ko,”

Napakamot ako ng ulo, “Ano ba talaga? Ang gulo-gulo mo!” sabi ko sabay sarado ng laptop.

Nanlamig bigla ang kamay ko at nagulat ako nang makitang nakahawak siya dito.

“Oy ‘wag. Nagbibiro lang. Okey ganito nalang, you type pero dapat pumikit ka. Then I will tell you kung pang-ilan na character sa keyboard yung password ko,”

“Ayoko. Ginagawa mo akong tanga e! Magdecide ka, its either now or never!?” sabi ko na nakakunot ang noo.

“O sige na nga. Pero ‘wag mo ako tatawanan ha?”

“Oo, promise. Sige na, say it!”

Natahimik kami sandali. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Inaabangan ko ang pagbuka ng kanyang mga labi para masabi sa akin ang kanyang password. Curious ako kung ano ito kasi sa palagay ko may something fishy talaga sa password niya.

“A-a-alabyu,” pautal-utal niyang sinabi sabay ngisi.

Napataas ang kilay ko don, “Haaah??”

Tumawa siya at papaluin na sana niya ako sa braso pero bigla siyang tumigil, “Naku, kunwari ka pa. Sige na, type mo na,”

“Teka, para kanino naman ‘yun?” tanong ko.

“Sira, password ko ‘yun,”

“Alam ko. Pero bakit ganon?”

“Trip ko. Paki mo?” sabi niya sabay tawa ng nakakaloko.

Sinasabi ko na nga ba, hindi nga nagkamali ang hinala ko. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung matatawa ba ako o kikilabutan sa password niya. Ang alam ko parang masarap pakinggan sa tenga yung sinabi niya.

Nabuksan na namin ang account niya. Halata sa mga kilos niya na atat na atat na talaga siyang makita ang post ng mga friends niya sa kanyang timeline.

“Panay naman rest in peace mga post nila e. Magkakaiba nga yung words na ginamit pero ganon pa rin naman ang kahulugan,” sabi ko sabay hikab.

Tinuro niya ang screen, “Hindi naman lahat. Ayun! Scroll down mo dali!”

Nagscroll down ako at nakita namin ang isang user na nagpaskil ng isang mahabang mensahe. Patunay na may concern din pala sa kanya kahit papano.

“Sino ‘yan? Ang gara naman niya, ginawa talagang freedom wall ‘yung timeline mo. But not bad, at least may isang taong nagpakita ng concern sa ‘yo,” tiningnan ko ang pangalan ng user at may napansin ako dito. “Oh wait, kaano-ano mo? Is she linked to you? Napansin ko same kayo ng apilyido,”

“Yup, she’s my older sister,” sabi niya.

Nacurious ako kaya binasa ko ‘yung pinost ng kapatid niya, “Sis, I’m very sorry talaga sa nangyari. How I wish na mabasa mo ito kasi sa palagay ko isa ako sa mga naging factor kung ba’t mo nagawa ang bagay na ‘yan. Sis, to tell you the truth, deep inside I was badly hurt. In behalf of our parents, I’m sorry kung late ka na naming naunawaan. I think it’s the biggest mistake I've ever
made in my life. If you only knew that I almost cried my heart out because of guilt and depression. Sorry talaga, hindi ako naging magandang halimbawa sa ‘yo. You did not
deserve to be on the receiving
end of my actions. Kung pwede lang sana baguhin ang nakaaraan, then I will not hesitate to sacrifice myself. Anyway sis, I love you. Rest in peace,”

“Uy, nagsorry na siya sa ‘yo oh. Di ka pa ba masaya?” tanong ko ngunit taliwas sa inakala ko ang nakita kong reaksyon niya.

Nilagay niya ang mga palad niya sa mukha niya at humagulgol.

Napabuntong-hininga ako at sinarado ang laptop, “Tama na nga. Parang di ka naman masaya sa mga nakikita mo e,”

Pinanood ko lang siyang umiyak kasi wala akong maisip na paraan para macomfort siya.

Narinig ko siyang nagsalita habang umiiyak. “Tama ka nga sa sinabi mo kanina. Useless nga ang pagpapakamatay ko,”

Nagulat ako sa sinabi niya, “‘Wag mo nang isipin ‘yun. Look, you made it. Nagsisi na siya and that’s what you aim for di ba? Ano pang iniiyak-iyak mo? Dapat nga e masaya ka at nagcecelebrate,”

Nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak, “No, mali ka. That’s not the reason. You know what, after I read the post, nagkaroon bigla ng kirot sa damdamin ko. I mean, nasaktan ako. Alam mo kung bakit? Kasi saka lang niya narealize ang kamalian niya after I commit suicide. Saka lang siya nagsisi gayong wala na ako. Ang sama niya sobra. Kung totoo ngang di niya ginusto itong nangyari, e di sana noon pa siya nag-apology sa akin. Nagsisisi talaga ako, tama ka wala nga akong napala. Nagsuicide ako to free myself from problems pero heto umiiyak pa rin ako,”

“Kung ganon. E di sana hinintay mo nalang ‘yung apology niya nung nabubuhay ka pa. Ganyan naman talaga ang tao e, matagal pa bago maabsorb at maprocess sa utak niya ang kamalian sa ginawa niya. Kaya ikaw na nasaktan, dapat mataas ang pasensya mo pero siyempre dapat gumawa ka rin ng paraan to make her realize the error of her ways. Pero tapos na e, wala na tayong magagawa,”

Lalo lang siyang humagulgol. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa tingin ko di naman gumaan loob niya sa mga sinabi ko. Hindi lang talaga ako sanay na may umiiyak sa harapan ko.

“Uy, ano ka ba? Kahit umiyak ka pa ng balde baldeng luha diyan, hindi na mababago ang nangyari,” sabi ko at muling binuksan ang laptop.

Pinunasan niya ang mga luha niya pagkatapos ay napatingin sa ginagawa ko.

“Anong ginagawa mo?” tanong niya.

Nginitian ko siya, “Wala. Ililike ko lang ‘yung post niya. Natouch kasi ako e,”

Bahagya siyang tumawa, “Hala, sira ka talaga!” sabi niya at papaluin na sana niya ako sa braso pero napatigil siya.

“Do you want to leave a comment?” sabi ko at parang natuwa siya sa suhestyon ko.

Nawala bigla sa mga mata niya ang kalungkutan. Masaya ako dahil feeling ko nagtagumpay ako.

Umusog siya palapit sa akin, “Sige, sige. Ahm, may maganda akong suggestion,” sabi niya sabay rub ng mga palad niya.

“Hmmn, something fishy. I swear di na naman ‘yan maganda,” sabi ko sabay cross ng mga braso.

“Trust me okey,”

Napabuntong-hininga ako, “Okey, ano ‘yun?”

“Sabihin mo I don’t care Ate!” sabi niya sabay tawa.

“Tsk. Sinasabi ko na nga ba,” sabi ko sabay kamot ng ulo.

Sinimangutan niya ako kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya.

“Alam mo, parang sobra naman yata ‘tong comment mo na ‘to. Hindi lang natin masasaktan ‘yung feelings niya, it will also bring nightmares to her life. Biruin mo, isang patay nagawa pang magcomment sa facebook and worst nireject pa ‘yung apology ng tao. How sad naman,”

“Pwede namang kunwari nahack ‘yung account ko, oh di ba?”

“Naku, malabong maisip niya ‘yun. Ikaw ‘yung tipong hindi nagshishare ng password di ba? So, how come na mahack ‘yung account mo. Another thing is masyadong mahirap hulaan ‘yung password mo,” sabi ko sabay ngisi.

Gumuhit muli ang lungkot sa mukha niya, “Ah ganon? Ayaw mo. Okey, I change my mind, you’re not sorry!! At dahil diyan, I will haunt you talaga in your dreams, tandaan mo ‘yan!” sigaw niya.

“Oy wait. Eto naman o, di mabiro,” tinype ko kaagad ‘yung gusto niya, “O ayan, napost ko na. Happy?”

Halos umabot sa tenga niya ang ngiti niya nang makitang napost na as a comment yung pinautos niya sa aking itype.

“Hahaha. Ang nagmumultong account sa fb, haha,” sabi niya sabay tawa ng nakakaloko.

Halos magdamag din naming pinagloloko mga online friends niya. Kahit ganon, masaya pa rin ako kasi di ko akalaing maiingganyo siya sa kalokohang pinasimunuan ko.

Hindi niya rin pinalagpas ang mga friends niyang online sa chat. Tuwang-tuwa siya tuwing may natatakot sa mga pinopost ko. Minsan may pagkakataon na medyo sobra at hindi na maganda ‘yung pinapapost niya sa akin. Pero dahil sa ayokong magtampo ulit siya, sinasakyan ko nalang ang mga ito alang-alang sa ikakapanatag ng loob niya. Hindi ko alam kung nahahawa na ako sa kanya pero sa totoo lang, gumagaan talaga ang loob ko sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti at tumatawa.

0 comments:

Post a Comment